Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

!

Ideyolohiya

Isang pagsusuri sa mga pananaw sa lipunan ng isang pambansang bayani

!"#$"$%&'"()*"& Ang pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal ang nagsilbing ilaw patungo sa kalayaan ng bayan mula sa mga kamay ng mga Espanyol. Nakamamanghang isipin na ni minsan ay hindi gumamit ng dahas si Rizal upang makamit niya ang kanyang mga layunin. Gamit lamang ang pluma at papel, naisakatuparan niya ang pinakamalaking pagbabagong naganap sa kasaysayan ng ating bansaang pagkamulat ng Pilipinas sa mga kapalaluan ng mga Espanyol. Masasabing ang pinakamahalagang bagay na naiwan ni Rizal sa ating mundo ay ang kanyang mga akdang naglalaman ng kaalamanan. Bawat akda ay sumasaloob ng kanyang mga pananaw hinggil sa ibat ibang mga bagay. Dito niya naisalin ang kanyang mga paniniwala at adhikain na nagpasimula ng pagbabago. Kaya naman mahalagang suriin kung anu-ano nga ba ang mga pananaw ni Rizal sa ibat ibang mga aspeto ng ating lipunan. +","-)"$& Sa mga nalathala ni Rizal, binigyang pansin niya ang mga tungkulin at responsibilidad ng kababaihan at kalalakihan sa lipunan. Bagamat naipakita pa rin ang mga kababaihan bilang mas mahinang kasarian, ipinakita ni Rizal ang tapat na paggalang at pantay na pagtingin sa mga kababaihan. Sa mga akdang Noli me Tangere at El Filibusterismo, makikita ang tipikal na katangian ng mga kababaihan. Ang mga katangiang siyang nakita kay Maria Clara, mahinhin at hindi gaanong kumikibo. Sa kabila nito, naipakita rin naman ni Rizal ang katapangan ng kababaihan sa katauhan ni Salome. Sa mga kalalakihan naman, binigyang pansin ni Rizal ang pagiging opinyonado ng mga lalaki sa usapin sa lipunan. Sila ang mas nagbibigay ng panahon na pagusapan ang anumang desisyon sa pamahalaan at lipunan. Sila ang kasarian na mayroong mas malaking partisipasyon sa ganitong mga bagay. Sa pananaw ni Rizal, ang babae at lalake ay pantay lamang sa lipunan. Bawat kasarian ay may pantay na tungkulin at karapatan. Mataas ang paggalang ni Rizal sa mga kababaihan, at ito ay makikita sa mga akdang alay sa Birheng Maria at kay Maria Clara. !"%.".")/)%"$& Sa paglalakbay ni Rizal, marami siyang taong nakilala. Ilan nga sa mga ito ay naging matalik pa niyang kaibigan, tulad na lamang ni Blumentritt. Si Pepe, bilang isang kaibigan ay tapat at tunay na maasahan. Sa pananaw ni Rizal, mahalagang maging tapat ang isang kaibigan sa kanyang mga salita. Si Jose Rizal, bagamat isang mabuti at tapat na kaibigan, ay hindi nakakalimot kapag ito! nasaktan. Sa kanyang mga naging problema kay Del Pilar, nasabi niya sa mga liham niya ang labis na pagkalungkot na isang kaibigan pa ang nanakit sa kanya. Sa ilan pang mga nasulat niya, nasabi niyang hirap siyang makalimot. Sa kabuuan, si Rizal ay mayroong malaking pagpapahalaga sa pagkakaibigan. Nais niyang maramdaman ng kanyang mga kaibigan na silay bahagi ng kanyang buhay. Ito ay higit na makikita sa mga liham ni Pepe kay Blumentritt na naglalaman ng halos lahat ng pangyayari sa kanyang buhay. Si Rizal ay isang tapat na kaibigan, hindi niya hahayaang hindi matupad ang mga salitang kanyang binibitawan.

