SCI3 - Q2 - M2 - Mga Hayop Sa Kapaligiran-I

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

Department of Education

3 National Capital Region


SCHOOL S DIVISION OFFICE
MARIK INA CITY

AGHAM
Ikalawang Markahan – Modyul 2
Mga Hayop sa Kapaligiran

Ma. Sabina J. Bandayrel

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa inyong


mga mag-aaral. Ginawa ito upang matulungan kang matutunan
na mailarawan ang mga hayop sa kanilang pangunahing
kapaligiran. Ang saklaw ng modyul na ito ay nagpapahintulot na
magamit ito sa iba't ibang sitwasyon sa pag-aaral. Ang wikang
ginamit ay kinikilala ang magkakaibang antas ng bokabularyo ng
mga mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos upang sundin ang
karaniwang pagkakasunud-sunod ng kurso.
Ang module ay naglalaman ng aralin na:
• Nailalarawan ang mga hayop sa kanilang pangunahing
Kapaligiran . S3 LT- IIc – d -3
Matapos pag-aralan ang modyul na ito, ang mga mag - aaral ay
inaasahang:
1. Nakikilala ang mga hayop sa kanilang pangunahing kapaligiran
(lupa, tubig, hangin, lupa at tubig, lupa at hangin)
2. Nailalarawan ang mga hayop sa kanilang pangunahing
kapaligiran (lupa,tubig, hangin, lupa at tubig, lupa at hangin)

Subukin

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Bilugan ang letra ng


tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng hayop na
matatagpuan sa kagubatan?
A. Aso C. Isda
B. Pusa D. Unggoy

2. Si Lotlot ay magdiriwang ng kaniyang ikasampung kaarawan.


Nais niyang magkaroon ng alagang hayop. Alin ang maaari
niyang alagaan sa loob ng kanilang tahanan?
A. Tigre B. Leon C. Pusa D. Elepante

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
3. Alin ang may kakayahang lumipad sa himpapawid?
A. Isda B. Ibon C. Ahas D. Kabayo

4. Alin ang angkop na kapaligiran upang mag-alaga ng baka?

A. C.

B. D.

5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI halimbawa ng hayop na


matatagpuan sa tubig?
A. Isda B. Baka C. Pawikan D. Butanding

6. Si Marco ay mahilig maglaro sa kanilang bukid sapagkat


maraming alagang hayop ang kaniyang lolo. Alin ang
katuwang ng kaniyang lolo sa pagsasaka?
A. Baboy B. Kalabaw C. Leon D. Manok

7. Alin sa mga sumusunod ang may kakayahang manirahan sa


lupa at tubig?

A. C.

B. D.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 2
8. Alin ang TAMA tungkol sa iba’t ibang uri ng hayop sa kapaligiran?
A. Sila ay naninirahan sa iisang lugar lamang.
B. Wala silang kakayahang magparami ng lahi.
C. Walang kakayahang lumipat sa lugar na kinaroroonan.
D. Ilan sa kanila ay may kakayahang tumira sa tubig, hangin, at lupa.

9. Si Lucas ay sumama sa kaniyang ama upang mangisda sa


karagatan. Alin sa mga hayop ang kinatatakutan ng mga
naglalakbay sa karagatan?
A. Kuhol B. Pating C. Buwaya D. Kambing

10. Nais ni Paolo na makakita ng iba’t ibang uri ng hayop. Saang


angkop na lugar matatagpuan ang ibat-ibang uri ng hayop?
A. Zoo B. Munisipyo C. Museo D. Paaralan

Aralin Iba’t Ibang Uri ng Hayop sa


1 Kapaligiran
Sa araling ito ay inyong matututunan ang iba’t ibang uri ng
hayop na matatagpuan sa kapaligiran. Ang mga hayop ay
nabubuhay sa iba’t ibang uri ng kapaligiran. Masasabi natin na
ang bawat kapaligiran ay mayroong kaniya-kaniyang katangian
na angkop sa pangangailangan ng bawat hayop.

Balikan
Pagmasdan mo ang inyong kapaligiran. Magtala ng limang
halimbawa ng mga hayop na kadalasan ay matatagpuan sa
inyong komunidad. Itala ang katangian ng bawat hayop na
iyong nakita.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 3
Tuklasin
Basahin nang mabuti ang mga bugtong. Isulat sa patlang ang tamang
sagot.
Bugtung-bugtong!

