AP5-Q4-2nd Week-LAS No. 127

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

DIVISION OF CAGAYAN DE ORO CITY

LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS)


GRADE 5

Pangalan: Petsa: Puntos:


Asignatura: ARALING PANLIPUNAN
Pamagat ng Aralin: Pagdating ng Kaisipang Liberal
Kasanayan sa Pagkatuto: Naipaliliwanag ang mga salik na nagbigay daan sa
pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino
Sanggunian: Araling Panlipunan 5 Learner’s Material LAS Bilang: 12
KAYAMANAN- Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan 5
SUSING KONSEPTO:

Pagdating ng Kaisipang Liberal

May mga kaisipang liberal mula sa Europa at Amerika ang nakarating sa ating bansa
nang buksan ng Espanya ang Pilipinas sa pandaigdigang pangangalakal. Ang mga
malayang kaisipan ng makabagong daigdig na nakasulat sa mga aklat at mga pahayagan ay
nadala ng mga mangangalakal sa Pilipinas. Lumaganap ang impluwensiyang "La llustracion"
(Enlightenment) o pagkamulat. Namulat ang mga tao sa kanilang mga karapatan. Namulat
sila na may karapatan ang lahat ng taong isinilang na dapat maging Malaya. May
karapatang silang mabuhay at karapatang magkaroon ng mga ari-arian. May karapatang
silang makapamili ng pilosopiya at relihiyon. Umunlad ang bagong pilosopiyang
pagkapantay-pantay at kalayaan. Nanghina ang Katolisismo dahil sa pag-unlad ng
Protestantismo. Naging mapanuri ang mga tao at humingi ng pagbabago sa Sistema ng
kanilang pamahalaan. Maraming bansa ang nagbigay ng kalayaang makapili ng relihiyon sa
kanilang mga mamamayan. May mga Pilipinong nakapag-aaral.

Namulat ang mga isipan ng mga katutubo sa mga ideolohiya ng mga Rebolusyong
Amerikano na, "mas mabuti pa ang mamatay kung walang kalayaan" at ang Rebolusyon ng
mga Pranses na nagpapakita ng kanilang pakikipaglaban upang. makamit ang kalayaan,
pagkakapantay pantay, at kapatiran o liberty, equality, and fraternity. Napag-alaman ng
mga katutubo na may karapatan silang dapat ipaglaban at hindi dapat sila maging alipin
ng mga dayuhan sa sarili nilang bansa. Hindi nagtagal ay humingi sila ng mga repormang
makapagpapabago at makapagpapabuti ng kanilang kalagayan.

PAGSASANAY:

Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang pahayag tungkol sa pagdating ng kaisipang
liberal sa bansa ay tama. Lagyan ng ekis (X) kung mali.

___1.
___2.
___3.
___4.
___5.

You might also like