Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

St.

Francis Technical Institute


GRADE 12

Center for Development, Training and Competency Assessment Inc.


0030 Zapote St. PHHC Area-D Camarin Caloocan City

Self-Learning Module

FILIPINO SA PILING LARANGAN

(AKADEMIK)

IKATLONG LINGGO
Ang Akademikong Pagsulat

PANGALAN:

STRAND:

PANGKAT:

PETSA NG PAGTANGGAP: IBINIGAY NI: ________________

PETSA NG PAGBALIK: TINANGGAP NI:


MGA GABAY SA PAGGAMIT NG MODYUL

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang
pokus ang inyong gagawing pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa

ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.

1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.

2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang
gawaing ito dahil madali mong matatandaan ang mga araling nalinang.

3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.

4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.

5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang
magiging batayan kung may kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang

aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na gawain.

6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

Ang modyul na ito ay tungkol sa pagpapakahulugan ng talumpati, mga uri ng talumpati, mga dapat isaalang alang
sa pagsulat ng talumpati, ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng isang talumpati at ang huwaran sa pagbuo nito. Sadyang
inihanda ang modyul na ito upang makatuklas ng mga bagong kaalaman sa pagsulat ng talumpati. Ang mga gawain ay
maingat na inihanda upang lubos na malinang ang kakayahan sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, pagsusulat at
panonood. Tutulungan ka ng modyul na ito na matukoy ang kahulugan at kabuluhan ng mga konsepto sa huwaran na
pagbuo ng talumpati. Sa araling ito, binigyang-pansin ang kahalagahan ng pakininig at pagsusuri ng isang talumpati.

Pinaka-Mahalagang Kasanayan sa Pagkatuto

 Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang halimbawa (CS_FA11/12PN-0g-i91

Inaasahan

pagkatapos nang modyul na ito ikaw ay inaasahang;

a. nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang halimbawa;


b. nakasasagot ng lahat ng mga ibinibigay na gawain at pagsasanay;
c. nabibigyang halaga ang bawat uri ng akademikong sulatin.

Page 2
Aralin

Anyo ng Akademikong Pagsulat: Pagsulat ng


Aralin
– 3 talumpati

Pagkilala sa Aralin
Ang pagtatalumpati ay isang uri ng sining.Maipapakita rito ang katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa
panghihikayat upang paniwalaan ang kanyang paniniwala,pananaw at pangangatwiran sa isang partikular na paksang
pinag-uusapan.Ang talumpati ay kadalasang pinaghahandaan bago bigkasin sa harapan ng tao kahit pa man ito’y
biglaan.Ang pagsulat ng talumpati ang susi sa mabisang pagtatalumpati.

Ang Pagtatalumpati ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang
tumatalakay sa isang partikular na paksa. Ang isang talumpating isinulat ay hindi magiging ganap na talumpati kung ito
ay hindi mabibigkas sa harap ng madla.

Mga uri ng Talumpati

1. Biglaang Talumpati -Ito ay ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda, kaagad na ibinibigay ang
paksa sa oras ng pagsasalita.
2. Maluwag na talumpati –Isinasagawa nang biglaan o walang paghahanda. Nagbibigay ng ilang minuto
para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan.
3. Manuskrito-Ang talumpating ito ay ginagamit sa mga kumbesyon seminar o programa sa pagsasaliksik
kaya pinag-aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat.
4. Isinaulong Talumpati-Ito ay kagaya rin ng manuskrito sapagkat ito ay mahusay ding pinag-aralan at
hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.
Huwaran sa Pagbuo ng
Talumpati

1. Kronolohikal na Huwaran - ang mga detalye o nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa pagkakasunod-sunod ng


pangyayari o panahon.
2. Topikal na Huwaran - ang paghahanay ng mga materyales ng talumpati ay nakabatay sa panguanhing paksa.
3. Huwarang Problema-Solusyon - kalimitang nahahati sa dalawang bahagi ang pagkakahabi ng talumpat gamit ang
huwarang ito.

Kasanayan sa paghabi ng mga bahagi ng Talumpati

ang paghahabi o pagsulat ng nilalaman ng talumpati mula sa umpisa hanggang sa matapos ito ay napakahalaga
ring isaalang-alang upang higit na mahusay, komprehensibo at organisado ang bibigkasing talumpati.

