Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

1

Aralin Filipino 8-Q1-W6

6 Hakbang sa Pananaliksik

Mga Inaasahan

Mahilig ka bang tumuklas ng mga bagay- bagay? Nais mo bang malaman


ang mga hakbang na siyang tutulong sa iyo sa pagtuklas? Ang modyul na ito ang
gagabay sa iyo upang malaman mo ang sistematikong pananaliksik.

Sa araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga kasanayan na huhubog


sa iyong kaisipan.

Naipaliliwanag ang mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik ayon sa


binasang datos F8PB-li-j-25
- Natutukoy ang mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik
- Nasusunod ang mga hakbang sa pananaliksik sa pamamagitan ng
pagsasagawa nito

Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong. Ito ang susukat sa iyong
taglay na kaalaman ukol sa araling ito.

Paunang Pagsubok

Basahin at unawain ang bawat tanong. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ito ay ang unang bagay na dapat isaalang-alang sa pananaliksik.


A. borador B. paksa C. balangkas D. bibliyograpiya
2. Makatutulong ito bilang talaan ng mga sangguniang gagamitin.
A. borador B. paksa C. balangkas D. bibliyograpiya
3. Makatutulong ito upang mabigyan ng gabay ang pananaliksik sa simula pa
lamang.
A. paksa B. borador C. bibliograpiya D. balangkas
4. Pagsasaayos ito ng mga datos mula sa isinagawang pagbubuod ng mga
nakalap na mahahalagang impormasyon.
A. pagrerebisa B. borador C. balangkas D. bibliyograpiya
5. Ito ay ang muling pagbasa sa isinulat upang mamataan ang mga kamaliang
nagawa at kailangang maiwasto.
A. pagrerebisa B. borador C. balangkas D. bibliograpiya

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikaanim na Linggo
2

6. Ito ay mapanuri at makaagham na imbestigasyon sa isang paksa.


A. pakikipanayam B. pananaliksik C. panonood D. pagtatala
7. Ito ay ang katawagan sa pinal na sipi ng isang pananaliksik.
A. aklat B. sulatin C. babasahin D. manuskrito
8. Maaring maging sanggunian sa pagkuha ng datos.
A. aklat C. internet
B. magasin D. lahat ng nabanggit
9. Sa paggawa ng bibliograpiya may mga bagay na dapat isaalang-alang. Piliin
ang di kabilang dito.
A. awtor C. pamagat ng aklat
B. pamagat ng isinulat D. tungkol sa awtor
10. Isa ito sa mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa.
A. limitado ang datos C. kawili-wili
B. malawak na usapin ito D. magandang pag-usapan

Naitawid mo ang unang pagsubok. Ngayon naman ay alalahanin mo muli ang mga
hudyat na ginagamit para sa SANHI at BUNGA.

Balik-tanaw

Punan mo ng angkop na salita ang patlang upang mabuo ang diwa ng mga
sumusunod na pangungusap.

sapagkat kung kaya palibhasa dahil sa bunga


nito

1. Si Juan ay nag- aral nang mabuti ______ siya ay nakakuha ng pinakamataas na


marka.
2. _______ pagkakasira ng kalikasan naging marumi na ang hanging ating
nilalanghap.
3. May kooperasyon ang mga mamamayan sa aming nayon ___________ mahusay
mamuno ang aming kapitan doon.
4. Maraming naiinis kay Angelo ____________ siya ay hari ng yabang.
5. Hindi kumakain ng masusustansiyang pagkain si Liza ___________ madalas
siyang magkasakit.

Pagpapakilala ng Aralin

Isang mahalagang kasanayang dapat mong matutuhan ay ang sistematikong


paraan ng pananaliksik.

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikaanim na Linggo
3

Ang pananaliksik ay isang mapanuri at makaagham na imbestigasyon o


pagsisiyasat ng isang bagay, paksa, o kaalaman sa pamamagitan ng pangangalap,
pagpapakahulugan, pagbubuo, at pag-uulat ng mga ideya nang obhektibo, matapat, at
may kalinawan.

Narito ang mga hakbang sa paggawa ng isang sistematikong pananaliksik.

