Professional Documents
Culture Documents
Piling Larang Akademik - Modyul 14 - Pagsasaalang Alang Sa Etika NG Binubuong Sulatin
Piling Larang Akademik - Modyul 14 - Pagsasaalang Alang Sa Etika NG Binubuong Sulatin
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magka-
roon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpa-
man, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pag-
sasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong
mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas na-
katatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyo bilang isang mag-aaral. Ito ay makatutu-
long upang matutuhan ang tungkol sa pagsasaalang-alang sa etika sa binubuong sulatin. Ang sakop
ng modyul ay magamit sa ano mang kalagayan ng mag-aaral. Ang mga salitang ginamit dito ay ang-
kop sa lebel ng pang-unawa ng mag-aaral na naaayon sa pamantayan nito.
Kasanayang Pampagkatuto:
Naisasaalang- alang ang etika sa binubuong akademikong sulatin.
Layunin:
Tukuyin ang mga mensahe ng mga larawan. Iugnay ang mga ito at sumulat ng isang
talata sa ibaba. 15 puntos
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
______
Aralin
Pagsasaalang-alang sa etika sa
1 binubuong sulatin
Mahalaga sa pag-aaral at akademikong gawain ang pagsulat ng piktoryal na sa-
naysay. Ngunit kadalasan ay hindi nabibigyan ng linaw ang konsepto nito at kahala-
gahan nito sa buhay ng mag-aaral at sa karerang pipiliin sa hinaharap.
Balikan
Pagsasanay A
Basahin at suriin ang bawat bilang. Tukuyin ang tamang sagot at isulat sa iyong sagutang
papel.
1. Ang pictorial essay ay _______________ ng mga larawan na naglalayong magsalaysay ng
kuwento at magbigay o maglabas ng emosyon sa mga mambabasa. (Greenwood)
a. grupo c. sanggunian
b.lupon d. serye
2. Ang piktotyal na sanaysay ay dapat magtaglay ng ______________.
a. lohikal at estruktural na ayos c. makabuluhang teksto o caption
b. orihinalidad d. lahat nang nabanggit
3. Ang piktoryal na sanaysay ay maaaring maging _____________ at ___________.
a. ayon sa tema – ayon sa impormasyon
b. ayon sa tema – ayon sa lawawan
c. pasalaysay – ayon sa tema
d. pasalaysay – ayon sa impormasyon
4. Katanggap-tanggap ba ang paggamit ng hiram na larawan sa pagbuo ng piktoryal na sa-
naysay?
a. Oo, kakailanganin lamang na kilalanin ang may-ari ng larawan.
b. Oo, dapat lamang na ito ay may kaugnayan sa teksto.
c. Hindi, laba ito sa batas.
d. Hindi, tanging sariling larawan ng manunulat ang maaaring gamitin.
5. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang nagtataglay ng HINDI wastong kaisipan tungkol sa
piktoryal na sanaysay.
a. Ito ay may layong magsalaysay ng mga pangyayari na ayon sa pagkakasunud-sunod ng
mga pangyayari o aksyon.
b. Ito ay may pinag-uukulan na partikular na tema tulad ng kahirapan, edukasyon,
kalikasan, pagkakaisa at iba pa.
c. Lagi itong may kasamang sinulat na teksto na nasa anyong sanaysay, artikulo o maikling
caption.
d. Ito ay may layong magbigay ng pagninilay o repleksyon hinggil sa isang partikular na su-
latin.
Pagsasanay B
Manood ng isang piktoryal na sanaysay na may pamagat na Faces of addiction.Suriin ang
pagkakaugnay ng mga larawan sa paglalahad ng sanaysay.Ilahad nang patalata ang inyong
sagot. 10 puntos.
https://youtu.be/8G2njHIsKIw
Pagyamanin
“No Face mask, No Entry”, ito ang madalas na nakapaskil sa mga grocery store, bangko, palengke, remittance center, at iba
pang establisyemento na patuloy ang operasyon ngayong Enhanced Community Quarantine o ECQ. Kailangan ang face mask
tuwing lalabas ng tahanan, isa rin ito sa mga protocol na inilabas ng awtoridad. Mahigpit ang pagpapatupad nito kaya naman
nagkaroon na rin ng kakulangan sa suplay nito noong unang linggo pa lamang ng ECQ. Talamak ang hoarding ng face mask, sa
takot ng iba na maubusan ng suplay, pakyawan o bultuhan ang pagbili. Hindi yata alam ng iba ang problemang dulot ng pag-
bili ng maramihan, hindi nila alam na sa pagbili ng bultuhan maaaring wala o kakaunti na lang ang matitirang suplay para sa
iba na kailangan din bumili at gumamit ng face mask.
