Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Balitang lokal

Tungkol sa mga bakuna laban sa COVID-19


Ang lahat na tao sa Australya na may edad na 5 taon at mahigit ay maaaring
magreserba para sa kanilang pagkabakuna ngayon.

Ang mga bakuna laban sa COVID-19 ay libre sa lahat ng tao sa Australya.


Kabilang dito ang mga tao na walang Medicare card, mga bisita mula sa ibang
bansa, mga estudyanteng internasyonal, mga migranteng manggagawa at
mga humihiling ng asylum. Ang pagbabakuna ay makakatulong na
maprotektahan ka, ang iyong pamilya at iyong komunidad laban sa COVID-19.

Balitang Internasyonal

20 PATAY HABANG 6 KRITIKAL SA


BANGGAAN NG PAMPASAHERONG BUS AT
OIL TANKER SA PUNJAB, PAKISTAN

Patay ang 20 katao matapos masunog ng buhay habang kritikal


naman sa ospital ang 6 pang indibidwal sa banggaan ng isang
pampasaherong bus at oil tanker sa Punjab, Pakistan.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, patungo sana sa Karachi City


mula sa Lahore City ang pampasaherong bus sakay ang 26 na
pasahero kabilang na ang driver at kundoktor nang maganap ang
insidente.

Ayon sa mga otoridad, dahil sa overspeeding kaya nasunog ang


bus na sinasakyan ng mga pasahero.

Nabatid na ito na ang ikalawang major road accident na naganap


sa nabanggit na lugar sa loob lamang ng 3 araw.
Balitang Showbiz
Glaiza De Castro at David Rainey, plano na
kayang magkaanak?
Matapos na ikasal, plano na kaya agad nina Glaiza De Castro at David
Rainey na bumuo ng sarili nilang pamilya?

Sa exclusive interview ng PEP.ph, sinabi ni Glaiza na kasama sa plano nila ni


David ang magkaroon ng mga anak pero nasa proseso pa raw sila ng
"transitioning."

"Medyo matagal-tagal pa po. Kasi we're still planning for our wedding here,
saka 'di rin ganon kadalai mag-settle," anang aktres.

"Medyo mahaba-haba pang time 'yung kailangan namin for transitioning,"


dagdag ni Glaiza.

Nasa Ireland si David at posibleng manatili rin sa Pilipinas matapos ang


long-distance relationship nila ni Glaiza.Sa nakaraang panayam, sinabi ni
Glaiza na salitan muna ang pananatili nila sa Ireland at sa Pilipinas.

Kabilang sa plano nila ang pagtatayo ni David ng cafe sa Baler, Aurora, at


siya ang mamamahala. Ayon kay Glaiza, posibleng dalawang taon pa
bago sila magkaroon ng anak ni David.

Marami na rin umano ang nagtatanong sa kaniya kung kailan sila mag-
aanak ni David. "Excited lahat, I'm also excited, kasi nakikita namin sa
friends namin kung paano 'yun," anang aktres.
Balitang Sports

Unang Pinoy import sa KBL: Ex-Ateneo guard SJ


Belangel, bumiyahe na pa-Korea

Bumiyahe na patungong Korea si dating Ateneo Blue Eagles point guard SJ


Belangel upang sumabak sa Korean Basketball League (KBL) kung saan siya
maglalaro bilang Asian import.

Si Belangel ay unang Pinoy na maglalaro sa nasabing liga at maglalaro ito sa


Daegu KOGAS Pegasus.

Hindi na tatapusin ni Belangel ang paglalaro nito sa dalawang natitirang


season sa Ateneo kasunod nang pagpirma ng kontrata sa Daegu KOGAS
nitong Hunyo.

“Sobrang excited ko,” sabi ni Belangel sa mga mamamahayag na nag-abang


sa kanya sa JG4 Manila Tour sa Ayala Malls Manila Bay nitong Huwebes.

“It’s my first time, especially sa mga close team mates ko,” paliwanag nito


kaugnay ng paglayo nito sa kanyang dating koponan. 

“Sinasabi ko, nagkukwentuhan kami ni Ange Kouame na it’s my first time


talaga na hindi ko siya makasama after a long time. Parang nakaiiyak, pero at
the same time we just have to grow and update each other. So ganoon pa rin,
masaya. Excited na ako makalaro sa Korea,” banggit ni Belangel.

Aminado rin si Belangel na mangangapa pa muna ito sa pagpasok niya sa


Daegu KOGAS na mayroong kartadang 27-27, panalo-talo sa nakaraang
season.

Nakatakdang simulan ang pagbubukas ng 2022-2033 season ng KBL sa


Oktubre 2022.

Matapos pumasok sa KBL si Belangel, sunud-sunod na ang naging pagpasok


ng mga Pinoy player sa liga.

Kabilang sa mga ito ay sina RJ Abarrientos (Ulsan Hyundai), Justin Gutang


(Changwon LG), Rhenz Abando (Anyang KGC) at William Navarro na dating
team mate nito na maglalaro naman sa Seoul Samsung.

You might also like