Learning Activity Sheet 1

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pag-alsa sa Cavite

Nang manungkulan ang sumunod na gobernador na si

Gobernador Rafael de Izquierdo y Gutiérrez noong 1871-73, muli

niyang ipinatupad ang sensura ng pamamahayag at hinadlangan at

ipinahinto ang paghingi ng mga reporma tulad ng mga karapatang

politikal at sekularisasyon ng mga parokya. Isa siyang malupit na

gobernador.

Ang kanyang pamamahala ay ikinagalit ng mga manggagawa

at sundalo sa Arsenal ng Cavite dahil inalis niya ang kanilang

pribilehiyong hindi pagbabayad ng buwis at hindi paglilingkod ng

polo. Nag-alsa sila at inakupahan ang kuta sa San Felipe noong Enero

20, 1872. Nagtagumpay sila at nakuha nila ang Arsenal ng Cavite.

Dumating ang mga sundalong galing sa Maynila at sila ay nagapi. Ang

mga lider ay pinatay at ang mga kasapi ay ibinilanggo.

Ang pagbitay ng mga Espanyol sa tatlong paring martir ay nagpasidhi rin ng damdaming

makabayan ng mga Pilipino. Sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, at Padre Jacinto

Zamora (GomBurZa) ay binitay dahil pinagbintangan silang nakipagsabwatan upang pabagsakin

ang pamahalaang Espanyol.

You might also like