Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV -A
Schools Division of Quezon Province
Atimonan I District
ATIMONAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL

LAC SESSION NO. 1


PAKSA: MAGNA CARTA FOR TEACHERS
Ang paksang tinalakay ni Dra. Mitzi G. Canaya, Ulonggguro ng Departamento ng
Filipino sa Atimonan National Comprehensive High School, ay isang pagpapaala sa mga dapat
at di dapat gawin ng mga guro sa kanilang propesyon lalo na’t sa pang-araw-araw na
sinasagawang pagtuturo.
Unang punto, tinalakay dito ang patungkol sa koloborasyon ng mga guro na kailangang
magtulungan upang mapagtagumpayan at isulong ang mga layunin at adhikain ng paaralan na
ang guro ay dapat hindi nag-iisa sa pagpapatupad ng batas at pagtatrabaho upang makahulma
ng pagpapago sa sistema ng pammahala ng paaralan. Laging isa-isip na ang paghingi ng tulong
at pagbibigay ng tulong ay pangunahing dulog na magdudulot ng kaunlaran sa paaralan.
Ikalawang punto, ipinaliwanag ang tungkol sa seniority o pagiging matagal na sa
serbisyo. Binigyang linaw na kailangang bigyang respeto at igalang ang mga naunang guro
subalit hindi lalampas sa limitasyon bilang isang guro ang mga maaring mandato o utos na
ipapagawa guro tulad ng personal na gawaing hindi kabilang sa deskripsyon ng trabaho bilang
isang gurong marangal na tumutupad sa sinumpaang tungkulin. Dagdag pa rito, hindi lang sa
pagtulong ang binigyang diin kundi sa mga maaring payong maiibigay ng mga naunang guro
sapagkat mas may karanasan sila sa larang ng pagtuturo at sistema ng edukasyon na hindi
nakalimbag sa mga librong ikinulong sa mga teoryang maaring bahaw na sa paglipas ng
panahon. Subalit huwag nating isantabi ang maaring maiambag ng mga bagong sibol na guro
dahil namulat sila sa modernong panahong nauukol at akma sa kanilang kakayahan. Sa
kabilang dako hindi dapat lumampas sa puntong maaring mailarawan sa balbal na salita na
“bida-bida” sapagkat lubos niyang nabumkal sa bukal ng kaalaman ang mga bagong kakayahan
at kumpetensiyang taglay ng makabagong guro. Iaakma ito sa panahon, sitwasyong,
kalagayang hinihingi ng pagkakataon subalit huwag ipagdamot ang kaalaman na maaring
maging mitsa ng kaunlaran ng mga gurong kabilang sa inyong grupo o departamento.
Ikatlong punto, ipinahihiwatig lamang na ang mataas na karangalang nakuha sa
pretihiyusong pamantasan noong nag-aaral pa ay mawawalan ng bisa kung hindi marunong ang
ANCHS Saya Saya! ANCHS Galing Galing!
Soler Ext. Brgy. Zone II, Poblacion, Atimonan, Quezon 4331
Tel. No. (042) 316-5252
Email : 301286@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV -A
Schools Division of Quezon Province
Atimonan I District
ATIMONAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL

gurong itungo ang ulo o panatilihin sa lupa ang mga paa. Mas matimbang pa rin ang pagiging
mabuting guro kaysa mahusay na guro.
Ikaapat na punto, matutong tumanggi sa mga dagdag na trabahong ibinibigay ng mga
namumuno sa paaralan lalong-lalo na yaong mga gawaing nagpapabigat ng pagtuturo. Kung
hindi kaya ang isang Gawain o subra na sa mga itinakdang Gawain ng batas bilang isang guro,
huwag tanggapin sapagkat isa itong uri ng panlalamang o extortion bilang isang lingkod bayan
at bilang trabahador ng pamahalaan. Kung ang ipapagawa ay makikinabang ang nakakarami
lalo ng ang mag-aaral at ang lipunan, bakit hindi tatanggapin kung ito nama’y makatutulong sa
kaunlaran ng propesyon.
Ikalimang punto, laging unawain ang mga stakeholders o magulang o magulangin ng
mag-aaral kahit na karamihan sa kanila ay nagrereklamo dahil na rin sa kakulangan ng
impormasyon sa mga panuntunan at sistema na ipinatutupad. Palagiang hingin ang kanilang
opinion at idaan sa tamang proseso ng pag-uusap hinggil sa mga bagay na di nauunawaan.
Tandaang ang guro ay isang lingkod bayan na nagbibigay serbisyo sa mamamayang Filipino.
Huwag isiping guro ako, magulang ka lang mentality.
Ikaanim na punto, nagkaroon ng kaunting kalabuan sapagkat ito’y patungkol sa ugali ng
mag-aaral na nakuha sa kanilang tahanan kaya’t hindi ito sakop ng guro sa paghuhulma ng
katauhan. Maaring malaking porsyento ng kanilang pag-uugali ang impluwensya ng tahanan
subalit ang guro ay isa dapat humulma o ituwid ang mga sa maling pag-uugali ng mag-aaral
dahil ang guro ay hindi lamang sa aspetong kognitbo kundi sa apektibong aspeto rin ang dapat
mahubog sa mag-aaral. Para saan pa ang integrasyon ng values sa pang-araw-araw na paksa
kung wala itong epekto sa mag-aaral. Sa konklusyon, may magagawa ang guro sa pagpapanday
ng asal ng mag-aaral dahil na rin sa mas maraming panahon ng guro sa mag-aaral na panahon
tuwing may pasok. Ituro sa silid-aralan ang mabuting asal, ito’y maaring madala ng mag-aaral
sa kanilang tahanan.
Ikapitong punto, huwag masilaw sa kislap ng salapi. Subalit ang Departamento ng
Edukasyon ay nag-uudyok sa mga guro upang isagawa nag kurapsyon dahil na rin sa
ipinatutupad na Brigda-Eskuwela na sa panahong ito ay nagkakaroon ng ibang interpretasyon

