Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Pagsulat Ng Critique

Ng Mga Akdang
Pampanitikan

Ipinasa Ni:
Loverelle E. Gallano
Grade 10-Faith

Pagpapakilala sa Akda

Ang Munting Bariles ay isang akda na ginawa ni Guy De Maupassant, si Guy De

Maupassant ay tinaguriang Ama ng modernong maiklimg kuwento. Ang totoong pangalan ni

Guy De Maupassant ay Henri Rene Albert Guy De Maupassant, siya ay isang Pranses at
isinilang noong Agosto 5, 1850 sa Chateau de Miromesniel, Dieppe, Seine-Inferieure. Ang

kanyang magulang ay sina Laure Le Poittevin at Gustave de Maupassant, ang kanyang ina ang

nagpamulat sa kaniya sa klasikong pampanitikan, at si Gustave Flaubert naman ang kanyang

guro na naging gabay niya sa pagsusulat. Namatay noong July 6, 1893 sa private asylum ng

Espirir Blanche sa Passy, Paris sa kadahilan ng pisikal na katawan at kaisipan. Siya rin ay

nakasulat ng mahigit tatlong daan na maikling kuwento, anim na nobela, tatlong librong

panlakbay, at isang volume na tula. Marami sa mga naisulat ni Guy De Maupassant ay naisulat

niya noong panahong gyerang Franco-Prussian. Si Guy De Maupassant ay madalas na gustong

mapag-isa at hindi siya naniniwala sa Diyos. Ang mga naisulat ni Guy De Maupassant ay labis

na makatotohanan.

Ang naging inspirasyon ni Guy De Maupassant sa pagsusulat ng akdang “Ang Munting

Bariles” ay ang mga taong kanyang napapansin noong panahong gyera ng Franco-Prussian. Ito

ay marahil napansin niya kung paano kumilos o kung paano umakto ang mga tao. Maaaring siya

ay may nakakasalamuhang tao na merong saloobin kagaya nang kay Nanay Magloire at Jules

Chicot. Mga taong palaging may masasamang intensyon sa kanilang kapwa para lamang makuha

ang kanilang gusto at mga taong madaling matukso o kaya’y maakit kapag malaking pera ang

kapalit kahit na ito’y labag sa batas o masama sa kalusugan. Ito’y naging isang realisasyon ni

Guy De Maupassant na ibang-iba na ang mga tao sa kasalukuyang panahon at kahit mali

pinagpapatuloy parin ang masasamang balak dulot ng kahirapan o kaya’y purong kasamaan.

Si Jules Chicot ay tagapamahala isang hotel na nagngangalang Spreville Hotel, siya ay

isang matangkad na lalaki, ang kanyang edad ay apatnapu, meron siyang mapula na mukha at

may malaki at bilog na tiyan. Ang nakakakilala kay Jules Chicot ay nagsasabing siya raw ay
isang matalino at tusong negosyante.Si Chicot ay isang halimbawa ng taong mapaglinlang, sa

panahon ngayon ay napakaraming taong manloloko at hindi manlang iniisip kung ano ang

kahihinatnan ng kanilang ginawang panloloko. Si Nanay Magloire ay matandang babae at nasa

edad pitumpu’t dalawa, siya ay napakapayat, merong kulubot na kulubot na ang balat at kuba na

dahil sa kanyang edad, ngunit si Nanay Magloire ay nagtataglay parin ng lakas ng isang

kabataan. Si Nanay Magloire ay isang halimbawa ng isang taong madali makuha ang loob dahil

sa pera, hindi na marahil nakakaisip ng maayos ang mga tao ngayon kapag may kinalaman sa

pera dahil narin sa kahirapan ng buhay.

Ang Munting Bariles ay tungkol sa pagnanais ni Jules Chicot na mapasakanya ang

lupa ni Nanay Magloire. Ayaw ibenta ni Nanay Magloire ang kaniyang lupain kay Jules Chicot,

ngunit inalok siya ulit ni Chicot ng kasunduan na hindi niya bibilhin ang bahay ngunit buwan-

buwan siya magbibigay ng isandaan at limampung francs hanggang sa pumanaw ang matanda.

