Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

PANGKAT-2 8-Piety

CHRIS TITUS G. PEPICO


TREXIE MAE LARANJO
MARJORIE DIONELA
VANNAH JOYCE RUSCO
GAMALIEL B. CRUZ
FRANCE ANGELO ESCARILLA GALVEZ

SALAWIKAIN
Filipino-8 Piety
Pangkat-2
Huwag gawin sa iba ang
ayaw mong gawin sa iyo.
Kahulogan: Kung hindi tayo magdudulot ng mga
bagay na ayaw nating gawin sa atin ng ibang
tao,pawang mga kabutihan lang mangyayari.

Kung ano ang puno, siya


ang bunga.
Kahulogan: Kung ano ang pinanggalingan ay
siya rin ang bunga. Kadalasan, ito ay tumutukoy
sapagkakaparehas ng anak sa kanyang mga
magulang.
Pahina-1
Kung walang tiyaga,
walang nilaga.
Kahulogan: Walang pag-unlad kung hindi ka
marunong mag tiyaga o magtrabaho ng maigi.

Pagkahaba-haba mang ng
prosisyon sa simbahan din
ang tuloy.
Kahulogan: Sa kabila ng maraming taon at
pagsubok na dumating, mauuwi pa rin sa kasalan
ang relasyon.

Pahina-2
Nasa Diyos ang awa, nasa
tao ang gawa.
Kahulogan: Walang pag-unlad kung hindi ka
marunong mag tiyaga o magtrabaho ng maigi.

Ang kaginhawaan sa kasiyahan


matatagpuan at ‘di sa kasaganaan.
Kahulogan: Kahit gaano ka masagana ang buhay
ay hindi ka makakaramdam ng
kaginhawaankapag hindi ka masaya.

Pahina-3
Ang buhay ay parang gulong,
Minsan nasa ibabaw minsan nasa ibaba
Kahulogan: Pabago-bago ang takbo ng buhay.
Minsan masaya ang mga pangyayari at
madali,minsan naman ay mahirap.

Kung ano ang itatanim ay


siya ring aanihin.
Kahulogan: Kung ano ang ginagawa mo sa iba,
mabuti man o masama, ay babalik rin sa iyo.
Sabuhay, kung nagsusumikap ka, tiyak na may
aanihin ka.
Pahina-4
May tainga ang lupa,
may pakpak ang balita.
Kahulogan: Mabilis mapasa-pasa ang balita
mabuti man ito o masama kapag nakarating na
sataenga ng tao at lumalabas na sa mga bibig.

Magbiro ka sa lasing, huwag


lang sa bagong gising.
Kahulogan: Minsan, masungit ang tao kapag
bagong gising lalong-lalo na kung kulang ang
tulog ona-istorbo ang tulog niya. Ito ang dahilan
kung bakit dapat nating iwasan ang pagbibirosa
mga bagong gising.
Pahina-5
Bawat isa sa atin ay arkitekto
ng ating kapalaran.
Kahulogan: Tayo ang gumagawa ng desisyon na
makaka-apekto na ating buhay. May
kakayahantayong magsumikap upang marating
natin ang ating nais marating kasama
ngpanalangin.

Pulutin ang mabuti,


iwaksi ang masama.
Kahulogan: Ang mga mabubuting aral o gawain
ay isabuhay o ipagpatuloy samantalang ang
mgamasama at hindi kaaya-aya ay huwag gawin.

Pahina-6
Ang ginagawa sa pagkabata,
kadalasan ay nadadala sa pagtanda.
Kahulogan: Ang mga ginagawa ng bata, mabuti
man o masama, kadalasan ay nadadala nila sa
kanilang pagtanda kung kaya’t bata pa lamang,
dapat ay iwasto na ang dapat iwasto.

Ang katotohanan kahit na ibaon,


mabubulgar rin pagdating ng panahon.
Kahulogan: Ano mang gawing tago sa
katotohanan, lilitaw at lilitaw pa rin ito.

Pahina-7
Ang umaayaw ay hindi nananalo,
ang nananalo ay hindi umaayaw.
Hindi nananalo ang mga umaayaw.
Kahulogan: Kung gusto mong manalo o
magtagumpay, dapatpatuloy lang sa buhay
hanggang sa makamit ang inaasam.
Ang tumatakbo ng matulin
'pag masusugat ay malalim.
Kahulugan: Matutong pagisipan at intindihin
ang kalalabasan ng iyong desisyon.

Pahina-8
Kung anong bukang bibig
ay siyang nilalaman ng dibdib.
Kahulogan: Kung ano yung sinabi yun talaga
yung nasa loob mo , nasa isip mo at nasa puso
mo

Ang taong walang kibo


nasa loob ang kulo.
Kahulogan: Kapag ang tao ay di ka pinapansin
ay galit siya sayo pero di niya magawang
magalit kaya di niya pinapakita

Pahina-9
Kapag binato ka ng bato,
batuhin mo ng tinapay.
Kahulugan: Huwag mong sabayan ang galit ng
iyong mga kaaway

Daig ng taong maagap


ang taong masipag.
Kahulugan: Ang mga taong gumagawa ng aksyon
ang palaging nagtatagumpay.

Pahina-10

You might also like