Eto na si bayaw,
Dala-dala’y ilaw.
_______________
Heto na si Lelong,
Bubulong-bulong.
_______________
Tungkod ni Kapitan,
Hindi mahawakan.
_________________
Matanda na ang nuno,
Hindi pa naliligo.
___________________
Maliit pa si Nene,
Nakakaakyat na ng tore.
____________________
Sa araw naghihimbing,
Sa gabi ay gising.
_________________
Mataas kung nakaupo,
Mababa kung nakatayo.
________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 4
Suriin

Mayroong iba’t ibang uri ng hayop sa kapaligiran. Ang mga


hayop ay namumuhay sa kapaligirang angkop sa kanilang
katangian at pangangailangan. Ilan sa mga ito ay maaaring
matagpuan sa lupa, tubig o hangin.
Ang mga hayop tulad ng aso, pusa, manok, baboy, ibon, at
isda ay ilan lamang sa mga pangkaraniwang hayop na makikita
sa kapaligiran. Maliban sa mga ito, marami pang uri ng hayop
ang matatagpuan sa kagubatan, karagatan at himpapawid.
Sa paglipas ng panahon, maraming pagbabago ang
nagaganap sa kapaligiran. Isa sa mga suliraning kinahaharap ng
buong mundo ay ang global warming. Ang pagbabago sa klima
at temperatura.
Ang mga hayop na nanganganib na mawala nang tuluyan
sa mundo ay tinatawag na endangered species. Sa Pilipinas,
kabilang ang pambansang hayop na Agila sa mga endangered
species ay nanganganib ding mawala nang tuluyan.

Pagyamanin
Gawaing may Paggabay:
Gawain 1.1: Pagmasdan ang mga larawan. Tukuyin ang pangalan
ng mga sumusunod na hayop. Isulat ang sagot sa may patlang.

1. 4.
______________________ ______________________

2. 5.
______________________ ______________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 5
3. 6.
______________________ ______________________

Gawain 1.2: Lagyan ng tsek (✓) kung wasto ang isinasaad ng


pangungusap at ekis (X) naman kung hindi.
______ 1. Ang mga hayop ay matatagpuan sa iba’t ibang uri
ng kapaligiran.
______ 2. Karamihan sa mga hayop ay matatagpuan sa lupa, at sa tubig.
______ 3. Ang pagbabago sa kapaligiran ay walang epekto sa
bilang ng mga hayop.
______ 4. Ang mga hayop na tuluyan ng nawala sa mundo ay
tinatawag na endangered species.
______ 5. Ang mga baka, kalabaw at kambing ay matatagpuan
sa kagubatan.

Isaisip

Ang mga hayop ay matatagpuan sa iba’t ibang uri ng


kapaligiran na angkop sa kani-kanilang katangian at
pangangailangan. Ang mga pangunahing kapaligiran kung
saan matatagpuan ang iba’t ibang uri ng hayop ay ang
lupa, tubig, at hangin.
Tulad ng mga tao, nangangailangan ang mga hayop ng
pagkain, tubig, at ligtas na tirahan. Sa paglipas ng panahon,
maraming pagbabago ang maaaring maganap kung
kaya’t kailangan nang mas masidhing pangangalaga sa
mga hayop.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 6
Isagawa
Magbigay ng dalawang (2) pangungusap kung paano mo
mapangangalagaan ang mga hayop sa kapaligiran.
________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Karagdagang Gawain

Tukuyin kung saang bansa matatagpuan ang mga sumusunod na


hayop.

_____ 1. a. Pilipinas

_____ 2. b. Tsina

_____ 3. c. Australya

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 7
Aralin Klasipikasyon ng mga Hayop
2 Batay sa Tirahan

Sa araling ito ay inyong matututunan ang klasipikasyon ng


mga hayop batay sa pangunahing kapaligiran kung saan sila
naninirahan. Ang mga hayop ay maaaring matagpuan sa lupa,
tubig, at hangin. Masasabi natin na ang bawat uri ng kapaligiran
ay may natatanging katangian na angkop sa pangangailangan
ng bawat hayop.
Alalahanin ang limang halimbawa ng mga hayop na
matatagpuan sa inyong komunidad. Tukuyin ang uri ng
kapaligiran kung saan sila matatagpuan. Ilarawan ang katangian
ng mga pangunahing kapaligiran (Lupa, tubig at hangin).

Tuklasin
Tagu-Taguan!
Ang kagubatan ay pinamumunuan ng isang napakalaki,

napakalakas at napakatapang na Walang sinuman sa

mga hayop ang makalalapit sa kanya. Isang araw, labis ang

kalungkutan na nadarama ni Haring Leon. Inutusan niya ang

kanyang kanang kamay na si Kikong Matsing na lipunin

ang lahat ng hayop. Takot na takot ang mga hayop na

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 8
magpakita kay Haring Leon ngunit wala silang magawa kundi

sumunod sa kanyang utos.

