FERNANDO Chryssa R. DI MO MASILIP ANG LANGIT PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

FERNANDO, Chryssa R.

KAHIRAPAN: ‘DI MO MASILIP


BSMLS 2A ANG LANGIT

LUNSARAN: Sipatin ang website ng Carlos Palanca Memorial Awards; Culture Section ng Manila
Today; Seksyong Kultura ng Pinoy Weekly; KM64 Poetry Collective; Likhaan; Poetry archives ng Bulatlat
(https://www.pinoyweekly.org/category/kultura/) at paniguradong mamumulat ka dito tungkol sa mga
tunay na nangyayari sa ating bansa. Mula dito’y pumili ka ng isang artikulo o babasahing tumatalakay sa
kahirapan. Pagkatapos nito’y punan ang mga kailangang datos upang mabuo ang Main Idea and Details
Chart. Ang Main Idea and Details Chart ay ginagamit tuwing may pinag-aaralang pangunahing kaisipan at
pag-iisa-isa sa mga detalye.

PANGUNAHING KAISIPAN

Syento beinte singkong sahod ng mga


manggagawa

DETALYE 1

Tayo ay nabubuhay sa mundong umiikot sa salapi at ang mga


manggagawa ay mga bayaran lamang.

DETALYE 2

Ang syento beinte singko ay nakakabili na ng isang salop ng


bigas at may kasama pang ulam. Sapat na ang perang ito
para may pantawid gutom ang isang tahanan na
naghihikahos.

KONKULSYON

Ang syento beinte singkong dagdag na sweldong hinihingi


ng mga mangagagawa ay wala pa sa kalingkingan ng mga
mayayaman sapagkat ang syento beinte singko ay pambili
lamang nila ng kape sa starbucks o kaya naman ay pambili
nila ng mga espesyal meryenda. Subalit ang dagdag na
perang ito ay tila kay hirap ibigay sa mga manggagawa.

This study source was downloaded by 100000845203303 from CourseHero.com on 04-16-2022 01:07:51 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/98821742/FERNANDO-Chryssa-R-DI-MO-MASILIP-ANG-LANGITpdf/
FERNANDO, Chryssa R. KAHIRAPAN: ‘DI MO MASILIP
BSMLS 2A ANG LANGIT

ABSTRAKSYON: Suriin ang akdang binasa sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na


susukat sa iyong antas ng pag-unawa.

PAGSUSURI

1. Ano ang sinasabi ng akda tungkol sa kahirapan?


Ang sinasabi ng akda tungkol sa kahirapan ay ipinapakita nito ang malayong agwat
ng mga mayayaman at mahihirap at ang malupit na hagupit ng kahirapan sa mga mahihirap.
Naipapakita rito na ang kahirapan ay ang nagiging ugat ng diskriminasyon sa mga
mahihirap. Pinapakita rin nito kung anong buhay ang kinalalagyan ng mga taong
pinagkaitan ng karapatan at pantay na pagtingin mula sa lipunan.

2. Sino ang nagsasalaysay sa kwento? Nakatulong ba ang kanyang wikang ginamit


upang mapalitaw ang kanyang kalagayang panlipunan? Kung sakaling ibang
pananaw kaya ang ginamit ng awtor, ano kaya ang magiging epekto nito sa daloy ng
kuwento?
Ang nagsasalaysay ng kwento ay ang pangunahing tauhan. Nakatulong ang wikang
ginamit niya upang mapalitaw ang katayuan niya sa buhay. Sa tingin ko, kung ibang
pananaw ang ginamit ng awtor, mababago ang daloy ng kwento. Mas hindi rin ito
maiintindihan ng nakararami.

3. Ilarawan ang katangian ng pangunahing tauhan. Punan ang inihandang tsart sa


ibaba.
Pangunahing Bilang Asawa Bilang Bilang Tao Salik na
Tauhan Manggagawa Humubog sa
mga Katangiang
Ito
Ang pangunahing Ang pangunahing Bilang isang Ang pangunahing Ang salik na
tauhan ng kwento tauhan ay isang manggagawa, ang tauhan bilang humubog sa mga
ay isang preso na mapagmahal at pangunahing isang tao ay katangiang ito ay
nakulong dahil sa maalalahanin na tauhan ay may nagkakamali rin at ang katayuan niya
kasong arson. asawa. dedikasyon sa hindi perpekto. sa lipunan na
kanyang ginagawa Nadadala rin sa kanyang
at isang mahusay bugso ng ginagalawan.
na manggagawa. damdamin kahit
anong pang-
unawa ang meron
siya.