!"0)(1"& Lumaki si Rizal sa isang mapagmahal na pamilya. Masasabing malaking impluwensya sa kanya ang mga aral ng kanyang mga magulang at mga payo ng kanyang Kuya Paciano. Lubos ang pagmamahal ni Rizal sa pamilya. Naniniwala siyang sa pamilya nagsisimula ang pundasyon ng pagiging isang tao. Sa kabila ng pagmamahal na ito, naniniwala pa rin si Rizal na mayroong mga pagkakataong kinakailangan mawalay sa pamilya upang matuto at gawin ang isang misyon para sa bayan. Ang pagpapahalaga ni Rizal sa konsepto ng pamilya ay makikita rin sa kanyang mga ginagawa noong siya ay nasa Dapitan. Nang siyay siraan ng mga pari, iginalang niya ang maaring maging reaksyon ng mga magulang ng kanyang mga mag-aaral. Naniniwala siya sa importansya ng paggabay ng mga magulang sa kanilang anak. Hanggang sa kamatayan ni Rizal, ang kanyang pamilya pa rin ang kanyang patuloy na hinahanap. Naniniwala siyang ito ang magbibigay sa kanya ng lakas at pag-asa. !"%2)/)%&"*&!".).)3"%-4(",15$& Sa paglalakbay ni Rizal, ibat ibang babae rin ang kanyang nakilala. Bilang isang romantiko, marami rin siyang napaibig at naging karelasyon. Sa pakikipagrelasyon, naniniwala si Rizal sa kahalagahan ng magkatulad na paniniwala. Ito ay makikita sa naudlot niyang relasyon kay Nelly Boustead na nagtutulak sa kanya sa relihiyong Protestante. Naniniwala siya na sa kabila ng pagmamahalan, ang bawat isa ay mayroon pa ring kanya-kanyang paniniwala sa mga bagay. Lubos kung magmahal si Rizal. Sa kabila ng matagal na pagkawalay kay Leonor Rivera at sa dami ng kaniyang nakilala, masasabing si Leonor pa rin ang kanyang tunay na pag-ibig. Si Pepe ay nakalimot lamang nang kaniyang makilala si Josephine Bracken. Bagamat tutol ang kanyang pamilya, pinili pa rin ni Rizal ang pag-ibig kay Josephine. Sa usapin ng pakikpagrelasyon at pag-ibig, si Rizal ay tunay na romantiko ngunit nanannatili pa rin ang paninindigan sa kanyang mga paniniwala. 65/14-$5& Ayon kay Dr. Austin Craig, isang tanyang na manunulat ng mga pakikipagsapalaran ni Rizal, si Rizal raw ay isang political scientist dahil sa kanyang pagpapahalaga at pag-aaral sa politika ng Pilipinas. Masasabing ang mga paniniwalang politikal ni Rizal ay nabuo mula sa mga paniniwala ng kanyang pamilya, maiging pagbabasa ng mga libro at paghanap ng kaalamanan at ang paglalakbay niya sa ibat ibang bansa. Hinubog ng mga ito ang sinasabi ng ilan na konserbatibo at praktikal na tingin ni Rizal sa usaping pampulitika. Si Rizal ay kailanman ay hindi naging isang aktibista. Siya ay isang tagapagtaguyod ng mapayapang reporma. Simula pa lang noong una ay ang ninais niya lamang ay ang pagbutihin ng Espanya ang pamamalakad sa Pilipinas. Ni minsan ay hindi niya hiniling na may dumanak ang dugo para lamang makamit ang hinihinging pagbabago. Makikita natin ito sa kanyang mga pamamaraan na ginamit upang matupad ang kanyang mga layunin. Imbis na bolo, pluma ang ginamit sa pakikipaglaban sa Espanya. Talas ng dila ang naging puhunan at hindi ng isang armas. Kung susuriin mabuti ang mga akda ni Rizal, makikita natin kung ano ang kanyang ideyal na gobyerno. Sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo malalaman na ang nais ni Rizal ay

