Talumpati

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Maria Ana S.

Salvador

11-PRUDENCE

Pangarap ko’y naka abang na

Ako ay isang munting mag-aaral, pangarap kong hinihiling sana’y matupad. Magulang ko’y
nakasuporta, inspirasyon ko’y mas lumakas pa. Mga tulad kong mag-aaral ay may sari-sariling
hinahangad. Pipigain mga utak upang masagawa ang mga aktibidad, lulusot sa butas ng
karayom upang maipasa ang grado.
Nais kong makapagtapos at masuklian ang paghihirap ng aking mga magulang. Sisikapin kong
makapagtapos para narin sa magandang kinabukasan. Mas hihigitan ko ang kanilang
pinapangarap sa’kin dahil naniniwala ako sa kakayahan ko.
Ang edukasyon ang magtatawid sa akin patungo sa magandang kinabukasan, Edukasyon
ang magbibigay kaalaman sa bawat tao, bata man o matanda. Edukasyon ang aking pinaka
sandata sa mundong puno ng pagsubok. Sa aking pag-aaral, edukasyon ang aking kaibigan,
kasama, at bibitbitin ko hanggang sa aking pagtanda.
Mahirap man o nakakapagod, edukasyon ay hinding hindi susukuan. Sa aking buhay
edukasyon ang aking pinaka-kailangan para makamit ko aking mga pangarap. Sa paaralan dito
ako pwedeng matuto ng mga kakailanganin ko sa buhay, dito ako magkakaroon ng kakayahan
upang magawa ang mga dapat kong gawin. Sa mundong puno ng mga nais makapag-aral, isa ako
sa masuwerteng pumapasok sa paaralan.
Maraming tao ang nag nanais makatungtong ng paaralan ngunit sa hirap ng buhay, ito ay
hindi matupad tupad. Sa aking pag akyat ang mga naituro sa akin ay malaking tulong patungo sa
aking nakaabang na pangarap.

You might also like