Q1 Lesson 1 (Home Base) 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Grade 9: Unang Markahan: Mga Akdang Pampanitikan ng Timog-Silangang Asya

FL 1:
 Maikling Kuwento (mula sa Singapore)
 Denotatibo at Konotatibong Kahulugan
 Mga Salitang Ginagamit sa Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari.

Konsepto: Ang panitikan ay sinasabing yaman ng isang lahi. Mababakas dito ang kultura at pagkakakilanlan ng isang lahi. Naglalaman ito ng mga
kaisipan, kasaysayan, saloobin, at paniniwala ng isang particular na lipi.
Ang Asya ay isa sa mga lupaing may mayamang kultura na malaki ang naging impluwensya sa kulturang Pilipino, kabilang na an panitikan. Malaki
ang naiambag ng panitikang Asyano, lalo na ang mga akda mula sa Timog-Silangang Asya, sa panitikang Pilipino. Gayunpaman, sa kabila ng mga
impluwensyang ito, nananatili pa rin ang pagkakakilanlan ng kulturang Pilipino.

Ang Ama
Maikling Kuwentong Makabanghay mula sa Singapore na isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena
(BUOD)
Nagsimula ang kuwento na may magkahalong nararamdamang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang
takot sa tuwing uuwing lasing at sila ay bugbugin. Pananabik dahil paminsan-minsan ay may iniuuwi itong isang malaking supot ng mainit na pansit
na iginisa sa itlog at gulay. Ngunit ang isang supot na pansit ay para lamang sa kanya, marami lang ito at hindi niya kayang maubos, kaya’t ang
natitira ay pinagkakaguluhan ng mga bata. Hinahati ito ng  ina at bibigyan ng kanya-kanyang parte ang lahat kahit ito’y sansubo lamang.
Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki na dose anyos at isang babae na onse; matatapang ang mga ito
kahit na payat. May dalawang lalaking kambal na nuwebe anyos, isang maliit na babae na otso anyos at isang dos anyos na maliit pa at bunso sa
mga magkakapatid.
Laging natatakot ang mga bata sa kanilang ama na sinasaktan sila, at ang laging nasasaktan nito ay si Mui-Mui. Nang umuwi ang ama na
nasisante sa trabaho sa lagarian, si Mui-Mui na iyak nang iyak ay biglang sinuntok sa mukha na tumalsik sa kabila ng kuwarto. Nahimasmasan
naman ito ngunit pagkaraan ng dalawang araw, si Mui-Mui ay binawian na ng buhay dahil sa pangyayari.
Labis na kalungkutan ang nadama ng ama sa pagkawala nito. May binigay na abuloy ang kaniyang amo at napagtanto sa kanyang sarili na
dapat na siyang maging mabuting ama. Nagtungo siya ng bayan at namili ng pagkain. Nakita ito ng kanyang ibang anak, at sinundan nila ang ama,
patungo ito sa libingan ng kanyang anak na si Mui -Mui. Inihandog niya ito sa anak, ngunit umulan. Pinagsaluhan ng mga bata ang natirang pagkain
mula sa mga nasira ng ulan na binili ng kanilang ama.  
_______________________________________________________________________________________________________________________
Ang Babae sa Nam-  Xuong
(Halaw sa Maikling Kwento ng Vietnam) 
(BUOD)
May isang pamilyang nakatira sa Nam-Xuong sila ay namumuhay ng simple at masaya. Nakagawian ng haligi ng tahanan na umupo
malapit sa liwanang ng gasera habang kausap ang kanyang asawa.
 Labis din ang pag-aaruga ng mag asawa sa kanilang nagiisang anak na lalaki ngunit isang araw ay kinailangan ng kanyang ama na
sumama sa hukbo ng mga sundalo upang lumaban sa giyera.
Llumipas ang tag-init tag-lagas hindi pa rin ito bumabalik. Gabi-gabing nalulumbay ang kanyang asawa kahihintay, lumipas ang panahon.
nakalimutan na ng kanilang anak ang imahe ng kanyang ama at gabi gabi itong umiiyak at naghahanap ng kalinga ng ama. Kaya naman nakaisip
ang ina niyang paraan para tumigil ito sa pagiyak. Pinaisip ng ina sa anak na sa puwesto kung saan nakaupo lagi ang asawa niya at pinapikit ang
mata ng bata. Sa paraan na iyon ay tumitigil ito sa pagiyak at nakakatulog.
Dumating ang tag-lamig ito rin ang araw na pagdating ng kanyang asawa. Na bigla ang mag-ina sa nakita, ganoon na lamang ang saya nila
sa muling pagkikita. Pero ng lumapit ang ama sa kanyang anak ay hindi niya ito kilala nasambit rin ng bata na iba ang itsura ng kanyang ama kaya
nagisip ito na maaring may iba itong kinakasama. Dahil sa galit ay umalis ito, hindi naman alam ng babaeng asawa kung paano ipapaliwanag na isa
lamang imahenasyon ang ipinagawa niya sa kanilang anak para hindi nito masyadong isipin ang pagkawala ng ama. Sapag aakalang hindi naman ito
babalik ay iniwan sa kapai-bahay ang kanilang anak at umalis ang kanyang ina, pumunta ito sa ilog at doon ito ay na lunod.
Bumalik ang asawa niyang lalaki upang kunin ang kanilang anak sa kapit-bahay na balitaan rin niya ang pagkamatay ng kanyang misis at
mula noon nagsama ang mag-ama at hindi na rin ito nag asawa. Itinuon na lamang niya ang kanyang atensyon sa pagaalaga ng kanilang anak.