isang gobyernong hindi pinapatakbo ng simbahan. Nais niya na magkahiwalay ang dalawana ang relihiyon ay magsisilbi lamang gabay ng gobyerno ngunit hindi panginoon nito. Sa mga libro ring ito makikita ang pagnanais ni Rizal ng isang makatarungang gobyerno na magbibigay ng pantay pantay na karapatan sa mga mamamayang Pilipino at magtatanggol sa mga naaapi. Sa Filipinas de cien aos naman naihayag ni Rizal ang kanyang mga pananaw ukol sa pamumuno ng bansang Espanya sa Pilipinas. Dito niya nasabi na dalawa lamang ang maaring kahantungan ng kinabukasan ng Pilipinas sa ilalim ng Espanya. Ang una ay magiging kolonya pa rin ng Espanya ang Pilipinas ngunit pagbubutihin nito ang pakikitungo sa nasabing bansa. Sa alternatibong ito ay dapat ibigay ng Espanya ang mga dinadaing ng Pilipinas at ibsan ang mga sugat na naidulot nito. Kung hindi ito maibibigay ng Espanya, ang ikalawang alternatibo ang mangyayari. Ito ay ang tuluyang paghiwalay ng Pilipinas mula sa Espanya sa pamamagitan ng isang malawakang rebolusyon. Sa nailathala namang sanaysay na La Indolencia de los Filipinos nasabi ni Rizal ang kanyang pananaw hinggil sa ugnayan ng gobyerno at ng mga tao. Dito niya naiparating sa mga tao na ang susi para sa isang mahusay na gobyerno ay ang pakikipagtulungan nito sa mga tao. 78#.",15$& Ang tahanan ng mga Rizal ang nagsilbing unang paaralan ni Pepe; ang unang guro ay ang kaniyang ina. Sa murang edad na tatlong taon ay natutunan niya na ang alpabeto at naturuan nang mahalin ang mga tulang Espanyol. Lumaki si Rizal na nakakapit sa edukasyon. Sinikap niya na matuto at makakakuha ng kaalamanan sa pamamagitan ng masidhing pagbabasa ng mga libro. Kaya naman hindi nakapagtataka na ganoon na lamang ang pagpapahalagang ibinigay ni Rizal sa edukasyon. Nakita niya na ang edukasyon ay isang mahalagang instrumento sa pagunlad ng isang bayan. Makikita sa mga akda ni Rizal ang pagpapahalaga niya sa edukasyon. Sa Noli Me Tangere pa lamang ay pinakita na ni Rizal kung gaano niya pinahahalagahaan ang edukasyon. Ipinahayag niya ito sa katauhan ni Crisostomo Ibarra na siyang nagnais na magtayo ng isang paaralan sa San Diego kung saan puwedeng matuto ang marami. Makikita rin ng lubos kung gaano pinahahalagahan ng ating pambansang bayani ang edukasyon sa tulang Education Gives Luster to Motherland. Ayon sa tula, ang edukasyon daw ang nagbibigay ng kaginhawahan sa isang bayan at ang nagdadala karangalan dito. Ito raw umano ang nagsisilbing gabay ng sangkatauhan. Hindi lamang sa mga akda ni Rizal mapapansin ang kanyang pagpapahalaga sa edukasyon. Pati sa kanyang mga kilos at adhikain ay makikita ang pagbibigay niya ng importansya dito. Noong nanatili si Rizal sa Talisay, kanyang inilaan ang kanyang oras para turuan ang kabataan upang maging tunay na lalaki. Tinuruan niya ang mga bata sa pagtatanim, sa larangan ng fencing, paglalayag, pagbasa at pagsulat. Kanyang ibinahagi sa kabataan kung ano man ang kanyang nalalaman. Bukod pa rito ay sinuportahan din ni Rizal ang mga kababaihan ng Malolos noong tanggihan ni Gen. Weyler ang kanilang kahilingan na magtayo ng isang eskwelahan sa kanilang bayan. Ukol naman sa kanyang mga adhikain, makikita na binigyan pansin ni Rizal ang pangangailangan ng magandang edukasyon para sa kabataan nang isama niya sa isa sa limang layunin ng La Liga Filipina ang magkaroon ng makabagong edukasyon para sa mga mamamayan ng Pilipinas. Masasabing ang buong buhay ni Rizal ay isang patuloy-tuloy na edukasyon. Hindi niya hinayaan ang sarili na lumaki na walang alam. Ni minsan ay hindi rin siya tumigil sa pagtuklas

