Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

PAGSULONG: ANG PANGKALAHATAN BENEPISYO AT POTENSYAL NA

KONTRIBUSYON NG TEKNOLOHIYA SA EPEKTO AT PANGMATAGALANG


HADLANG NG PANDEMYA SA MAMAMAYAN

 
 
 
Isang Dalumat-Sanaysay na Iniharap kay
                                            Propesor Mary Grace H. Gonzales                         
Departamento ng mga Wika at Pangmadlang Komunikasyon
Cavite State University - Imus Campus
 
 
 
 
Bilang Bahagi ng Pagtupad
sa mga Pangangailangan para sa Kursong
GNED12 Dalumat ng/sa Filipino
 
 
 
 
 
Peña, Ivan Gabriel A.

 
 
 
 
BSCS 1C
 
 
 
 

 
 
Hunyo 2022
INTRODUKSYON: PAGBABALIK SA NAKARAAN AT ANG SILIP SA
HINAHARAP
Ang salitang pagsulong ay minsan rin tawaging “pag-abante” o “galaw” na
espisipikong ginagamit sa Dalumat sanaysay na ito upang tumukoy sa potensyal at
kilusang teknolohiya. Ito ay maaaring tumukoy sa pagpapaunlad ng buhay o kaya
naman sa mga pinagdadaanan ng indibidwal, pang-maramihan, at pangkalahatang
aplikasyon sa pamamamaraan ng pag-unlad ng teknolohiya.
Kung ating ikakabit itong Dalumat salita sa kaugnayan ng kasalukuyang
pandemya, ang Coronavirus o ang COVID 19 ay isang sakit na may kritikal at malalang
epekto sa paghinga na kinikilala lamang at karaniwang natatagpuan lamang sa mga
hayop at hindi pa sa tao noon. Ayon sa Department of Health (DOH) ang mga sintomas
nito ay ang mga paghirap ng paghinga, lagnat, ubo at sipon, at iba pang problema sa
daluyan ng paghinga. Kinikilala rin ito sa iba’t ibang variant sa pangalang Delta
Variant, at ang Omicron Variant. Ang COVID 19 ay unang kumalat at nagsimula sa
bansa ng China sa Syudad ng Wuhan at probinsya ng Hubei. Nagsimula itong ibalita
dahil sa pagkalat nito sa sa China at agad itong binigyan ng mabilisang
impormasyonang World Health Organization at inireport ito noong Disyembre 31,
2019.
Marahil na marami ang nagkaroon ng kutob na isa itong menor na sakuna
lamang at hindi ito lalabas ng China o kaya naman’y isa itong hoax o fake news, ngunit
doon pa lamang ito nagsisimulang lumala. Sa pagsulat ng papel na ito, ay umabot na sa
530 Milyong kaso sa buong mundo (Our World in Data) ng COVID 19, at 3.6 Milyon
naman sa Pilipinas na naglalaman ng bilang na 60,455 na namatay sa Coronavirus (Our
World in Data & JHU CSSE COVID-19 Data).
Sa kasalukuyang panahon, maraming pagbabago at pagsasaayos ang naisagawa
ng mga kataastaasang opisyales tungo sa mga pangaraw-araw na gawain. Gaya na
lamang ng mga pagsasara ng mga nakatayong pribadong sektor, paraan ng edukasyon,
pagbabago sa labor forces, at ang paghahanap ng trabaho.

Pagsasara ng mga Pribadong Sektor


Sa kadahlanan ng sunod sunod na community quarantine malaki din ang naging
epekto nito sa mga pribadong sektor noong Nobyembre 2020. Tulad na lamang ng
pagsara ng pangkalahatang sektor na naglalaman ng 9 porsyentong ang
pansamantalang nagsara sa pagsunod, 21 porsyento ang bulontaryo, at 7 porsyento
naman ang tuluyan ng nag sara (“World Bank. 2021. Impacts of COVID-19 on Firms in the
Philippines: Results from the Philippines COVID-19 Firm Survey conducted in November
2020. World Bank, Washington, DC. © World Bank.).

