Cot Epp Agri 4 W1 Q2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

EPP

Learning Area (AGRICULTURE)


Learning Delivery Modular Distance
Modality Modality(Learning-
Led Modality)
School Grade Level FOUR
Teacher Learning Area FILIPINO
LESSON
Teaching Date Quarter SECOND/
EXEMPLAR
WEEK 1
Teaching Time No. of Days 1 DAY

I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ang mag-aaral ay:


Malalaman ang mga pakinabang sa pagtatanim ng halamang
ornamental, para sa pamilya at
sa pamayanan

A. Pamantayang Naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman at kasanayan sa


Pangnilalaman pagtatanim ng halamang ornamental bilang isang gawaing
pagkakakitaan
B. Pamantayan sa Naisasagawa ang pagtatanim, pag-aani, at pagsasapamilihan ng
Pagganap halamang ornamental samasistemang pamamaraan
C. Natatalakay ang pakinabang sa pagtatanim ng halamang
Pinakamahalagang ornamental, para sa pamilya at
Kasanayan sa
Pagkatuto sa pamayanan
(MELC) EPP4AG-0a-2
(Kung
mayroon,
isulat ang
pinakamahala
gang
kasanayan sa
pagkatuto o
MELC)
D.
Pagpapaganang
Kasanayan
(Kung mayroon,
isulat ang
pagpapaganang
kasanayan.)
II. NILALAMAN Ang Halamang Ornamental
III. KAGAMITAN Modyul
PANTURO
A. Mga
Sanggunian
a.Mga Pahina sa
Gabay ng Guro
MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES(MELC)
MATRIX

b.Mga Pahina sa
Kagamitang
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina
sa Teksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan
mula sa Portal https://lrmds.deped.gov.ph/
ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga
Kagamitang
Panturo para sa
mga Gawain sa Learner’s Packet
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. Think-Pair-Share
PAMAMARAAN The 2D-2M Activitv
- Decide (Upon the problem/issue to be solved)
- Describe (The purpose ofthe strategy and provide
guidelines for discussions)
- Model (tnsure that students understand how to use
the strategy)
' Monitor (Support students as they work)
A. Introduction PAUNANG PAGSUBOK
(Panimula) DECIDE
Isulat ang nawawalang titik upang mabuo ang pangalan ng
halamang ornamental na makikita sa bawat larawan
BALIKAN
DISCRIBE
Bago tayo magismula sa ating aralin tungkol sa mga halamang
ornamental, tingnan at pag-aralan ang mga larawan na nasa ibaba.

Ano ang mga halaman na nasa itaas? Ito ay halimbawa ng mga


halamang ornamental. Ang halamang ornamental ay ang mga
halaman na pinatutubo at ginagamit bilang palamuti o
pampapaganda ng lugar. Dahil sa taglay na ganda ng mga bulaklak
at dahon ng mga halamang ornamental, ito ay kalimitang itinatamin
at pinalalago sa mga hardin o kaya naman sa mga tanawin
(landscapes) upang magbigay ng dagdag ganda sa isang lugar o
tanawin.

ARALIN
MODEL
ARALING PABLIPUNAN INTEGRATION
Magandang araw mga bata! Ngayon ay maglalakbay tayo sa
daigdig ng mga halamang ornamental. Bibisitahin natin ang iba’t
ibang hardin kung saan makikita ninyo ang mga naggagandahang
bulaklak at mga puno. Sa inyong paglalakbay dapat ay mabigyan
nyo ng pansin at matutunan ang mga sumusunod: Mga kasanayan at
kaalaman sa pagtatanim ng halamang ornamental bilang isang
pagkakakitaang gawain Mga pakinabang sa pagtatanim ng
halamang ornamental para sa pamilya at pamayanan Gawain sa
Pagkatuto 1: Isulat ang nawawalang titik upang mabuo ang
pangalan ng halamang ornamental na makikita sa bawat larawan.
Mga Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental
Bakit tayo nagtatanim ng mga halamang ornamental? May
makukuha ba tayong kapakinabangan mula dito? Ano ang
naitutulong ng pagtatanim ng mga halamang ornamental sa pamilya
at pamayanan? Maraming kapakinabangang naidudulot sa mga
mag-anak at pamayanan ang pagtatanim ng halamang ornamental.
Isa na rito ang pagpapaganda ng mga bakuran dahil sa mga
bulaklak at dahon nito na nagtataglay ng magagandang kulay.
Nililinis ng mga puno ang maruruming hangin na nagiging sanhi ng
polusyon at ginagawa nitong sariwa ang hangin sa kapaligiran.
Higit sa lahat kung ito ay magiging isang gawaing pangkabuhayan,
makatutustos ito sa mga pang araw araw na gastusin ng pamilya. 1.
Nakapipigil sa Pagguho ng Lupa at Baha
Kumakapit ang mga ugat ng mga punong ornamental sa lupang
taniman kaya nakakaiwas sa landslide o pagguho ng lupa. Ang mga
punong ornamental ay nakatutulong din sa pagingat sa pagbaha
dahil sa tulong ng mga ugat nito.

