Professional Documents
Culture Documents
Modyul 5 - Batayang Kaalaman Sa Metodolohiya Sa Pananaliksik-Panlipunan
Modyul 5 - Batayang Kaalaman Sa Metodolohiya Sa Pananaliksik-Panlipunan
Book:
–
MODYUL 5 BATAYANG KAALAMAN SA METODOLOHIYA SA PANANALIKSIK-
PANLIPUNAN
Table of contents
1. Introduksyon
4. Forum 8
5. Takdang-Aralin 8
6. Sanggunian
1. Introduksyon
Ang
modyul na ito ay naglalayong ipaliwanag
sa iyo ang Iba’t ibang metodolohiyang maaaring gamitin sa pananaliksik.
Mahalagang matukoy ng isang
mananaliksik na tulad mo ang isang sistematikong
pamamaraan sa paglutas ng mga suliranin/tanong/layunin ng pananaliksik o mga
paraan na ginamit sa pagsusuri
ng datos o impormasyon. Tatalakayin sa modyul na
ito ang mga karaniwan at mas tiyak na pamamaraan /metodo ng pananaliksik sa
Filipino sa Iba’t Ibang Larangan.
2. Inaasahang Bunga ng Pagkatuto
pananaliksik.
2. Maisasapraktika
at mapauunlad mo pa ang mga batayang kasanayan
sa metodolohiya sa pananaliksik.
3. Makapagsasaliksik
ka hinggil sa mga sanhi at bunga ng mga suliraning lokal at nasyonal gamit ang
mga
4. Makapagsusulat
ka ng konseptong papel tungkol sa isang suliraning lokal o nasyonal.
3. Mga Pamamaraan/Metodo ng Pananaliksik sa Filipino sa Iba’t Ibang Larangan
Basahin mo at unawain:
Etnograpiya
Ito
ay nakasandig sa malapitan, personal na karanasan at posibleng partisipasyon,
hindi lamang obserbasyon ng mga mananaliksik na karaniwang
nagsasagawa ng
pag-aaral sa mga pangkat na multidisiplinari
(Genzuk,2003). Karaniwang pokus nito
ang intensibo o marubdob na pag-aaral sa wika at kultura,
isang larangan
o domeyn, at pagsasama-sama ng paraang historikal, obserbasyon, interbyu at
pagtitipon ng mga dokumento, tungo sa pagkakaroon ng datos gaya
ng mga siniping
pahayag (quotations), paglalarawan o
deskripsyon at mga siniping bahagi ng dokumento (excerpts) na karaniwang ibinabahagi sa paraang
naratibo o
pasalaysay.
SA
PAGTATAGPO NG BATA AT LANSANGAN: ETNOGRAPIYANG
BISWAL
SA MUNDO NG MGA BATANG CROSSING
ni
Carlota B. Francisco
Abstrak:
Nakatuon ang pananaliksik sa pagsusuri ng pakikisangkot ng mga batang Crossing
sa pagbuo ng reyalidad at identidad, bilang mga bata sa isa sa
mahahalagang
sangandaan ng Kalakhang Maynila, ang Crossing. Gamit ang lente ng Sosyolohiya
ng Bata. Partikular na tinutukan ng pag-aaral ang paglagi at
paggamit ng
naturang mga bata sa mga bahagi ng nasabing lansangan. Sa pamamagitan ng
etnograpiyang biswal , naisagawa ang pag-aaral ang paghahayag,
di lamang sa
kalagayan ng mga ito bilang mga Batang Crossing, kundi ang pagbagtas nila sa
mga nagkawing na espasyo ng lansangan, karalitaan sa lungsod at
kabataan. Sa
pagtuon ng pansin sa mga naturang bata, natunghayan ang Crossing bilang isa pang espasyo ng
kabataan/kamusmusan ng maralitang bata sa
lungsod, sa Crossing.
Pag-oobserba, Pakikipamuhay,
Participant Observation o
Nakikiugaling Pagmamasid
Ang
pag-oobserba ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagtatala
ng mga makabuluhang pagmamasid ng mananaliksik sa mga pinapaksa ng
pananaliksik,
sa natural na kapaligiran o setting
ng kanyang buhay at/o trabaho. Ito ay isinasagawa ng isa o ilang araw lamang.