ng bagong kaalamanan. Kung pinaniniwalaan ang sinabi ni Rizal na ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan, makikita sa kanyang mga gawain na ang edukasyon ay ang susi sa pag-asang ito. ')$)$%&"*&+#(*#-"& Kinikilala si Rizal bilang isang polymath o isang taong maraming kaalamanan. Hindi lamang sa pilosopiya at pagdodoktor bihasa si Rizal. Tanyag din siya sa larangan ng pagguhit, pagpinta at paglilok. Bata pa lamang si Rizal ay naturuan na siya nina Don Augustin Saez at Romualdo de Jesus na magpinta at maglilok kaya hindi nakapagtataka na siya ay gumaling sa larangang ito. Ayon pa sa nasirang de Jesus, natutuwa siya at nagkaroon siya ng napakagaling na estudyante bago siya pumanaw. Naging hilig at libangan ni Rizal ang pagguhit, pagpinta at paglilok. Karamihan sa kanyang mga gawa ay larawan ng mga tanawing kanyang nakikita, kanyang pamilya at mga mahal sa buhay, at ang ilan ay may temang relihiyon. Dito makikita na hindi tinalikuran ni Rizal ang relihiyon, kanya lamang nilabanan ang kasamaan ng simbahan. Sa mga gawang ito ni Rizal mararamdaman ang kanyang pagmamahal sa sining. Ito ay naging parte ng kanyang buhay at kanyang pinahalagahan. Ukol naman sa kultura, sa murang edad na walong taon ay naiparamdam niya na ang pagpapahalaga niya sa kulturang Pilipino. Sa tula niyang Sa A king Mga Kabata, ipinarating niya kung gaano kahalaga ang wika na siyang diwa ng isang kultura. Dito malalaman na kanyang pinhahalagahan ang katutubong kultura ng Pilipinas. 94():)15$& Masasabing mistulang anino at, sa parehong pagkakataon, gabay sa buhay ni Rizal ang relihiyon. Bagamat isinilang at lumaki sa Katolikong pamilya si Rizal, di nangangahulugang sa parehong paraan niya isinabuhay ang relihiyon. Dahil na rin sa kanyang labis na kaalaman at pagkadalubhasa sa pilosopiya ay masasabing may mga nagbago sa kanyang mga paniniwala o sa paraan ng kanyang pag-intindi sa mga ito. Masasabi rin sa kabila ng mga ito na sa kahulihulihang sandali ng kanyang buhay ay isang hayag na Katoliko si Rizal, bagay na pinapatunayan ng ilang saknong mula sa Mi Ultimo A dios, ang kanyang huling akda bago mamatay:
A koy yayao na sa bayang payapa, na walang alipit punoing mapang-aba, dooy di nanatay ang paniniwala at ang naghahari Diyos na dakila.

Nakuha pa rin ni Rizal na ipagpasaDiyos ang sarili at ang bayang iniwan kahit kung tutuusin, malaking bahagi ng kanyang masalimuot na kapalaran ang relihiyono marahil ay mas mainam na tukuyin ang mga taong gumagamit at umaabuso rito. Halimbawa na lamang ang mga paghihirap ni Rizal at ng bawat miyembro ng kanyang pamilya. Mula sa banta kay Paciano at sa kanyang pag-aaral, sa dalawang beses na pagkakakulong ng ina, sa pagkakapalayas sa buong mag-anak sa sariling tahanan sa Calamba, at hanggang sa kabiguan niyang maikasal sa kasintahang si Josephine Bracken. Ang lahat ng ito ay mga bagay na pinapelan ng mga prayle sa ngalan ng relihiyong sinasabi nilang nagtatalaga sa kanila sa estado na kasing taas ng sa Diyos. Sa simulat simula pa lamang ay tuwiran nang nilinaw ni Rizal na hindi relihiyon ang kanyang inaatake. Inaatake lang niya ang abuso ng Simbahan at mga pamahiing napahintulutang gumapang patungo sa relihiyon sa paglipas ng mga daang taon, (Ocampo,

1995). At kung kinakailangan man, handa si Rizal na kalabanin ang nasabing huwad na relihiyon kung ganoong sa likod nito palaging nagtatago ang mga prayle. !"%."0"."/"1"$&,"&;#3"$%&<)$#/#"$& Mula sa kanyang pinakaunang akdang naisulat noong 8 taong gulang pa lamang siya hanggang sa pinakahuli na ginawa naman bago siya mamatay dahil sa hatol na firing squad, ang laman ng mga higit na nakararaming akda ni Rizal ay nagsusumigaw ng pagmamahal at katapatan para sa bayang sinilangan. Malinaw na naipamalas ang damdaming ito ni Rizal para sa bayan dahil sa pagsusulat ang pinakamahal niya sa lahat ng kanyang mga hilig at gawain. Kung iisa-isahin ang kanyang bawat akda para isalarawan ang kanyang pagkamakabyan tiyak na kulang ang iilang pahina. Ang pagkamakabayan na ito, taglay na karunungan, at inklinasyon sa malayang paghahayag ng naunang dalawa ay masasabing mapusok na kombinasyon sa kapanahunan ng mga Espanyol. Kung para kay Rizal ay daan ito para sa pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay at pagbuti ng relasyong Espanya at Pilipinas, para sa mga baluktot na Espanyol ay banta ang mga katulad ni Rizal sa pananakop na pinadadali ng kamangmangan at maling paniniwalang panrelihiyon ng mga Indio. Sa katunayan, masasabing ang buong buhay pa nga ni Rizal ang pinakamatibay na ehemplo ng kanyang pagkamakabayan, sapagkat sa pagkamakabayan na ito nag-ugat ang mga kritikal na desisyong nagtulak sa kanya sa maraming lupang banyaga, sa kantanyagan at pagkadalubhasa, at maging sa kanyang kamatayan. Bilang ang batang si Pepe na ginawang tahanan sa loob ng kanilang tahanan ang silidaklatan, si Rizal ay maagang namulat sa mga mabibigat na makataong usapin at sa kalaunan ay nakabuo ng sariling liberal na pananaw sa bawat bagay. Halimbawa na nito ang mga sumusunod na bahagi mula sa kanyang unang tula, ang Sa A king mga Kabata:
A t ang isang taoy katulad, kabagay Ng alin mang likha noong kalayaan. A ng hindi magmahal sa kanyang salita Mahigit sa hayop at malansang isda Kaya ang marapat pagyamanin kusa Na tulad sa inang tunay na nagpala A ng wikang Tagalog tulad din sa Latin, Sa Ingles, Kastila, at salitang anghel, Sapagkat ang Poong maalam tumingin A ng siyang naggagawad, nagbibigay sa atin. A ng salita natiy tulad din sa iba Na may alfabeto at sariling letra, Na kaya nawalay dinatnan ng sigwa A ng lunday sa lawa noong dakong una.

