Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Trahedya

SONG: IKAW LANG ANG AKING MAHAL


ACT 1: SA LOOB NG BAHAY.
ESTELLA: (Buksan ang bintana, kumakanta) Gising na mahal ko. (Dahan dahang
hinawakan ang pisngi ng Leonardo)
LEONARDO: (ngiti, hawakan ang kamay ni Estella) Magandang umaga mahal.
Napakahimbing ng aking tulog dahil nasilayan ko ang iyong mukha saaking
panaginip.
ESTALLA: (Iwas sa kamay ni Leonardo, Pumunta sa kusina upang maghanda ng
pagkain)
LEONARDO: (Napahinto, sinundan si Estella sa kusina) Estella…
ESTELLA: (Napahinto sa ginagawa)Antayin kita sa muli mong pagbalik mahal ko,
magiingat ka roon. Mabuti pat magbalik kana…
LEONARDO: (Tahimik) Magbabalik ako, kailangan mong magpalakas habang ako’y wala
sa iyong tabi Estella.
ESTELLA: (Pabulong) Alam ko, mag-iingat ka Leonardo. (OPTIONAL yakapin si
Leonardo.
(CUTSCENE: Nagsusuot si Leonardo ng kanyang uniporme, tinutulungan siya ni
Estella.)
ALONZO: (Malakas na boses, pumasok sa bahay nila Estella) Magandang umaga
Estella, andit ako para sunduin si Leonardo.
ESTELLA: (Ngiti) Magandang umaga saiyo Alonzo. Tamang tama ang iyong pagdating.
Handa na si Leonardo.
Leonardo: (Lumabas sa kwarto suot ang uniporme, humarap kay Estella) Maganda ba
ang damit?
ESTELLA: (Pabulong, naluluha)Napakagwapo Leonardo. (Yakap, pabulong) Mag-iingat
ka Leonardo.
LEONARDO: (Ngiti) Mag-iingat ka din dito Estella. Huwag mong pababayaan ang
iyong sarili. Magbabalik ako.
ALONZO: Leonardo, oras na halika na.
LEONARDO: (Lakad papalayo, dala ang kanyang bag) Magbabalik ako ng buhay. (Kaway
kay Estella)
ESTELLA: (Kaway pabalik)

Ada:Nawala ng 1 taon si Leonardo ,malayo sa yakap at piling ni Estella. (oof


lights~ center flashlight)

ACT 2: Loob ng bahay (Timeskip)


Estella: (Kumakanta tungkol kay Leonardo, at ang pag iisa niya sa kanilang
bahay.) *Singers and Dancers
Panalangin song~
Estella: Leonardo, ilang buwan din tayong hindi nagkita. Kamusta ka na. Tulad ng
sabi mo unti unti na akong gumagaling sa aking sakit. Hinahanap-hanap ka ng
aking puso. Magbalik ka na mahal.
ACT 3: SA BARRACKS.
ALONZO: (Akbay kay Leonardo) Leonardo nakatingin ka nanaman sa litratong iyan,
hindi ka ba nagsasawa?
LEONARDO: (Tawa) Abay bakit ako magsasawa. Apakaganda ng aking asawa, Hindi
tulad mo Alonzo, walang kasuyo. (Tawa, itago and litrato)
ALONZO: (Ngumuso) Hindi ko maintindihan Leonardo, maganda si Estella ngunit
hindi malusog ang kanyang pangangatawan. Paano kayo magkakanak niyan?
LEONARDO: (Galit) Alonzo manahi-
GENERAL: (Pasigaw) MGA SUNDALO MAGHANDA!
(Naghahanda ang mag sundalo)

LEONARDO: Alonzo, kung hindi man ako makakabalik, paki-usap tulungan mo si


Estella.
ALONZO: Masyado pang maaga para mag-isip ng ganyan Leonardo. Ang mahalaga ay
mabuhay tayo. Ikaw ang mag-alaga kay Estella.
LEONARDO: Sana nga makabalik tayo ng buhay (Pabulong)
ALONZO: Makakauwi tayo ng buhay, pangako iyan. (Pat Leonardo sa likod)
LEONARDO: (Ngiti)

ACT 4: Pag-uwi ni Leonardo. (Timeskip)


ALONZO: Makakauwi na din tayo. Kay tagal din nating di nakikita ang ating
pamilya. (Excited, masaya)
LEONARDO: Oo, sa wakas. (Hawak ang litrato ni Estella) Makakauwi na din ako
Estella. (Pabulong)
ALONZO: Ano ka ba Leonardo, litrato nanaman ni Estella ang hawak mo. Iba nga
naman kung may uuwian (Paasar)

LEONARDO: (Tawa) Manahimik ka Alonzo, sabagay hindi mo mararamdaman ang akong


nararamdaman dahil wala kang kasuyo. (Tawa, lakad palayo)

ALONZO: (Nguso) Oh di ikaw na ang may asawa. (Habol kay Leonardo) Hitayin mo
ako!

ACT 5: KAMATAYAN NG BINIBINI

RITA: (Pasigaw, inis) Estalla! Nakabili ka na ba ng mga sangkap? Ano nanaman


bang iyong ginagawa? Npakatamad mo Estella!

ESTELLA: (Pagod) Sandali ina, inaayos ko pa ang silid ni Leonardo.

RITA: (Galit) Aba mabuti, bakit kasi at ikaw ang pinakasalan ni Lenaordo.
Napakahina mo at napakabagal mong gumalaw.

ESTELLA: (Awkward) Pasensiya na ina, aalis na ako para mamili ng pagkain.

RITA: (galit) hmpk! (maarteng maglakad palayo)

ESTELLA: (Naiiyak, pabulong) Ano ba si inay , lagi niya nalang akong tinatrato
ng ganito. (Hinga ng malalim, Ngiti) Di bale, Uuwi na si Leonardo. Kamusta ka
na kaya mahal? (kunin ang basket at lumabas, papuntang palengke)
SA PALENGKE

Sound effect of murmur etc.

ESTELLA: (Ngiti) Mgandang umaga Ada, pabili muli ako ng gulay.(Ibigay ang basket
kay ada)

ADA: (Ngiti) Magandang umaga din Estella! Nabalitaan ko babalik na si Leonardo?


(Ilagay ang gulay sa basket, at ibalik ito kay Estella)

ESTELLA: (Kunin ang basket, ilagay sa kamay) Maraming salamat, heto ang bayad.
(Abot ng bayad) At oo uuwi na si Leonardo kaya ako’y namimili ng pagkain.

ADA: Aba malamang kasama niya nanaman si Alonzo. (Inis) Ang Alonzong iyun hindi
na natutu.

ESTELLA: (Tawa) Ikaw Ada, baka sa hinaharap kayo ni Alonzo ang magkatuluyan.

ADA: (Kinilabutan, disgusted) Ano ba Estella, huwag mo naman akong takutin ng


ganyan.

ESTELLA: (Tawa) Oh siya Ada, aalid na ako. Baka’y magalit nanaman ni mama.
(Kaway, lakad papalayo)

ADA: (Kaway pabalik) Oh siya, mag iingat ka Estella.

Sa tabi nya may lalaking nag hahasa ng mga kutsilyo

Narinig nya ang usapan ng dalawa, patago niyang sinundan ang binibini. Napansin
ni estella, ang sumusnod sakayan, nagmadali siya ng paglakad, ngunit hindi niya
namalayan sakanayang nerbyos na napunta sila sa isang tagong daanan.

Lalaki: Binibini na niniwala kaba sa kasabihang “Hindi mo dapat inaangkini ang


hindi iyo?” (Papalapit ng papalapit kay Estella)

Napahinto si estella dahil sa takot.

Lalaki: Kawawang binibini, kung hindi mo lamang napangasawa si Leonardo di hindi


ka mo sa nasa mararanasan ang mga nangyayari s aiyo ngayon. (Tawa)

Etella: ginuo nawa’y mahanap mo sana sa iyong puso ang kabutihan at paalisin
akong ligtas. (paiyak)

Sinaksak ng Lalaki si Estella.

Lalaki: Pasensiya ka na Estella. Kung may susunod mang buhay, sana iba ang
landas na tinahak mo. (Lakad papalayo)

ESTELLA: (Hinga, hawak sa sugat) Leo… nar… do… mah… al… ko… (Nahulog sa daan ng
tuluyan) Pa… sen… sya… mahal… hin… di… na… kitang… muling… ma… ki… ki… ta…

Lumabas si Rita sa isang sulok. Tiningnan ang katawan ni Estella, at ngumisi.