This study source was downloaded by 100000845203303 from CourseHero.com on 04-16-2022 01:07:51 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/98821742/FERNANDO-Chryssa-R-DI-MO-MASILIP-ANG-LANGITpdf/
FERNANDO, Chryssa R. KAHIRAPAN: ‘DI MO MASILIP
BSMLS 2A ANG LANGIT

4. Bilang mga taong kabilang sa mababang antas ng pamumuhay, anu-ano ang mga
mithiin nina Luding at ang kanyang asawa? Sa estadong mayroon sila, mayroon ba
silang karapatang hangarin ang mga bagay na ito? Ano ang mga hakbanging maaari
nilang gawin upang makamit ito?
Ang mga mithiin nina Luding at ng kanyang asawa ay magkaroon ng maayos na
buhay at ng isang masayang pamilya. Oo, meron silang karapatan na hangarin ang mga
bagay na ito dahil kahit ano man an gating estado, tayo ay nabubuhay sa mga pangarap.
Ang mga pangarap na ito ang nagbibigay lakas sa atin upang magpatuloy sa buhay. Ang
mga hakbanging maaari nilang gawin ay huwag sumuko sa anumang hamon ng buhay.
Manatiling may pag-asa at manalig sa Poong Maylikha. Kailangan ding kontrolin ang mga
kilos at huwag magpapadala sa damdamin.

5. Bigyang kahulugan ang mga sumusunod na salitang ginamit ng pangunahing tauhan.


Ano ang ipinapakilala ng mga ito kaugnay ng kanyang kalagayang panlipunan?

waswas yosi haybol


les-pu ob-lo
sigarilyo rehas/kulungan
asawa/misis pulis bahay

Ang mga salitang ito ay mga salitang balbal. Madalas itong ginagamit ng mga nasa laylayan o ng
mga taonf nasa mababang katayuan ng lipunan.

6. Ano ang dahilan ng pagkabilanggo ng pangunahing tauhan? Sa iyong sariling


pananaw, makatwiran ba ang kanyang naging tugon sa pagresolba sa suliraning
kanyang kinaharap? Karapat-dapat ba siyang mabilanggo? Pangatwiranan.
Ang dahilan ng pagkakabilanggo ng pangunahing tauhan ay dahil sa kasong arson.
Kanyang sinunog ang isang silid ng ospital na nagkasala sa kanila dahil sa pagpapabaya sa
kanyang asawa. Sa tingin ko, hindi naging makatwiran ang pagtugon niya sa kanyang
suliranin. Hindi dapat natin hinahayaan na pangunahan tayo ng ating emosyon. Nagkasala
man ang isang tao o institusyon, dapat ay hindi tayo gumawa ng maaaring ikapapahamak
natin at ng iba pang tao. Oo, dapat siyang mabilanggo dahil sa kanyang ginawa dahil hindi
lamang ang mga taong nagkasala sa kanya ang nilagay niya sa alanganin kundi pati ang
mga taong walang kamalay-malay sa nangyayari ay nadadamay. Laging iisipin na huwag
dapat ilagay sa sariling kamay ang hustisya.

This study source was downloaded by 100000845203303 from CourseHero.com on 04-16-2022 01:07:51 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/98821742/FERNANDO-Chryssa-R-DI-MO-MASILIP-ANG-LANGITpdf/
FERNANDO, Chryssa R. KAHIRAPAN: ‘DI MO MASILIP
BSMLS 2A ANG LANGIT

7. Ipinakita ba sa akda ang pag-iral ng diskriminasyon sa ating lipunan? Paano ito


nauugnay sa ating kalagayang sosyal? Magbigay ng tiyak na halimbawa mula sa akda
at maging sa tunay na buhay.

Tinitignan ang Ang tingin ng mga


pangunahing tauhan Paghusga batay may kaya sa buhay
at ang kanyang sa panlabas na sa mga mahihirap
pamilya bilang isang kaanyuan ng tao ay mga alipin at
magnanakaw. mga pabigat sa
lipunan.

