Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

**********SIMULA NG DULANG PANRADYONG: ANG ALAMAT NG BABOY RAMO**********

KURACHA: Mga kasama! Mga kasama, may pistang gaganapin para kay Birheng Maria! Tila

maganda kung may ihahandog tayong pagkain!

ELISEA: Baboy ramo kaya?

KOSME: Oo! Baboy ramo, ang magandang ihandog!

KAP. RAMING: O ganoon pala eh. Ihanda na ang mga sibat! Sibaaat!

LIWAYWAY: *pabulong* maghahandog ng baboy ramo ang kabilang tribo? Kailangan kong ipaalam

ito kay Kapitan Isding. *nagpunta kay Kapitan Isding*

**********SA KABILANG DAKO…**********

KAP. ISDING: Kapistahan nanaman mga kasama. Ano sa tingin ninyo ang marapat nating ihandog para

sa Birheng Maria?

BASHA: Isda! Isda ang magandang ihain, kapitan!

KAP. ISDING: Isda na naman?! Di ba’t isda na ang naihandog natin nuong nakaraan? Hindi ito pwede.

YOLANDA: Kung noon ay kinilaw na tilapia ang ating inalay, inihaw na bangus ngayon!

AMBO: Oo nga! Tila magandang ideyang iyon

LIWAYWAY: *nagdadalawang-isip* Ah… Kapitan, kapitan. Kailangan mo itong malaman.

KAP. ISDING: Ano iyon Liwayway?

LIWAYWAY: Ang kabilang tribo ay nagnanais na maghain ng baboy ramo para kay Sta. Maria.

KAP. ISDING: Ha?! Hindi pwede! Kailangang tayo ang kilalanin ng lahat na pinakamahusay na tribu.

Kailangang tayo ang makahuli nang baboy ramong ito. Sige! Kunin ang sibat at hulihin

ang baboy ramo!

**********IKALAWANG TAGPO**********

#TeamRaming: *masaya

KAP RAMING: Tiwala ako sa mga sarili natin na mahuhuli ang baboy ramo!

KOSME: Ngunit, kapitan! Patungo rito sa atin ang tribo ni Kap. Isding!
KURACHA: Bakit kaya kapitan?

*SFX: MARTSA*

*dumating na ang #TeamIsding*

KAP. RAMING: Ano ang inyong nais?

KAP. ISDING: Narito kami upang hulihin ang pinakamalaking baboy ramo na iaalay namin para sa

birheng Maria.

ELISEA: Ngunit narito rin kami para doon.

YOLANDA: Hindi na namin iyon kasalanan. Baka naman, ginagaya niyo kami?!

KOSME: Orihinal namin itong ideya!

LIWAYWAY: Hindi maaari.

KAP. ISDING: Itigil ang ingay! Kung gusto niyo ay idaan na lamang natin ito sa paligsahan? Kung sinong

makahuli ay siyang pinakamagaling na tribo dito sa ating barrio.

KAP. RAMING: *Tinanong ang kasamahan* Kayo ba ay sumasangayon?

LAHAT: Opo Kapitan.

KAP. RAMING: Sige. *Nakita ang baboy* Ayun ang baboy ramo! Tila malusog at tamang-tama bilang

alay. Kaya simulan na natin ang paligsahan.

**********IKATLONG TAGPO (LUMBANG)***********

KOSME: Mga kasama bilisan niyo, nandito ang baboy ramo

KURACHA: Ihanda niyo na ang lambat pati ang sibat.

ELISEA: Palibutan natin. Dahan-dahan lang.

KOSME: Hulihin niyo na!

*SFX: NANGHULI GAMIT ANG LAMBAT*

KAP. RAMING: O ano, ano nang nangyari?

ELISEA: Kapitan Raming, hindi naming nahuli ang baboy ramo.

KAP. RAMING: Ha? Bakit naman? Anong nangyari? Anong ginawa niyo?
KURACHA: Pasensya nap o Kapitan. Pero lubhang madulas ang katawan ng hayop. Kung kaya’t

nahirapan kami sa paghuli.

KAP. RAMING: ‘Wag kayong mag-alala, marami pang pagkakataon upang makita natin ang baboy ramo.

*SFX: KALUSKOS*

KOSME: Mga kasama nandito muli ang baboy ramo.

KURACHA: Sa pagkakataon na ito, kailangan nating mahuli ang hayop.

RAMING: Ano pang hinihintay niyo? Hulihin niyo na!

*SFX: LAMBAT*

KOSME: Tsk, nakawala na naman ang baboy ramo. Sadyang mailap ito.