Sa pakikipamuhay, ang mananaliksik ay aktwal na nakikiranas sa pang-araw-araw na buhay ng mga taong
kanyang pinapaksa. Ito ay karaniwang mas
matagal.
Ang
participant
observation naman ay isang uri ng
etnograpiya na karaniwang ginagamit sa larangan ng antropolohiya at
sosyolohiya. Isinasagawa ito sa
pamamagitan ng pagsisikhay o pagsisikap ng
mananaliksik na makapasok at maging
tanggap sa isang komunidad upang makapagtamasa ng mas
komprehensibong pag-unawa
sa lipunan/paraan ng pamumuhay ng nasabing komunidad.
Basahin mo ang
halimbawa ng pananaliksik na gumagamit
ng metodong ito.
EKSPOSYUR:
TATLUMPUNG DAGLI NG PAKIKIPAMUHAY
Ni
Marion Lester Gueta (2013)
Ito
ay malikhaing pagsasalaysay ng talambuhay o bahagi ng talambuhay ng isang tao o
pangkat ng mga tao na paksa ng pananaliksik. Karaniwang
binibigyang-diin dito
ang pangkalahatang sitwasyon ng nagsasalaysay, ang kanyang mga hinaing,
pangarap, suliranin, ang kanyang pang-araw-araw na buhay
na makabuluhan sa
konteksto ng pananaliksik. Madalas ang pinapaksa dito ay mga tinig ng mga nasa laylayan ng
lipunan o mga pangkat na marginalized.
Nakatutulong ito upang marinig ng madla ang kanilang tinig.
LIHIM
SA DAGAT : MGA SALAYSAY NG PAGSUBOK AT
PAKIKIBAKA
NG MGA PILIPINONG SEAMAN
ni
Joanne Manzano
Ang
pag-iinterbyu ay tumutukoy sa pagtatanong sa mismong taong paksa ng
pananaliksik o kaya sa mga eksperto rito. Structured ang
interbyu kung
ibinigay na kaagad ang mga tanong bago pa ang interbyu. Non-structured naman kung higit na impormal ang interbyu at
karaniwang maraming follow-up na
tanong.
Ang
Focus Group Discussion ay katulad din
ng interbyu. Dito ,dalawa o higit pa ang kinakapanayam. Isinasagawa ito upang
higit na maging swabe at magaan
ang
interbyu, sapagkat karaniwang mas nakapagpapahayag ng saloobin ang mga tao kung
may mga kasaman sila na mula sa kanilang pangkat at kagaya rin
nila sa karanasan at iba pang aspekto.
PAMAHIING
NANANATILI MULA NOON HANGGANG NGAYON
Abstrak:
Tumatalakay ang pag-aaral na ito tungkol sa konsepto ng pamahiin. Ang mga
pamahiin ay ang mga paniniwalang walang batayan hinggil sa mga
bagay-bagay na
wala namang kinalaman sa isa’t isa ngunit mayroon itong malaking epekto sa
pang-araw-araw nating pamumuhay. May 120 na kalahok ang
pag-aaral na ito na
hinati sa tatlong henerasyon (X, Y, at Z). Layunin nito na alamin: (1) ang mga
pamahiin na patuloy na nananatili; (2) ang bilang ng mga
kalahok na tumatanggap
at sumusunod sa pamahiin sa bawat henerasyon, gayon din ang hindi tumatanggap
at hindi sumusunod; (3) ang mga dahilan ng mga
kalahok sa (a) pagtanggap o
hindi pagtanggap na tumutukoy sa paniniwala sa pamahiin at (b) pagsunod o hindi
pagsunod sa pamahiin; (4) sa paanong paraan
nagiging bahagi at naaapektuhan ng
pamahiiin ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga kalahok.
Video
Documentation
Ito
ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagrerekord ng mga imahe at tunog gamit ang video recorder. Karaniwang ginamit sa
pagtatala ng mahahalagang
pangyayari sa kasaysayan. Maaari itong lapatan ng
pagsasalaysay o narration, at ng
musika. Pinakakaraniwang porma nito ang bidyong dokumentaryo o dokyu.
White
Paper o
Panukala
Tumutukoy
ito sa isang saliksik o ulat mula sa isang ahensya ng gobyerno, opisyal ng
gobyerno, think tank, akademikong departamento, o eksperto na naglalahad
ng
makabuluhang Impormasyon at/o mga panukala kaugnay ng isang napapanahong isyu
na nakakaapekto sa maraming mamamayan o sa isang partikular na
komunidad.