Ang mga pangyayaring ito, bunsod ng takot sa pandemya, takot tayong mahawaan, takot tayong makahawa, takot tayong
hindi sumunod sa iniuutos ng mga awtoridad, takot ang nangingibabaw sa karamihan, takot sa isang kalaban na hindi natin
nakikita.
Bukod sa “No Facemask, No Entry”, ang ibang establisyemento, mahigpit din sa patakaran na “No Quarantine Pass, No Entry”.
Ang quarantine pass o Q-pass ay nagsisilbing tiket na nagpapahintulot sa isang tao na makalabas ng bahay upang bumili ng
pagkain, gamot, at iba pang pangunahing pangangailangan. Bukod dito, ang mga Q-pass holder ay mayroon ding curfew
hours na kailangan sundin. Hindi dahil may Q-pass ay libre at malaya nang lumabas ng bahay, ang mga curfew violators ay
may karampatang charge o parusa. Sa kabila nito, may ilan pa rin nahuhuli na lumalabag, mga lumalabas ng bahay na walang
Q-pass, o di kaya naman sumuway sa curfew hours. Pero ano kaya ang dahilan ng paglabag? May ilan na bibili raw ng gamot o
ng pagkain, hindi raw kasi sapat ang natatanggap na ayuda kaya napilitang lumabas kahit walang Q-pass, kahit oras ng cur-
few.
Ganoon pa rin, nandoon pa rin ang takot, at takot pa rin ang nagbubunsod sa mga ganitong pangyayari. Takot mawalan ng
pagkain sa hapag, takot sa pagkagutom, ang problema pa ng ilan, hindi alam kung paano o saan kukunin ang ipambibili ng
pagkain sa mga susunod na araw.
Sa madaling salita, hindi lamang virus ang ating kinatutukutan. Nakakaramdam din tayo ng takot para sa seguridad ng ating
pamilya, takot na hindi matugunan ang kanilang pangangailangan. Mahirap maging panatag, lalo na at hindi natin alam kung
hanggang kailan tayo magtitiis sa ganitong sitwasyon, walang kasiguraduhan kung makakabalik pa sa dating pamumuhay, o
kung paano mag-aadjust para sa tinatawag na New Normal.
Balot man tayo ng takot sa virus, pero dapat nating mas balutin sa pagmamahal at pag-aaruga ang ating mga mahal sa buhay.
Balutin natin ang ating sarili ng mga positibong pananaw upang hindi tayo kainin ng pangamba. At higit sa lahat, balutin natin
ang ating sarili sa pananampalataya at sa pag-asa na malalampasan natin ang pagsubok na dulot ng pandemya.
1. Anong uri ng piktoryal na sanaysay ang nasa itaas?
2. Ano ang pangunahing ideya sa binasang piktoryal na sanaysay?
3. Ano ang layunin ng manunulat sa pagsulat nito?
4. Himayin ang bahagi nito.
5. Itala ang kagandahang dulot ng larawan sa isang sanaysay.
Isaisip
Gamit ang iyong mga natuklasan sa araling ito, ipaliwanag at iugnay ang iyong
natutuhan sa pahayag na nasa ibaba at isulat ito sa iyong sagutang papel.
Isagawa
Basahin ang mga tanong sa ibaba, ibahagi ang iyong ideya at isulat sa iyong
sagutang papel.
Muling balikan binasang piktoryal na sanaysay. Suriin ito gamit ang talahanayan sa
ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Basahin ang mga pahayag sa bawat bilang. Lagyan ng tsek ang hanay A kung
lubos ang pagsang-ayon sa paglalarawan sa binasang piktoryal na sanaysay, B –
sumasang-ayon, C - hindi sumasang-ayon, at D – walang katiyakan. Isulat sa ha-
nay E ang maikling paliwanag tungkol sa iyong pagkilatis.
Pormat
A B C D E
1. Ang piktoryal na sa-
naysay at pasalaysay.
2. Ang piktoryal na sa-
naysay ay ayon sa tema.
3. Ito ay nagtataglay ng
larawan at teksto.
Nilalaman
A B C D E
1. Nagtataglay ito ng isang
pangunahing ideya at mga su-
portang detalye.
2. Ito ay may malinaw at maay-
os ng estruktura.
3. Lohikal ang paglalahad
ng mga kaisipan.
4. Orihinal ang mga kai-
sipan/ideya na nilalaman
ng sulatin.
Estilo/Teknikalidad
A B C D E
Pamantayan sa Pagmamarka: