Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Hi everyone, I'm Aggy.

I’m here to tell you about Kevin and how truly special,
talented, good looking and… sorry bok, ano pa nga ba yun, nakalimutan ko na yung
iba mo pang sinabi. :D

---

Good afternoon everyone, sa lahat po ng nandito at nakakakilala kay Diana will know
that she is a wonderful person who deserves a good husband. Thank God pinakasalan
na siya ni Kevin bago pa siya makahanap.

I would like to congratulate Mr. & Mrs. Magboo and si Tita Ces, sa mga kapatid ni
Diana and sina Kuya JC and Coleen. To the couple, I know kung gaano kahirap
magplano ng kasal, today is that sweet result of all the hardwork, time, stress na
binigay nyo, let's give them a round of applause. I would like to mention also Tito
Tonix alam kong nanunuod ka ngayon there in heaven, can we also give him a round of
applause.

Diana, I know we didn't have time to get to know more each other dahil parehas din
kayong malayo ni Kevin sa Pilipinas, pero alam kong we'll have our time to bond
more in the days to come.

I'm Aggy, Kevin's best man, and I’m here to tell you about Kevin and how truly
special, talented, mabango, good looking and… sorry bok, ano pa nga ba yun,
nakalimutan ko na yung iba mo pang sinabi. :D actually mga bata pa po kami ako na
raw ang magiging bestman nya sa kasal, me and Kevin were friends longer than I can
remember basta hindi pa kami tuli magkaibigan na kami, and only 1 house separating
ung mga bahay namin...

Hindi ko po uubusin ang oras ninyo to listen sa mga kwento ko about sa aming dalawa
ni Kevin, I will just share some of those moments...

Isa sa mga favorite kong kwento is yung panahong nag rereview siya para sa Board
Exam to become a Registered Nurse, full support ako sa kanya talaga, I always
believed na kayang kaya nyang pumasa, hinding hindi ko parin malimutan yung 1st
time na lumabas ang results! Sabado yun, during our choir practice bigla mong
nalaman yung results unfortunately, wala ang pangalan mo don. Umiyak ka non, at
pagkatapos na pagkatapos ng practice nag inuman tayo. :D at dahil sa dami mo nang
nainom tumambay ka na sa CR dahil sumusuka ka na, at ang malupit don, sinamahan pa
kitang tumambay din sa CR. hahaha! at dahil late night na un, sinundo ka na ng kuya
mo at akayin umuwi. First take mo yan, nung second take mo naman, Naalala ko pa
yung sinabi mo sakin non; "Pag may pumasa, may babagsak" hahaha! buti nalang talaga
pumasa ka na non kasi ako pala yung babagsak sa motor non! :D ako narin una mong
naging patiente.

Years and years passed we continue with our career paths, nabawasan na yung oras sa
isa't isa, minsan nalang tumambay, kwentuhan, inuman, pero Salamat kasi anjan ka.

Those were the good old days! Alam naman na natin kung nasaan na tayo ngayon. Ako
sakal na, este! kasal na pala. Tapos ikaw naman ngayon. I know that you will be a
great husband to Diana and she'll be a great wife to you. Wala naman talagang
definite number of years or months kung gaano dapat magtagal ang isang relationship
bago mo masabing nahanap mo na ang taong papakasalan mo or ang iyong "the one". I
believe that God really destined you for each other to be here on this day. Yung
mga past relationships nyong dalawa, maybe it was God's way of preparing both of
you para sa next journey na tatahakin nyo na magkasama as husband and wife.

Before I end my speech, gusto ko lang i-share yung sinabi ni Fr. Louie Gatdula nung
araw ng kasal namin ni Lea, and I quote:
"Pagtitiwala, napakahalaga nyan kapag yan ang ginawa nyong gulong - Pag-ibig na may
pag unawa, Pag-umawang susundan nyo ng pagkalinga, Pagkalinga magaganap dahil may
Pagtitiwala, kapag yan ang gulong na ginamit nyo sa inyong pagsasama makikita nyo
ang pagibig nyo sa isa't-isa lalong lumalalim, lalong tumitibay, ayon sa kalooban
ng Poong Maykapal."

Always put and make God the center of your marriage.

Tandaan nyo Kev & Diana, your wedding will only last for one day but your marriage
will last forever. Humayo kayo't magpakarami.

(With that I would like to ask everyone to raise their glasses for the newly wedded
couple. May all your hopes and dreams come true, and may the memory of this day
become dearer with each passing year)

Welcome to the club!

You might also like