Abstrak:
Tinatalakay sa papel na ito ang ugnayan ng wika, pananaliksik, at
internasyonalisasyong akademiko sa konteksto ng hindi kaaya-ayang mga markang
natamo ng mga institusyong Pilipino sa mataas na edukasyon sa ilang Asyano at
pandaigdigang ranking ng mga pamantasan. Ang papel na ito ay may apat na
bahagi:
1) tungkol sa kahulugan ng internasyonalisasyong akademiko, 2) tungkol
sa halaga ng pananaliksik sa internasyonalisasyong akademiko, 3) tungkol sa
kahusayan sa
pananaliksik at konsepto ng pamanatsang pansaliksik (research
univeristy), at 4) tungkol sa pananaliksik at ilang usapin kaugnay ngwikang
Filipino. Hangad ng papel na
ito na maipakita ang malaking maiaambag ng wikang
Filipino sa pagpapayaman ng kultura ng pananaliksik sa loob ng mga institusyong
Pilipino sa mataas na
edukasyon, na sa kalaunan ay mag-aangat sa kanilang
katayuan sa ilang Asyano at pandaigdigang ranking ng mga pamantasan.
3.6. bahagi ng aralin
Komparatibong Pananaliksik
Tumutukoy
ito sa deskriptibo o palarawang paghahambing/pagkukumpara sa mga pagkakatulad
at pagkakaiba ng dalawang tao, grupo, sitwasyon, bagay,
phenomenon at iba pa.
Nasa
ibaba ang halimbawa ng pananaliksik na ito.
KOMPARATIBONG
ANALISIS NG AKTUWAL NA GAMIT NG WIKA AT MGA PILING PAMANTAYAN SA GRAMATIKA AT
ORTOGRAPIYA SA FILIPINO,
ni
Joel P. Ilao sa Daluyan (2012)
Pagsusuring Tematiko at
Pagsusuri ng Nilalaman
Tunghayan
mo ang halimbawa ng ganitong pananaliksik.
“Kwento,
Kwenta, at Kwentahan: Pagsusuring Tematiko sa Istorya ng Mga Pelikula sa Metro
Manila Film Festival (2008-2018)”
Deskriptibong Pananaliksik
Tumutukoy
ito sa deskriptibo o palarawang paglalahad ng mga katangian ng isang tao ,
grupo , sitwasyon, bagay, penomenon, at iba pa na sinusuri/pinag-
aaralan.
Basahin
mo ang halimbawa ng ganitong pananaliksik.
nina Jethro Laput at Ma. Fatima Bullecer sa The Bedan Journal of Psychology (2016)
Abstrak:
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa pananaw ng mga mag-aaral na kalalakihan ng
Veritas Parochial School sa konsepto ng “Seenzone” bilang
“motivation” o
“drive”. Sa na kalalakihan ng Veritas Parochial School sa konsepto ng
“Seenzone” bilang “motivation” o “drive”. Sa kabuuan, ang mananaliksik ay
nakapanayan ng labing tatlong mag-aaral. Ang mananaliksik ay gumamit ng
deskriptibong paraan ng pananaliksik partikular ang pagtatanung-tanong at
pakikipagkwentuhan upang makuha ng mananaliksik ang tunay na nararamdaman ng
mga kalahok at ito ay mas naaayon sa kamalayang Pilipino. Ang layunin ng
pananaliksik na ito ay upang malaman ng henerasyon ngayon kung ano ang konsepto
ng “Seenzone”, ano ang naging bunga at epekto nito sa mga kalahok at kung
paano
ito nakaapekto sa kanilang buhay. Ang problema sa pag-aaral na ito ay kung
bakit may mga lalaki na hanggang sa pampribadong pagmemensahe na lang
sila
nakikipag-usap sa kababaihan sa kadahilanang nga ba na natotorpe sila sa halip
na tanggapin ang mga dagok sa pagmamahal at sa ganoon ay makuha nila
ang
kanilang kagustuhan. Iisa at positibo ang mga damdamin na naging resulta sa
pagkuha ng datos sa mga kalahok, lalo na sa mga karanasan at epekto nito sa
mga
kalahok. Ito ang napiling pag-aaral ng mananaliksik dahil nais niyang mausisa
nang lubusan at kung hindi man ay malaman niya kung totoo nga na
mayroong
“Seenzone” sa panahong kinakatayuan nating lahat na nahuhumaling sa iba’t ibang
teknolohiya sa ating kapaligiran.
