Filipino 5 WHLP Q2 Weeks 1 4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Region IV-A CALABARZON

Division of Rizal
Cainta Sub-Office
EXODUS ELEMENTARY SCHOOL

Weekly Home Learning Plan in

FILIPINO 5
Quarter 2 Week 1

Pangalan: ____________________________________________________Baitang at Seksiyon: ________________________

Guro: _______________________________________Araw: Lunes, Oras 9:30-10:30 (Online)10:45 AM -4:40PM(MDL)

WEEK 1-DAY 1 (DECEMBER 13, 2021)

Aralin 1: Gamit ng Pandiwa

PAALALA: Bago sagutin ang mga gawain sa ibaba,kailangang basahin muna ang Pandiwa na nasa pahina 6-9 sa
Modyul.

Gawain 1:
Bilugan ang angkop na pandiwa na nasa loob ng panaklong para mabuo ang pangungusap.
1. Isa-isang (dumarating, dumating, darating) ang mga panauhin ni Kate.
2. (Naghanda, Naghahanda,Pinaghandaan) si Lara ng masagana at masarap na pagkain para sa mga bisita.
3-4. Kahit na malakas ang ulan,(lumabas, lalabas, lumalabas) pa rin si Lara para (bumili, nagbili, magbili) pa ng
prutas.
5-6. Kinulang pa ng upuan para sa mga bisita kaya (humakot,naghakot, hinakot) pa rin si Arnold para
(dala,dinadala,dalhin) sa multi-purpose hall.
7-8. (Hinanap,Naghanap, Maghanap) ng ilang bisita ang taong (kausap, kakausapin,kinausap) nila sa kanilang
pakay.
9-10. (Nagkaroon, Magkakaroon, Magkaroon) ng linaw ang pakay ng mga bisita kapag
(nagpulong,makapagpulong, nagpupulong) na sila.

Gawain 2:
Panuto: Basahin at unawain ang kuwentong “Ang Munting Gamugamo” ,pahina 7 ng Modyul. Pagkatapos ay punan
ang bawat kolum upang mailarawan ang dalawang gamugamo. Gamitin ang mga mungkahing unang salita bilang
simula.

Munting Gamugamo Malaking Gamugamo

Siya ay…(pisikal na katangian)

Siya ay…(pag-uugali)

Ayon sa kanya, ang liwanag ay…

Weekly Home Learning Plan in

FILIPINO 5
1|Page
Quarter 2 Week 1

Pangalan: ____________________________________________Baitang at Seksiyon: _______________

Guro: ____________________________________________Araw: Miyerkules Oras: 9:30-10:30(Online)
10:45 AM -4:40PM(MDL)

WEEK 1-DAY 2 (DECEMBER 15, 2021)

Aralin 2: Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari/ Pagsagot sa mga Literal na Tanong

PAALALA: Bago sagutin ang mga gawain sa ibaba,kailangang basahin muna ang kahulugan at halimbawa ng Sanhi
at Bunga at ang tekstong pinamagatang “ Tia Patron, Bayani ng Jaro” sa pahina 10-12 sa inyong Modyul.

Gawain 1:
Panuto: Pagtambalin ang mga sanhi sa Hanay A sa mga bunga na nasa Hanay B. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa kahon.

Gawain 2:
Sagutin ang mga tanong tungkol sa tekstong “ Tia Patron, Bayani ng Jaro”. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Alin sa sumusunod ang naging impluwensiya kay Tia Patron sa pagsali sa rebolusyon?
A. Mga natutuhan mula sa mga guro sa paaralan.
B. Mabuting pagpapalaki ng kaniyang mga magulang.
C. Pagbabasa ng mga akda nina Rizal at Lopez Jaena.

2|Page
D. Ang nakikitang kalupitan ng mga sundalong Español sa kapuwa niya Pilipino.

2. Bakit hindi napansin ng mga sundalo ang bandila at espadang dala ni Tia Patron.
A. Naakit sila sa kagandahan ni Tia Patron.
B. Mas mahusay si Tia Patron sa paggamit ng mga armas.
C. Mahusay magtago si Tia Patron ng mga bagay na makasisira sa kilusan.
D. Napako ang kanilang atensiyon sa pag-aaway ng nagkukunwaring mag-asawa.

3. Bukod sa pagiging maparaan, ano pang katangian ang ipinamalas ni Tia Patron sa kuwento? A. katapangan
B. pangangalaga sa kalikasan
C. malalim na pananampalataya
D. pantay na pagkilala sa katangian ng babae at lalaki

4. Bakit hindi napansin ng mga Espanyol ang pag-eespiya, panggagamot sa mga rebolusyonaryo at paglilikom ng
pondo ni Tia Patron?
A. sapagkat magandang babae si Tia Patron.
B. Nagmula sa mataaas na antas ng lipunan si Tia Patron
C. dahil nakapag-aral si Tia Patron
D. karaniwang babae lamang si Tia Patron

5. Ano ang panuntunan ni Tia Patron tungkol sa kaniyang paglilingkod?

A. Naglilingkod nang tapat sa bayan.
B. Itaas ang kahalagahan ng kababaihan sa panahon ng kagipitan.
C. Naglilingkod dahil sa pag-ibig sa bayan at hindi humihingi ng kapalit sa ginawang paglilingkod.
D. Naglilingkod dahil kailangan lamang na maglingkod.