Paraan ng Edukasyon sa Gitna ng Pandemya


Isa na din dito ang pagkakaroon ng mga pagbabago tungo sa pamamaraan ng
edukasyon dahil sa COVID-19. Sa kabila nito, nagsimula na ang pag gamit ng mga
kagamitang teknolohiya na kung saan maaari nang mag aral ang mga estudyante sa
kanilang mga sari-sariling tahanan gamit ang kanilang mga mobile phones, laptop,
computers, tablets, atbp. Ngunit dapat din isaalang-alang ang mga magiging epekto
nito sa mga magiging karanasan ng mag-aaral sa pagpapalaganap ng online class. Isa
na dito ang technical difficulties o kaya naman’y ang problema sa internet connection,
mga ingay sa kapaligiran gaya na lamang ng tunog ng tambutso, mga karaoke ng mga
kapitbahay, atbp. Sa kadahilanang online class, malaki din ang posibilidad na mahati
ang atensyon ng mag-aaral, na kung saan maaari silang maglaro, matulog habang nag o
online class, o kaya naman’y gumawa ng mga bagay na hindi naman kailangan at
walang kaugnayan sa kanilang mga indibidwal na klase. Dagdag na rin dito ay ang
pinansyal na kakulangan ng mga estudyante at mga guro sa internet, data,
subscriptions at mga na maaaring umapekto sa pag-aaral ng mga estudyante at
pagtuturo ng mga guro (Rouselle Isla., The Pros and Cons of Online Learning in the
Philippines – MoneySmart2020. September 2020).

Labor Forces (Lakas Paggawa) at Antas ng Kawalan ng Trabaho


Kung mayroong pagbabago sa paraan ng edukasyon at takbo ng mga pribadong
sektor, paniguradong mayroon din sa mga Lakas Paggawa at ang antas ng kawalan ng
trabaho. Dahil sa sunod sunod na community quarantine at sa tumpok-tumpok na
nagkaroon ng COVID-19 virus, napakalakas ng posibilidad na maaaring mayroong
kumpanyang magsasara, o kaya naman’y magpapatupad ng “Work From Home” na
kung saan mas malilimita ang oportunidad ng mga iilan na maaaring naghahanap ng
trabahong pisikal, tulad na lamang ng mga construction worker, food service, School
vendors at teachers/professors, mga pumapasok sa pribadong sektor, ang mga
trabahong pang agrikultural at iba pang trabahong pisikal o pagseserbisyo sa mga
customer o consumer (mamimili).
Ayon sa artikulo ng Business & Human Rights Resource Centre na may talatang
“Philippines: Workers Face Unemployment and Militarist Interference in Democratic Space
During COVID-19”, napakalaki ng naging epekto ng COVID sa mga Lakas
Manggagawa (Labor Forces), lumalabas na 17.6 porsyento ang unemployment rate
noong Abril 2020.

Paghahanap ng Trabaho sa Gitna ng Pandemya


Maaaring maging isa itong kalamangan sa mga iilang may mas mataas na
oportunidad gaya na lamang ng mga kagamitang teknolohiya na kinakailangan sa
trabaho, tulad ng kompyuter, internet, mobile phones, mobile data, atbp. Ngunit may
iilan rin ang nakaranas ng limitadong oportunidad dahil na nga sa pandemya, at pati
na rin ang kakulangan ng mga pangangailangan, at pangkalahatang access sa mga
pamantayang pangangailangan sa mga trabahong maaaring pag-applyan.
Gaya na lamang ang pagdaranas Aegeus Constantine Eclar na nagtatrabaho noon
bilang processing officer sa migration company na nawalan ng trabaho sa panahon ng
pamdemya. Ikinuwento rin niya ang kaniyang pagdaranas sa hirap ng paghahanap ng
trabaho sa kasalukuyang sitwasyon noong taong 2021. Naibanggit rin niya na
temporaryong limitado ang mga oportunidad sa paghahanap ng trabaho dahil sa
pandemya na nagiging dahilan sa kanyang pagkabigo na maibigay ang kaniyang pang
araw-araw na pangangailangan. Isa na rin si Samuel De Guzman na dating isang OFW sa
Dubai na napilitan rin umuwi ng Pilipinas para maghanap ng trabaho. Isa na rin ang
dahilan nito na limitado na lamang ang pwedeng puntahan at nagiging mababa na din
ang pagbigay ng sahod.
Napakalaking abala talaga ang mawalan ng trabaho lalo na sa panahon ng
sakuna, kaya naman’y isa na rin ito sa pagkilala na isa itong malaking balakid lalo na
ang mga naging pangmatagalang epekto at hadlang ng COVID-19.

