Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII
SCHOOLS DIVISION OF CALBAYOG CITY
Tinambacan 1 District
RAFAEL LENTEJA MEMORIAL SCHOOL OF FISHERIES

Pangalan:__________________________ Baitang:________________Guro: _________________


Araling Panlipunan 7
Gawaing Pagkatuto bilang___
Markahan: ______________ Linggo: ______8_____
Kasanayang Pagkatuto: Nasusuri ang komposisyon ng populasyon at kahalagahan ng yamang-tao
sa Asya sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon
Layunin:
1. Masusuri ang komposisyon ng populasyon ng mga bansa sa Asya sa kasalukuyang panahon.
2. Masusuri ang kahalagahan ng patuloy na paglaki ng populasyon sa pag-unlad ng kabuhayan at
lipunan sa isang bansa.

Pag-aaral sa Konsepto
Sa pagsusuring iyong ginawa sa populasyon sa Asya sa nakalipas na mga gawain nabatid mo ang
kalagayan ng bawat bansa sa Asya. Batid mo na rin ang karaniwang suliraning kinakaharap ng bawat
bansa sa Asya dulot ng patuloy na paglaki ng populasyon. Bilang karagdagan sa iyong kaalaman,
basahin ang sanaysay at suriin ang mga datos tungkol sa naging pinsalang dulot ng pandemya ng
Covid-19 sa dalawang bansa sa Asya at kung paano tumugon ang mga ito sa hamon na dala ng
nasabing virus.
Ang Asya sa Panahon ng Covid-19
Ayon sa ulat ng United Nations Department of Economic and Social Affairs, Population
Division, sinasabing 59.76% ng kabuuang populasyon sa mundo ay mula sa Asya. Tinatayang 4.6
bilyon ang kabuuang bilang ng populasyon sa Asya sa pagpasok ng taong 2020. Hindi
maipagkakailang higit sa kalahati ng tao sa mundo ay mula sa Asya. Patunay dito ay ang dalawang
(2) bansa na may pinakamalaking populasyon, ito ay ang China na matatagpuan sa Silangang
bahagi ng Asya at ang India na nasa katimugang bahagi. Sinasabi sa ulat na sa kasalukuyan
tinatayang nasa 1.4 bilyon ang populasyon ng China habang ang India naman ay 1.3 bilyon.Hindi
magkalayo ang bilang ng tao sa dalawang bansa. Ngunit paano kung sa bansang may
pinakamaraming tao magsimula ang problemang kakaharapin hindi lamang ng Asya kundi ng buong
mundo?Isa sa mga suliraning kinakaharap ng Asya habang papasok ang taong 2020 ay ang
pandemyang Covid-19 na pinaghihinalaang unang nagsimula sa China. Patuloy ang pagkalat ng
nasabing sakit na umabot din sa India. Paano nilalabanan ng dalawang bansa ang problema? Batay
sa kasalukuyang ulat ng World Health Organization, sa higit isang bilyong kabuuang populasyon ng
China higit 82,000 rito ay kumpirmadong nahawa ng virus kung saan 78,000 ang nakarekober at
mahigitkumulang 4, 000 ang namatay. Ang India naman ay may kabuuang bilang ng populasyon na
tinatayang 1.3 bilyon. Humigit-kumulang 100,000 ang kumpirmadong may Covid-19, higit 36,000 ang
nakarekober at higit 3,000 namanang mga namatay. ang mga namatay. Ang dalawang bansa ay
parehong may malaking populasyon ngunit may ideya ka ba kung bakit mas kaunti ang kaso ng
Covid-19 sa China kumpara sa India? Marahil ay magkaiba ang pagtugon ng dalawang bansa sa
sakit na ito. Maari din namang isaalang-alang ang bahaging ginagampanan ng katangian ng
populasyon ng isang lugar o bansa sa pagharap hindi lamang sa banta ng Covid19 kundi sa
anumang hamon ng lipunan.
 Halos 60 porsyento ng populasyon ay galing Asya.
 Ang mabilis na paglaki ng populasyon ay maaring sagabal sa pag-unlad ng isang bansa.
 Ang lumalaking populasyon ay isang malaking hamon sa mga Asyano sa paglutas ng mga
suliraning pangkapaligiran na pumipinsala sa mga buhay at ari-arian.
 Ang lumalaking populasyon ng Asya ay may malaking epekto sa ekonomiya, pulitika, at kultura
ng mga Asyano.
 Sa paglutas ng mga suliraning kinakaharap ng mga bansa sa Asya, dapat nating tandaan na
may kinalaman ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa pagbuo at pag-unlad ng kabihasnang
Asyano.
Pamprosesong Tanong:
1.Anong hakbang ang ginawa ng dalawang bansa upang matugunan angsuliranin na kinakaharap?

2. Paano nakakaapekto ang malaking populasyon sa pakikipaglaban sa Covid19 pandemya?


Gawain 2: I-share Mo Naman!
Marami-rami na rin ang iyong ginawang mga hakbang tungo sa pagsusuri ng populasyon sa Asya.
Sa pagkakataong ito, pansamantala kang manahimik at pagmasdan ang iyong tahanan at
kapaligiran.Bilang isang miyembro ng pamilya,paano nakaapekto sa iyo ang kasalukuyang bilang na
kasapi ng iyong pamilya?Maayos ba na natutugunan ang pangangailangan mo at ng iba pang mga
kasapi? Ibahagi ang iyong sagot sa pamamagitan ng isang malikhaing kuwento.

Prepared by: Reviewed and Checked by: Noted:

RENALYN A. GUADES CORIE B. SENOLOS ROMEO D. CASTANTE


MT – II | Coordinator, Quality Assurance Secondary School Principal II

You might also like