RITA: (Walang emosyon) Estalla, malas mo na lamang ito. (Lakad papalayo)

Sound effect of laugh


ACT 6: Ang pagbabalik ni Leonardo.

PUMASOK SI LEONARDO SA KANILANG PAMAMAHAY

Leonardo: Ina ako poy nakauwi!

TUMAKBO UNG NANAY PAPUNTA SAKANYA

Rita: (nag pupunas ng kamay sa damit galing sa kusina) Anak!! salamat sa awa ng
diyos nakauwi ka na din

NAGYAKAPAN SILA

Leonardo: Ipagpaumanhin niyo po ina, ipag patuloy nalang po natin ang usapan
mamaya at pupuntahan koho muna ang aking asawa.

Rita: (Pigilan si Leonardo sa pag alis) Anak mas mabuti pang ipagpamamaya mo
nalang ang pagpunta.

Leonardo: (Napaatigil)Matagal ko na pong inasam ang yakap at halik ni estella


ma.

Tinangal ng dahan dahan ang kamay ni rita at nagpatungo na sa kanilang kwarto.


Sa loob ng kwarto ay ang katawan ni Estella, sa tabi niya ay ang nagluluksang
Ada.

Leonardo: (Napatigil) Ada, matagal din tayong indi nagkita. Bakit ka umiiyak?
Asan si Estella?

Ada: (Lalong naiiyak) Leonardo ang iyong asawa-

BIGLANG DUMATING SI RITA

Rita: Leonardo (napaluhod na nakahawak sa pants ni leonardo)PATAY NA ESTELLA!!

Napatingin si Ada kay Rita dahil alam ni rita ang totoong pangyayari.

Leonardo: (Nakita ang katawan ni estella sa kama, dahan dahan itong hinawakan at
binuhat) Estella, gising na mahal, andito na ako. Estella (Iyak)

KANTA - Huling Sayaw

Arc 7: Ang Huling Gyera

Alonzo: Leonardo tama bang bumalik ka agad sa labanan. (Nag aatubili)

Leonardo: Si Estella lamang ang dahilan ng aking pagbakbalik. (Hinto) Ngayong


wala na si Estella, ano pa ang dahilan ang aking pagbabalik. (Walang sigla)

Alonzo: (Galit) Pano ang iyong pamilya.

Leonardo: (Napahinto) Alonzo, sasama ka ba saakin oh hindi? (Lakad papalayo)

Alonzo: (Sigh) Leonardo…

SA GYERA.

GENERAL: LABAN MGA KABABAYAN! (Sigaw)

Sound effect of WAR


Ada (Story telling): Bumalik si Leonardo sa labanan kasama si Alonzo. Isang
buwan sa kanilang pagbabalik, sumalakay muli ang mga kalaban. Magiting
nanakipaglaban ni Leonardo, dahil sa pagkamatay si Estella, ibunuhos niya ang
kanyang attention sa pakikipaglaban. Sa huli napatay ni Leonardo ang general ng
kalaban, ngunit sa gitna nito, Nawala sa kanyang malay ang taong papalapit
sakanya.

Leonardo: (Barilin ang general ang kalaban, sabay hinto at hinga ng malalim.)
Estella, nagawa ko din.

Sundalo: (Papalapit kay Leonardo sa kanyang likod, saksakin si Leonardo)

Leonardo: (Napatingin sa likod, nakipaglaban sa sundalo. Barilin yung


sumaksak)(Tawa, upo sa floor hawak ang nasaksak na part) Estella, makakasama na
din kita.(Ubo, smile)

Alonzo: (Sigaw) LEONARDO! NANALO TAYO! (Takbo papalapit ngunit patay na si


Leonardo)(Isara ang mga mat ani leonardo, sabay saludo). Huwag kang mag aalala.
Ililibing kita sa tabi ni Estella. (Smile)

Ada(Story telling): Sa pagkamatay ni Leonardo, higit ang pag sisisi ng kanyang


inang si Rita, pilit pa nitong kunin ang katawan ni Leonardo. Ngunit higit ang
pag aayaw ni Alonzo. Sa huli, inilibing ni Alonzo and katawan ni Leonardo sa
tabi ng hukay ni Estella. At binantayan ito

LAST NA SONG- SALAMAT

END 😊

You might also like