Denotasyon at Konotasyong Pagpapakahulugan


 Denotasyon- ay ang sentral o ang pangunahing kahulugan ng isang salita. Ang kahulugan nito ay hinango mula sa diksiyonaryo.
 Halimbawa: Mabango ang bulaklak ng rosa. (bahagi ng halaman)

 Konotasyon- Ito ay maaring magtaglay ng mga pahiwatig na emosyon o saloobin. Ang pagkakahulugang nito ay maaring magiba-iba ayon
sa paggamit nito.
 Halimbawa: Mabulaklak ang iyong dila, kaibigan! (mambobola)
______________________________________________________________________________________________________________________

MGA SALITANG GINAGAMIT SA PAGSUSUNOD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI


May mga salita o ekspresyong sadyang ginagamit sa paglalahad o pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento o
salaysay. Ginagamit ang mga salitang ito upang malinaw na maipakita ang kaugnayan ng isang pangyayari sa iba pang pangyayari
o sa buong kuwento.

1. Kalimitang ginagamit ang sumusunod na mga salita at ekspresyon sa paglalahad ng mga pangyayari: sa simula, pagkatapos,
pagkalipas, pagkaraan, saka, dahil sa, sa pagkatapos, sa wakas, at iba pa.
 Halimbawa: Sa wakas, napagtanto niyang siya ay nagkamali.

2. Kapag ang pinagsusunod-sunod ay mga pangngalan, gumamit ng mga pang-uring pamilang na panunuran o ordinal. Ang mga bilang
na ito ay makapagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga tao, bagay, hayop, lugar at gawain.
 Halimbawa: Una si Doris, pangalawa si Mario, pangatlo si Anna

3. Kapag ang pinagsusunod-sunod ay proseso o paraan ng pagsasagawa ng isang bagay tulad sa pagluluto, paglalaba, pagkukumpuni ng
sasakyan, paggawa ng iba’t ibang bagay, o’yong mga tinatawag na tekstong prosidyural, makatutulong ang paggamit ng sumusunod:

 Mga salitang nagpapakita ng pagkakasunod-sunod tulad ng una, kasunod, panghuli, at iba pa.
 Mga salitang “hakbang” t pang-uring pamilang
 Halimbawa: STEP 1, STEP 2, STEP 3
Unang Hakbang, ikalawang Hakbang, Ikatlong Hakbang
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
GAWAIN 1: Panuto: Sa mga akdang nabasa, pumili ng limang salitang bibigyan niyo ng denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan sa
pamamagitan ng pagbuo ng pangungusap.

GAWAIN 2: Panuto: Magsaliksik ng isang suliraning pampamilya o panlipunan. Magmungkahi ng solusyon para sa suliraning ito sa pamamagitan
ng estratehiyang PCES (Problem(Suliranin) - Cause(Dahilan) - Effect(Bunga) - Solution(Solusyon).

GAWAIN 3: Panuto : Pakinggan mo ang nasa link na ito https://youtu.be/fxGgz-_eiig Isa itong maikling kuwentong Nang Minsang Naligaw si
Adrian.
Pagmasdan mo ang iyong lipunang kinabibilangan. Masasabi mo bang karaniwan na sa mga Asyano ang pangyayari sa kuwento? Kung saka-
sakaling masaksihan mo ang ginawa ni Adrian, ano kaya ang iyong iisipin, mararamdaman at gagawin? Ilahad ito sa pamamagitan ng Human
organizer.

Iniisip ko na __________________
____________________________
____________________________

Nararamdaman
ko na ____________________
_________________________
_________________________
_________________________

Ang gagawin ko ay
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________

You might also like