Professional Documents
Culture Documents
Aralin 5 PP
Aralin 5 PP
Panulaang Pilipino
Pamantayang Pagganap
Nabibigyang pagpapahalaga ang isang tula mula sa isang makata na may malaking
naiambag sap ag-unalad ng panitikang Pilipino at naging instrument sa pagkakamit ng Kalayaan
sa bansa.
Ang Panugmaang-bayan
Ang anyo nito ay taludturan o dadalawahing taludtod lamang, binubuo ito ng aapating
taludtod lamang ang bumubuo sa isang saknong. Bawat taludtod ay may sukat, may bilang ang
pantig na may hulihan ay magkakasintunog at tugma.
Nahahati sa tatlong uri ang kategoryang ito: Tugmang Walang Diwa o Tugmaang
Pambata, Tugmaang Matatalinghaga, at Tugmaang Ganap na Tula.
1. Ang mga Tugmaang Walang Diwa o Tugmaang Pambata Sinasabing ito ang pinagmulan
o pinag-ugatan ng tula. Ang mga salita ay tila larong-bibig na pangkasanayan ng mga
bata sa pagsasalita. Maririkit ang pananalitang ginagamit sa payak nitong kaanyuang
sukat at tugma. Lamang tila ba gahol ito sa kahulugan. 'Walang talinghaga. Basta
bukambibig magpahanggang sa ngayon. Kung hindi naman, nagtataglay ng kahulugan
kaya lang mababaw.
Ang mga tugmang pambatang ito ay tinatawag ding kasabihan, sa Ingles, Mother Goose
Rhyme. Kaya huwag natin itong ipagkamali sa salawikain o sabi-sabi, dahil iba naman
ang ipinakakahulugan nito.
Ang Kantahing-bayan
Ang mga popular na katutubong awiting naririnig nating inaawit sa mga nayon tuwing
may okasyong idinaraos, tulad ng kasalan, pagpapatanim, paglalamay sa patay, atbp. Wala itong
ipinagkaiba sa tula dahil kung ito'y susuriin, may sukat ito't tugma, lamang isinasatinig o
isinatono.
May dalawang uri ng kantahing-bayan: kantahing bayang di-gaanong nagsasalaysay at
kantahing bayang nagsasalaysay. Sa unang uri, mapupunang. ito 'y maiikli lamang, karaniwan
ang mga ito' y naglalarawan lamang ng mga Pang-araw-araw na sitwasyon o okupasyon ng ating
mga ninuno.
Epiko – ito ay isang mahabang salaysayi sa anyong patula na maaring awitin o isatono. Ito ay
hango sa pasalindilang tradisyon tungkol sa mga pangyayaring supernatural o kabayanihan at
may layuning seryoso dahil kinapapalooban ito o pinahahalaga dito ang mga paniniwala,
kaugalian, saloobin, at mithiin sa buhay ng mga tao. (Dr. Arsenio Manuel, 1963)
Awiting-bayan
Likas na sa mga Bikolano ang pagkahilig sa pagkatha ng mga awiting may ritmo (ballad)
na tumatalakay tungkol sa kanilang buhay at kapaligiran tulad ng kabayanihan, pagputok ng
bulkan, bagyo at iba pang anyo ng kalamidad.
Nahahati ang tulang liriko sa awit at rawitdawit. Ang rawitdawit ay tinatawag ding
orog-orog o susuman. Ang rawitdawit o orog-orog o susuman ay binubuo ng anim hanggang
walong pantig sa bawat taludturan at may tugma (Cruz 2003). Bagaman higit na sentimental ang
awit, higit na kilala sa anyo ang rawitdawit. Magkagayunman, sa tagal ng panahon, ang mga
anyo ng awit at rawitdawit ay ay hindi ganap na napag-ingatan.
Sa ibang rehiyon sa Bikol, ginagamit ang pagtula sa mga usapan. Itinuturing na loas ang
tulang binibigkas ng mga katutubong makata sa Bikol. Ang loa ay isang tula ng papuri na
ginagamit sa pagsisimula at pagwawakas ng mga madramang pagtatanghal, sa mga tula ng pag-
ibig, kurido, kabayanihan at iba pa.
Likas sa mga taga-Bikol ang mabuting pakikisama. Karaniwan na sa kanila ang
nakikipag-umpukan at nakikipagkwentuhan sa tindahan at mga kasayahan. Sa mga pagkakataon
na may pagtitipon tulad ng pista, nangyayari ang tinatawag na tagay (toast). Ang Tagay (toast)
ay tinatawag nilang tigsik, kansin o abatayo.
Ang tigsik, kansin o abatayo ay binubuo ng apat na taludtod sa bawat saknong. Ang tagay
ang nagpapasigla ng kanilang kwentuhan. Maaring ang tagay ay pumaksa sa pananampalataya,
kaugalian, pag-ibig at iba pa.
