Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

“3.

3 KAAMULAN FESTIVAL: ISANG TAUNANG SELEBRASYON SA PROBINSYA NG


BUKIDNON”

Ang Bukidnon ay kilala bilang “Pineapple Capital of the World”, isa itong agriculturwl na
lugar at lupain. 24.4 digri selsyus ang kadalasang temperatura at hindi bumababa sa 18.5 digri
selsyus.

 Pangunahing iniluluwas na mga produkto ay palay, mais, tubo, kape, goma, niyog,
kamoteng kahoy, palm oil, iba’t ibang klase ng bulaklak tulad ng rosas, calla lilies,
babies breath, orchids, daffodil, anthoriums; mga prutas tulad ng pinya, rambutan,
manga, santol, durian, dalandan, saging, lansones; mga gulay at rekados tulad ng
repolyo, labanos patatas, asparagus, broccoli, lettuce, carrots, cauli flower, sweet peas,
kalabasa, atsal, sibuyas na dahoon, kamatis, at luya. Nangunguna din sa pagprodyus ng
mga manok, baboy, at baka ang probinsya.
• Paglalarawan sa mga Tao
• May siyamnapu’t limang porsyento (95%) ng populasyon ng Bukidnon ay
Pilipino at limang porsyento nama ay mga Britanyo, Amerikano, Indonesyo, Tsino, at
Koreano. Ilan sa mga banyagang ito ay mga mangangalkal at negosyante, at ang ilan
naman ay nag-aaral, nag sasaliksik, o kaya’y may relihiyosong misyon at kasapi sa
turismo. Sebuano ang pangunahing wikang gamit ng mga Bukidnon. Ang ilang’ wika ay
Bisaya-Hiligaynon, at Binukid.
• Iba pang Etnikong Grupo ng Bukidnon at Paraan ng Pagdiriwang ng Kaamulan
• Bawat taon, tuwing buwan ng Marso, ang Bukidnon, bilang sentro ng pinyahan sa
Pilipinas, ay nagdiriwang ng Kaamulan Festival. Ito ay Pistang etnikong kultural. Ang
katawagang Kaamulan ay mula sa Binukid na wika na amul na nangangahulugang “To
gather” o “Lipunang Pagtitipon”. Ito rin ay nangangahulugang ritwal ng mga Datu
tulad ng seremonya sa kasal, piyesta ng pasasalamat gaya ng pag-aani, kasunduang
pangkapayapaan, at iba pa.
• Ginaganap ito sa siyudad ng MALAYBALAY na at ipinag diriwang ng pitong tribu:
Bukidnon, Higaunon, Talaandig, Manobo, Matigsalug, Tigwahon, at Umayamnon.
• Ilang katutubong tribu ang nagpepresenta sa pitong kabundukan upang maipakita ang
kanilang naggagandahang kasuotan at palamuti gaya ng kwintas, pulsera, hikaw,
magagandang dekorasyon sa ulo at mga anting-anting. Sabay-sabay na sumasayaw,
kumakanta, at nagpapakita ng kanilang ritwal ang mga grupong ito. May paligsahan din
sa iba’t ibang isport. Ang kanilang mga wika ay napag-aralan na ng mga lingwista. Ito
ay anak ng wikang kilala sa tawag na proto-manobo at pinaniniwalaang lumipat sa
katimugang bahagi ng Mindanao mga ilang siglo na ang nakaraan.

Kaamulan Festival – Etnikong piyesta ng Pilipinas, na kasabay rin sa araw ng pagkatatag ng


Bukidnon noong 1917 at inaabangan ng lahat. Mga etnikong pantribung awitin, mga sayaw, laro,
gawaing pangkamay o handicraft, at mga ritwal ang pumapaloob sa piyesta na nagging
masayang okasyon para sa lahat bilang pagbabalik-tanaw sa nakaraan.