Oo, umiral ang diskriminasyon sa akda. Ang paghuhusga batay sa panlabas na anyo
ng isang tao ay isang diskriminasyon na umiral sa akda. Kung ating babalikan ang kwento,
ang mga tao sa village kung saan sila nagtayo ng kanilang munting tahanan ay tinitignan
sila na tila ba sila’y isang kriminal na maaari silang nakawan anumang oras. Nagkaroon
din ng diskriminasyon sa ospital kung saan nanganak ang asawa ng pangunahing tauhan.
Pinabayaan ang kanyang asawa at hinayaang manganak sa koridor. Dahil dito’y namatay
ang sanggol. Sa tunay na buhay naman, ang halimbawa nito ay ang mga mahihirap na
laging minamata ng mga may kaya sa buhay. Akala nila ang mga mahihirap ay mga alipin
nila. Sa pangkalahatan, ang diskriminasyong umiiral sa akda ay ang paghusga sa panlabas
na kaanyuhan ng isang tao. Marami sa atin ang nangmamata batay sa suot na damit, alahas
at itsura ng isang mamamayan. Minamaliit ang mga mahihirap at tinuturing sila bilang
isang kriminal o kaya’y mga pabigat sa lipunan na ginagalawan.

8. Paano tinanaw ng pangunahing tauhan ang langit? Ito ba’y kanyang


pinaniniwalaan? Anu-ano ang mga salik na nag-udyok sa kanya upang tingnan ang
langit sa ganitong pananaw?
Sa huling bahagi ng kwento, nawalan ng tiwala o pananalig ang pangunahing
tauhan sa langit. Kanyang tinanaw ang langit bilang isang kathang-isip na lamang dahil
aniya’y kinalimutan na siya ng Diyos. Akala niya ay tinalikuran na siya ng kung sino man
ang nasa likod ng mga ulap at mga bituin. Naging ganito ang tingin ng pangunahing tauhan
dahil sa mga pinagdaanan niya sa buhay. Isa na rito ang pagkakakulong niya dahil sa
kanyang pagkakamali. Ang kanyang katayuan rin sa lipunan kung saan sila’y minaliit, ang
pinagdaanan nila ng kanyang asawa at ang pagkamatay ng kanilang anak ang nag-udyok
sa kanya upang mawalan ng tiwala sa Diyos.

This study source was downloaded by 100000845203303 from CourseHero.com on 04-16-2022 01:07:51 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/98821742/FERNANDO-Chryssa-R-DI-MO-MASILIP-ANG-LANGITpdf/
FERNANDO, Chryssa R. KAHIRAPAN: ‘DI MO MASILIP
BSMLS 2A ANG LANGIT

9. Ano ang ipinapahiwatig sa huling tagpo ng kuwento hinggil sa asawa ng bilanggo?


Paano mo bibigyang interpretasyon ito?
Ang ipinapahiwatig sa huling tagpo ng kwento hinggil sa asawa ng bilanggo ay
tingin niya’y kumakapit sa patalim ang kanyang asawa dahil sabi nga niya ay wala itong
trabaho at walang alam sa buhay. Sa pahiwatig na ito, sa ating lipunang ginagalawan,
marami ang kumakapit sa patalim upang mabuhay. Kung ganito man ang ginawa ng asawa
ng pangunahing tauhan ay hindi ko siya masisisi sapagkat para sa katulad nila, wala silang
ibang pagpipilian kundi gawin ito. “It’s either you die due to hunger and poverty or you
live on precarious means to survive,” ika nga nila.

APLIKASYON: Binabati kita sapagkat matagumpay mong naisagawa ang pagsusuri. Ngayon
naman ay nais kong lumikha ka ng “Solution Plan.” Bigyang pokus ang kahirapan sa isasagawang
Solution Plan ngunit maaari ka ring bumanggit ng iba pang suliraning panlipunang maaaring
ibunga ng kahirapang pinalutang din sa akda. Gawing gabay ang talahanayan sa susunod na
pahina.

Suliraning Sanhi / Dahilan Mungkahing Ahensiya sa Gobyerno na


Panlipunan Solusyon maaaring makatulong sa
pagsugpo sa suliraning ito
KAHIRAPAN Unemployment o kawalan Magbukas ng DOLE
ng mapapasukang trabaho trabaho na maaaring
makatulong sa lahat

This study source was downloaded by 100000845203303 from CourseHero.com on 04-16-2022 01:07:51 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/98821742/FERNANDO-Chryssa-R-DI-MO-MASILIP-ANG-LANGITpdf/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like