Weekly Home Learning Plan in

FILIPINO 5
Quarter 2 Week 2

Pangalan: _________________________________________________Baitang at Seksiyon: _____________________________

Guro: _______________________________________Araw: Lunes Oras: 9:30-10:30 (Online)10:45 AM - 4:40PM(MDL)

WEEK 2 -DAY 1 (January 3, 2022)

Aralin 3: Gamit ng Pandiwa Ayon sa Panahunan/ Paggamit ng Pang-uri sa Paglalarawan

PAALALA: Bago sagutin ang mga gawain sa ibaba,kailangang basahin muna ang
gamit ng pandiwa ayon sa panahunan sa pahina 15 sa Modyul.
3|Page
Tandaan: Ang pang-uri ay salitang naglalarawan sa pangngalan o panghalip. Maaari nitong ilarawan ang isang tao,
bagay, lugar, o pangyayari.
Tatlong Uri ng Pang-Uri
1. Pang-uring panlarawan-Ito ang mga pang-uring naglalarawan sa kulay, hugis, laki, ugali, at iba pang
katangian ng pangngalan o panghalip.
Halimbawa: Tahimik na lugar ang Sagada.
2. Pang-uring pantangi- Ito ang mga pang-uring nasa anyo ng pangngalang pantangi at naglalarawan ng
pangngalan. Nagsisimula ito sa malaking letra.
Halimbawa: Mahusay siyang magsalita sa wikang Filipino.
3. Pang-uring pamilang-Ito ang mga pang-uring naglalarawan sa bilang o dami ng pangngalan o panghalip.
Halimbawa: Mayroon akong dalawang kuya at isang ate.

Gawain 1:
Isulat kung naganap, kagaganap, nagaganap o magaganap ang mga salitang may salungguhit.
_____________ 1. Kaliligo lamang ni Ate Adela nang mag-brownout.
_____________ 2. Hinabol ni Katrina ang Aleng nagtitinda ng mangga dahil bibili siya.
_____________ 3. Pinagtawanan ni Marvin ang pamangkin dahil tabingi ang pagkakasuot nito ng sunglasses.
____________ 4. Magluluto si Aling Inday ng paborito nitong paksiw na bangus.
_____________ 5. Kumakatok si Aling Edith at nanghihiram ng plantsa.

Gawain 2:
Banghayin ang bawat pandiwa ayon sa panahunang naganap, panahunang nagaganap at panahunang magaganap pa
lamang.
Pawatas Naganap Nagaganap Magaganap
1. tago
2. kain
3. tago
4. basa
5. talon

Gawain 2:
Punan ang patlang upang mabuo ang pangungusap. Bilugan ang letra ng angkop na pang-uri .
1. Nagtutulong-tulong ang ________pamilya sa pagtitipid sa kanilang tahanan.
A. isang B. buong C. matulunging D. bawat
2. Pinapatay nila ang ilaw kapag________ naman ang silid o kung walang tao rito.
A. maputi B. maliwanag C. madilim D. maayos
3. Dati ________ ang mga paruparong lumilipad dito sa aming hardin.
A. makulay B. marami c.sikat D. isa
4. Sulit na sulit ang sapatos na gawang __________ dahil abot-kaya na, matibay pa.
A.Marikina B.mamahalin c. pambata D.leather
5. Upang walang masayang, nagluluto lamang sila ng [agkaing _________para sa kanila.
A. sapat B.busog c. mabigat D. masustansiya

Weekly Home Learning Plan in

FILIPINO 5
Quarter 2 Week 2

Pangalan: _______________________________________________Baitang at Seksiyon: _____________________________

Guro: ____________________________________________________Araw: Miyerkules ,Oras: 9:30-10:30(Online)
10:45 AM -4:40PM(MDL)

4|Page
WEEK 2-DAY 2 (JANUARY 5, 2022)

Aralin 4: Pagbibigay ng Paksa/Layunin sa Pinanood o Nabasang Dokumentaryo

PAALALA: Bago sagutin ang mga gawain sa ibaba,kailangang basahin muna ang tungkol sa dokumentaryo sa pahina
18.
Gawain 1: Basahin at unawaing mabuti ang maikling dokumentaryong pinamagatang “Isang Araw Lamang Sagana”
na nasa pahina 18 sa Modyul. Pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na katanungan.