Halimbawa ng Tagay
Tinigsik ko ining lomot Tumagay ako sa lumot
Sa kahoy, sag apo minakapot Na dumikit sa mga bato’t puno
An daragang idudusay an Isang dalaga ang sa pag-ibig ay lumayo
buhay sa pagkamot Hindi kailanman pumawi ng alab ng
kanyang
Nangka nanggud an kalayo sa puso
daghan minalipot
Pamulinawen
(Iloko)
Pamulinawen, pusok indengamman
Toy umas-asug, agrayo ita sadiam;
Panunotemman, di ka pagintutulagan,
Toy agayat agrayo ita sadiam
(Ulitin)
Essemo't diak kalipatan,
Toy nasudi unay a nagan,
Uray sadin ti ayan, lugar (sadinoman)
Awagakto nga awagan
(No malagipka), Pusok ti mabang-aran.
(Ulitin)
Pamulinawen, pusok indenggamman,
Toy umas-asug, agrayo ita sadiam;
Panunotemman, dika pagintutulagan,
Toy agayat agrayo ita sadiam.
Toy agayat agrayo ita sadiam.
Awit na Pangkasalan
Chua-ay
(Igorot)
Lalaking matapang, lalaking malakas,
Ika'y siya naming tinatawagan... Hoy!
Halika, halika't tinatawag ka...Hoy!
Matapang lumaban, malakas gumawa,
Halika na rito, halika rito... Hoy!
Magpasan ng bigay, dalhin sa bayan... Hoy!
Papuri (Kalinga)
Mga puno! Mga ama nitong lahi!
Mga kawal! Supilin ang katunggali!
Pinupuri kayong lahat! Binabati!
Manang Biday
Manang biday ilukat mo man
Ta bintanam ikulimbabam
Ta kitaem toy kinayawan
Ang matay ya kon nu dinak cassiyam
Asino ka aglabas-labas
Ti hardin ko imog ni ayat
Ammung ngarug
Sabong ni linyo di ipay naggkrad
Dinggen ading ta bilinin ka
Ta intan to idiay laguna, ta intan to agalat
Mangga, lansones ken naduma-duma.
No ngato dimo sukdalen, nu nababa di mu pindutin
Di mu gawater m, nu nababa di mu pindutin
Di mu gawater m, nu naregreg di my
Ngem labas-labasan to la eng piduten, ngem labas
Labasan tu laeng
Dagtoy panyok no naregreg ko ti makapitud
Isubli nanto pay ta nagmarka iti nagan ko
Nagburda iti sinan puso
Alaem dayta kutsilyo ta abrem toy barkong ko
Tapno maipapas mo dayta guram ken sentimiento.
Kundiman
Sa simoy ng hanging amihan"
Talahib ang umaawit ng kundiman
Ibong pipit umiindak sa kahuyan
Pang-aliw sa pusong may hirap
Kung sakaling ikaw'y mayroong lungkot
Halina't sa batis ay mag-aliw
Ibon man sa sanga' y umaawit
Pang-aliw sa pusong may lumbay
Si Pilemon, Si Pilemon
(Iloilo)
Si Pilemon, si Pilemon
Namasol sa karagatan
Nakakuha, Nakakuha
Sang isdang tambasakan
Guibaligya, Guibaligya
Sa merkado nga guba
Ang binta niya' y wala
Ang binta niya' y wala
Guibakal sang tuba.
Dandansoy
Dandansoy bayaan ta ikaw
Pauli takon sa payaw
Ugaling kon ikaw hidlawon
Ang Payaw, imo lang lantawon.
Dandansoy kon imo apason
Bisan tubig dili ka magbalon
Ugaling kon ikaw uhawon
Sa dalan magbubunbubon.
Pangalan _______________________________________________________
Kurso _________________________________________________________
Guro __________________________________________________________
Petsa __________________________________________________________
Antas-Kabatiran 5.3
1. Awitin sa klase ang mga awiting-bayan na “Si Pilemon” at “Dandansoy”
2. Anong Kultura ng Rehiyon 6 ang masasalamin sa mga awiting-bayang ito? Bakit?
_____________________________________________________________________

Ako'y Pobreng Alindanaw
(Cebu)
Ako' y pobreng alindanaw
Sa huyuhoy gianud-anod
Nangita ug kapanibaan, ahay
Sa tanawan ug sa kabulakan
Matud Nila
Antas-Kabatiran 5.4
Awit ng Pagmamahalan
(Tolo)
Paalam, mahal, paalam
Dahil ako ay lilisan na
Kung sakaling ako'y mamamatay,
Ito ang naging daan ng pagkawasak ng puso mo.
Bahay Kubo
Bahay kubo
Kahit munti
Ang halaman doon ay
sari-sari..
Singkamas at talong
Sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani.
Kundol, patola
Upo't kalabasa
At saka mayro'n pa
Labanos, mustasa.
Sibuyas, kamatis
Bawang at luya
Sa paligid-ligid
Ay puno ng linga.