ANCHS Saya Saya! ANCHS Galing Galing!


Soler Ext. Brgy. Zone II, Poblacion, Atimonan, Quezon 4331
Tel. No. (042) 316-5252
Email : 301286@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV -A
Schools Division of Quezon Province
Atimonan I District
ATIMONAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL

dahil na rin sa mga paligsahan ng mga paaralan hinggil sa pagtutulangan ng paaralan at ng


kumunidad. Hindi dito nakikita ang tunay na dahilan ng bayanihan kundi pagalingan o
paramihang maiitala na koleksyon na para sa kanila ay pangunahing indikasyon na mahusay
ang paaralan. Naging pabigay na rin ito sa guro dahil minsan ay hugot bulsa na ang guro sa
pagpapagnda ng silid na dapat ang pamahalan ang nagbibigay tugon sa mga kakulangan ng
paaralan.
Ikawalong punto, isinasaad dito na ang pagiging guro ay tulad ng mag-aaral na hindi
humihinto sa pagkatuto. Habambuhay na mag-aaral ang guro. Kailangang pandayin ang
propesyon hindi dahil sa tatas ang sahod ang tataas ang posisyon. Dapat isipin na na kung
anong maaring maiambag sa pagtuturo na siyang magbibigay lalo ng pundasyon sa mahusay na
sistema ng pamamahala na ang pangunahing makikinabang ay ang mag-aaral.
Ikasiyam na punto, ibahagi ang mga pedogohikal na kaalamang natutunan sa
pinapasukang pamantasan o sa mga natutunang sa seminar. Ibahagi ito sa mga kasamhang guro
upang mayroong maidagdag sa paaraan nila ng pagtuturo.
Ikasampung punto, huwag ilaan ang oras sa walang kpararakang mga bagay lalo ang
pag-isistorya o tsismis sa guro, mag-aaral at sa mga namamahala. Isipin muna kung may
maganda bang kapakinabangan ang pakikipagtsismis sa kapwa guro at nakabubuti sa paaralan.
Ikalabing-isang punto, huwag pairalan ang personal na pagmamahal sa mga gurong may
mga kasumpaan sa altar. Mahalin sila bilang isang tao, mamamayang Filipino at bilang isang
gurong katuwang sa pagpapataguyod ng may kalidad na edukasyon.
Ikalabindalawang punto, huwag kalimutang humanap na kabiyak o kapares sa buhay.
Mas masarap sa pakiramdam na naglalaan ka sa taong nagbibigay sa iyo ng lakas sa araw-araw
na pagsubok ng buhay.
Ikalabintatlong punto, ipinaalala dito ang pagiging matipid. Kung magkakaroon man ng
kautangan maaring ilaan ito sa investment o sa mga bagay na magdudulot ng kaligayahan o
dagdag na pinansyal.

ANCHS Saya Saya! ANCHS Galing Galing!


Soler Ext. Brgy. Zone II, Poblacion, Atimonan, Quezon 4331
Tel. No. (042) 316-5252
Email : 301286@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV -A
Schools Division of Quezon Province
Atimonan I District
ATIMONAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL

Ikalabing-apat na punto, huwag kalimutang magbayad na kautangan. Makikilala ang


isang mabuting guro kung may isang salita at tumutupad sa usapan. Pagbibigay galang din ang
pagbabayad ng utang sa mga taong tumulong sa iyo noong panahong ikaw ay nangangailangan.

Inihanda ni:

VINCE M. MARASIGAN, MAEd


Guro II

Isinulit kay:

MITZI G. CANAYA, EdD


Ulongguro 1, Filipino Department

Nabatid ni:

RENE L. PORTADES
Punongguro IV

ANCHS Saya Saya! ANCHS Galing Galing!


Soler Ext. Brgy. Zone II, Poblacion, Atimonan, Quezon 4331
Tel. No. (042) 316-5252
Email : 301286@deped.gov.ph

You might also like