1. Tungkol saan ang nabasang dokumentaryo?____________________________________________

2. Ano ang nararamdaman mo pagkatapos mabasa ang dokumentaryo?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
3. Kung ikaw si Mang Kardo masaya ka rin ba kahit isang araw ka lamang sagana? Bakit?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
Gawain 2: Basahin at unawain ang talata. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong.
Nakakita ka na ba ng walis tingting? Kapag nag-iisa lamang ang tingting, marupok ito at madaling maputol.
Subalit kapag pinagsama-sama ang mga tingting, nagiging matibay ito at nagagamit ito ng maayos. Ang mga
miyembro ng pamilya ay parang tingting—mas matibay kapag magkakasama. Kapag nagkakaisa at nagtutulungan ang
buong pamilya, nagtatagumpay sila sa mga problemang kanilang hinaharap.
1. Ano ang paksa ng nabasang talata? ___________________________________________________
2. Saan maihahambing ang miyembro ng pamilya? Bakit?
_______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
3. Ano ang kailangan upang magtagumpay ang isang pamilya?
_______________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Weekly Home Learning Plan in FILIPINO 5

Quarter 2 Week 3

Pangalan: _______________________________________________Baitang at Seksiyon: _____________________________

Guro: _______________________________________________Araw: Lunes Oras: 9:30-10:30 (Online)
10:45 AM -4:40PM(MDL)
WEEK 3-DAY 1 (JANUARY 10, 2022)
Aralin 5: Mahalagang Pangyayari sa Nabasang Talaarawan/ Talambuhay
Pagsulat ng may Wastong Baybay, Bantas sa Idiniktang Talata

PAALALA: Bago sagutin ang mga gawain sa ibaba,kailangang basahin muna ang
kung ano ang ibig sabihin talaarawan at talambuhay sa pahina 22 sa Modyul.

Gawain 1: Basahin at unawain ang talambuhay. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong.

Ang Talambuhay ni Efren G. Peñaflorida, Jr.

Si Efren Geronimo Peñaflorida,Jr. ay nakilala ng mga Pilipino noong siya ay nagwagi bilang Bayani ng Taon
ng CNN noong 2009. Ito ay para sa kanyang Kariton Klasrum sa tulong ng samahang Dynamic Teen Company.
Isinilang si Peñaflorida noong Marso 5, 1981. Ang tatay niyang si Efren, Sr. ay isang drayber ng traysikel
samantalang ang nanay niyang si Lucila ay isang simpleng maybahay. Sa kabila ng katotohanang lumaki siya sa isang
lugar na malapit sa tambakan ng mga basura at maruming tubig, nakapagtapos pa rin bilang iskolar sa elementarya at
sekondarya si Efren. Dalawang kurso ang natapos niya sa kolehiyo na may mataas na karangalan: ang Digri sa

5|Page
Computer Technology sa San Sebastian College-Recoletos at Batsilyer sa Mataas na Edukasyon sa Cavite State
University.
Binuo ni Efren ang Dynamic Teen Company noong kaniyang kabataan. Ito ay isang grupong pangkabataang
may layuning hikayatin ang mga mag-aaral na makatulong sa lipunan at paunlarin ang sarili, kaysa sa maging batang-
kalye. Ang gawaing ito ng kaniyang samahan ang naging dahilan kung bakit siya naging nominado sa patimpalak na
Bayani ng Taon ng CNN. Mula sa napakaraming nominado mula sa mahigit isandaang bansa, napili siya bilang isa sa
dalawampu’t walong mga bayani noong 2009. Mula rito ay natira si Peñaflorida bilang isa sa sampung nominado
hanggang siya nga ang hinirang bilang Bayani ng Taon ng CNN noong Nobyembre 22, 2009.
Ang parangal na ito ang nagbigay sa kanya ng malaking halaga na ginagamit naman niya sa kanyang
kawanggawa – ang magbigay ng edukasyon sa kariton.

Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Ilarawan ang kabataan ni Efren Peñaflorida, Jr. Ano kaya ang nagtulak sa kaniya upang magkawanggawa sa
kabila ng kahiraapan sa buhay?
________________________________________________________________________________________

2. Ano kaya ang pakiramdam ni Efren na siya ang nagwagi sa piling ng iba pang mga banyaaga?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
____________________________________
3. Ano ang masasabi mo kay Efren bilang isang Pilipino?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________-
Gawain 2:
Panuto: Pagkatapos basahin ang tungkol sa talambuhay ni Efren Peñaflorida ,buoin ang sumusunod na pangungusap.
1. Nang mabasa ko ito, naramdaman ko na
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
2. Naisip ko na
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

3. Sa tekstong ito, nagustuhan ko ang

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________ ____________________________

6|Page
Weekly Home Learning Plan in FILIPINO 5
Quarter 2 Week 3

Pangalan: ___________________________________Baitang at Seksiyon: _____________________________

Guro: _______________________________________Araw: Miyerkules Oras: 9:30-10:30 10:45 AM 4:40PM(MDL)
WEEK 3-DAY 2 (JANUARY 12, 2022)
Aralin 6: Pag-unawa sa Napanood o Nabasang Teksto sa Pamamagitan ng Pagsulat sa Buod Nito/
Pagsasalaysay Muli ng Napakinggang Teksto