Nakakagulat ang tulang ito kung iisiping isinulat ito ng isang 8 taong gulang na bata sa panahong Kolonyal kung saan kalabisan ang pagtatalaga ng sarili bilang kapantay ng mga banyagang mananakopbagay na ganoon na lang rin nga tinanggap ng maraming mas nakakatanda pa ngang kababayan. Gaya na nga ng sabi sa tula, batid ni Rizal ang kahalagahan ng pagmamahal at pagtangkilik sa sariling wika nang katulad sa pagtinging ibinibigay sa mga wikang banyaga. Ang

katutubong wika ay para na ring kaluluwa ng bayang sinibulan nito at wala nang iba pang magmamahal dito kung di ang mga mamamayang isinilang dito, samakatuwid, pagtataksil ang katumbas ng pagtalikod dito. Usapin ito para sa kolonyal na Pilipinas kung saan nagbunga na ang daan-daang taong pamamalagi ng mga Espanyol. Wala na ang pagtanggi sa titulong Indio na ibinansag sa bawat kababayan at wala na ring kwestiyon tinanggap ang pagkasuperyor sa kagalingan, kagandahan, karunungan, kayamanan at katanyagan ng mga banyaga. Sa pamamagitan ng tula natugunan ito ni Pepe. Tiningnan niya ang sarili bilang isang mamamayan di lang ng iisang bansa kung hindi ng iisang mundo; isang mamamayang mataas ang pagtingin at respeto sa sarili at pati na rin sa di kalahi. Sa paglipas ng mga taon ay lalo lamang napagbuti ni Rizal ang kanyang pag-aaral. Mula sa edukasyong Heswita sa Ateneo ay itinuloy niya ang pag-aaral sa metapisika at land surveying sa Unibersidad ng Santo Tomas na siya namang nasa ilalim ng mga Dominikano. Dito na nga niya naranasan nang tahasan ang mga baluktot na pamamalakad ng mga nasabing prayle. At dahil di makakapayag sa ganitong mga gawain, idinaan niya sa pagsulat ng isang dulang may pamagat na Junto al Pasig (Sa Tabi ng Ilog Pasig) ang pagtira sa mga prayle. Naging banta ito sa kaligtasan at katahimikan ng buhay ni Rizal kayat nagtulak ito sa kanya na tumungo sa Espanya. Isa pa ay ito rin naman ang kanyang nais bilang isa nang mag-aaral ng medisina, at bilang isang iskolar ng lihim na organisasyon ng kapatid na si Paciano. Kung ang pagpapakadalubhasa at pagbuo ng malawak na internasyonal network din ang daan tungo sa liwanag, kanya na nga itong narating sa kanyang paglalakbay sa Europa. Hindi nagtagal ay nahanap niya ang mga kababayan sa Espanya at sumapi sa mga organisasyong may mga layuning tugma sa kanya. Nagkaroon ng mga hakbang para sa layuning magawaran ng pantay na estado ang Pilipinas (e.g. political na magasin) ngunit lahat ito ay hindi nagtagumpay. Ang serye ng mga kabiguan na ito ang siya na nga ring nagtulak kay Rizal para sumulat na lamang ng isang nobelaang Noli Me Tangere. Sa isang limbagan lang ay naroon ang malaking tsansang makamit ang layuning gisingin ang mamamayang Pilipino. Mahusay ang pagkasulat sa Noli pagkat sa likod ng isang kwentong piksyunal ay ang di makakailang mabigat na pagbubulgar sa tunay na kalagayan ng lipunang Pilipino sa ilalim ng mga Espanyol, partikular na ng mga mapang-abusong prayle. Ito ay itinulad niya sa isang diagnosis ng lipunang may kanser. At bilang paunang lunas, ay tinukoy niya ang mga sanhi ng sakit at ang mga kalagayan ng mga apektadong bahagi ng lipunan. Di rin pinalagpas ni Rizal sa nobela ang mga kababayang nararapat ring mapatungkulan. Kabilang na nga ang kanyang sarili sa mga sinabi niyang responsible sa kung ano man ang estado ng lipunan. Bagamat lumikha ng malaking ingay at kontrobersiya ang Noli ay nalagpasan ni Rizal ang pag-uusig ng mga natamaang sektor ng lipunan lalong-lalo na ng mga prayle. Di nagtagal, sa ikalawang pagkakataon ay bumalik siya ng Europa kung saan di na naging kasing sigla ang kanyang mga karanasan kumpara sa una niyang pamamalagi. Dito ay sinulat niya ang dalawang akdang nagkukuwento naman ng kasalukuyan at hinaharap na sitwasyon ng Pilipinas, and anotasyon ng Sucesos de las Islas Filipinas ni Antonio de Morga at ang El Filibusterismo. Kaiba sa Noli na nagpapakita lamang ng sitwasyong panlipunan ng bansa, ang El Fili ay masasabing mas mabigat at pawang naglalahad lamang ng mga sirkumstansyang mayroon para sa bansa. Sa bandang huli, sa kabila ng mga maaanghang na salitang laman ng mga akdang nabanggit ay di naman ang mga ito ang naging direktang dahilan ng kamatayan ni Rizal. Pinakahuli sa kanyang mga obra ang walang pamagat na tulang kinilala na ngayon bilang Mi Ultimo A dios. Sa kabila ng pagbabawal sa kanyang magsulat sa piitan, nagawang isulat ni

