Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pagtataya: Dalumat sa Pilosopiyang Loob

Republic of the Philippines


CAVITE STATE UNIVERSITY
Imus Campus
Cavite Civic Center Palico IV, Imus, Cavite
🕿🖷 (046) 471-66-07 / 4366584
www.cvsu-imus.edu.ph

GNED 12: Dalumat ng/sa Filipino


Ikalawang Semestre, TP 2021 - 2022

APELYIDO, PANGALAN: Peña, Ivan Gabriel A.


Seksiyon: BSCS – 1C
Petsa ng Pagpapasa: 24/03/2022

1. “Loob” ni Jess Santiago


Salita Kaugnay sa “Loob”
Hinanakit Sama ng loob
Mandurugas Masasamang-loob
Katapangan Lakas ng loob
Matatakutin o Natatakot Mahina ang loob
Sulok ng pook Looban
Magnanakaw Nanloloob
Alinlangan Dalawang-loob
Bituka Lamanloob
Pagpasok Pagpaloob
Pagsisi Pagbabalik-loob
Kabarkada Kapalagayang-loob
Kaibigan Katapatang-loob
Matatag Buo ang loob
Nagtitimpi Kulo ay nasa loob
Isip at damdamin Niloloob
Hindi nababayaran Utang na loob

2. “Loob ng tao” ni Alejo, S.J.


Tinatalakay Deskripsiyon
Pagkapukaw ng pagmumuni ukol sa loob ng Paglalim ng kaalaman patungkol sa loob ng
tao tao
Pagmumuni Bilang Pakikisangkot Dala dalang ala-ala ng mga karanasan at
napagdaanan
Ang loob bilang abot-malay, abot dama, at Pagpapakilalang galaw, pagtatalaga ng sarili,
abot kaya at pagdaramdam
Pagbubuo ng loob Tapang, tatag, at pangkalahatang lakas ng
loob
Loob, katawan at pangangatawan Loob na paninindigan
Pangangatawan ng loob sa panahon: Abot- Paninindigan ng mga galaw sa katagalan
kaya bilang ‘tagal’
Ang abot-kaya bilang pakikibaka at pag-asa Pagsamo ng pag-asa sa pagpapalakas ng loob
Ang realismo ng “abot”: Isang Paglilinaw Paglilinaw ng Sakop ng loob sa mga kalapit
na konsepto
Pagtataya: Dalumat sa Pilosopiyang Loob

Abot at Sakop Ang kinalolooban ng dimension bilang


“sakop at abot”
Abot at abot-tanaw Pagdidiin ng pagmumulat sa meron (abot-
tanaw), at ang abot sa pangkalahatang
dimensyon
Ang Abot-Dili Idiyomang kumakahulugang walang
katiyakan at pagka-alanganin

3. Pagkakaiba at Pagkakapareho ng Dalawang Obra Maestra


Ang awit na “loob” at papel na “loob ng tao” ay halos may magkalapit na patutunguhan na
nilalaman, ngunit may kakaunti lamang itong paraang pagdidiin at paghatid ng mensahe.
Nung una kong mapakinggan ang kantang “loob” ay napansin ko ang kaniyang paraan ng
pagbigay aral o mensahe. Sa aking napansin, mas maikli ang explanasyon o nang ibig sabihin na
inilahad sa kanta. Napansin ko rin na ibinigay ng kanta agad ang kasingkahulugan ng mga
salitang may ‘loob’ habang ang papel na “loob ng tao” ni Alejo S.J. ay mas detalyadong
inilahad at malawak na idiniin ang lalim ng salita. Ang pagkakasulat ng “loob ng tao” ay mas
mahaba at mas may nilalaman na konteks upang mas madaling maintindihan ang mga salitang
nakalagay sa papel. Dahil doon, mas madali kong naintindihan ang mga ipinapahiwatig sa papel
ngunit ito ay naglalaman rin ng mga malalalim na salita at di gaanong nagagamit sa pang araw-
araw na konbersasyon.
Sa pangkalahatan, kitang kita agad ang pagkakaiba ng dalawang obra maestra mula sa
paglalahad ng mga nilalaman at konteks, hanggang sa pag bigay ng explanation habang ang isa
naman ay mas maikli lamang dahil ito ay kanta lamang. Subalit, nakabigay pa rin naman ito ng
pagkakapareho pagdating sa konteks na kanilang gustong ilahad, gaya nalang lamang na ang
mga salitang may ‘loob’ na hindi halos lahat ay maiintindihan, ngunit ang may mga karanasan
lamang ang madalas na makakaintindi ng mga iba’t ibang salita na naglalaman ng ‘loob’ na mas
maiintindihan ng utak at pusong Pinoy.

You might also like