Gawain 1: Basahin at unawain ang sanaysay “Kanlurang Negros: Pagdiriwang ng Tamis ng Buhay” na nasa pahina
25 sa Modyul. Piliin ang letra ng tamang sagot tungkol dito.
1. Sa aling bahagi ng Pilipinas matatagpuan ang Kanlurang Negros?
A. Luzon B. Visayas C. Mindanao D. Kamaynilaan
2. Ayon sa artikulo, saan pupunta kung gustong sumisid sa dagat at makakita ng iba't ibang isda at halamang-dagat?
A. Silay B. Cauayan C. Bacolod D. Victorias
3. Anong kilalang pista ang ginaganap sa Bacolod?
A. Sinulog B. Panagbenga C. Kadayawan D. Maskara
4. Anong impormasyon tungkol sa Kanlurang Negros ang mahahanap sa iyong binasa?
A. relihiyon B. magagandang tanawin
C. pag-uugali ng mga tao D. mga yamang-dagat
5. Bakit tinatawag na Sugar Bowl of the Philippines ang Kanlurang Negros?
A. Asukal ang kanilang pangunahing produkto.
B. Malalambing ang mga tao sa Kanlurang Negros.
C. Mahilig sa matatamis na pagkain ang mga tao sa Kanlurang Negros.
D. Asukal at iba pang matatamis na kakanin ang produkto ng Kanlurang Negros.

Weekly Home Learning Plan in FILIPINO 5

Quarter 2 Week 4

Pangalan: _________________________________________________Baitang at Seksiyon: _____________________________

Guro: _______________________________________Araw: Miyerkules Oras: 9:30-10:30 (Online) 10:45 AM -4:40PM(MDL)

7|Page
WEEK 4-DAY 1 (JANUARY 17, 2022)
Aralin 7
Pag-uugnay ng Sariling Karanasan sa Napakinggang Kuwento/ Pagsasalaysay ng mga Pangyayaring
Naobserbahan sa Paligid

Gawain 1: Basahin at unawain ang kuwentong “Buhay ko ang ILog” pahina 29-30 sa Modyul.
Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Tungkol saan ang kuwento?
________________________________________________________________________________________
2. Sa simula,paano namuhay ang mga isda sa kuwento?Ano ang kanilang ginawa para mapangalagaan ang
kanilang tirahan?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

3. Ano ang dahilan ng pagkawasak ng kanilang tirahan?

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

4. Paano mo matutulungan ang mga isda sa kanilang kinakaharap na sitwasyon?Ano ang gagawin mo upang
maibalik ang dati nilang malaparaisong tirahan?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________.
5. Nagkaroon ka na ba ng isang karanasan kung saan maihahalintulad mo ito sa nangyari sa mga isda. Ano ang
ginawa mo para malutas ang naging problema mo?

Weekly Home Learning Plan in FILIPINO 5

Quarter 2 Week 4

Pangalan: ___________________________________Baitang at Seksiyon: _____________________________

Guro: _______________________________________Araw: Lunes Oras: 9:30-10:30 (Online)10:45 AM -4:40PM(MDL)

WEEK 4-DAY 2 (JANUARY 19, 2022)

Aralin 8
Mga Tanong sa Binasang Tekstong Pang-Impormasyon/Pagbibigay ng Hinuha sa Napakinggang
Teksto

Gawain 1: Basahin at unawain ang kuwentong “Ang Mga Pako sa Pader” pahina 32-33 sa Modyul. Sagutin ang mga
tanong. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Bakit naisipan ng ama na ipagawa sa anak ang paglalagay ng mga pako sa pader?
A. Gusto niya itong parusahan.
B. Gusto niya itong turuan ng leksiyon.
C. Malapit nang masira ang kanilang pader.
D. Upang malaman kung matibay ang pader.
2. Ano ang nagagawa ng bata kapag nagagalit siya?
A. Nasisira niya ang kanilang bahay.
B. Nakikipagsuntukan siya sa kaniyang mga kaklase.

8|Page
C. Hindi niya kinikibo ang kaniyang mga kaibigan at kaklase.
D. Nakapagsasalita siya ng masasakit sa kaniyang mga kaibigan.
3. Bakit nabawasan ang bilang ng pako na nadadagdag sa pader araw-araw?
A. Naubos na ang mga pako ng bata.
B. Tinamad ang bata at hindi na sinunod ang utos ng kaniyang ama.
C. Nahihirapan na ang bata sa pagpukpok ng pako sa pader.
D.Natuklasan ng bata na mas madaling maging mahinahon kaysa magalit.
4. Ano ang nangyari nang matanggal na ang lahat ng pako mula sa pader?
A. Muling naging makinis ang pader.
B. Nagkaroon ng maliliit na butas ang pader.
C. Pininturahan muli ang nabutas na pader.
D. Gumuho ang pader at kinailangang ayusin muli.
5. Ano kaya ang mangyayari kapag may nagawa ulit na mali ang kaibigan ng bata?
A. Pagagalitan niya ito at pagsasalitaan ng masasakit.
B. Mahinahon niyang sasabihin kung bakit mali ang ginawa ng kaibigan.
C. Maglalagay muli ang bata ng napakaraming pako sa kanilang pader sa bahay.
D. Kakausapin niya nang masinsinan ang kaibigan para hindi siya gumawa ng pagkakamali.

Pangalan:____________________________________________________________
Baitang at Pangkat:_______________________________ Iskor:___________________
Written Work No. 1
FILIPINO 5
KompetensI: Naibibigay ang mahahalagang pangyayari sa nabasang talaarawan, talambuhay at sa napanood na
dokumentaryo. F5PB-IIg-11 F5PD-IIi-14

Basahin at unawain ang talaarawan.

