Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Mapanas Agro- Industrial High School


Mapanas Northern Samar

Spoken Poetry
In
Contemporary Arts
Submitted by:
Maybelyn P. Taringting
Grade 11- Einstein

Submitted to:
Szaji Espina
Subject Teacher

BAKIT AKO
WRITER: JAZZMINE YEE
Hindi ko na alam kung saan ako magsisimula
kung sa dulo ba, o sa umpisa
hindi ko na alam kung itutuloy ko paba
hindi ko alam kung tama paba ito
hindi ko alam kung bakit ang gulo
ginawa ko naman lahat ng makakaya ko
ginawa ko naman lahat ng gusto mo
pero bakit ganito?
Bakit di ko parin sya mapalitan sa puso mo?
Ako nga ang kasama mo pero siya naman ang iniisip mo
Ako nga ang kausap mo
Pero sya parin ang bukambibig mo
Ako nga ang nasa tabi mo
Pero presensya niya parin ang hinahanap hanap mo
Alam ko
Dahil ramdam ko
Pero sabi ko kasi sa sarili ko magpapakatatag ako
Dapat hindi nako naapektuhan sa lahat ng ito
Pero mahal ang sakit kasiAng sakit sakit mong mahalin
Hindi ko alam kung bakit ako
Kung bakit pilit Pinaglalaruan ng tadhana ang puso ko
Kung bakit ako ang pinili ni tadhana para saktan ng ganito
At kung bakit ako lagi ako nabibigo
Bakit laging ako?
Bakit lagging ako yung nasasaktan?
Bakit lagging ako yung naiiwang luhaan?
Bakit lagging ako yung naiiwang sugatan?
Bakit laging ako yung ang naiiwan sa kawalan?
Ano bang mali sa’kin? Meron ba? May kulang ba? May subra ba?
Sabihin mo naman para alam ko kung anong gagawin ko
Bakit ako?
Hindi ba ko karapat-dapat na sumaya?
Hindi ba talaga ako kamahal-mahal?
Wala na ba talagang tatagal?
Ang sakit mong mahalin
Pero kahit anong sakit ang iparanas mo ikaw pa rin
Ikaw pa rin ang pipiliin ko kahit sa paningin ng iba ang tanga tanga ko
Kasi kahit masakit kang mahalin
Kahit nakakapagod kang mahalin
Ikaw pa rin ang gugustuhin kung makasama hanggang pagtanda
Kahit siya,
Ang gusto mong makasama
Pag bigyan mo naman akong mahalin ka
Pagbigyan mo naman akong pasayahin ka
Tayong dalawa nalang muna
Wag muna siya
Matagal na kayong tapos, Pero bakit siya pa rin?
Matagal na kayong tapos
Pero bakit siya pa rin?
Hindi ba pwedeng ako naman?
Tayo naman?
Ako nalang?
Tayo na lang?
Buksan mo naman yung puso mo
Pakiusap Mahal
Ako nalang ang mahalin mo.

You might also like