Ang Aking Dalagang Filipina

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

"Ang Aking Dalagang Filipina"

Isang gabi

Matutulog na dapat ako pero hindi ako mapakali

Yung sari sari nang posisyon ang ginawa pero parang may mali

Ngunit nung humarap ako sa bandang kaliwa may nakita akong isang imahe

At dito ako naging komportable

Isang imahe na napakaganda

Na maituturing kong Dalagang Filipina

Hindi man malambing dahil sa araw araw mong mura

Hindi rin mahinhin dahil sa sermon mo pagkakaumaga

Ngunit puso mo ang nagdidikta

Ng tunay na halaga ng dalawang salita

Kung ano ang hirap ng pagiging Ina

Yung siyam na buwan akong dala dala sa sinapupunan

At paglabas ko wala syang ginawa kundi ako'y pagpuyatan

Ngunit ang hirap ay hindi alintana

Dahil paglaki ko, ikaw ang unang tagahanga

Hindi naman guro, pero parang ganun na nga

Dahil ikaw ang nagturo ng mga numero't a-ba-ka-da

Mga maling asal ay ikaw sumisita

Tapos ituturo kung ano ang tama

Sana ay hayaan mong ibalik ko yung mga bagay na ginawa mo

Yung pagpupuyat mo ng magdamag

Pagpapatahan kapag ako'y umiiyak

Paglilinis ng aking mga sugat

Pagpapakain pag ako'y nilalagnat

At pagpapaalala kapag ako'y may lakad

Kaya't darating ang araw na masusuklian

Lahat ng iyong hirap sa umaga't magdamagan

Lahat ng oras na iyong inilaan

Aking tutumbasan

Pagmamahal na hindi matutumbasan ng kahit na anong halaga

Materyal na bagay man o sandamakmak na pera

Pagmamahal na hindi ko hiningi pero binigay mo ng kusa

Pagmamahal na kahit kailan ay alam kong hindi mawawala

Kung kaya't para sa akin ay isa kang Dalagang Filipina

Dahil sa taglay mong ganda na may kakayahang magpaligaya

Ganda na kayang magpatahan ng lumuluhang mga mata

At ganda na taglay din ang kaugalian ng isang butihing ina.

You might also like