1. Pagpili ng Paksa. Sa pagpili ng paksang isusulat, may mga bagay na dapat mong
isaalang-alang:
A. Kawili-wili o naayon sa iyong interes
B. Kailangan masiguro kung kakayanin mong gawin ang pananaliksik
C. May sapat na malilikom na datos

2. Paglilimita ng Paksa. Mahalagang bigyang limitasyon ang paksang pipiliin


upang hindi ito masyadong maging masaklaw at matapos sa tamang panahon.
Gawing batayan ang sakop ng panahon, edad, kasarian, grupong kinabibilangan,
anyo o uri, at perspektiba.

Halimbawa:
Paksa: Ang Pagpapahalaga sa Kulturang Pilipino
Nalimitang Paksa: Ang Pagpapahalaga sa Kulturang Pilipino sa Rehiyon I

3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya. Tandaan ang paghahanda


nito ay isang patuloy na proseso. Ang bibliyograpiya ay talaan ng iba’t ibang
sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report, peryodiko, magasin, at iba
pang nalathalang material maging sa internet. Ito ang mga dapat isaalang- alang
sa paggawa ng pansamantalang bibliyograpiya - pangalan ng awtor, pamagat ng
kanyang isinulat, impormasyon ukol sa pagkakalathala, mga naglimbag, lugar at
taon ng pagkakalimbag, pamagat ng aklat, at ilang mahahalagang tala ukol sa
nilalaman.

Halimbawa:
Julian, Ailene B. et.al. Pinagyamang PLUMA 8 (Kto 12). 2017. Quezon City:
Phoenix Publishing House, INC.

4. Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas. Ang pagbabalangkas ay isinasagawa


upang maisaayos ang mga ideyang nakalap mula sa inisyal na paghahanap ng
mga datos. Makatutulong ito upang mabigyang gabay at direksyon ang
pananaliksik sa simula pa lamang. Sa pagbuo ng balangkas kailangan isulat ang
mga pangunahing ideya o pinakabuod ng pananaliksik at pantulong na ideya.
Tiyakin kung paano ilalahad nang maayos ang mga ideya- kung ito ba ay
kronolohikal o ayon sa lugar at saka isasaayos ang pormat.

5. Paghahanda ng Iwinastong balangkas o Final Outline. Dito na susuriing


mabuti ang inihandang tentatibong balangkas upang matiyak kung may mga
bagay pang kailangang baguhin o ayusin. Balansehin ang lagay ng bawat punto.
Tantyahin ang bawat bahagi kung nasosobrahan o nakukulangan ng detalye.

6. Pagsulat ng Borador o Rough Draft. Mula sa iyong iwinastong balangkas at mga


kard ng tala ay maaari mo nang ayusin ang mga nakalap na datos upang
makabuo ng borador.

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikaanim na Linggo
4

7. Pagrerebisa. Makatutulong ang muling pagbasa sa sinulat para mamataan ang


mga kamaliang nagawa na kailangang maiwasto. Huwag madaliin ang
pagrerebisa upang maingat na maiwasto ang bawat pangungusap at walang
makalampas na mali. Dito pag-uukulang pansin ang mga baybay, kaangkupan
ng salita, gamit ng mga bantas, at ang estruktura ng mga pangungusap.

8. Pagsulat ng Pinal na Manuskrito. Manuskrito ang tawag sa pinal na sipi ng


isang sistematikong pananaliksik. Ito ay dapat na nakaayon sa pamantayang
ibinigay ng guro.

Matapos mong malaman ang mga hakbang ng sistematikong pananaliksik,


basahin at unawin mo ang sanaysay na ito.

KALABANG DI NAKIKITA
Orihinal na isinulat ni: Crystelle B. Viana

Marami sa atin na ang pinaniniwalaang pinagmulan ng nakamamatay na sakit


na Corona Virus o COVID 19 ay isang paniki. Ayon sa pag-uulat, ito ay nagmula sa
Wuhan, China na kung saan ang mga naninirahan doon ay kumakain ng tinaguriang
“exotic foods”. Ngunit, ang pahayag na ito ay hindi lubusang maipaliwanag ng mga
eksperto.

Naitala ang unang kaso ng Person Under Investigation dito sa ating bansa noong
ika-25 ng Enero, 2020 sa San Lazaro Hospital, Sta. Cruz, Manila kung saan binawian
ng buhay ang isang 38 taong gulang na babaeng Chinese na mula Wuhan, China
samantala ang kanyang kasamang lalaki na may 44 taong gulang ay binawian ng buhay
noong ika-1 ng Pebrero. Ayon sa artikulo (DOH reveals more negative 2019 NCOV
Cases…) na inilabas ng DOH noong ika-2 ng Pebrero sa kanilang website, na noong ika-
21 ng Enero ng parehong taon dumating sa ating bansa ang nasabing mga pasyente.