Isang Araw sa Buhay ni Mang Erning

Alab Filipino 5, p.96-97
Marso 12, 2015
Alas-singko ng umaga ako nakarating sa pila. Pangatlo ako kaya maaga akong nakapagsimula ng biyahe.
Magkapatid na estudyante ang una kong inihatid sa paaralan. Pagbaba nila, mayroon namang sumakay papunta sa
palengke. Tuloy-tuloy ang biyahe dahil maraming pasahero. Halos Iahat sila ay mga mag-aaral na may dalang
malalaking bag. Ang ibang mga bata ay inihahatid pa ng kanilang mga magulang.
Nagpatuloy ito hanggang alas-otso. Wala ng masyadong pasahero dahil nagsipasok na sa paaralan o sa
trabaho ang Iahat. Mahaba na rin ang pila ng traysikel kapag ganitong oras, kaya matumal na ang biyahe. Umuwi
muna ako upang mananghalian kasama ang mga bată at palitan ang pundidong ilaw sa kusina. Naihatid ko rin ang
kapitbahây naming si Aling Teray patungo sa ospital, May sakit yata ang kaniyang bunso.
Napakasikip ng kalsada pagsapit ng alas-singko ng hapon. Marami sanang pasahero, subalit punông-punô rin
ng sasakyan ang mga kalye, kayâ mabagal pa rin ang biyahe. Mabuti na lang at may malulusutang mga eskinita na
hindi kayâng daanan ng mga kotse o dyip.
Naisakay ko ang mga anak ni Mang Teban, kayâ humimpil muna ako sa kanilang tindahan upang doon
maghapunan. Sandali lamang akong nagpahinga dahil kailangan ko ring bumalik agad sa biyahe—uwian naman ng
mga nagtatrabaho ang hinahabol ko. Doon ako nag-aabang sa sakayan ng dyip—maraming pasahero na ayaw nang
maglakad kapag ganitong oras.
9|Page
Alas-diyes ng gabi na ako nakauwi. Tulog na ang mag-iina ko pagdating ko. Nakakapagod ang biyahe, pero
kinakaya ko pa rin. Mabuti na nga lamang at maraming pasahero dahil tuloy-tuloy ang kita. May panahon din kasi ang
hanapbuhay namin—kapag bakasyon at walang mga estudyante, mahina ang kita. Iniisip ko na lang na ginagawa ko
ito para sa aking mag-iina. Sila ang nagbibigay sa akin ng lakas. Magpapahinga lamang ako ngayong gabi. Bukas,
magbibiyahe akong muli.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang talaarawan. Sagutin ang sumusunod na tanong tungkol dito.
1. Anong katangian ang taglay ni Mang Erning?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga ginawa ni Mang Erning sa buong maghapon?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
3.Bilang isang anak, paano mo masusuklian ang pagsisikap ng iyong magulang upang ikaw ay mabigyan ng
maayos na buhay?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_
6. Kalugod-lugod ba at dapt tularan ang katangiang tinataglay ni Mang Erning? Bakit?Ipaliwanag ang iyong
sagot.
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

7. Anong masasabi mo sa buhay ng isang ama o magulang na nagsisiskap upang maibigay ang pangangailangan
ng kaniyang pamilya?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________.

10 | P a g e
Pangalan:____________________________________________________________
Baitang at Pangkat:_______________________________ Iskor:___________________
Written Work No. 2
FILIPINO 5
KompetensI: Naipapahayag ang sariling opinyon o reaskyon sa isang napakinggang balita, isyu o usapan    F5PS-
Ia-j-1

Basahin at unawain ang kuwento tungkol sa Dugong.

Ang Dugong
Ang Dugon, o mas kilala sa karaniwang tawag na dugong, ay hayop na naninirahan sa Karagatang Indian at sa
kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko. Sa Pilipinas, makikita ang mga dugong sa mga baybayin ng Isabela,
Quezon, Mindoro, Palawan, Panay, at Mindanao, subalit mayroon ding mga dugong sa ilang bahagi ng Africa,
Australia, at iba pang bansa sa Asya. Umaabot sa sampung talampakan ang haba ng isang dugong, at maaari namang
umabot sa mahigit 300 kilo ang bigat nito. Nabubuhay sila sa pagkain ng damong -dagåt sa mabababaw na bahagi ng
karagatan.
Dahil sa kanilang laki, umaabot sa 13—15 buwan bago maipanganak ang mga dugong. Pagkapanganak sa
isang dugong, tinutulak ito ng ina paakyat mula sa tubig upang makahinga. Habang bata pa ang dugong lagi itong
lumalangoy malapit sa ina hanggang sa matutuhan niyang kumain at lumangoy nang mag-isa. Humihiwalay lamang
ito sa kaniyang ina kapag kaya na nitong mabuhay nang sarili.
Sa kasalukuyan, nanganganib na mawala ang mga dugong dahil sa polusyon o pagdumi ng dagat na nakasisira
sa damong-dagat na kanilang pangunahing pagkain. Minsan, naiipit din sila sa mga lambat na ginagamit ng
mangingisda. Kung magpapatuloy ang polusyon sa dagat, hindi malayong mawala na ang mga dugong sa mundo.

Panuto: Sagutin ang mga tanong tungkol sa nabasang teksto.

1. Ilarawan ang ugnayan ng dugong sa ina nito. Katulad ba ito ng ugnayan ng tao sa kaniyang ina?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
2. Bakit nanganganib na mawala ang mga dugong?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
3. Anong uri ng hayop ang dugong? Ilarawan ito.
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
4. Paano nabubuhay ang dugong habang sanggol pa?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

Pangalan:____________________________________________________________
Baitang at Pangkat:_______________________________ Iskor:___________________
Written Work No. 3
FILIPINO 5
KompetensI: Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pagsasabi ng hinaing o reklamo, sa pagsasabi ng ideya
sa isang isyu, at sa pagtanggi F5PS-Ig-12.18 F5PS-IIf-12.12 F5PS-IIj-12.10
11 | P a g e
Gawain 1
Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang mabuo ang pinakawastong sagot sa bawat aytem. Isulat ang sagot sa
linya.
1. Magalang na pananalita na ginagamit kapag may ibinigay o ginawang mabuti sa iyo ang iyong kapwa.
MIMARANG LAMATAS! - _____________________________
2. Gamit na pagbati tuwing umaga.
DANGMAA AGMAU! -______________________________
3. Ito ang itinutugon kung may nagpapasalamat sa iyo.
WLAAGN MANUAN -______________________________
4. Salitang dapat sabihin kung ikaw ay nakasakit ng kapwa.
MANAPUHNI OP -______________________________
5. Ito ang dapat sabihin kung may bisita.
ULTOY OP OKYA -_____________________________

Gawain 2
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na sitwasyon. Pagkatapos ay isulat sa mga linyang nakalaan ang
iyong sagot.

6. Pupunta lamang sana sa kaibigan niyang nasa kabilang silid-aralan ang kaklase mo ngunit hindi niya napansin na
nakaharang ang iyong payong kaya siya ay natumba. Napahiya siya kaya’t tumakbo siya papalabas ng inyong silid-
aralan. Ano ang maaari mong sabihin sa kaniya?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
7. Kaarawan ng iyong nanay na isang beses lamang nakakauwi sa loob ng isang taon dahil nagtatrabo sa ibang bansa.
May mga nakalinyang kailangang asikasuhin sa kumpanyang iyong pinagtatrabahuhan. Ano ang maaari mong sabihin
sa iyong superyor?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
8. Dalawang araw nang nakatambak ang basura ng inyong kapitbahay sa harapan ng inyong bahay. Ang masaklap pa
nito ay nangangamoy na ang basura na naging dahilan ng maraming langaw at ipis na pumapasok sa inyong bahay.
Paano mo kakausapin ang may-ari ng basura?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

9. Inaanyayahan ka ng inyong punong barangay upang magbigay ng maikling mensahe tungkol sa “Ang Kabataan ang
Pag-asa ng Bayan? Ngunit hindi ka makakapunta dahil ang araw na iyon ay araw din ng iyong pagtatapos. Ano ang
sasabihin mo sa inyong punong barangay?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
10. Inutusan ka ng iyong guro upang bumili ng bolpen ngunit bigla kayong nagkita ng dati mong kaklase. Napasarap
ang kuwentuhan ninyo kaya nawala sa isip mo na may iniutos pala sa iyo. Paano ka hihingi ng paumanhin sa iyong
guro?
_______________________________________________________________________________________________

12 | P a g e
_______________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

Pangalan:____________________________________________________________
Baitang at Pangkat:_______________________________ Iskor:___________________
Written Work No. 4
FILIPINO 5
Kompetensi: Naitatala ang mga impormasyon mula sa binasang teksto F5EP-IIa-f-10

Gawain 1
Panuto: Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang sumusunod na katanungan.
Iba si Chacha
ni Enswinda A. Hornedo
Laging tumutulong sa mga gawaing bahay si Chacha. Hindi siya mahilig makipaglaro. Tuwing naglilinis ng
bawang ang kanyang lola Ines pinanunuod niya ito. Pinagaaralan niya ang ginagawa ng kanyang Lola Ines. Maya-

13 | P a g e
maya tumabi si Chacha sa kanyang lola at kinuha niya ang maliit na kutsilyo at nagsimula siyang tumulong dito.
Pasulyap sulyap sa kanya ang kanyang Lola sa takot na baka masugatan si Chacha.
Patapos na sila sa isang sakong bawang na nililinis nang biglang may umiyak, nahiwa ni Chacha ang kanyang
daliri. Dali-daling ginamot ito ng kanyang Lola Ines habang pinagsasabihan si Chacha. Ayon naman kay Chacha,
hindi baleng nasugatan basta nakatulong siya.