Pangalan _______________________________________________________
Kurso _________________________________________________________
Guro __________________________________________________________
Petsa __________________________________________________________
Antas-Kabatiran
Kinakitaan ang bata ng pambihirang lakas. Lumipas ang panahon. Isang araw ay
naitanong ni Lam-ang sa ina kung nasaan ang kanyang ama. Nang malaman ni Lam-
ang ang pinatunguhan ng ama ay ipinasya niyang sundan ito. Taglay niya ang isang
sandatang pananggol sa sarili. Sa kalagitnaan ng kanyang paglalakbay ay
nakaramdam siya ng pagod. Sa matinding pagod ay nakatulog siya at napanaginipan
niyang ang kanyang ama' y nasa panganib. Nagmamadali siyang umalis at
ipinagpatuloy ang paglalakbay.
Gayon na lamang ang kanyang panlulumo nang sapitin niya ang lupain ng mga
Igorote. Patay na ang kanyang ama at ipinagdiriwang ng mga Igorote ang
pagkakapatay rito. Galit na galit na pinuksa ni Lam-ano ang mga kaaway. Napatay
niyang lahat ang mga kaaway. Naipaghiganti niya ang kamatayan ng kanyang ama.
Antas-Kabatiran
Isang araw, biglang dumating ang isang delubyo na sumira sa bayan. Tatlong
bulkan ang pumutok na naging dahilan ng paglitaw ng Pasacao mula sa karagatan. Ang
mga bundok, isla at mga lawa ay nabuo. Maraming namatay sa kanyang mga
nasasakupang tribu.
Antas ng Kabatiran
2. Ano ang taglay na mga katangian ni Hanndiong ang katangian rin ng mga Pilipino sa
pangkalahatan. Magbigay ng patunay.
________________________________________________________________________

3. Kung ikaw si Handiong, anu-ano rin ang iyong ituturo sa mga tao sa inyong lugar upang
sila’y mapakinabangan?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
4. Iguhit ang iba’t ibang halimaw na nakasagpu ni Handiong.
Labaw Donggon
(Lambunao, Iloilo)
Minsan ay nagpaalam siya sa kanyang ina upang hanapin ang isang babae na
nagngangalang, Anggoy Ginbintinan. Kaagad niyang narating ang lugar ng babae, at
nakamit niya ang pagsang-ayon nito upang sila ay makasal. Hindi pa nagtatagal ang kasal
ay umalis na naman si Labaw upang suyuin na naman ang isang babaeng si Anggoy
Doronoon. Ito ay naging asawa rin ni Labaw.
Ayaw ibigay ni Buyong Saragnayan ang asawa kaya sila ay naglaban ni Labaw. Sapagkat
parehong may taglay na pambihirang lakas ang bawat isa, tumagal ng maraming taon ang
paglalaban. Inilublob ni Labaw sa tubig si Buyong at ito ay tumagal ng pitong taon sa
ilalim ng tubig. Hinampas ni Labaw si Buyong ng matitigas na puno ngunit nalasog
lamang ang mga ito. Hinawakan ni Labaw si Buyong sa paa at inikut-ikot ngunit buhay
pa rin ito. Napagod si Labaw at siya naman ay itinali ni Buyong na parang baboy. Siya ay
nanatiling nakatali sa ilalim ng bahay nina Buyong.
Ipinagpatuloy ng magkapatid ang paghanap sa ama ngunit nawala ito sa silong ng bahay
ni Buyong Saragnayan. Sina Humadapnon at Dumalapdap, mga kapatid ni Labaw ay
tumulong din sa paghahanap. Natagpuan nila si Labaw na isang sintu-sinto. Ginamot si
Labaw ng dalawang asawa at siya ay gumaling. Bumalik sa katinuan si Labaw
atipinagtapat sa dalawang anak na lalaki na si Nagmalitong Yawa ay may dalawa pang
magagandang kapatid na babae. Noon din ay umalis sina Baranugan at Asu Mangga
upang hanapin naman ang magagandang kapatia ni Nagmalitong Yawa.
Antas-Kabatiran 5
Antas Kabatiran
Antas ng Kabatiran
1. Iguhit ang kaharian ng Bumbaran.
2. Anong kultura ng mga Muslim ang mababasa sa epiko? Patunayan.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Nangyayari pa rin ba ang inggitan sa magkakapatid kahit sa atin panahon? Anu-ano ang
masamang idinudulot ng inggit sa buhay nating mga Pilipino? Iugnay ito sa iba’t ibang
aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Gawaing Transformative
Interaktibo
Pagpupuntos sa Gawain
Pamantayan Puntos
Angkop na dulog na ginamit sa pagsusuri 20
Kawastuhan ng paghahambing ng mga impormasyon o ideya 25
Daloy ng pagpapahayag 30
Istilo ng paraan ng pagbabalangkas sa pagsusuri 25
Kabuang Puntos 100
Integratibo
Kung sakaling nabubuhay sina Rizal at Bonifacio sa panahon ngayon, ano sa palagay
ninyo ang magiging paksa ng kanilang tula? Magtala ng tig-tatlong halimbawa ng
paksang isusulat nila at ipapaliwanag ang mga ito.
Pamantayan Puntos
Angkop na dulog na ginagamit sa pagsusuri 20
Kawastuhan ng paghahambing ng mga impormasyon o ideya 25
Daloy ng pagpapahayag 30
Istilo ng paraan ng pagbabalangkas sa pagsusuri 25
Kabuuang Puntos 100