Silip sa Hinaharap
Sa pangmatagalang epekto ng pandemya, maituturing na dito ang estado ng
pagiisip ng mga taong makakasalamuha. Maaaring ang iilan ay maging sensitibo sa
paligid o kung tawagin ay paranoid na kung saan mayroon lamang mahawakan ay
makakaramdam sila na kailangan nilang maghugas ng kamay, o kaya naman’y may
umubo o bumahing sa publiko ay maaaring layuan ito ng tuluyan ng mga taong
nakapaligid dito at possibleng mapaghinalaan na mayroon itong COVID, o kaya
naman’y malubhang sakit. Maaaring maging balakid din ito sa pamamaraang
pagpapatuloy ng paglimita ng mga dayo o imigrante sa partikular na lugar o bansa.
Malaki din ang posibilidad na may mga paaralang maaaring matagalan sa pagpatuloy
ng face-to-face classes na hanggang ngayon ay naituturing parin komplikado.
Napakalaki ng mga posibilidad na ito, maaaring maapektuhan ang iba’t ibang
salik sa komunidad, lipunan, o sa bansa na may mga iba’t ibang tungkulin sa iba’t
ibang patlang at batayang pangkalahatang posibilidad umapekto bilang balakid o
hadlang sa pangaraw-araw na pangkabuhayan ng hinaharap.

Stratehiyang Teknolohiyang Makabago


Maituturing man ang pandemya bilang isang matinding sakuna, ngunit hindi
maaalis ang naging kontribusyon ng teknolohiyang pangkalahatan sa iilang indibidwal
at sa kasalukuyang panahon at pagdaranas ng karamihan. Nakakatulong ang
teknolohiya sa takbo ng ekonomiya, pamamaraan ng edukasyon, trabaho, at marami
pang iba. Nagagamit rin ang teknolohiya sa pamamaraaan ng pamumuhay ng mga
indibidwal na kung saan nagkakaron ito ng kontribusyon sa mga sari-sariling
pagdaranas ng iilang indibidwal, at nakakapagbigay tugon ito sa mga pangangailangan
ng karamihan.

METODO AT TEORYA
Ang metodolohiya o teoryang ginamit sa Dalumat-sanaysay na ito ay ang mga
wastong artikulo, mga umiiral na datos, at mga umiiral na news at bidyo na
naglalaman ng mga impormasyong may kaugnayan sa analisis na ito upang makamit
ang mga kinakailangang pamantayan sa Dalumat-sanaysay na ito.
Ang teoryang inihahain sa sanaysay na ito ay ang teoryang teknolohiyang
makabago na tumututol at umuugnay sa pamamamaraang pagbibigay kontribusyon at
benepisyo nito sa kasalukuyang sitwasyon ng pandemya na kung saan karamihan ng
mga indibidwal na nakikinabang sa kilusan ng teknolohiya sa modernong panahon at
pati na rin sa kasalukuyang panahon ng sakuna o pandemya (COVID-19).
DISKUSYON: PANG KALAHATANG KONTRIBUSYON AT BENEPISYO NG
KILUSANG TEKNOLOHIYA SA PANAHON NG PANDEMYA
Ang kasalukuyang panahon at pinagdaraanan ng nilalahat na mamamayan ay
totoo namang hindi biro. Napakalaking hadlang na rin nito at makikilalang isang
mataas na balakid sa karamihan dahil na nga lamang sa mga naging epekto ng
pandemya sa mga mamamayan. Kasama na dito ay ang pagkawala ng trabaho ng iilan,
komplikadong paghahanap ng trabaho, pamamaraang pag-aaral.
Ang teknolohiya ay napakalawak na pundasyon sa pag papalakas o
pagpapatibay ng isang lipunan o bansa. Ngunit sa panahon ng pandemya, napakalaki
rin ang naitulong nito at naibibigay nitong pakinabang sa mga manggagamit at
nangangailangan.