Introduksyon - ito ang pinakapanimula. Ito ay naghahanda sa mga nakikinig para sa nilalaman ng talumpati kaya
naman dapat angkop ang pambungad sa katawan ng talumpati. Ang mga sumusunod na katangian sa isang
mahusay na panimula:

- mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga makikinig.


- maihanda ang mga tagapakinig sa gaganaping pagtalakay sa paksa.
- maipaliwanag ang paksa

Page 3
2. Diskusyon o Katawan - dito makikita ang pinakamahalagang bahagi ng talumpati sapagkat dito tinatalakay
ang mahahalgang punto o kaisipang nais ibahagi sa mga nakikinig. Ito ang pinakakaluluwa ng talumpati.

Mga Katangiang Taglayin ng


Katawan sa Talumpati

a. Kawastuhan - tiyaking wasto at maayos ang nilalaman ng talumpati. Dapat na totoo at maliwanag nang
mabisa ang lahat ng detalye.

b. Kalinawan -kailangang maliwanag ang pagkakasulat at pagkakabigkas ng talumpati upang maunawaan ng


mga nakikinig.

c. Kaakit-akit - gawing kawili-wili ang paglalahad ng mga katwiran o paliwanag para sa paksa.

3 Katapusan o Kongklusyon - dito nakasaad ang pinaka kongklusyon mg talumpati. Dito kalimitang nilalagom ang
mga patunay at argumentong inilahad sa katawan ng talumpati.
4 Haba ng Talumpati - nakasalalay kung ilang minuto o oras ang inilaan para sa pagbigkas. Malaking tulong sa
pagbuo ng nilalaman nito ang pagtiyak sa nilaang oras.

Page 4
FILIPINO SA PILING LARANGAN AKADEMIK
IKA TATLONG LINGGO
MGA GAWAIN

PANGALAN:
STRAND:
TAON AT PANGKAT:
GURO SA
ASIGNATURA:

ARAW NG PAGPASA:

Unang Pagsubok
Panuto: Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman ng modyul na ito. Sagutin
mo ang lahat ng aytem. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Anong uri ng talumpati ang binibigay ng biglaan o walang paghahanda at kaagad na iibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita?
a. Biglaang talumpati c. Maluwag na talumpati
b. Isinasaulong talumpati d. Manuskrito
2. Ito ay isinasagawa ng walang pag hahanda at binibigyan lamang ng iang minute ang magpeprensta ng talumpati para sa
pagbuo ng ipapahayag na kaisipan. Anong uri ng talumpati ito?
a. Biglaang talumpati c. Maluwag na talumpati
b. Isinasaulong talumpati d. Manuskrito
3. Ang mga detalye o nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa pagkakasunod-sunod ngpangyayari o panahon. Anong
uri ng huwaran sa pagbuo ng talumpati ito?
a. Biglaang talumpati c. Kronolohikal na Huwaran
b. Huwarang Problema-Solusyon d. Topikal na Huwaran
4. Ito ay kalimitang nahahati sa dalawang bahagi ang pagkakahabi ng talumpati . Anong uri ng huwaran sa pagbuo ng
talumpati ito?
a. Biglaang talumpati c. Kronolohikal na Huwaran
b. Huwarang Problema-Solusyon d. Topikal na Huwaran
5. Ito ay ginagamit sa mga kumbesyon seminar o programa sa pagsasaliksik kaya pinag-aaralan itong mabuti at dapat na
nakasulat. Anong uri ng talumpati ito?
a. Biglaang talumpati c. Manuskrito
b. Maluwag na talumpati d. Isinasaulong talumpati

Balik-Tanaw

Ngayon, balikan natin sandali ang natutuhan mo sa Akademikong Pagsulat, pag-isipan natin ang kahalagahan nitosa
panahong kinapapamuhayan natin sa kasalukuyan. Sa panahon ngayon na may Pandemik ng Covid-19, napakalaki ng
dulot nito sa ating mga buhay partikular sa ating mga kabuhayan. Bilang mag-aaral ng Akademiko na Strand, natutuhan
mo na ang kahulugan ng akademikong Pagsulat at ang kabuluhan nito sa ating buhay. Ngayon sa totoong kalagayan mo
kung pakaiisipin mo, paano mo nakita o nakikita ang tulong na naibigay o maibibigay sa iyo ng mga bagay at kaalaman
naito na natutuhan mo sa Akademikong Pagsulat? Pakaisipin mo sandali at pagkatapos isulat sa kwaderno ang iyong
kasagutan at ipaliwanag.