ELISEA: Napakarami namang puno ng Lumbang rito. Tila ito ang dahilan kung bakit madulas ang

baboy ramo.

KURACHA: Bilang palatandaan na tayo’y nanggaling na rito. Pangalanan natin itong ‘Lumbang’.

KAP. RAMING: Mga kasama, bilisan na natin sigurado akong hindi pa nakakalayo ang baboy ramo.

************IKA APAT NA TAGPO (SAN JUAN)************

YOLANDA: Kayhirap naman ng daan ditto! Napakasikip at napakasukal! Namaaan!

BASHA: Teka, teka mga kasama. Mga marka ba ito ng nakikita ko?

LIWAYWAY: Oo! Tila, mga marka ng baboy ramo nga ito!

AMBO: Oo nga! Tamang tama ang iyong natagpuan Basha! Ipagpasalamat natin ito kay San

Juan dahil naging gabay siya sa atin.

KAP. ISDING: Napakahusay! Malaking tulong siya sa ating paghahanap. Ngunit baka tayo’y maligaw
nito?

AMBO: Kapitan! Kapitan! Ipangalan natin it okay San Juan dahil naniniwala akong ginabayan na
tayo patungo sa baboy.

KAP. RAMING: O sige! Tayo na at humayo siguro nama’y di pa nakakalayo ang baboy.

************IKALIMANG TAGPO (LONGOS)**************

KOSME: Ayan na mga kasama, narito at nakikita ko na ang baboy. Ngunit, mukhang
Mairap. Kapita?

KAP. RAMING: Ngayon pa nga lang natin nakita ang baboy, susuko na kayo agad? Siluan niyo

na!! Sibatin niyo na!

*SFX: LAMBAT*

ELISEA: Mainam! Unang subok pa lamang ay nahuli na natin! Teka, teka. Napakalakas!

KURACHA: Waaah! Natataglay ako! Tulong! Tulong

*SFX: OINK OINK ANGRY*

KOSME: Sayang! Nasa atin na ang baboy! Natalian na ang ungos ngunit sadyang

Napakalakas! Hindi natin ito kakayanin.

*dumating ang #TeamIsding*

KAP. ISDING: Ha! Ha! Ha! Hindi nyo mahuhuli ang baboy pagkat mapapasaamin iyon!

AMBO: Oo nga! Ha! Ha! Ha!

KAP. RAMING: Isding, itigil na natin ito. Iisa naman an gating layunin. Kaya, magtulungan nalang

tayo.

YOLANDA: Hah! Ano ka? Hindi pwede. Kami dapat ang kilalaning pinakamahusay na tribo.

*umalis ang #TeamIsding*

KURACHA: Napakayayabang naman nila!

KAP RAMING: Hayaan na lamang sila, Kuracha.

KOSME: Upang mapagpatuloy natin ang paghahanap ng di naliligaw, pangalanin natin ‘to

ELISEA: Bakit hindi Longos? Tutal ang ungos ng baboy an gating nahawakan sa lugar na

Ito

KAP. RAMING: Sige, Longos. Tara na. Hindi pa makakalayo ang baboy.

************IKAANIM NA TAGPO (PAETE)****************

*SFX: TAKBUHAN*
BASHA: *pagod* Mahaba-haba na din ang nalakbay, tila hindi ko na kakayaning mag patuloy pa.

KAP. ISDING: Kung gayon ay tayo’y matungo muna sa kapatagan at duon naman ay siya tayonG

magtayo ng isang matibay na koral.

YOLANDA: Oh siya, tayo na’t maghanap ng ating mga gagamitin.

AMBO: Tama, kailangan din natin ng paet upang ito’y mabutasan.

*SFX: KULIGLIG*

YOLANDA: Kanina pa kumagat ang dilim ngunit bakit tila wala pa rin ang baboy ramo?

LIWAYWAY: Sandali at aking titingnan kung may senyales bang ito’y nagdaan na rito. *umalis* Ang

tribo ba ni Raming iyon?

KURACHA: Nasaan na nga ba ang baboy ramo?

ELISEA: Mga kasama! Aking narinig na may mga nakakitang dumaan ito sa kabilang dako at hindi

rito.

KAP. RAMING: Kung sa gayon ay tayo na’t magturo na noon.

KOSME: Tara na’t ating ito’y sundan bago pa tuluyang makalayo.

*Bumalik na si Liwayway*

LIWAYWAY: Mga kasama, aking narinig mula sa tribo ni Raming na hindi dito ang ruta na tinatahak

ng baboy ramo.

YOLANDA: Ano?! Ibig sabihin ay nasayang lamang ang ating paghihirap sa paggawa ng koral na ito.

KAP. ISDING: Iwan na lamang natin ito bilang pananda, upang hindi tayo magpaikot-ikot.

AMBO: Ano ang ating ipapangalan dito sa lugar na ito?

LIWAYWAY: Uh… Paet? Bakit hindi Paete? Hindi ba’t ito ang ginamit natin para mabutas iyang mga

kahoy upang maging koral?

AMBO: Tamaaa!

Kap. Sding: Paete? Bakit hindi, ngayon tayo na’t hanapin ang baboy ramo.

************IKAPITONG TAGPO (PAKIL)****************


RAMING: Eton na! Ang lapit na ng baboy ramo! Kosme, ang sibat!

KOSME: Huli kang baboy ka!

KURACHA: Naku! Nadaplisan lang ni Kosme.

RAMING: Bakit naman hindi mo pa nataman? Kay lapit-lapit na nga!

KOSME: Pasensya na po, ngunit, mapurol na ang ating sandata.

ELISEA: Sayang, Kapitan, pakil pala ang dala nating sibat.

RAMING: Hasain na natin lahat hanggat di pa gaanong nakaklayo ang baboy.

*SFX: NAGHAHASA*

KURACHA: Tara na!

ELISEA: Baka lalo pang lumayo ang baboy.

KOSME: Nakakalito pala ang daan dito.

ELISEA: Basta tandaan niyo, di

to natin nalaman na mapurol ang sibat, na pakil ito.

KURACHA: Oo nga, Pakil!

************IKAWALONG TAGPO (BALIAN)****************

BASHA: Hayun!! Tila napagod ang baboy ramo. Nakikita niyo ba siya? Umiinom siya sa may

sapa, ilang hakbang lamang ang layo sa atin.

ISDING: Ano pang hiniintay ninyo!? Atin nang puntahan ang kinaroroonan ng baboy ramo.

YOLANDA : *pabulong* Sa wakas ay mauunahan na namin ang kabilang grupo na malakas ang

ihahandog poon.

LIWAYWAY: Kapitan!!! Kailangan nating magpakubli –kubli sa mga malalaking katawan ng puno.

Kung hindi, tiyak tatakbo ang baboy ramo

AMBO: *pabulong* hayan malapit na tayo, ihanda ninyo na ang mga pamalo. Dahan-dahan

tayong lumapit sa likurang parte nito at saka natin hampasin ang baboy ng dalawang ulit

*SFX: POKPOK*
YOLANDA: Hala! Nakatakas ang baboy!

LIWAYWAY: Wag kayong mag-alala di yan makakalayo sapagkat nabalian na ito.

BASHA: Bali? Nabalian? Balian!

AMBO: Oo ngaaa!! Balian!

***************IKASIYAM NA TAGPO (PANGIL)************************

KOSME: Kapitan, mabagal na ang takbo ng baboy ramo!

ELISEA: Siguro nga ito na an gating pagkakataon

RAMING: Sige, sige. ISA….DALAWA…TATLO!!!

*pag-ungol ng baboy, naputol ang pangil*

*nasuwag si Raming*

RAMING: AHHHHHH!!!

KURACHA: Nagkasugat si kapitan! TULOOONG!!!

ELISEA: Ito, dahon ng bayabas. Makakatulong ito sa paghilom ng mga sugat.

*naparaan ang grupo ni Isding*

ISDING: Anong nangyari sayo?

RAMING: Isding, sugatan at mabagal na ang takbo ng baboy ramo. Ito na ang pagkakataong

mahuli ang hayop. Ito ay hindi para satin, para ito sa Birheng Maria. Bakas pa ang dugo

ng baboy ramo.

KOSME: Ito ang pangil na nahulog sa baboy ramo nang suwagin nito si Kapitan.

*binigay ni Kosme ang pangil.*

YOLANDA: Kapitan Isding! Huwag ka ngang making sa mga inutil na yan!

BASYA: Oo nga, isa siyang kaaway.

LIWAYWAY: Sandali, bakit nga ba nagtatalo pa tayo kung iisa lang ang ating pakay?

AMBO: Oo nga! Dapat makipagtulungan na tayo sa kanila.

YOLANDA: Hay naku, kung yan ang ikakabuti ng tribo natin, sige na!
ISDING: Oh siya! Liwayway, Ambo, Yolanda, Basha, Tayo na.

BASYA: Sige kapitan tara na nga.

ISDING: sige mauna na muNA kami, pagpahingahin nyo muna si raming at mukhang lubha

siyang nasugatan

*umalis ang #TeamIsding*

ELISEA: Sandali, baka maligaw nanaman tayo!

KOSME: Pangil ng baboy ramo? OO nga! Pangil ang itawag natin sa baying ito.

KURACHA: Maganda ang iyong naisip.

RAMING: Huwag na tayong magsayang ng oras. Ipagpatuloy na natin ang paghahanap.

***************IKA SAMPUNG TAGPO (SINILOAN)************************

KAP. ISDING: Kapwa ko kapitan! Dahil naman nakatakas muli ang baboy ramong kanina pa

nangyayari, ano kaya kung pagisahin natin an gain tribo? Kami at ang aking mga kagrupo
ay humihingi ng paumanhin sa inyo.

RAMING: Tama nga nainisip Kapitan Isding. Kami ay humihingi din ng paumanhin.

*SFX: UMUULAN*

BASHA: Mga kapitan! Sumulong muna tayo rito sa malaking puno!

YOLANDA: Hay naku! Bakit pa kasi umulan? Nawala tuloy ang mga bakas ng dugo ng baboy ramo

sa damuhan!

KARAMIHAN: *nag-ingay* oo ngaaaaa, tama ka riyan!, bakit pa kasi umulan? Hay nakuu

KOSME: SHHHH! Katahimikan! *tumahimik* naririnig nyo ba iyon?

*SFX: KALISKIS AND OINK OINK*

KARAMIHAN: *malakas na sigh na parang nagukat ekek* ANG BABOY RAMOOO!!

ELISEA: Dali!!! Ilabas na agad ang pangsilo!

*SFX: NAHULI ANG BABOY RAMO*

KOSME: HULI KANG BABOY KA!

RAMING: Magaling Kosme! Agad ninyong nasilo sa leeg ang baboy!


ISDING: Bilisan natin! Huwag mong bitawan ang tali Kosme. Ambo! Kunin mo na agad ang baboy

*nagsaya ang lahat*

*SFX: PARTY PARTY*

LIWAYWAY: Sa wakas! Nahuli na rin natin ang baboy sa pagsilo rito. Bansagan natin ang lugar na ito

ng Siniloan at wag kalimutan!

***************IKA LABINGISANG TAGPO (MABITAC)*********************

YOLANDA: Pagtulong-tulungan na nating igapos ang baboy na ito! Masyado niya tayong

pinahirapan!

ELISEA: Tama! Igapos natin siya sa malaking kawayan!

*SFX: TINALI ANG BABOY RAMO*

AMBO: Magboboluntaryo po akong magbuhat ng baboy na ito ngunit ito po ay may kabigat

kaya kung maari sana’y may katu katulong ako.

ISDING: Maganda iyan Ambo, tayo ay magsalitan sa pagbubuhat pag tayo’y nabibigatan na.

LIWAYWAY: Masyadong naming mabitak ang daan rito sa lugar na ito.

BASHA: Bansagan kaya natin itong Mabitac?

ISDING: Tama ang naisip mo Basha. I love you!

***************IKA LABINDALAWANG TAGPO (STA MARIA)********

ISDING: Malayu-layo rin ang ating nalakabay para lang sa baboy ramo na ating iaalay para sa

birheng Maria. Buti nalang at nagsama-sama tayo, maraming salamat at mayrong

mapagkumbabang kapitan na karulad mo at napagtanto kong walang maidudulot na

maganda ang pagiging mapagmataas at makasarili.

DATU RA: Ngayon ay nalaman niyo na ang kahalagan ng pakakaisa, inaahasan ko na sa mga

susunod na mga paglalakbay ay magkakasundo na kayo.

RAMING: Sa mga dadating pang paglalakbay, tinitiyak ko na magkasa na lagi ang aking tribo at

tribo ni Kapitan Isding. Magandang ideya iyon hindi ba?


ISDING: Oo raming, tinitiyak ko iyan. Sa ngayon ay magsalu salo muna tayo at magsaya! Iliton na

natin ang baboy ramo. Viva Santa Maria!

RAMING: Viva Santa Maria!

KURACHA: Ialay natin sa Birheng maria ang karanasang ito.

YOLANDA: Ito ang lugar kung saan matatapos ang lahat n gating paghihirap.

KOSME: tinitiyak ko na ginusto ni ito ni birheng maria.

AMBO: Oo nga! Tawagin natin ang lugar na itong Santa maria bilang tanda kay Birheng Maria

LAHAT: VIVA SANTA MARIA!

*SFX: PARTY PARTY AND HAPPY ENDING*

**************************WAKAS**************************

You might also like