Kilusang Teknolohiya sa Pamamaraang Edukasyon


Napakalaki ang naitulong ng teknolohiya sa pamamaraang edukasyon, tulad na
lamang sa kasalukuyang panahon na kung saan nagagamit na ang mga mobile phones,
laptops, computers, at iba pang kagamitan sa pag-gawa o kaya naman’y sa pagkuha ng
impormasyong kinakailangan. Pagdating noong taong 2020, naging kritikal ang halaga
at tungkulin ng teknolohiya sa mga mag-aaral. Dito na rin ipinatupad ang Online
Learning o kaya naman’y mas kilala sa tawag na Online Class na kung saan sumesentro
ang natututunan ng bata na may kagamitang teknolohiya. Nakatulong rin ito sa
pamamamraang pagkamit o pag-tapal ng butas sa mga komplikadong sitwasyon sa
panahong ng init ng COVID-19. Mas lumiit rin ang possibilidad na matamaan ng
COVID-19 ang mga kahit na sino mang nasa larangan na ito, mapa guro man o
estudyante dahil na nga lamang sa pinatupad na work from home para sa mga guro, at
online class para sa mga estudyante.

Benepisyong pang lakas manggagawa


Kung maraming kumpanya o pribadong sektor ang mga nagsara sa kadahilanan
ng pandemya, ngunit may iilan rin ang mga nagbebenipisyo dito sa pamamamaraang
work from home. Napakalaki ng naitulong ng work from home para sa mga
mamamayang nangangailangan, at pati na rin sa mga pribadong sektor upang maka-
ahon sa mga naging epekto ng pandemya sa takbo ng ekonomiya, benta, at serbisyo ng
mga Negosyo. Pati na rin ang mabilis na komunikasyon, madaliang transaksyon, at
mas maayos na pamamamaraang pangtrabaho. Ngunit ito lamang ay lumilimita sa mga
trabahong nangangailangan ng gawang pang-opisina, at ang mga madalas na
nanunungkulin na walang pisikal na lakas di tulad ng mga trabahong pang agrikultura,
trabahador sa konstruksyon, o kaya naman’y mas kilalang tawagin bilang mga Blue
Collar Workers. Ngunit dito rin pumapasok ang factory and machinery automation na
kung saan nagpapadali ng mga tungkulin ng mga blue collar workers.

Pamamahagi ng Kilusang Teknolohiya sa Pangkalahatang Larangan


Sa panahon ng sakuna, napakalaki ng naitulong at nabigay na kontribusyon ng
teknolohiya sa karamihan. Marami ang nakinabang sa pamamamaraan ng kilusang
teknolohiya. Nakatulong ito sa paraan ng harvest, seeding and weeding, automation sa
larangan ng agrikultura. Nakakatulong rin ito sa modernong pamamaraang
pangkabuhayan tulad na lamang ng pang-araw-araw na pangangailangan na mas kilala
bilang trabaho, pagaaral, pamimili ng mga kailangan, komunikasyon, interaksyon, at
personal na serbisyo o kahilingan ng bawat manggagamit ng teknolohiya.
Isa na rin sa solusyon ay ang pagbibigay ng mga pangangailangan ng isang
manggagawa ng kaniyang kumpanyang pinapasukan/pinasukan gaya na lamang ng
mga laptop, internet, data at iba pang mga pangangailangan na may kaugnay sa
trabaho. Ganun na rin sa pamamaraang pagaaral na kung saan magkakaron ng mga
pangangailangan ang mga mag-aaral na mismong ibibigay o ipapahiram ng
eskwelahang pinapasukan. Ito ay isang kilusang makabago at modernong pamamaraan
upang maigapang ang potensyal ng mamamayan, mapa manggagawa man o mag-
aaral, lalong lalo na sa mga blue collar workers na kung saan maibibigay ang mga
pangangailangan para sa mas mabilis, madali at malinis na trabaho tulad na lamang ng
automation devices o pangteknolohiyang stratehiyang makakatulong sa pagpapadali
ng mano-manong trabaho.
Ang teknolohiya tungo sa makabago at modernong panahon, lalong lalo na sa
kasalukuyang pandemya ay napakalaking pundasyon upang maiakyat ang potensyal
ng bawat mamamayan sa iba’t ibang larangan. Ngunit sa ngayon, karamihan ng mga
estudyante ay madalas na hindi nakakapasok at nakakagawa ng mga kailangang gawin
sa E-learning program o kaya naman’y mas madalas tawaging online class. Isa na sa
mga dahilan na ito ay ang mga problema sa internet service, kakulangan ng mga
teknolohiyang pangangailangan, tulad na lamang ng mga cellphones, computer, at iba
pang klase ng pangteknolohiyang kagamitan. Lumalabas rin sa pananaliksik ni Robert
Balfanz na mas kilalang researcher sa John Hopkins university na may dalawang lebel
ng alalahanin ng mga estudyante sa modernong pamamaraang pagaaral, isa dito ay
ang kakulangan ng kagamitan o kaya naman’y ang mga walang access o gamay sa E-
Learning Program, at pangalawa ay ang mga nawawalan ng koneksyon sa mga sari-
sariling paaralan ng indibidwal na mas nagkakaron ng mas malaking potensyal na
mahirapang bumalik sa possibleng pag balik ng tradisyong pag-aaral (Laura Fay., More
Than Half of Students Are Not Turning In to Online Classes, Informal Teacher Survey Shows –
the74million. April 16, 2020). Kaya naman’y isa na sa potensyal na solusyon sa mga
ganitong klaseng sakuna o komplikasyon ay ang pagpapatuloy ng E-Learning Program
na may halong tradisyong pag-aaral. Dito pumapasok ang pamamaraang pagkasanay
ng bawat magaaral sa parehong metodo ng pag-aaral sa kasalukuyang panahon at sa
mga bagong henerasyon na paparating. Nang sa ganon, maiiwasan ng karamihan ang
biglaang pagbabago sa mga maaaring maging problema o komplikasyon gaya na nga
lamang ng kasalukuyang pandemyang hinaharap ng bawat mamamayan upang
maiwasan ang mga ganitong klaseng komplikasyon sa mga magaaral.