Rizal ang nasabing tula noong mga huling sandali ng kanyang buhay at naibigay sa kapatid nang palihim sa pamamagitan ng isang lampara. Batid ang kalungkutan sa napipintong kamatayang nangangahulugan ng pagkawalay sa at katupusan ng maraming bagay, mabuti at masama, mga magagandang salita na lamang ang mayroon si Rizal para sa maiiwan niyang bayan, pamilya, at mga mahal sa buhay. Sa harap ng kamatayan, wala siyang hiniling para sa sarili; ang lahat ay para sa kapakanan ng kanyang mga kababayan at ng kanyang bayan, (Jose Rizal University, 2004). Sa kabilang banda, batid niyang mayroon ding puwang para sa kaligayahan sa kanyang pagkamatay. Sa susunod na saknong ay nakalahad ang kanyang mga dahilan:
Inihahandog ko ng ganap na tuwa Sa iyo yaring buhay na lanta nat aba; Naging dakila may iaalay rin nga Kung dahil sa iyong ikatitimawa.

Para kay Rizal, isang karangalan pa nga ang mamatay kung para naman ito sa bayan. Sapagkat isang beses lang namamatay ang tao, mas mabuti nang mangyari ito nang may kabuluhan. Namatay man siya bilang bilanggong balot sa ibat-ibang kontrobersiya gaya ng retraktasiyon at katapatan, nasiguro naman niya na anot ano pa man, ang kamatayang ito ay magiging hudyat ng himagsikan at ng paggawad ng kasarinlan sa Pilipinas sa di kalayuanisang paraang di naman niya ninais ngunit naging direksyon ng tadhana.

'"$%%#$)"$& http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/New_Intermediate_Tagalog/alamat/Jose%20Rizal.htm http://www.joserizal.ph/pm02.html http://joserizal.info/Biography/u-buhay_at_mga_ginawa_rizal.htm http://joserizal.info/Reflections/portal-reflections.htm http://joserizal.info/Writings/portal-rizalswritings.htm http://www.nhi.gov.ph/index2.php?option=com_content&do_pdf=1&id=12 http://www.knightsofrizal.org/content/?p=390

You might also like