Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

SCRIPT

Ivan - Bungkalan sa Luisita

Ayon sa talatang ito, ang Hacienda Luisita ay ang mukha ng marahas at masalimuot na
makauring tunggalian na tipikal sa kanayunan at sa buong lipunang Pilipino. Kaakibat ng
kapangyarihang ito ang paggamit ng armadong pwersa ng estado upang supilin at
patahimikin ang mga masang naghahangad ng katarungan at pagbabago. Dapat halawin
ang parehong positibo at negatibong aral mula sa karanasan upang maging matatag ang
pundasyon ng bungkalan bilang isang kilusang masa.
Makasaysayang tagumpay ng magbubukid ang paborableng desisyon ng Korte Suprema
para sa kumpletong pamamahagi ng lupain sa Luisita. Mabigat ang tungkulin ng mga
organisasyong magsasaka sa mahusay na pagsusuri at paggiya.
Napatunayan na hindi mga papel na katibayan ang magpapatatag sa katayuan, kundi
ang patuloy na sama-samang pagkilos at militanteng paggigiit. Kasabay nito ang marahas
na pagbuwag sa mga bungkalan – walang puknat ang pagpapalayas, pagsasampa ng
kaliwa't kanang gawa-gawang kaso. Bukod dito, mas malalang sakuna ang dala ng
sistematikong pangwawasak at ganting-salakay ng haciendero – gaya na lang ng
pinakawalang iligal na aryendo o rentahan sa lupa.
Ivan - Karanasan sa Negros

Dalawang buwan lamang ang makaraan ang masaker sa Hacienda Luisita. Sa Negros,
mayroon ding Cojuangco, Araneta, Marañ on, Ledesma, Benedicto at iba pa. Kabilang ang
NFSW sa mga tagapagtatag ng UMA o na kung tawagin ay ang Unyon ng mga Manggagawa
sa Agrikultura nang itayo ito noong Enero 2005.
Sa pamamagitan ng organisasyong magsasaka, ang Panag-hiusa sa Kalambungan,
ipinatupad ang sistemang "bayanihan" na kinumbina sa isang antas ng kooperatib-isasyon.
Noong 2015, nakatanggap ang bawat isa sa 160 myembro nito ng P8,000 bilang dibidendo.
Matapos ang apat na taon, nakapagpundar na rin ang organisasyon ng sariling mga
kagamitan gaya ng traktora, kuliglig, treser, sheler, at makinang patubig. Libu-libong
ektarya na ang saklaw ng mga bungkalan sa iba't ibang bahagi ng Negros. Sa Hilaga, walong
pung hacienda na ang pinaglunsaran at nagbebenepisyo rito ang may tatló ng libó ’t isá ng
daá n at limá ng pû ’t anim na pamilyang magbubukid.
Ivan - ‘Buwagin’ at ‘Bungkalan’

Maaaring ikupot ang salitang "bungkalan" sa nyutral o walang bahid na pulitikang


proseso ng pagtatanim o produksyong agrikultural. Hinihiling nito sa pangunahin ang
pagbubuklod ng pinakaapi sa kanayunan, upang ipaglaban ang mga karapatan at
demokratikong interes, at maisagawa ang mapangahas na pagpoposisyon sa lupa.
Ginagagap ng magbubukid ang kanilang kapangyarihan bilang pwersa sa pagbabago ng
lipunan sa pamamagitan ng aktwal na paghamon at unti-unting pagwasak.
Ang pasya ng mga magbubukid na bawiin ang lupa,ang okupasyon at paglilinang
upang maging ganap itong produktibo para sa kapakanan ng komunidad at kauri – ay
bangungot para sa mga ganid at mangangamkam. Para sa mga mulat, dapat lamang na igiit
ang karapatan sa iba't ibang larangan, gaya ng mga petisyon, kasong legal, pagsusulong ng
lehislasyon, at protesta sa lansangan. Hanggang ngayon ay hindi rin pinalulusot sa
Kongreso ang mga progresibong panukalang batas Gaya ng Genuine Agrarian Reform Bill o
GARB, na isinusumite ng Anakpawis Partylist at Makabayan bloc.
Di kaya ay sa mga ladyaw ng Masbate at Bikol, sa Palawan, Panay, Bohol, Samar at
Leyte, at sa iba't ibang panig ng Mindanao. Kaya’t hindi na nakapagtataka kung marinig
natin ang salitang "bungkalan" sa militanteng pagkilos ng mga magsasaka, gaya ng
naikakasa na ngayon sa plantasyon ng Lapanday sa Madaum, Tagum City, at sa Hacienda
Roxas at Kapdula sa Batangas at Cavite.

Ivan - Digmang Magsasaka

Mga konseptong lakip sa salitang "bungkalan" ay ilang ulit na sinupil – talamak ang
pamamaslang at masaker sa kanayunan. Masaker din ang tugon sa ligal na pagkilos ng mga
magsasaka, gaya na rin ng karanasan sa Mendiola, Hacienda Luisita at Kidapawan. Di
maikaka-sila na nariyan pa rin ang mga kondisyon para sa armadong pagbangon, at
makatwiran lamang ang maghimagsik. Hindi pa tapos ang pambansa-demokratikong
rebolusyon nina Bonifacio at ng Katipunan, na inilunsad upang bawiin ang ating mga lupain
mula sa mananakop at ganap na palayain.
CPP-NPA-NDF ay ang pambansa-demokratikong rebolusyon, sa bagong tipo nito na
may sosyalistang perspektiba. Inilulunsad nito ang armadong pakikibaka kaakibat ng
pagbubuo. Nasa ubod ng militanteng katangian ng "bungkalan" ang proletaryong
paninindigan at pamamaraan. Mula sa ganitong praktika, nagkakaroon lamang ng
progresibo o rebolusyonaryong pakahulugan ang di-iilang katutubong termino na
tumutukoy sa mga kasanayan o tradisyong agrikultural sa Pilipinas. Ang "paluwagan" o
kampanya sa pagtitipid at sama-samang pag-iimpok halimbawa, ay nagiging sandata ng
magbubukid. Ito'y tinatawag na "batarisan" sa Tagalog.
Sa halip na tumukoy sa progresibong praktika sa produksyon na isinasagawa ng
organisadong magsasaka, ang kooperasyon sa "bayanihan" ay ginawang singkahulugan ng
kompromiso at kooptasyon. Ngunit sa lungsod at nayon, nililigalig na ang mamamayan ng
patung-patong na giyera at patayang walang kahuhutnan at magandang “benepisyo” sa
karamihan. Inilunsad din ni Presidente Rodrigo Duterte ang todo-giyera laban sa CPP-NPA-
NDF na aktibong sinuportahan at matamang sinubaybayan ng UMA at iba pang mga
progresibong grupo na ang takbo ay ang usapang pangkapayapaan. Ngunit ayun nga
lamang sa huli, hanggang salita lamang ang "kapayapaan," "pagbabago" at "kaunlaran".
Hangga't hindi nalulutas ang pinakamalaking suliranin.

You might also like