1. Ano ang nakahiligan ni Chacha?

a. Maglaro b. Mahilig sa gawaing bahay c. Manunuod
2. Siya ay nakatira sa kanyang _____.
a. Tita Ines b. Lola Ines c. nanay Ines
3. Ano ang pinanunuod ni Chacha?
a. paglilinis ng bawang b. paglilinis ng Palay c. paglalaba
4. Bakit siya biglang umiyak?
a. kinagat ng langgam b. nahiwa ang daliri c. natusok ng bawang
5. Ano ang katangian ni Chacha na iba sa mga ibang bata?
a. matapat b. magalang c. matulungin

Gawain 2
Panuto: Basahin ang maikling kuwento.
Maliit Man ay Nakatutulong Din
Pagod na pagod si Leon sa kanyang paglalakbay sa kagubatan. Minabuti niyang magpahinga muna sa tabi ng
isang malaking puno ng nara. Ito naman si Daga ay sinumpong ng gutom. Umalis siya ng kanyang lungga at naghanap
ng makakain. Sa hindi inaasahang pangyayari nasagi ni Daga si Leon. Nagising si Leon at ito ay umatungal nang ubod
lakas. Mangiyak-ngiyak na humingi ng paumanhin si Daga kay Leon. Nangatog siya sa nerbiyos. Dahil dito naawa sa
kanya si Leon. Lumipas ang maraming araw, lingid kay Leon ay naglagay ng bitag ang mga mangangaso upang ito ay
masilo. At nabitag nga ito! Hindi makawala si Leon. Dahil sa napakalakas na hagulgol ni Leon ay natawag ang pansin
Daga. Dahan-dahang nginatngat ni Daga ang mga taling nakagapos kay Leon hanggang sa tuluyang makalaya si Leon.
Maraming salamat, Kaibigan. ” ang sabi ni Leon. “Ngayon ko lang mapatunayang ang maliliit ay
nakatutulong din. Mula noon ay naging magkaibigan si Leon at daga sa gubat.

6-10. Punan ang graphic organizer batay sa kuwentong. Maliit Man ay Nakatutulong Din

Pamagat

Lugar na
Pinangyarihan

Tauhan 1 Tauhan 2

14 | P a g e
Pangyayari 1
FILIPINO 5
Performance Task No. 1
Pangalan: __________________________________________________________________
Baitang at Pangkat: _________________________________________________________

LEARNING COMPETENCIES/PERFORMANCE STANDARD

AREA
Nakapagpapahayag ng kritikal na pagsusuri at pagpapahalaga sa konteksto at dahilan ng
AP 5 kolonyalismong Espanyol at ang epekto ng mga paraang pananakop sa katutubong populasyon

FILIPINO 5 Naitatala ang mga impormasyon mula sa binasang teksto

Naisasagawa ang inaasahang hakbang, kilos at pahayag na may paggalang at pagmamalasakit para
ESP 5 sa kapakanan at kabutihan ng pamilya at kapwa

Arts 5 Sketches natural or man-made places in the community with the use of complementary colors
draws/paints significant or important historical places.
EPP 5 (HE)
Naisasagawa ang kasanayan sa pangangalaga sa sarili at gawaing pantahanan na nakatutulong sa
pagsasaayos ng tahanan
15 | P a g e
HEALTH 5 Health-practices proper self-care procedures

Instruction/Situation
Malaki ang impluwensya ng mga Espanyol sa ating pang araw araw na pamumuhay. Ito ay mapapansin
natin sa kung paano tayo manamit, magsalita, kilos at maging sa ating kultura ay mamamalas parin ang epekto ng
pananakop ng mga Espanyol. Ang mga ugaling ito ay hindi na natin maaalis dahil ito ay atin na rin nakasanayan.

Gumawa ng poster/islogan na nagpapakita ng pangangalaga sa sarili at gawaing pantahan. Gamitan ito ng

komplementaryong mga kulay.

Kagamitan: oslo paper, lapis, krayola

Output/Product
Pagguhit ng poster/islogan na nagpapakita ng pangangalaga sa sarili at gawaing pantahanan na ginagamitan ng
mga komplementaryong mga kulay.

Rubrics
PAMANTAYAN 5 4 3 2 1
Angkop na angkop Angkop ang larawan Medyo angkop Hindi gaanong Hindi angkop
Kaangkupan sa ang larawan sa paksa sa paksa ang larawan sa angkop ang ang larawan sa
paksa paksa larawan sa paksa paksa
(AP/Health)

Buo ang kaisipan, May kaisahan at sapat Konsistent may Konsistent may Hindi ganap
konsistent, kompleto na detalye at malinaw kaisahan, medyo kaisahan, kulang ang
at detalye at malinaw na intensyon kulang sa sa detalye at pagkakabuo,
Organisasyon detalye at medyo hindi gaanong kulang ang
(Filipino) malinaw ang malinaw ang detalye at di
intensyon intensyon malinaw ang
intensyon

Lubos na nagpamalas Naging malikhain sa Medyo Hindi gaanong Walang

ng pagkamalik-hain paghahan-da malikhain sa naging ipinama-las na
Pagkamalikhain sa paghahanda paghahan-da malikhain sa pagka-
(Arts) paghahanda malikhain sa
pagha-handa