Naunang dumating ang mga hayop . Ito ay ang mga

, .

Ang mga ay lumangoy patungo sa ilog malapit sa

kaharian. Sumama rin ang mga , at .

Nang makumpleto na ang mga hayop, napangiti si Haring Leon.


Masayang inanyayahan ni Haring Leon ang mga hayop na
makipaglaro ng tagu-taguan sa kaniya!

Suriin

Ang mga hayop ay nabubuhay sa iba’t ibang uri ng


kapaligiran. Sila ay maaaring matagpuan sa Lupa, Tubig, at
Hangin. Mayroon ding mga hayop na kapwa matatagpuan sa
lupa at tubig.

• Maliban sa mga isda, matatagpuan din sa tubig ang mga


hipon, pusit, butanding, pagi, balyena, pating at alimango.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 9
• Iba’t ibang uri ng ibon ang naninirahan sa hangin. Ang
agila, maya, pipit, kwago at kalapati ay halimbawa ng mga
hayop na malayang lumilipad sa himpapawid.

• Ang palaka, buwaya, bibe at pagong ay ilan lamang sa


halimbawa ng mga hayop na maaaring mamuhay sa lupa,
at tubig.

• Ang mga pangunahing kapaligiran kung saan


matatagpuan ang mga hayop ay mayroong kaniya-
kaniyang katangian na angkop sa kanilang
pangangailangan. Ito ang nagsisilbing tirahan at
pinagkukunan ng kanilang makakain. Nararapat lamang na
pangalagaan ang kapaligiran para sa kapakanan ng mga
tao at hayop.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 10
Pagyamanin
Gawaing may Paggabay:
Gawain 1: Balikan ang mga hayop na kalahok sa palaro ng Hari
ng Kagubatan. Ilagay sa angkop na kolum ang mga ngalan ng
mga ito batay sa kanilang tirahan.

LUPA TUBIG HANGIN LUPA AT TUBIG

Gawain 2: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Kulayan ng


dilaw ang larawan para sa wastong sagot.

1. Ang lahat ng uri ng mga ibon ay


matatagpuan sa lupa, at hangin.

2. Ang mga pagong, at pawikan ay


nangingitlog sa ilalim ng dagat.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 11
3. Ang mga isda ay sa tubig lamang
maaaring mabuhay.

4. Ang leon at tigre ay matatagpuan


sa kagubatan.

5. Kailangang ingatan at pangalagaan


ang kapaligiran.

Isaisip

Ang lupa, tubig, at hangin ang mga pangunahing lugar


kung saan matatagpuan ang iba’t ibang uri ng hayop.
Mayroong iba’t ibang uri ng hayop na naninirahan sa lupa,
tubig at hangin na kung saan angkop ang kanilang
pangunahing pangangailangan.
Ang kapaligiran ang nagsisilbing kanlungan ng mga
hayop. Bilang isang mabuting mamamayan, kailangang
pangalagaan ang kapaligiran upang matiyak ang kaligtasan
ng mga hayop.

Isagawa
Magbigay ng dalawang (2) pangungusap kung paano
mapangangalagaan ang kapaligiran upang matiyak ang
kaligtasan ng mga hayop?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 12
Tayahin

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Bilugan ang letra ng


tamang sagot.
1. Alin ang halimbawa ng hayop ang matatagpuan sa lupa?
A. Aso B. Isda C. Pusit D. Butanding

2. Alin sa mga hayop ang matatagpuan sa tubig lamang?


A. Baka B. Pating C. Ahas D. Buwaya

3. Ano ang pagbabagong nangyayari sa kapaligiran na nakapag-


dudulot ng masamang epekto sa mga hayop?
A. Pagpapastol C. Polusyon
B. Pangingisda D. Pagsasaka

4. Alin sa mga hayop ang matatagpuan sa lupa at tubig?


A. Bubuyog B. Kalabaw C.Kuneho D.Palaka

5. Alin sa mga sumusunod na hayop ang matatagpuan sa lupa at


hangin?
A. Kabayo B. Alimango C. Agila D. Kambing

6. Si Lucas ay sumama sa kaniyang ama upang mangisda sa


karagatan. Alin sa mga hayop ang kinatatakutan ng mga
naglalakbay sa karagatan?
A. Kuhol B. Pating C. Manok D. Kambing

7. Si Marco ay mahilig maglaro sa kanilang bukid sapagkat


maraming alagang hayop ang kaniyang Lolo. Alin sa mga
sumusunod ang katuwang sa pagsasaka?
A. Baboy B. Kalabaw C. Leon D. Manok