Tumutukoy
ito sa pagsusuri at pag-uugnay-ugnay sa mga umiiral na datos at estadistika,
tungo sa layuning sagutin ang mga panibagong tanong at/o
makabuo ng mga bagong
kongklusyon na angkop sa kasalukuyang sitwasyon.
Mababasa
mo sa ibaba ang halimbawa ng ganitong pananaliksik.
COUNTRY
ANALYSIS OF AIDS IN THE PHILIPPINES:GENDER AND AGE SITUATION AND RESPONSE NG
NATIONALA ECONOMIC DEVELOPMENT AUTHOIRY/NEDA AT UNITED NATIONS
CHILDREN’S
FUND/UNICEF (2011)
Case
Study
Ito
ay detalyadong paglalarawan sa sitwasyon ng isang tao, bagay, lugar,
pangyayari, penomenon, at iba pa bilang potensyal na lunsaran ng mga susunod
pang pag-aaral sa mga kahawig na kaso.
Nasa
ibaba ang halimbawa ng ganitong pananaliksik.
Mungkahing
paksa: Mahusay na Taktika at Praktika sa Kampanyang Elektoral mula Porma
Hanggang Plataporma: Case Study ng mga Partylist sa Ilalim ng
Koalisyong
Makabayan
Pagbubuo ng Glosaryo/
Pananaliksik na Leksikograpiko
Ito
ay pananaliksik hinggil sa proseso ng pagtatala ng depinisyon ng mga termino
alinsunod sa kontemporaryong gamit ng mga salita sa isang partikular na
larangan.
Makikita
mo sa ibaba ang halimbawa ng ganitong pananaliksik.
GLOSARYO
NG MGA TERMINO SA PANITIKAN
Ni
David Michael San Juan (2010)
Pagbubuo at Balidasyon ng
Materyales na Panturo
Tumutukoy
sa pananaliksik hinggil sa proseso ng pagbubuo at balidasyon ng mga modyul at
iba pa. materyales na panturo na kaiba sa karaniwang umiiral o
kaya’y naka
angkla sa panibagong pamamaraan o dulog sa pagtuturo.
Tunghayan
mo ang halimbawa ng ganitong pananaliksik.
DEBELOPMENT
AT BALIDASYOIN NG MODYUL SA FILIPINO 1 PARA SA MGA
DAYUHANG
MAG-AARAL SA ANTAS TERSYARYA
ni
Arlene M. Soliman
Pagsusuring Etimolohikal
Pananaliksik
tungkol sa pinagmulan ng kahulugan ng mga salita,orihinal na konteksto at iba
pang kaugnay na detalye na mahalaga sa pag-unawa sa
kasalukuyang gamit at
konteksto nito.
Nasa
ibaba ang halimbawa ng ganitong pananaliksik.
ISANG
PAGSUSURI NG TOPONOMIYA SA BAYAN NG LUCBAN, QUEZON
Ni
Cyril Jude Cornelio et al. (2016)
Abstrak:
Ang papel na ito ay isang sarbey at pagsusuring toponomiya sa isang komunidad,
para ipakita at makipag-ugnay ang sitwasyon ng Pilipinas, sa
isang maliit na
tagpo. Ipapakita rin ng mga mag-aaral ang relasyon ng mga pangalan ng lugar sa
kultura ng isang pook.
Pananaliksik
na nakatuon sa pagtukoy sa mga sanhi at bunga ng isang pangyayari, penomenon,
programa/proyekto, patakaran at iba pa.
Nasa
ibaba ang halimbawa ng ganitong pananaliksik at isang mungkahing paksa para sa
metodong ito.
DESKRIPTIBONG
PAG-AARAL SA SANHI AT EPEKTO NG STRESS SA MGA MAG-AARAL SA IKAAPAT NA
ANTAS NG HRM SA PAMANTASANG DE LA SALLE-DASMARINAS
Ni
Gizelle Vergara et al. (2013)
Pagsusuri sa Diskurso
Ito
ay tumutukoy sa pagsusuri sa paraan ng pagpapahayag at/o mensaheng
nangingibabaw sa teksto, awit, video,
pelikula , at iba pang materyales.
