Document (5) Creative Wrting

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Title: "Barya"

Cast:

Director: Lee, Mecaila

Assisstant Director: Calaque, Arthur

Nanay: Maria Magtala, labandera

Anak: Ayra Magtala, Sampung taong gulang, nasa ikatlong baitang

Act 1:

Scene 1:

Narrator: Panibagong araw na naman.<jeep and cars roaring sound effects> Nagising Si Maria sa ingay
ng mga sasakyan na dumaraan sa ibabaw ng kanilang tinitirahan.

Maria: "Maraming maraming salamat po panginoon, dahil binigyan nyo kami ni ayra ng panibagong
araw na magkasama."

Narrator: Sandali niyang ipinikit ang mga mata at nagpasalamat sa panibagong araw na ipinagkaloob sa
kanila ng Diyos.

Pagkatapos ng isang taimtim na panalangin, Sandali siyang bumaling sa kanang parte ng banig na
kanilang hinihigaan upang tanawin at bigyan ng halik sa noo ang anak nyang noo'y mahimbing pang
natutulog.

Maria: <Bumulong> "Magandang araw ayra, Anak. Magluluto muna si inay"

Narrator: Inilalarawan niya ang kaniyang anak na si Ayra bilang kanyang pag-asa at pinagkukunan ng
lakas bukod sa Diyos.

Matapos niyang lambingin ang kanyang anak, tumayo na sya at nag unat-unat,

Maria: "Panibagong araw panibagong Pag-asa"


Narrator: kailangan na niyang maghanda ng kanilang agahan.

Lumabas siya ng kanilang tirahan na nasa ilalim ng tulay na dating tambakan ng mga parte noong
kasagsagan ng pagpapatayo nito.

Maria: "Medyo bumaho ng kaunti kasi marami na ang tumitira, pero kakayanin, Laban lang!... Para kay
ayra."

Narrator: Bumungad sa kanya ang usok at ingay ng mga sasakyang nagdadaanan, at alingasaw ng kung
anong basura man na lumulutang sa ilog.

Scene 2:

Narrator:

Nagtungo siya sa kaliwang parte ng kanilang tinutuluyan, ang kanilang munting pausukan na
kinalalagyan ng kanilang kalan de uling.

Maria: "Asan na kaya ang aking anak, baka lumabas lang"

Narrator: Siya ay nagmasid sa paligid at namulot ng mga plastik na bote at papel bilang pamparingas at
kinuha ang kahon ng posporo na naglalaman na lamang ng 5 piraso. Kinuha niya ang uling na nakasabit
sa kanang parte ng kalan at naglagay ng wastong sukat para pagbagain ang apoy na siyang gagamitin
pangpakulo ng tubig.

"Ayra anak! asan kana ba?!" Aniya

Narrator: Kinuha nya ang isang maliit na kaserola at sumalok ng tubig sa kanilang inipon na tubig-ulan
noong nagdaang gabi at ipinatong sa kalan. Habang hinihintay na kumulo ang tubig, sandaling sumagi sa
kanyang isip ang kanilang kalagayan noong kasagsagan ng ulan.
Narrator: <flashback> Pangangambang baka umapaw ang ilog, tulo ng tubig sa loob ng kanilang tirahan.

Agad niyang iniling ang kanyang ulo at isinaisip na kahit ano mang problema, ano mang delubyo ang
dumating, basta magkasama sila ng kanyang anak,tiyak siyang malalagpasan nila ito..

Scene 3:

Narrator: Nagtungo siya saglit sa isang malapit na panaderya.

"tao po, Pupwede po sana makautang ng limang tinapay.. Sa buwanang sweldo ko nalang po
babayaran.. Kung pupwede lang po sana.." Aniya.

<Freestyle ng tindera, Kahit anong indicator na pumapayag syang pautangin si Maria.>

Narrator:

umaasang pauutangin siya kahit 5 pirasong tinapay, para sa almusal at baon ng kanyang anak sa
paaralan. Sa kabutihang palad pumayag ang tindera at binigyan pa siya ng ilang pirasong tinapay na
hindi na pwedeng ibenta dahil luma na at may dagdag pa ng ilang pirasong stick ng kape at sinabing wag
nang bayaran pero sa pamamagitan ng lang ng pagtanggap ng ilang labada at halagang 150 pesos.
Malugod niya itong tinanggap.

"sa halagang 150 pesos, ano pa kayang mabibili maliban sa 5 kilong bigas? Ah basta, Makakain lang yung
anak ko" Tuloy nyang pagtatanong

Narrator: Ang paglalabada ang ipinang tataguyod niya sa araw-araw nila ng kanyang anak.

At sa halagang 150 pesos, makabibili narin siya ng 5 kilong NFA na bigas na 27 kada kilo at ang matitira
ay iipunin upang may dagdagan para sa susunod. Masaya niyang iniisip na kahit lugaw lng ang balak
niyang lutuin sa bigas....ang mahalaga ay di sila matutulog na kumukulo ang tiyan at sa loob pa ng ilang
araw...
Scene 4:

Narrator:

Saktong kumukulo na ang tubig sa kanyang pagbalik, agad siyang sumalok gamit ang 2 mug na may
pingas na ngunit magagamit pa,at nagbusbos ng kaunting bigas upang magluto ng lugaw. Gising na ang
kanyang munting anghel,ang kanyang pagasa, at agad itong yumakap sa kanya at bumati ng

Ayra: "Nay~~! Ggooud Muoourning po~!"

Maria: "Oh anakk, Kaganina pa kita hinahanap, Buti naman at gising ka na.. Gusto mo ba ng kape?"

Ayra: "Sige ho nay, Salamat po sa kape"

Tinimpla nya ang kape at inabutan ng tinapay ang kanyang anak. Di nya maitago ang saya tuwing
tinitingnan niya ang kanyang anak na kumakain....

Maria: "Kain lang ng kain nak, Gagayak na si nanay para sa labada mamaya! kung gusto mong hanapin si
nanay akay kila aling Mercy lamang ako ha, I Love you!"

Ayra: "I Love You too po nay! Salamat po ulit sa Masarap na Almusal!"

Narrator:

dahil para sa kanya, di baling nang gutom wag lang ang prinsesa nya. Habang kumakain ang kanyang
anak, hinahanda na niya ang babaunin nito, pampaligo pati na rin ang kanyang notebook.

Maria: "Ano ulit ang gagawin kapag may nag abot sayo ng lollipop na hindi mo kilala?"
Ayra: "Tatanggihan po, Sasabihin may piso naman po ako pambili ng lollipop."

Maria: "Paano kapag sapilitang ipinapaabot sayo yung lollipop at sinabing mas marami pa syang lollipop
at kendi sa van nya?"

Ayra: "Tatanggi pa rin po, Pero kung hinila po ako ng Sapilitan.. Sisigaw po ako ng tulong."

Maria: "Very Good Nak!" <Hinalikan sa Ulo si Ayra> "Mahal ka ni Nanay, Magpakabait ka sa School Ah"

Pinagtagpi-tagping papel na galing sa ibat-ibang notebook na kanyang nadadampot minsan sa kanyang


pangangalakal,at pinagtagpi-tagpi gamit ang ilang pirasong yarn na nakuha nya sa basurahan malapit sa
isang tindahan ng mga kagamitang kailangan sa eskwelahan.

Maria: "Pagpasensyahan mo na muna anak ang mga nakayanan ni nanay ngayong taon ng eskwela ah,
Makakaraos din tayo Nak, Laban lang kasama si nanay."

You might also like