Page 5
Gawain

PAGSULAT NG DYORNAL
Panuto: Gumawa ng isang Dyornal na kung saan makikita ang bawat bahagi ng talumpati at susundinang gabay na
tanong. Ito ay inyong sasagutan sa inyong sagutang papel o bond paper.

Gabay na tanong:
Bakit kailangang matutuhan ang pagsusulat ng talumpati?

MARKA NG KABUUAN NG
Pamantayan sa Pagmamarka MAG-AARAL PAG MARKA
100%
Nilalaman 50%

Maayos na Pagpapaliwanag 25%


Maayos na pagkasunod-sunod na bahagi ng talumpati 25%

Gawain

PAGPAPAHALAGA SA PAKIKINIG NG TALUMPATI


Panuto: Isulat ang mga katangian ng talumpati at ang mga ibigsabihin nito.

Talumpati

Page 6
Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Panuto: Basahin at piliin ang tamang sagot Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Anong uri ng talumpati ang binibigay ng biglaan o walang paghahanda at kaagad na iibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita?
a. Biglaang talumpati c. Maluwag na talumpati
c. Isinasaulong talumpati d. Manuskrito
2. Ito ay isinasagawa ng walang pag hahanda at binibigyan lamang ng iang minute ang magpeprensta ng talumpati para sa
pagbuo ng ipapahayag na kaisipan. Anong uri ng talumpati ito?
c. Biglaang talumpati c. Maluwag na talumpati
d. Isinasaulong talumpati d. Manuskrito
3. Ang mga detalye o nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa pagkakasunod-sunod ngpangyayari o panahon. Anong
uri ng huwaran sa pagbuo ng talumpati ito?
c. Biglaang talumpati c. Kronolohikal na Huwaran
d. Huwarang Problema-Solusyon d. Topikal na Huwaran
4. Itoay kalimitang nahahati sa dalawang bahagi ang pagkakahabi ng talumpati . Anong uri ng huwaran sa pagbuo ng
talumpati ito?
c. Biglaang talumpati c. Kronolohikal na Huwaran
d. Huwarang Problema-Solusyon d. Topikal na Huwaran
5. Ito ay ginagamit sa mga kumbesyon seminar o programa sa pagsasaliksikkaya pinag-aaralan itong mabuti at dapat na
nakasulat. Anong uri ng talumpati ito?
c. Biglaang talumpati c. Manuskrito
d. Maluwag na talumpati d. Isinasaulong talumpati
6. Ito ay kagaya rin ng manuskrito sapagkat ito ay mahusay ding pinag-aralan athinabi nang maayos bago bigkasin sa harap
ng mga tagapakinig. Anong uri ng talumpati ito?
a. Biglaang talumpati c. Maluwag na talumpati
b. Isinasaulong talumpati d. Manuskrito
7. ang talumpati ay kalangan mainaw at maayos ang pagkakasulat at may linaw sa pagbigkas para maunawaan ng mga
tagapakinig. Anong katangiang taglayin ng katawan sa talumpati ang nabangit?
a. Kawastuhan c. kaakit-akit
b. Kalinawan d. katapusan o kongklusyon

8. Sa bahaging ito ay makikita ang pinakamahalagang bahagi ng talumpati sapagkat dito tinatalakayang mahahalgang punto o
kaisipang nais ibahagi sa mga nakikinig. Ito ang pinakakaluluwa ng talumpati.Anong kasanayan sa paghabi ng mga bahagi
ng alumpati ang nabangit?
a. Diskusyon o katawan c.kongklusyon
b. Introduksyon D. Topikal na huwaran
9. Ito ay naghahanda sa mga nakikinig para sa nilalaman ng talumpati kayanaman dapat angkop ang pambungad sa katawan
ng talumpati. Anong kasanayan sa paghabi ng mga bahagi ng alumpati ang nabangit?
a. Diskusyon o katawan c.kongklusyon
b. Introduksyon D. Topikal na huwaran
10. Anong huwaran sa pagbuo ng talumpati ang hindi kabilang sa mga sumusunod?
a. Huwarang Problema-Solusyon c. Manuskrito
b. Kronolohikal na Huwaran d. Topikal na Huwaran

Page 7

You might also like