Kinabukasan, pumunta si Nanay Magloire sa isang abogado upang ipakonsulta ang alok ni

Chicot, at pinayuhan lamang siya na tanggapin ang alok ngnit humiling na limampung crown sa

halip na tatlumpu. Nang bumisita ulit si Chicot sa bahay ni Nanay Magloire ay pinagusapan nila

ang alok ni Chicot at hindi nagtagal ay pumayag si Ginoong Chicot sa hiling ng matanda.

Lumipas ang tatlong taon, parang hindi manlang tumanda ng isang araw si Nanay Magloire na

siyang labis na ikinainis ni Chicot. Muling inalok ni Chicot ang matanda na maghapunan sa

kaniyang bahay at ipinatikim niya ang alak na labis nagustuhan ng matanda, kaya binigyan siya

ni Chicot. Nakalipas ang mga araw, pumanaw na ang matanda at usap usapan rin ang palaging

pag iinom ng matanda na maaarig naging sanhi ng kaniyang kamatayan.


Ang naging aral ng kuwentong “Ang Munting Bariles” ay ang palagi nating aalagaan

ang ating mga sarili at huwag tayong tatangkilik sa makakasama saatin. Dahil sa pagtanggap ni

Nanay Magloire sa alok ni Jules Chicot, maraming realisasyon ang akîng natanto kung saan ang

mga tao ngayon ay madaling maakit ang mga tao dahil sa halaga ng pera. Kinain lamang ni

Nanay Magloire ang kaniyang sinabi na “Dito ako pinanganak, dito rin ako mamamatay” noong

lagi niyang tinatanggi ang alok ni Chicot. Naging aral rin sa kuwentong ito ang pagpapahalaga

ng ating kalusugan at pagiging maingat sa mga mapulatibong mga tao tulad ni Jules Chicot.

Noong una ay hindi naman talaga manginginom si Nanay Magloire ngunit dahil sa pagiging tuso

ni Jules Chicot ay nagawa niyang maging matakaw sa alak na naging rason sa kalaunang

pagkamatay nito

Pagsulat ng Critique
Ang daloy ng kuwentong “Ang Munting Bariles” ay labis napakabilis sapagkat ito ay

maikling kuwento lamang, ngunit para saakin ito ay napakabilis masyado ng kuwento para sa

isang maikling kuwento. Ang mga pangyayari sa kuwento ay hindi naging detalyado at walang

inilinaw kung saan, ano at bakit. Kagaya noong nagalit si Chicot dahil hindi parin pumapanaw

ang matanda at nanatiling malakas parin si Nanay Magloire. Hindi rin ipinaliwanag ng maiigi

kung bakit gustong gusto ni Jules Chicot ang bahay at lupain ni Nanay Magloire. Naging mabilis

rin ang pangyayari sa pagkamatay ni Nanay Magloire, at hindi manlaang ibinahagi kung ano ang

mga nasa isip ni Nanay Magloire bago siya tuluyang sumakabilang buhay.

Ang kuwento ay napakaganda ngunit hindi nito masyado naipakita ng maayos kung

bakit nga ba labis ang kagustuhan na bilihin ni Chicot ang lupain ni Nanay Magloire. Sa aking

palagay, mas magiging maayos ang daloy ng kuwento kung mas naging detalyado ang usapan ni

Nanay Magloire at ng abogado na kanyang pinuntahan, upang mas naging malinaw kung bakit

naging ganun kadali ang pagdesisyon ni Nanay Magloire. Naging maayos naman ang daloy ng

kwento sapagkat hindi naging malabo kung ano ngaba ang intensyon ni Jules Chicot kay Nanay

Magloire.

Ang aking opinyon tungkol sa akdang “Ang Munting Bariles” ay isa itong

napakagandang maikling kuwento kung saan ang kuwentong ito ay labis na makatotohanan at

nakabase sa totoong buhay. Ito ay dahil sa mga kilos at pagdesisyon ng mga tauhan na sina Jules

Chicot at Nanay Magloire. Si Nanay magloire ay isang halimbawa ng isang taong madaling

matukso dahil sa perang inalok ni Chicot at si Jules Chicot ay isang halimbawa ng isang taong
mapaglinlang at manloloko. Ang kuwentong ito ay ibinabahagi kung ano ang mga tao sa

panahon ngayon, maraming mga manloloko at hindi manlang iniisip ang kanilang ginagawa at

merong mga taong madaling matukso sa pera dahil narin sa kahirapan saating panahon ngayon.