May Pangampo o pangkalahatang pagsamba;


• Tagulambong hu Datu o ritwal ng bagong datu sa isang lipunan;
• Panumanod o seremonyas ng mga ispiritu;
• Pansilig o pagpapalayo ng mga masasamang ispiritu;
• at Pamalas o ritwal ng pagbabayad ng kasalanan.

• Tampok sa piyesta ang iba’t ibang exhibit tulad ng mga halamang doon lang makikita,
trade fair, iba’t ibang putahe, mga bazaar, live stock show, agri fair, Motorcross,
paligsahan ng off-road, mga isport, karerahan ng mga kabayo o horse radeo, amatyur na
boksing, invitational basketball tournament, adventure races mga konsyerto, at
pagsasayaw sa daan o street dancing at mga magagarang float ng bawat tribung
inirerepresenta nito.
• Sa bandang hapon may dance clinic na pinangangasiwaan ng mga Indigenous People
(IP) gamit ang kanilang mga katutubong tambol at iba pang instrumentong musical. May
mga awitin mula sa kanilang mga epiko-pagsasalaysay ng limbay, pag-awit ng
idangdang, bayok-bayok o mga berso, mga bugtong na tinatawag na antoka, nanangon o
folktales. Tuwing gabi, nag kakaroon ng pagdedebate sa pag-alam ng pinagmulan ng
lahi.
• Ang Kaamulan ay umuunlad habang dumaraan ang panahon hindi lamang ang kanilang
etnikong tribu ng Bukidnon, kundi pati na rin ang kanilang mga produktong iniluluwas at
lokal na establisamento ng buong probinsya. Sa bagong henerasyon, ang matatandang
katutubo at ang mga bumibisitang banyaga ay nagging daan upang makilala at
mapahalagahan ang kultura ng Bukidnon. Ang lahat ng ito ay karapat-dapat lamang na
maipamana sa susunod na salin-lahi.

Pinagmulan ng Kaamulan Festival

• Ang selebrasyon ng piyest sa Munisipalidad ng Malaybalay ang kauna-unahang


Kaamulan Festival na ginanap noong Mayo 15, 1974. Ang festival ay pinagtibay bilang
rehiyunal na festival ng Hilagang bahaging Mindanao ng Regional Development
Council noong Setyembre 16, 1977. Sa pagitan ng taong 1960 hanggang 1970, bawat
indibidwal ay nagpunyaging buuin ang selebrasyon bilang paggalang sa mga nagging
kontribusyon ng mga katutubo ng Bukidnon lalo na sa kanilang kultura. Sa buwan ng
Nobyembre 1977, pinangunahan ng gobyernong probisyonal ng Bukidnon ang kauna-
unahang Kaamulan Festival. Sa taong 1978 hanggang 1998, ang Kaamulan ay
napagkasunduang idaos tuwing unang Biyernes ng Setyembre. Subalit noong 1999, ito
ay inilipat sa kalagitnaan ng Pebrero haggang Marso, kasabay na rin sa selebrasyon ng
pagkatatag o Foundation Day ng Bukidnon. Ang kauna-unahang Kaamulan Off-Road
Challenges at Kaamulan Invitation Shootfest ay naidagdag na rin bilang isa sa
pangunahing kaganapan ng Festival noong 2002. Mayroon ding pagpapakita ng mga
kontemporaryong sining ng Bukidnon na tinatawag na bansagen. Noong 2006,
nagkaroon ng kauna-unahang National Folklore Conference at pagsusulat ng
katutubong awit para sa mga estudyante.

Ang mga kultura na Grupong kasapi sa Kaamulan Festival ay ang mga Manobo.
Nabibilang sila sa original na proto-philippines stock ang mga taong Bukidnon. Ang
pangunahing pinagkukunan ng pangangailangan ay paggawa ng mga hinahabing damit at
mga palamuti tulad ng hikaw malalapad na kuwentas, pulsera at iba pa. Iba’t ibang
kultura na komunidad na makikita sa Probinsya ng Bukidnon ay ang mga grupo ng
Manobo, Bukidnon, Higaonon, Matigsalug, Talaandig, Tigwahanon, at
Umayamnon. Ang Arumanen naman ay isang sub-grupo.

Mga pahapyaw na pagpapaliwanag at pagpapakilala sa mga tribu.


1. Ang Arumanen-Manobo ay makikita sa probinsya ng Hilagang Cotabato.
• Sila ay napabilang sa orihinal na proto-Philippines stock.
• Ang pangunahing pangangailangan ng grupo ay paghahanap ng pagkain at pagsasaka.
• Parehong hirap sa bigat ng mga trabaho ang kalalakihan at kababaihan.
• Kinikilalang pinuno ng Arumanen-Manobo ang Timuay o Datu na siyang tumatawag
ng mga pagpupulong.
• Ang tradisyunal na sosyal na estruktura ng Arumanen ay binubuo ng limang klase.
Timuay namamahalang grupo; Walian o shaman nangunguna naman sa espiritwal na
aspekto; mandirigma; taong karaniwan o hindi Maharlika; at alipin.
• Ang Arumanen ay nanatili pa rin sa pagsasagawa ng ilang mga ritwal gaya ng “Samaya-
an Festival” na taunang ginaganap sa huling lingo ng Disyembre bilang pasasalamat sa
kanilang kinikilalang mga makapangyarihang diyos/diyosa, at paghahanap ng mga
senyales tulad ng mga grasya o swerte para maiwasan ang mga kamalasan sa darating na
taon sa kanilang komunidad.
2. Ang diyalekto ng Bukidnon ay Binukid. Sila ay kayumangging kaligatan at may maitim na
buhok. Katamtaman lamang ang taas (limang talampakan) nila at hindi pango ang ilong.
• Ang panliligaw at pag-aasawa ng mga Bukidnon ay inaayos ng kanilang mga magulang
sa edad pa lamang na pito.
• Nagpapraktis ang kalalakihan ng pagkakaroon ng maraming asawa ngunit ang
kababaihan ay iisa lamang. Nangyayari ang kasalan sa pamamagitan ng mamin o betel na
hinulmahan ng kanin.
• Ang sining ng Bukidnon ay ipinahihiwatig sa kanilng mga sayaw, tula at awit, paghahabi
ng banig at bulso.
• Ang instrmentong musika nila ay mga plawta na yari sa kawayan, alpang kawayan, iisang
hiblang biyolin, at hugis bangkang gitara.
• Gumagawa ril sila ng mgay banig, sombrero, pambitag ng isda, at hinabing tela para sa
handicraft na produkto ng mga Bukidnon.
• Ang mga magsasakang Bukidnon ay nagpapraktis pa rin ng tradisyunal na pamamaraan
sa pagtatanim ng palay.
• Bigas, mais, abaka at mga gulay ang mga produktong kanilang iniluluwas.
• Ang kapangyarihan ng isang datu ay nabubuo sa pamamagitan ng tiwala at kakayahang
pamunuan ang kanyang grupo. Tinitingnan ang kanyang pakikihalubilo at mga tagumpay
sa buhay, at hindi nakabatay sa katandaan ang kanyang pagkadatu.
3. Ang terminong Higaunon ay nangangahulugang people of the wilderness.
• Hindi lamang probinsya ng Bukidnon ang kanilang tirahan kundi pati na rin sa Agusan
del Sur at hangganan ng Misamis Oriental.
• Ang etno-legal na aspekto lalo na sa kultura ng mga Higaunon ay nagbabago dahil sa
pamamalakad ng kanilang datu.
• Dito sa Bukidnon, and principal na pinuno na may maraming angkan ang namamahala sa
buong komunidad.
• Sa ilalim ng pinuno ay ang mga menor na datu na nagsisilbing tagabantay sa buong
komunidad.
• Responsibilidad ng pinuno ang tagapamalakad lamang.
• Ang estado ng isang pinuno ay namamana at nakukuha sa pamamagitan ng mga
karanasan at tagumpay niya sa buhay.
• Ipinasa ng malapit nang mamatay na datu sa isa sa kanyang mga anak na lalaki ang
kanyang katungkulan.
• Kadalasan, ibinibigay ito sa isang may kakayahang mamahala sa kanilang lipunan
pagdating sa tamang panahon.
4. Ang Matigsalug ay grupo ng Bukidnon na makikita sa lambak ng Tigwa-Salug, San
Fernando. Nangangahulugang “mga Tao sa Ilog ng Salug” ang Matigsalug.
• Ang mga kalalakihan ay nakasuot ng maikling-masikip na pantalon hanggang sa tuhod
lamang at tinuping turbante o telang pamugong sa ulo na may maraming palamuti tulad
ng butyl o beads na may mga buhok ng kambing o kabayo.
• Tinatayang mahigit sa 146,500 ang populasyon ng Matigsalug.
5. Isa sa nagpapatuloy at nagpepreserba ng kanilang katutubong kaugalian, paniniwala at praktis
ay ang tribong Talaandig kahit na sa malakas na pagpasok ng modernisasyon at pagbabago.
• Ang tinatayang populasyon ng Talaandig ay mahigit na isangdaanglibo.
• Ang miyembro ng grupo ay makikita sa barangay at munisipalidad ng Bundok Kitanglad.
• Ang pinaniniwalaang Diyos ng mga Talaandig ay tinatawag nilang Magbabaya.
• Pinaniniwalaan nila itong pumuprotekta ng kanilang kalikasan na makikita sa sosyal,
pulitikal, at pangkabuhayan na aspeto ng kanilang buhay.
• We gather soil of different colors and use white glue as paint binder, paliwanag ng
Datu Vic Migketay “Wayway”. Isang datu ng lipunan na nagpakilala ng ganitong
material na pagpipinta.
• Nagsasanay na rin siya ng ilang mga kabataang magpinta at nananalo ang mga ito sa
paligsahang rehiyunal at nasyunal na nagging daan ng pag-angat ng kanilang kabuhayan.
Tinatawag nila itong soil painting.
6. Watak-watak sa buong Munisipalidad ng San Fernando at hangganan ng Davao del Norte ang
Tigwa o Tigwahanon.
• Ang ibig sabihin ng Tigwahanon ay mula sa salitang guwa o scattered sa ingles at mula
sa ilog ng Tigwa na kung saan sila nakatira.
• Sa kasalukuyan, ang mga Tigwahanon ng Agusan Del Norte, Bukidnon, Agusan del Sur
at Misamis Oriental ay umaabot na sa bilang na 36,128 ang populasyon.
7. Ang Umayamnon ay nakatira sa may ilog ng Umaran sa Probinsya ng Bukidnon.
• Kilala ang tribong ito sa kanilang pagkamahinhin, matatag kung magdesisyon at eksperto
sa gubat.
• Makikilala sila dahil sa kanilang katamtamang kulay ng balat, katamtamang tangkad, at
sa kanilang prominenteng panga at buto sa dakong itaas ng pisngi o cheekbone.
• Gumagawa sila ng butyl o beadsworks bilang palamuti sa katawan tulad ng ginakit at
inaboy o kwintas, suning o handbag ng lalaki, at binuklad o pulseras.
• Ang populasyon nila ay aabot sa 101,906.

Ilang mga Kasanayang Kultura


Mga kahulogan o deskripsyon ng mga praktis ng mga Manobo- at ang pitong tribu ng
Bukidnon – sa isang buong taon.
• Una, ang Pangampo, isang taunang ritwal na nangyayari tuwing buwan ng Enero na
pumapaloob sa pagdarasal para sa kanilang diyos na si Magbabaya. Pinepreserba at
pinoprotektahan ang pitong (7) pinaka importanteng bagay sa mundo: lupa, tubig,
punong kahoy, apoy, hangin, tunog at paniniwala at tradisyon sa pamamagitan ng
tamang paggamit dito.
• Pangalawa, ang Panagulilay, isang pagdarasal na nagaganap tuwing buwan ng Marso at
humihingi kay Magbabaya ng Ulan para sa kanilang lupang sakahan. Dahil dito,
nagiging masagana raw ang ani ng kanilang mga pananim. Ang Salangsang ay isang
seremonya rin sa paghingi ng pahintulot kay Magbabaya na magtanim ng iba’t ibang
halamang pagkain. Ang pang-ibabasok naman, ay pagsamba bago at pagkatapos
magtanim. Nangangailangan ng tatlong manok na kulay puti, pula at dilaw. Mayroon din
silang seremonyas ng panangga o proteksyon ng kanilang tanim na tinatawag na layag-
layag. Ang ritwal na talabugta ay taunan ginagawa. Nagpapasalamat din sa lupang puno
ng kasaganaan. Lahat ng ito ay ginagawa nila kung sila ay nagtatanim.
• Pangatlo, ang lagong, isang pasasalamat sa mga biyayang dumating mula kay
Magbabaya. Ang pagdating ng mga bisita at kaibigan ay isang biyaya rin ayon sa kanila.
Gumagawa sila ng tula o musikang tunog bilang mainit na pagtanggap sa mga kagalang-
galang na bisita. Ang mga pahayag ay sinasabi sa malalim na pananalita ng Higaunon at
tanging mga eksperto lamang ang nakakaunawa nito. Tinatawag din nila ang gawaing ito
na limbay.
• Pang-apat, ang samayaan na isang ritwal ng buong lugar bilang pasasalamat sa isang
buong taong kapayapaan at matiwasay na lipunan. Hinihingi rin nila ang mabuting
kalusugan. Kadalasang nangyayari ito sa buwan ng Oktubre o katapusan ng taon. Isa
itong masayang festival na ipinagdiriwang sa pamamagitan ng pagkanta at pagsasaya.
• Panlima, ang pangapar, isang pagtitipon ng lahat ng mga mangagamot upang maitaboy
ang mga pinagmulan ng sakit at karamdaman. Nangyayari ito kung may epidemya o
mabilis na pagkalat ng nakakahawang sakit. Sa ritwal na ito ay nagbibigay sila ng mga
pagkain, hayop, prutas, tabako at mama sa kanilang pinaniniwalaang bathala. Kung
nalaman ang pinagmulan ng sakit ng isang miyembro ng pamilya, naghahandog sila ng
pagkain. Tinatawag naman na kandulian ang ritwal na ito na ginagawa kung may sakit
ang isang katribu. Ang kaliga ay isang siyam-na-araw ng pagdarasal sa pamamagitan ng
pagkanta at pagsasayaw ng tinatawag na dugso. Isang banal na baboy o limang banal na
manok ang hinihahandog sa ikasiyam na araw ng pagsasamba.

Pagsasaliksik.
• Ang Bukidnon ay popular sa tawag na “Food Basket”.
• Ang Bukidnon din ay isang kabundukang Paraiso.
• Ang Bukidnon ay tirahan ng mga Indigenous People o katutubong Pilipino.
• Mga kabundukan sa Bukidnon;
1. Mt. Kimangkil Range
2. Pantaron Range
3. Mt. Tangkulan Range
4. Mt. Tago Range
5. Mt. Kalatungan Range Natural Park
6. Mt. Kitanglad Range Natural Park
• Ang bukidnon din ay isa sa mga tirahan ng mga mapanganib na hayop at naging
pangkabuhayan din ng mga tao sa bukidnon. Tulad ng Endemic Fauna and
Flora.

You might also like