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 13
8. Si Lotlot ay magdiriwang ng kaniyang ikasampung kaarawan.
Nais niyang magkaroon ng alagang hayop. Alin ang maaari
niyang alagaan sa loob ng kanilang tahanan?
A. Baboy B. Kambing C. Pusa D. Manok

9. Nais ni Paolo na makakita ng iba’t ibang uri ng hayop. Naisip


ng kaniyang mga magulang na ipasyal siya sa lugar kung saan
inaalagaan ang mga hayop na unti-unti nang nauubos. Saan
sa iyong palagay sila pupunta?
A. Zoo C. Museo
B. Munisipyo D. Paaralan

10. Alin sa mga sumusunod na uri ng kapaligiran ang mayroong


kakaunting uri ng hayop na naninirahan?

A. B. C. D.

Karagdagang Gawain
Kumpletuhin ang tsart. Isulat sa patlang ang tamang tirahan ng
mga hayop sa kapaligiran

Mga Hayop Tirahan at Kapaligiran

1. Kalabaw
2. Palaka
3. Tigre
4. Kalapati
5. Bangus

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 14
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
15 City of Good Character
Aralin 2 Aralin 2 Aralin 1
Pagyamanin Pagyamanin
Pagyamanin
Gawain 1.1: Gawain 2:
Gawain 2.1: Gawain 2.1:
1.
Lupa Lupa at Tubig
1. bibe
1. leon 1. aso 2.
2. palaka
2. tigre 2. baboy
3. pagong
3. kabayo 4. buwaya
4. unggoy 5. alimango 3. isda 3.
5. elepante 4. pusa
Gawain 2.2:
Tubig
1. Isda 5. manok 4.
1.
2. Pusit
3. Hipon 6. kambing 5.
4. Pating 2.
Hangin Karagdagang Gawain
1. Agila 3.
Aralin 1:
2. Kwago
3. Kalapati 4. 1. B
2. C
4. Bubuyog
3. A
5. Alitaptap 5.
Aralin 2:
1. lupa
6. 2. Lupa at tubig
3. Lupa/Gubat
4. Hangin/Punongkahoy
5. Tubig
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Science Learning Material for Grade 3

Illustrations:
a. Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-
BLR)https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcT01qO-
zrtqHPlw7OcLQ42cpbIwbhye68W8xg&usqp=CAU - forest
https://lh3.googleusercontent.com/proxy/Yq1l4jEckn-
iJ8vQgn1gGNv0xtJXUs5Z2nuTNB6EmWOrEs4IC4aj1CHsS9ipHNOJ5y-
mDzzSrwp2qU7BgCSg7i7p - ocean
https://www.pngitem.com/pimgs/m/426-4264044_farm-vector-green-farm-
house-clipart-png-transparent.png - farm
https://clipartstation.com/wp-content/uploads/2017/11/desert-clipart-7.jpg -
desert
https://classroomclipart.com/images/gallery/Clipart/Animals/Bird_Clipart/TN_p
eregrine-falcon-bird-of-prey-clipart.jpg - bird
https://i.etsystatic.com/17857814/r/il/7b58ea/1651028487/il_570xN.16510284
87_imd4.jpg - zebra
https://www.netclipart.com/pp/m/78-780331_frog-clipart-graphics-illustrations-
free-download-clipart-frog.png - frog
https://us.123rf.com/450wm/pivden/pivden1702/pivden170200070/71586175-
stock-vector-octopus-vector-color-engraving-vintage-illustrations-isolated-on-
white-background-.jpg?ver=6 – octopus
https://i.pinimg.com/736x/dd/9e/7e/dd9e7e0b28ee3309a0d27dda1afdb626.jpg -
firefly
https://www.pngitem.com/pimgs/m/172-1725906_bee-honeybee-honey-clipart-
kid-transparent-png-transparent.png - bee
https://image.freepik.com/free-vector/cartoon-king-cobra-snake-mascot_29190-
4765.jpg - cobra

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
16
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Ma Sabina J. Bandayrel
Mga Tagasuri: Vilma B. Camba
Norma C. Velasquez
Marilyn T. Cortez
Tagasuri- Panloob: Jessica S. Mateo
Tagasuri Panlabas : Paul S. Magbanua (PNU)
Editor sa Wika: Analiza B. Calimag
Catherine C. Paningbatan
Tagaguhit at Tagalapat: Marie Cris D. Cruz
Tagaguhit ng Kober: Dennis Baquial
Charo Marie Defeo-Baquial

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamahala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamahala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Jessica S. Mateo
Superbisor sa Agham

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
16

You might also like