Heograpiya NG Pilipinas

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 30

Heograpiya ng Daigdig

Mount Everest
Pacific Ocean
Greenland
Dead Sea
Sahara
Angel Falls
Indonesia
Nile River
Limang Tema ng Heograpiya
•Lokasyon
•Lugar
•Rehiyon
•Interaksiyon ng Tao sa Kapaligiran
•Paggalaw
1. Lokasyon
Tumutukoy sa
kinaroroonan ng
mga lugar sa daigdig
1. Lokasyon
•Lokasyong Absolute na gamit ang mga imahinasyong
guhit tulad ng latitude line at longitude line na
bumubuo sa grid. Ang pagkukrus ng dalawang guhit
na ito ang tumutukoy sa eksaktong kinaroroonan ng
isang lugar sa daigdig
•Relatibong Lokasyon na ang batayan ay mga lugar at
bagay na nasa paligid nito. Halimbawa ang mga
anyong lupa at tubig, at mga estrukturang gawa ng tao
2. Lugar
Tumutukoy sa mga
katangiang natatangi
sa isang pook
2. Lugar
•Katangian ng kinaroroonan tulad ng klima,
anyong lupa at tubig, at likas na yaman
•Katangian ng mga taong naninirahan tulad
ng wika, relihiyon, densidad o dami ng tao,
kultura, at mga sistemang politikal
Ang Klima
Kalagayan o kondisyon ng
atmospera na karaniwan sa
mga malaking rehiyon o lugar
sa matagal na panahon.
Ang mga Kontinente
Tinatawag na kontinente ang
pinakamalawak na masa ng lupa sa
ibabaw ng daigdig. May mga
kontinenteng magkakaugnay
samantalang ang iba ay napapalibutan
ng katubigan.
Ang mga Kontinente
Ayon kay Alfred Wegener, isang
German na nagsulong ng Continental
Drift Theory, dati ng magkakaugnay
ang mga kontinente sa isang super
kontinente na Pangaea. Dahil sa
paggalaw ng continental plate o
malaking bloke ng bato kung saan
nakapatong ang kalupaan, nagkahiwa-
hiwalay ang Pangaea at nabuo ang
kasalukuyang mga kontinente.
Africa
Nagmumula sa Africa ang malaking
suplay ng ginto at diyamante. Naroon
din ang Nile River na pinakamahabang
ilog sa buong daigdig, at ang Sahara
Desert,na pinakamalaking disyerto.
Ang Africa ang nagtataglay ng
pinakamaraming bansa kung
ihahambing sa ibang mga kontinente.
Antarctica
Samantala, ang Antarctica ang tanging
kontinenteng natatakpan ng yelo na
ang kapal ay umaabot ng halos 2 km.
(1.2 milya). Dahil dito, walang taong
naninirahan sa Antarctica maliban sa
mga siyentistang nagsasagawa ng pag-
aaral tungkol dito. Gayunpaman,
sagana sa mga isda at mammal ang
karagatang nakapalibot dito.
Asia
Pinakamalaking kontinente sa mundo ang
Asya. Sinasabing ang sukat nito ay mas
malaki pa sa pinagsamang lupain ng North at
South America, o sa kabuuang sukat ng Asya
ay tinatayang sangkatlong (1/3) bahagi ng
kabuuang sukat ng lupain ng daigdig. Nasa
Asya rin ang China na may pinakamalaking
populasyon sa daigdig at ang Mt. Everest na
pinakamataas na bundok sa pagitan ng
Sagamartha Zone sa Nepal at Tibet sa China.
Europe
Samantala, ang laki ng Europe
ay sangkapat (1/4) na bahagi
lamang ng kalupaan ng Asya. Ito
ang ikalawa sa pinakamaliit na
kontinente ng daigdig sa lawak
na halos 6.8% ng kabuuang lupa
ng daigdig.
Austrilia
Ang Australia ay isang bansang kinikilala ring
kontinenteng pinakamaliit sa daigdig.
Napalilibutan ito ng Indian Ocean at Pacific
Ocean,at inihihiwalay ng Arafura Sea at Timor
Sea. Dahil sa mahigit 50 milyong taong
pagkakahiwalay ng Australia bilang isang
kontinente, may mga bukod tanging species
ng hayop at halaman na sa Australia lamang
matatagpuan.Kabilang dito ang kangaroo,
wombat, koala,Tasmanian devil, platypus, at
iba pa.
North America
Ang North America ay may hugis na
malaking tatsulok subalit mistulang
pinilasan sa dalawang bahagi ng
Hudson Bay at Gulf of Mexico.
Dalawang mahabang kabundukan
ang matatagpuan sa kontinenteng
ito – ang Applachian Mountains sa
silangan at Rocky Mountains sa
kanluran.
South America
Gayundin, ang South America ay
hugis tatsulok na unti-unting
nagiging patulis mula sa bahaging
equator hanggang sa Cape Horn sa
katimugan. Ang Andes Mountains
na may habang 7,240 km (4,500
milya) ay sumasakop sa kabuuang
baybayin ng South America.
Topograpiya
pisikal na
katangian ng isang
lugar o rehiyon.
Wika
Kaluluwa ng isang
kultura.
Relihiyon
Kalipunan ng mga paniniwala at
rituwal ng isang pangkat ng mga
taong tungkol sa isang
kinikilalang makapangyarihang
nilalang o Diyos.
Lahi at Pangkat-Etniko
Sa kabilang banda, ang salitang
“etniko” ay nagmula sa salitang
Greek na ethnos na
nangangahulugang
“mamamayan.”
Itutuloy…

You might also like