SWOT Analysis
Tumutukoy
ito sa pagsusuri sa kalakasan (strenghts)
at kahinaan (weaknesses) ng isang
programa/plano, at mga oportunidad (opportunities)
o bagay na
makatutulong sa implementasyon at mga banta (threat) o bagay na maaaring
makahadlang sa implementasyon ng programa/plano.
Kritikal na Pagsusuring
Pangkurikulum/Pamprograma
Tumutukoy
sa pagsusuri sa mga negatibong aspekto ng isang kurikulum/programa tungo sa
layuning baguhin/linangin pa ito.
3.16. bahagi ng aralin
Action
Research
Nakatuon
sa paglutas ng ispesipikong suliranin sa loob ng silid-aralan, o kaya’y kaugnay
ng proseso ng pagkatuto ng isang partikular na sitwasyon.
Nasa
ibaba ang halimbawa ng ganitong pananaliksik at isang mungkahing paksa para sa
metodong ito.
APPLE
O ATIS: ISANG PAG-AARAL SA K-2
ni
Eleonor Eme E. Hermosa sa Alipato (2006)
Abstrak:
Ang pananaliksik na ito ay pinaikling research report na pinamagatang “Filipino
Bilang Wikang Panturo sa K-2” ni Patrocinia M. Abanto et
al. Tinalakay sa
pananaliksik ang bisa ng Filipino bilang wikang panturo mula Kinder hanggang
Grade 2.
Historikal na Pananaliksik
Nakatuon
sa pagtukoy sa pinagmulan/kasaysayn, mga makabuluhang pangyayari kaugnay ng
isang penomenon, programa/proyekto, patakaran, at iba pa.
Isang uri rin nito
ang kasaysayang pasalita o oral history
na nakapokus naman sa mga testamento o salaysay ng mga impormante na
aktwal na naging bahagi o
nakasaksi sa
makasaysayang pangyayari at iba pa.
Documentary
o Text Analysis
Tumutukoy
ito sa paghihimay-himay sa nilalaman ,konteksto at kabuluhan ng tekstong
sinusuri.
Eksperimentasyon/Pananaliksik
na Eksperimental
Ito
ay nakatuon sa pag-eeksperimento o proseso ng paghahambing sa resulta ng
pagmanipula sa isang variable na
kasangkot ang dalawang grupo o mga
subject
ng pananaliksik: ang unang grupo ay grupong kontrolado na hindi nilalapatan ng
pagmanipula sa variable, habang ang
ikalawang grupo naman ang
nilalapatan ng pagmanipula sa variable.
3.18. bahagi ng aralin
Cultural
Mapping
Ito
ay proseso ng pagtukoy at paglalarawan sa lahat ng mga yamang pangkultura na
nasa isang tiyak na lugar o rehiyong heograpiko, sa paraang pasulat o
biswal na
imbentaryo (Moore at Borrup, 2008). Sa Pilipinas , ang pagmamapa ay sumasaklaw
na rin sa pagtalakay sa koneksyon ng aspektong kultural, politikal,
historikal,
at ekonomiko sa isang partkular na espasyo, lugar o rehiyo.
Translation
Process Studies
Nakapokus
sa pagtalakay sa mga obserbasyon, natutuhan, praktikal na aral, at iba pa na
nakuha o nakalap ng mananaliksik habang
nagsasalin ng isang
akda.
Trend
Studies o Imbentaryo
ng mga Pananaliksik
Pananaliksik
na nag-iimbentaryo o nagsusuri sa trend
ng mga pananaliksik sa isang larangan, bilang gabay sa mga susunod pang
mananaliksik.
Isa
itong porma ng pananaliksik na historikal na nakatuon sa pagsusuri ng mga
dokumento sa arkibo (archives) gaya
ng mga lumang manuskrito, dyaryo at iba
pa.
4. Forum 8
https://college.neu.edu.ph/mod/forum/view.php?id=80813&forceview=1
5. Takdang-Aralin 8
https://collvle.neu.edu.ph/mod/assign/view.php?id=97515&forceview=1
6. Sanggunian
Mga
Sanggunian:
L.,Cuchapin. J., Caja, C., Carada, I.,
2019. Sangandaan:filipino sa iba’t
ibang
disiplina.
Malabon City:Mutya Publishing House, Inc.