PAGPAPALALIM AT BAGONG TEORYANG INIHAHAIN: PAGBIBIGAY DIIN


SA BAWAT MAMAMAYANG MAGAARAL AT TRABAHADOR NA
NANGANGAILANGAN
Marahil na palaging tinatanong ng karamihan ay ang kung bakit nagkakaroon
ng komplikasyon ang mga mamamayan sa paggamit ng teknolohiya. Isa na sa dahilan
nito ay ang kakulangan ng kaalaman ukol sa kilusang teknolohiya sa modernong
panahon at lalong lalo na sa panahon ng sakuna na mas kilalang COVID 19 bilang
pandemya. Ito ay napakalalim ngunit napakaliwanag na talakayin at pagbibigay diin sa
paksang ito na may malaking posibilidad na benepisyo at kontribusyon sa pagsulong at
pag unlad ng teknolohiya sa mga tao.
Ang teoryang pagbibigay diin sa mga pangangailangan ng mga magaaral at
trabahador (mapa saang angkop pa ito, blue or white-collar workers) ay ang pag sentro
at pagsilip sa kung ano ba talaga ang mga nagiging dahilan ng kakulangan ng
kaalaman tungkol sa teknolohiya ng mga sakop nito na siyang nagreresulta ng mahina
o kakulangan sa pagsasagawa. Dito pumapasok ang teknolohiya na magbibigay
benepisyo at kontribusyon sa mga mamamayang may kakulangan sa kaalaman tungkol
sa teknolohiya, at lalong lalo na sa mga mamamayang nagdurusa sa matagalang epekto
ng pandemya.
Isa sa mga potensyal na benepisyo at kontribusyon ng teknolohiya sa
pangmatagalang epekto ng pandemya sa mga mamamayan na maaaring maisaalang-
alang ay ang kalamangan sa kaalaman na maaaring maging tulay sa pagbibigay sagot
sa karaniwang pinagdadaanang pandemya. Gaya na lamang ng posibilidad na
maaaring makagawa ng mas malakas at epektibong bakuna o gamot sa COVID o kaya
naman’y sa iba’t ibang klase ng sakit na maaaring makuha ng indibidwal. Dagdag na
rin dito ay ang kalamangan sa pagpatuloy ng paggamit at malalim na pagiintindi ng
kilusang teknolohiya na kung saan maaaring maging daan upang makasanayan ng
karamihan ang paggamit nito at unti-unting maigapang ang pagpapalakas ng sentrong
kaalaman ukol dito.
Naibanggit ni Yan Xiao na isang Project lead ng Digital Trade, ng World
Economic Forum, at ni Ziyang Fan, na isang Head ng Digital trade ng World Economic
Forum LLC ang pamamaraang naitutulong ng Teknolohiya sa gitna ng pandemya.
Binanggit dito ay ang Online Shopping, Digital Payments, Work-From-Home, E-
Learning, atbp.
Dito na rin pumapasok ang salitang ‘Pagsulong’ o kaya naman’y mas kilala sa
kasingkahulugang “pag-unlad” na kung saan tumutukoy sa mga potensyal na
benepisyo at maaaring maging kontribusyon ng teknolohiya sa gitna ng pandemya. Ito
ay lumilimita sa mga magaaral, trabahador (blue or white-collar workers) at sa buong
mamamayang nangangailangan.