16 | P a g e
Ginamit ang sapat na Ginamit ang oras na Medyo kulang Naisumite dahil Hindi handa at
Pamamahala ng oras sa pag gawa ng itinakda sa paggawa at ang oras na sa binanta-yan hindi tapos
oras sariling disenyo sa naibigay sa tamang itinakda sa ng guro
(Esp) gawain oras paggawa

Maganda, malinis at Malinis ang Ginawa ng Inapura ang Hindi natapos

Kalinisan kahanga-hanga ang pagkakagawa apurahan ngunit pagkakaga-wa at ang ginawa at
pagkakaga-wa di-marumi marumi marumi
(EPP)

PERFORMANCE TASK NO. 2

Pangalan: __________________________________________________________________
Baitang at Pangkat: _________________________________________________________

LEARNING AREA COMPETENCIES/PERFORMANCE STANDARD

Nasusuri ang epekto ng mga patakarang kolonyal na ipinatupad ng Espanya sa bansa
A. Patakarang pang -ekonomiya (Halimbawa: Pagbubuwis, Sistemang Bandala,
Kalakalang Galyon, Monopolyo sa Tabako, Royal Company, Sapilitang Paggawa at
AP 5
iba pa)
B. Patakarang pampolitika (Pamahalaang kolonyal)
Naipapahayag ang sariling opinyon o reaskyon sa isang napakinggang balita, isyu o
FILIPINO 5
usapan,

Creates simple melodies

MUSIC 5
ESP 5 Nakabubuo at nakapagpapahayag nang may paggalang sa anumang ideya/opinion
RUBRIKS NG PAGMAMARKA (Tula)
Di
Napakah Mahusay- Kailangan pang
Mahusay gaanong
Instruction/Situation: usay husay Paunlarin
mahusay
Pamantayan
Batay sa iyong nabasa, napanood sa balita, at sariling pananaliksik tungkol sa epekto ng mga patakarang kolonyal
na ipinatupad ng Espanya sa bansa, lilikha 5 ka ng isang
4 maiksing 3awitin na nagpapahayag
2 ng sariling
1 opinyon o
reaksyon.
Simulan ito saNilalaman
pagsulat ng tula na binubuo ng dalawang saknong at tig-apat na taludtod. Isulat ito sa malinis na
(Araling Panlipunan)
papel at ng
Naipakita pagkatapos ay lapatan
may kalinawan ngang
at kaayusan tono.
pagpapahayag
Itanghal angngiyong
epektosariling
ng mga patakarang
komposisyon sa inyong tahanan. Maaaring yayaing manood ang iyong mga kasama sa
kolonyal na ipinatupad ng Espanya sa bansa.
bahay.
Output/Product
17Maiksing
| P a g etula na nagpapahayag ng sariling opinyon o reaksyon batay sa epekto ng mga patakarang kolonyal na
ipinatupad ng Espanya sa bansa.
Organisasyon/ Pangkalinawan
(Filipino)
Nasunod ang pamantayan sa pagsulat ng
komposisyon at magkakaugnay ang bawat
taludtod base sa nabasa, napanood, at sariling
pananaliksik.

KAANGKUPAN NG KILOS O
MATALINONG PAGPAPASYA
(Edukasyon sa Pagpapakatao)
Nakabuo at nakapagbahagi ng may paggalang
sa pagpapahayag ng sariling opinyon o ideya.
MELODIYA
(Music)
Nakalikha ng awit na may maayos na
paglalapat ng tono at angkop na paggamit ng
tinig sa pagtatanghal.

Kabuuan

18 | P a g e
Performance Task No. 3
Pangalan: __________________________________________________________________
Baitang at Pangkat: _________________________________________________________
FILIPINO 5
Kompetensi: Naitatala ang mga impormasyon mula sa binasang teksto.  F5EP-IIa-f-10
Integrated Competency: ESP 5
Naisasagawa ang inaasahang hakbang, kilos at pahayag na may paggalang at pagmamalasakit para
sa kapakanan at kabutihan ng pamilya at kapwa.

19 | P a g e
Performance Task No. 4
Pangalan: __________________________________________________________________
Baitang at Pangkat: _________________________________________________________

FILIPINO 5
Kompetensi: Naibibigay ang mahahalagang pangyayari sa nabasang talaarawan, talambuhay at sa
napanood na dokumentaryo

Sitwasyon:
Mahalaga ang isang talaarawan dahil ito’y nagbibigay sa atin ng pagkakataong balikan ang mga pangyayari sa
mga nagkalipas na araw. Mahalaga ito dahil ating makikita ang mga bagay-bagay na nangyari at ang reaksyon,
damdamin, o opinyon natin sa mga ito.

Output:
Panuto” Gumawa ng talaarawan o diary kung saan nakasulat lahat ng iyong ginagawa sa loob ng isang linggo. Lagyan
ng petsa bawat araw.

Rubriks sa Pagsulat ng Talaarawan

Krayterya 5 4 3

Organisasyon:
 Nailahad nang maayos ang mga ideya.
 Malinis at maayos ang pagkakasulat ng mga pangungusap.
Balarila:
 Wasto ang gamit ng mga salita,baybay, bantas,at estruktura ng mga
pangungusap

Kabuoan

20 | P a g e

You might also like