Sa puntong ito, kampante pa ang lahat, di pa alintana ang mga kaganapan.


Hanggang lumipas ang ilang buwan, isang balita ang gumimbal sa atin. Niyanig nito
ang ating mundo. Binago ang mga nakasanayang gawi at pamumuhay ng tao. Araw ng
Huwebes, Ika-12 ng Marso, 2020 isang malawakang Community Quarantine ang
idineklara ni Pang. Rodrigo Roa Duterte sa buong Metro Manila (Mula sa CNN
Philippines, March 12, 2020). Dito na nagsimula ang lahat ng malaking pagbabago, na
ni sa kasaysayan ay di mo aakalaing mangyayari ito. Bunsod ito ng may ilan na sa ating
mga kababayan ang nagpositibo sa sakit na COVID 19 at mismo sa Metro Manila ito ay
lumaganap. Ang mga nasa senado at kongreso ay nagtulong- tulong sa pagbuo ng isang
batas na siyang magiging matibay na gabay natin sa laban. Ang RA 11469 “Bayanihan
to Heal As one Act” ay isang resolusyon sa panahon ng pandemya. Ngunit, di dito
natapos ang lahat. Ang mga tulad nitong kaganapan ay nagpatuloy di lamang sa Metro
Manila ngunit maging sa buong bansa. May mga bagong kautusan siyang ipinatupad,
matapos ang Enhance Comminity Quarantine (ECQ), naging Modified Community
Quarantine (MCQ) at General Community Quarantine (GCQ) na ang mga panuntunan
ay ayon naman sa mahusay na pag-aaral ng Inter Agency Task Force o IATF.

Lahat ay tumutok sa radyo, telebisyon, at maging sa mga cellphones na maari


ding maghatid ng balita sa atin. Marami ang nag-abang sa maari pang sumunod na mga
pahayag ng pangulo ukol dito.

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikaanim na Linggo
5

Limitado ang paglabas ng tao. Ang pagpasok ng mga produkto pati ang pagkain
na mula sa iba’t ibang panig ng bansa ay naging isang malaking hamon sa lahat. Ang
pinaka nakakatakot na balita ay ang pagpapahinto sa pagpasok sa trabaho ng
maraming Pilipino. Marahil isa dito ay ang mga mahal mo sa buhay. Nawala ang
transportasyon, marami ang nagsarang komerso, malalaking malls, nagliliitang
negosyo, mga tindahan, karinderya, salon, spa, at marami pa. Utos ng pangulo, huwag
lumabas ng tahanan. Payo pa ng Kagawaran ng Kalusugan sa pamumuno ni Sec.
Francisco Duque III na panatilihing malakas ang resistensya, maghugas ng kamay,
gumamit ng alcohol o hand sanitizer, magsuot ng mask, at ugaliin ang social distancing
ng may isang metro ang layo sa kausap. Marami sa atin ang sumunod dito. Sa paraang
ito natin malalabanan ang patuloy na paglobo ng bilang ng mga nagpopositibo.

Naging pamilyar tayo sa salitang “frontliner”, mga bagong bayani. Sila ang
mga doktor, nurse, pulis, sundalo, mga nasa LGU, at mga trabaho na may kinalaman
sa pangunahing pangangailangan ng taong bayan. Maraming kwento sa likod nila ang
nagpaluha sa atin.

Ang bawat yugto ng pangyayari ay tila isang pakikidigma ngunit taliwas sa


digmaang nakagisnan at naging bahagi ng kasaysayan. Ito ay digmaan sa isang
kalabang di natin nakikita. Sa armas niyang di natin masilayan ngunit nakamamatay.
Mapabata, matanda, mayaman o mahirap, at maging ang mga may posisyon sa lipunan
ay hindi pinalagpas. Tinamaan ng mabagsik na hagupit ng sandata ng kalabang ni hindi
natin maramdaman. Maraming frontliners ang binawian ng buhay. Marami sa ating
mga kababayan ang naglaho at naging abo na lamang.