KONKLUSYON
Sa pangakalahatang kaalaman ukol sa paksang ito, sumesentro ito sa mga
kilusang pang teknolohiya na tumatapal at nagibibgay kontribusyon sa lipunan at iba’t
ibang larangan sa gitna ng sakunang pandemya. Ito rin ay dumidirekta sa
pangkalahatang naitulong ng teknolohiya sa pang araw araw na gawain ng mga
mamamayan gaya na lamang ng mga empleado, at magaaral na nagbibigyan ng
oportunidad ipagpatuloy ang kanilang mga tungkulin sa pamamaraang tulong ng
teknolohiya. Isa na dito ay ang pagpapalaganap ng online classes, at ang work-from-
home na kung saan nakakapagtrabaho ang mga empleado ng maluwag sa kanilang
mga sari-sariling tahanan.
Isinasama na rin dito ay ang mga possibleng maging imbensyon ng mga
scientist, mananaliksik, at inhinyero na makakatulong sa mga mangagawang pang
agrikultura, konstruksyon, at iba pang gawaing pang pisikal na nasa loob ng blue collar
jobs.

MGA HAMON SA HINAHARAP

Ang pinaka possibleng hamon na maaaring harapin sa larangan at espesipikong


paksang ito ay ang kakulangan at maaaring maging paraan sa kinakailangang pondo
upang maibigay ang mga pangangailangan ng bawat magaaral at trabahador na
kagamitang pang teknolohiya sa kaugnayan ng mga kanilang sari-sariling larangan ng
paggawa.
Ngunit ang tanging layunin ng awtor ay makapagbigay ideya at kaalaman sa
mga pribadong sektor, mambabasa, at iba’t ibang paaralan na naglalaman ng mga
empleado at magaaral na nangangailangan ng kagamitang teknolohiya, lalo na sa may
mga mas mababa na oportunidad at access ng kagamitang kinakailangan sa
espisipikong larangang kinabibilangan.

MGA REKOMENDASYON

Kilusang Pamahalaan
Ang pamahalaan ay ang may kakayahan at may kompletong kontrol tungo sa
mga mamamayan. Ang pamahalaan ay may awtoridad na magplano o kaya naman’y
magsagawa ng iba’t ibang stratehiya inilalahad ng mga eksperto dahil na lamang sa
kakayahan nitong maglaan ng pondo sa pagpapalaganap ng mga temporaryong hiram
na kinakailangan ng mga mamamayang magaaral at mga trabahador at empleado.

Siyentipikong Eksperto
Inererekumenda ang Dalumat sanaysay na ito upang mapagkuhanan ng ideya at
magawan ang paraan ang mga kakulangan at masagot ang pangangailangan ng mga
mamamayan sa pamamaraang pag-unlad ng mga umiiral na teknolohiyang kagamitan
para sa inobasyon at pangkalahatang pagsulong ng kilusang teknolohiya.
Mga Mag-aaral
Upang magamit ang sanaysay na ito bilang isang sanggunian at magamit sa mga
hinaharap at parating na mga bagong pananaliksik o Dalumat sanaysay bilang isang
batayang literatura.

TALAAN NG REPERENSIYA

 (Our World in Data & JHU CSSE COVID-19 Data).


 (“World Bank. 2021. Impacts of COVID-19 on Firms in the Philippines: Results from
the Philippines COVID-19 Firm Survey conducted in November 2020. World Bank,
Washington, DC. © World Bank.).
 (Rouselle Isla., The Pros and Cons of Online Learning in the Philippines –
MoneySmart2020. September 2020).
 Business & Human Rights Resource Centre., “Philippines: Workers Face
Unemployment and Militarist Interference in Democratic Space During COVID-19”,
Abril 2020.
 (Laura Fay., More Than Half of Students are Not Turning in to Online Classes,
Informal Teacher Survey Shows – the74million. April 16, 2020).

You might also like