Sa gamit ng mga halaman/ punong ornamental, nakakaiwas sa


polusyon ang pamayanan sa maruruming hangin na nagmumula sa
mga usok ng sasakyan, sinigaang basura, masasamang amoy na
kung saan nalilinis ang hangin na ating nilalanghap.
2. Naiwasan ang Polusyon

May mga matataas at


mayayabong na halamang ornamental gaya ng kalachuchi, ilang-
ilang, pine tree, fire tree, at marami pang iba na maaaring itanim sa
gilid ng kalsada, kanto ng isang lugar na puwedeng masilungan ng
mga tao. Bukod pa rito sinasala pa ng mga punong ito ang
maruruming hangin sanhi ng usok ng tambutso, pagsusunog at
napapalitan ng malinis na oksiheno (oxygen) na siya nating
nilalanghap.
3. Nagbibigay ng lilim at sariwang hangin

Maaaring maibenta ang mga halamang ornamental na hindi


naitanim o magpunla o magtanim sa paso sa mga itim na plastik
bag o lata ng mga halamang ornamental na puwedeng ibenta. Ito ay
nagiging pera para panustos sa pang arawaraw na gastusin
4. Napagkakakitaan

Sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga halamang ornamental sa


paligid ng tahanan, parke, hotel, mall, at iba pang lugar, ito ay
nakatatawag ng pansin sa mga dumadaan na tao lalo na kung ang
mga ito ay namumulaklak at mahalimuyak.
5. Nakakapagpaganda ng Kapaligiran
MGA PAGSASANAY
Pag-aralan ang mga larawan at sagutan ang mga katanungan sa
B. Development ibaba. Mga katanungan: 1. Base sa mga lawaran sa itaas, saan saan
(Pagpapaunlad) natin ginagamit ang halaman?
______________________________________________________
___________
______________________________________________________
___________ 2. Nakakapagapaganda ba ng ating kapaligiran ang
mga halaman? Patunayan ang iyong sagot.
______________________________________________________
___________
______________________________________________________
___________ 3. Ano pa ang pwedeng pakinabang ng halaman
bukod sa maari nating gamiting palamuti sa ating tahanan at ibenta
upang mapagkakitaan?
______________________________________________________
___________
______________________________________________________
___________

PAGLALAHAT
Gamit ang magazines at iba pang babasahin, gumupit o
gumuhit at mag collage ng mga halamang ornamental na
maaaring itanim sa isang landscape garden. Ang iyong collage
C. Engagement
ay mamarkahan sa pamamagitan ng rubrics sa ibaba.
(Pagpapaliha
n)
D. Assimilation PAGSUSULIT
(Paglalapat) MONITOR
A.Suriin ang mga pangungusap. Piliin ang Tama kung ang
pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan at Mali kung hindi
katotohanan.
_______1.Ang pagtatanim ng mga halamang ornamental ay
nakatutulong sa pagbibigay ng malinis na hangin.
_______2. Ang mga halamang ornamental ay walang naidudulot na
mabuti sa pamilya at ibang tao sa pamayanan.
_______3. Maaaring ipagbili ang mga itatanim na halamang
ornamental.
_______4. Nakapagbibigay kasiyahan sa pamilya at pamayanan
ang pagtatanim ng mga halamang ornamental.
_______5.Nakasisira ng kapaligiran ang halamang ornamental
B. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

6. Paano nakapagpapaganda ng kapaligiran ang pagtatanim ng


halamang ornamental sa pamilya at pamayanan?
A. Nagsisilbi itong palamuti sa tahanan at pamayanan
B. Nagbibigay kasiyahan sa pamilya
C. Lahat ng mga sagot sa itaas
D. Nagpapaunlad ng pamayanan.

7. Ang sumusunod ay mga kapakinabangan sa pagtatanim ng mga


halamang ornamental maliban sa isa?
A. Nagbabawas ito ng maruming hangin sa kapaligiran B.
Nagbibigay ito ng kabuhayan sa pamilya.
C. Nagiging libangan ito na makabuluhan.
D. Nagpapababa ito ng presyo ng mga bilihin sa palengke.

8. Paano makatutulong sa pagsugpo ng polusyon ang pagtatanim ng


mga halamang ornamental?
A. Naiiwas nito na malanghap ng mga tao sa pamayanan at ng ating
pamilya ang maruming hangin sa kapaligiran.
B. Lahat ay tamang sagot
C. Nalilinis nito ang maruming hangin sa kapaligiran.
D. Naiiwasan nito ang pagguho ng lupa at pagbaha.

9. Ang mga halaman sa ibaba ay ginagamit bilang palamuti sa loob


ng ating tahanan, maliban sa isa?
A. Fortune Plant
B. Rosas
C. Narra
D. Sampaguita

10. Ang mga halamang ornamental ay nakatutulong hindi lamang


sa atin kundi sa ating kapaligiran. Alin sa mga ito ang mabuting
naidudulot ng halamang ornamental?
A. napipigilan nito ang pagguho ng lupa.
B. nakadadagdag ng polusyon ang halamang ornamental
C. Nakasisira ito ng lupa
D. Nakatutulong ito sa paglala ng baha.
V. PAGNINILAY
Nauunawaan ko na__________________________________.
Nabatid ko na ______________________________________.

Inihanda ni:
Ipinasa kay:

You might also like