Bakit kahit nakakatukso ang alok ni Jules Chicot ay hindi agad niya napapayag si

Nanay Magloire? Ito ay dahil hindi parin nawawala ang pangangamba at pagkatakot ni Nanay

Magloire na baka may patibong na kasama ang alok ni Chicot at natatakot siyang mahulog dito.

Ano ang dahilan sa pagtindi ng galit ni Chicot kay Nanay Magloire? Bakit pakiramdam niya ay

nalalamangan na siya nito? Ang dahilan sa pagtindi ng galit ni Chicot kay Nanay Magloire ay

dahil sa pagiging malakas at malusog ni Nanay Magloire na nagsasanhi ng matagal na

paninirahan at pamumuhay. Dahil dito ay malaking pera ang nagastos ni Chicot sa naging alok

niya kay Nanay Magloire.

Maraming mga pangyayari sa kuwento kung saan hindi na masyado linagyan ng

detalyado ang kuwento ng may akda, gaya ng hindi paglalagay kung kelan at kung saan

nangyayari ang kwento at kung kailan ito nagaganap. Wala ring masyadong nilagay ang may

akda kung ano ang naging ganap ng buhay ni Nanay Magloire kung bakit siya ay walang asawa

at mga anak na puweden magmana ng kanyang lupain at bahay. Hindi rin ibinahagi kung ano

ang iniisip ni Nanay Magloire bago siya pumanaw at noong nagpapakalunod siya sa alak, hindi

ipinakita kung ano ang dinadamdam ng matanda kung bakit siya naging lasenggera o kaya’y

kung bakit niya nilulunod ang sarili sa alak kung alam niya na ito ay maaaring ikapahamak niya

sa kaniyang sarili.
Paglalagum/ Konklusyon

Ang naging daloy ng kuwento ay napakabilis at ikaw ay mapapatanong talaga ng

husto. Dahil dito napakaraming tanong ang nasa aking isipan, tulad nang kung bakit nga ba

gustong-gusto ni Chicot ang bahay at Lupain ni Nanay Magloire. Naging mabilis rin ang

pangyayari sa pagkamatay ni Nanay Magloire. Maayos parin naman ang naging daloy ng

kuwento sapagkat hindi rin naman naging malabo kung ano nga ba ang naging intensyon ni Jules

Chicot kay Nanay Magloire. Ang aking opinyon sa kuwento ay isa itong magandang kuwento na

may magandang aral dahil ito ay labis na nakabase sa reyalidad at totoong buhay. Ang

kuwentong ito ay ibinabahagi kung ano ang mga tao sa kasalukuyang panahon.Bakit kahit

nakakatukso ang alok ni Chicot hindi agad napapayag ang matanda? Ito ay dahil hindi nawawala

ang takot at pagdududa ni Nanay Magloire na baka merong patibong ang alok ni Chicot.

Maraming pangyayari sa kuwento kung saan hindi na masyadong nilagyan ng detalyado ng may

akda, gaya ng hindi paglalagay kung kelan at kung saan ginanap ang mga pangyayari.

Mas magiging maganda ang magiging daloy ng kuwento at hindi magiging bitin kung

mas nilagyan ng mas maraming detalye ang kuwento. Maraming tao ang hindi agad

nakakaintindi at nag iiwan ng maraming tanong sa kanilang mga utak kaya mas mabuting hindi

masyadong ipinaiksi ng may akda ang akdang kaniyang isinulat. Mas mabuti kung ibinahagi

manlang ng may akda ang mga naging ganap sa buhay ni Nanay Magloire at kung bakit siya ay

tumandang mag-isa na walang mga anak at apo. Kahit na ang kaniyang isinulat ay isang
maikling kuwento lamang ay dapat isinangalang-alang niya ang pagpapaintindi kung ano ang

kaniyang kuwentong isinulat. Ang labis na nakakasira sa kwento ay ang pagiging mabilis ng mga

pangyayari at hindi paglalagay ng mga detalye sa iba’t ibang bahagi ng kuwento.

You might also like