Siya din ang dahilan kung bakit ikaw ngayon ay nasa ganitong kalagayan.
Magsumikap ka at itawid ang karunungang magiging iyong sandalan. Karunungang
malay mo balang araw ay magiging sandata upang labanan ang susunod na KALABANG
DI NAKIKITA.

Tunay ngang mahirap kalaban ang di nakikita ngunit sa pagtugon sa mga


gawaing ito ay makikita mo ang mga karunungang dapat mong mapagtagumpayan.

Mga Gawain

Gawain 1 Pagpapalawak ng Talasalitaan

Wika Rambulan: Piliin sa Blue Corner ang katumbas na salita ng nasa Red Corner at
isulat sa patlang ang salita sa katapat nitong kahulugan.

_________1. pansin __________4. kasagutan

_________ 2. epidemya na nakakahawang sakit __________5. sumindak

_________3. Saligan

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikaanim na Linggo
6

3. FUN- UNTO- 5. GO- ME- I’M-


RESOLUSY PANUNTUN
NUN 2. FUN- THEM-
YEAH GUMIMBAL
1. ALL-IN- 4. REST-OH- PANDEMYA
THAN- AH LOOSE-YOWN ALINTANA

RED CORNER BLUE CORNER


Cartoon boxing ring transparent.clip
Clipart-library.com

Gawain 2 Pagsagot sa mga Tanong

Ayon sa nabasang tekstong “Kalabang di Nakikita”, sagutin mo ang mga


sumusunod na tanong.

1. Ano ang paksa ng sanaysay?


___________________________________________________________________________
2. Ano ang layunin o nais iparating ng manunulat sa mga mambabasa?
___________________________________________________________________________
3. Saan nakuha ng manunulat ang ilang mahahalagang impormasyong nabanggit?
________________________________________________________________
4. Magbigay ng tatlong mahahalagang impormasyong nabanggit.
A._________________________________________________________________________
B._________________________________________________________________________
C._________________________________________________________________________
5. Bumuo ka ng kaisipan mula sa mga binigay mong mahahalagang impormasyon.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na


puntos:
Pamantayan:
5 – taglay ang 3 pamantayan
✔ Kumpleto ang ibinigay na sagot.
4 – taglay ang 2 pamantayan lamang
✔ Naaayon ang sagot sa tanong
✔ Maayos ang pagbuo ng 3 – taglay ang 1 pamantayan lamang
pangungusap

Gawain 3 Pagtukoy sa Paksa

A. Tukuyin ang paksa ng talata at bigyang pamagat ito.

Pamagat: ______________________________________

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikaanim na Linggo
7

Paksa:__________________________________________________________

Marami sa atin ang patuloy na naninindigan sa bisa ng edukasyon. Madalas


nating sabihin na ito ay susi sa ating kahirapan. Kaya naman ang mga kabataan ay
patuloy na nagsusumikap upang maitawid ang kanilang pag-aaral ano man ang
katayuan sa buhay. Ang mga magulang ay lubos na sumusubaybay sa kanilang mga
anak at ibibigay ang lahat ng pangangailangan upang sa pamamagitan nito ay mabago
ang takbo ng kanilang pamumuhay.

Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na


puntos:
Pamantayan
3 – taglay ang 2 pamantayan
✔ Kumpleto ang ibinigay na sagot.
2– taglay ang 1 pamantayan lamang
✔ Naaayon ang sagot sa tanong

B. Bilugan ang mga maling salita na nasa talatang ito at lagyan ng tamang bantas.

Ayon sa nat. Statistics Office (nso) noong Enero 2008 umaabot sa 7.4 bahagdan
ang nawawalan ng trabaho sa Bansa Sang pilipinas ay isa sa mga bansa sa south East
Asiaa na may pinakamataas na bilang ng mga mamamayang walang trabaho bataay sa
huling census.

C. Iwasto ang mga minaling salita at bantas sa pamamagitan ng pagsulat muli ng


buong talata.

______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Binabati kita at napagtagumpayan mo ang mga gawain. Kasiya-siya mong
natutuhan ang iyong aralin.

Tandaan

1. Ang sistematikong pananaliksik ay makatutulong sa pagpapalawak ng iyong


kaalaman, kaya naman tandaan mo ang mga sumusunod upang mas maging
bihasa ka sa araling ito.
2. Ang pananaliksik ay isang mapanuri at makaagham na imbestigasyon o
pagsisiyasat.
3. May mga hakbang na dapat mong sundin upang maisagawa at makabuo ng
isang pananaliksik.
4. Ang pagpili ng paksa ang pangunahing dapat isaisip.

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikaanim na Linggo
8

5. Limitahan ang paksa upang hindi masyadong malawak ang ideya ng iyong
gagawing pananaliksik.

Upang lubusang masukat ang iyong naging kaalaman sa araling ito, nais kong
gawin mo ang isa pang gawaing lilinang ng iyong kasanayan.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Isagawa ang mga hakbang sa pananaliksik. Punan ang mga patlang ng mga naaayon
na impormasyon.

A. Magbigay ng sariling paksa at limitahan ito. Pagkatapos ay humanap ng mga


maaring gamiting sanggunian.

Paksa: ____________________________________________________________________
LimitadongPaksa: _________________________________________________________
Maghanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya
Kung ito ay teksto- Pangalan ng awtor: _____________________________________
Pamagat ng kanyang isinulat: ___________________________
Kung ito ay aklat- Pangalan ng awtor______________________________________
Pamagat ng aklat: _______________________________________
Mga naglimbag: _________________________________________
Lugar at taon ng pagkakalimbag: ________________________
B. Gumawa ng Pansamantalang Balangkas ayon sa sanaysay na “Kalabang di
Nakikita”.
I. Ano ang paksa? ____________________________________________________
A. Impormasyon tungkol sa paksa: _________________________________
________________________________________________________________
II. Mga mahahalang datos na nakalap
A. _________________________________________________________________
B. _________________________________________________________________
C. _________________________________________________________________

III. Kahalagahan ng pananaliksik: _______________________________________


A. Magbigay ng rekomendasyon: ____________________________________
_________________________________________________________________

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikaanim na Linggo
9

Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na


puntos:
Pamantayan:
5 – taglay ang 3 pamantayan
✔ Kumpleto ang ibinigay na sagot.
4 – taglay ang 2 pamantayan lamang
✔ Naaayon ang sagot sa tanong
✔ Maayos ang pagbuo ng 3 – taglay ang 1 pamantayan lamang
pangungusap

Pangwakas na Pagsusulit

A. Hanapin sa hanay B ang katugon ng mga hakbang sa pananaliksik na nasa


hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot.

A B

_______1. Pagbuo ng Pansamantalang balangkas A. huling hakbang ng


_______2. Pagrerebisa pananaliksik
_______3. Pagsulat ng Pinal na Manuskrito B. unang bagay na dapat
_______4. Pagpili ng Paksa na isaalang-alang
_______5. Paghahanda ng Pansamantalang C. pagsasaayos ng mga
bibliyograpiya ideya mula sa inisyal
na pangangalap
D. para mamataan ang
mga kamaliang
nagawa na kailangang
iwasto
E. paghahanda ng talaan
ng iba’t ibang
sanggunian

B. Hanapin sa hanay B ang kahulugan ng mga salita na nasa hanay A.

A A. ginagamit upang B
makakalap ng mga
_________6. paksa
datos
_________7. borador o rough draft
B. unang isinasaalang-
_________8. balangkas
alang sa pananaliksik
_________9. pananaliksik
C. mapanuri at
_________10. sanggunian
makaagham na
imbestigasyon ng isang
bagay, paksa, o
kaalaman
D. gabay sa pananaliksik
sa simula pa lamang
E. pag- ayos ng mga
nakalap na datos

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikaanim na Linggo
10

Pagninilay

Dugtungan mo ang pahayag na nasa ibaba upang makabuo ng higit na malawak na


kaisipan.

Ang sistematikong pananaliksik ay makatutulong sa ating buhay sa


pamamagitan ng ______________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

Malaga na ang pagtuklas ay isang proseso ng mapanuring imbestigasyon dahil


______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________
Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na
puntos:
Pamantayan:
5 – taglay ang 3 pamantayan
✔ Kumpleto ang ibinigay na sagot.
4 – taglay ang 2 pamantayan lamang
✔ Naaayon ang sagot sa tanong
✔ Maayos ang pagbuo ng 3 – taglay ang 1 pamantayan lamang
pangungusap

Natutuwa ako at naisagawa mo nang mahusay ang mga gawaing ibinigay.


Kung may bahagi sa modyul na ito na hindi mo lubos na naunawaan mangyaring
makipag-ugnayan sa iyong guro.

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikaanim na Linggo

You might also like