Epiko Ni Blancha

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

John Louie S.

Blancha Grade 10- Lapu-Lapu


Si Kaloy ang Batang Itinakda

Bata pa lamang ay matulungin na si Kaloy. Palagi niyang tinutulungan ang kaniyang Ama sa
pagkuha ng kahoy sa kabundukan. Si Kaloy ay sampung taong gulang na nakatira sa paa ng bundok
kasama ang kaniyang pamilya. Hindi na bago sa kanya ang mahirap na buhay kayat palagi niyang
pinapaalala sa kanyang sarili ang tumulong sa kapwa ng walang hinihinging kapalit. Siya ay may tatlong
kapatid, si Berta, si Nilo at ang bunso na si Toto kahit salat sila sa buhay ay hindi nila nakakalimutang
maging masaya.

Habang bumababa ng bundok si Kaloy ay may nakita siyang isang matanda na nakaupo sa ibaba
ng puno at tila ba hinang-hina.

Nilapitan niya ito at nagwika “Ano pong ginagawa niyo diyan? Wala po ba kayong kasama?” ani Kaloy. 

Sumagot naman ang matanda at sinabing “Ako ay ilang araw ng pagala gala dito sa kagubatan sa
kagustuhan kong makahanap ng aking kakainin, mayroon ka bang tubig at tinapay diyan iho?” 

Nag isip ng malalim si Kaloy, kung kaniyang ibibigay ang kaniyang baon ay siya naman ang walang
kakainin sa pagbaba niya ng bundok ngunit dahil likas ngang matulungin si Kaloy ay kaniya pa din itong
ibinigay sa matanda. “ Ito pong aking baon ay sa iyo na lang, maaari naman akong kumain sa aming
bahay sa aking pag uwi” gutom na ding wika ni Kaloy. 

Agad naman itong tinanggap ng matanda at nagpasalamat. “Ramdam kong ika’y nagugutom din ngunit
iyo pa ring ibinigay sakin ang pagkain na sana ay para sa iyo. Maraming salamat sa iyong kabutihan”. 

Aalis na sana si Kaloy ng pigilan siya ng matanda “Kaloy” ani ng matanda. Agad namang lumingon si
Kaloy dahil nagulat siya ng tawagin ng matanda ang kaniyang pangalan kahit hindi naman niya ito
nabanggit. “Po? Paano niyo po nalaman ang aking pangalan samantalang hindi ko ito nabanggit sa
inyo?” wika ng batang si Kaloy. 

Biglang ngumiti ang matanda at nag wika “Matagal na akong naghahanap ng taong kayang pangalagaan
ang bato na ito” sabay labas ng bato sa kaniyang bulsa. “Dahil sa kagandahang loob na iyong ipinakita
sakin kahit ikaw ay salat din, ikaw ang napili kong mangalaga dito” 

“Para san po ito?” ani Kaloy


“Makakatulong yan sa iyo at sa mga tao sa paligid mo” ani matanda at bigla itong ngumiti at nawala. 

Unti-unting nagiging iba ang pakiramdam ni Kaloy tila ba nakakaramdam siya ng enerhiya sa kaniyang
katawan. Enerhiyang ngayon niya lamang naramdaman at alam niyang ang enerhiyang ito ay
makakatulong sa mga taong nangangailangan sa kanyang tulong. 3

Lumipas ang mga taon tila ba mas naging mabilis si Kaloy at hindi nakakaramdam ng pagod. 

Naglalakad si Kaloy sa bayan ng may marinig siyang sumisigaw “Tulong! Tulong magnanakaw!” sigaw ng
isang ginang sa di kalayuan. 
Nakita naman ni Kaloy ang magnanakaw at agad itong hinabol dahil nga sa taglay niyang bilis at lakas ay
kaniyang nahabol ang magnanakaw at dinala sa mga pulisya. Agad namang nagpasalamat ang ginang ng
maibalik ni Kaloy ang kaniyang bag. 

At nagpatuloy ang pagtulong ni Kaloy sa kaniyang mga kababayan. Naging kilala siya bilang Kaloy de
Koneho dahil nga sa bilis niyang humabol ng masasamang loob. 

Naging hadlang naman siya sa isang sindikatong nagpapatakbo sa mga magnanakaw sa kanilang bayan.
Ang grupo nila Tiago, kilalang naninikil sa mga tao sa palengke na kung hindi magbibigay ay kanilang
sasaktan.

Isang araw habang namamalengke si Kaloy at kanyang ina, nakarinig si Kaloy ng diskusyon sa bandang
dulo ng palengke. Nandun si Tiago at hawak sa kwelyo ang isang mamang nagtitinda ng isda

 “Alam mo na ang sistema Dodong, hindi pwedeng hindi ka magbibigay!” ani Tiago

“Pasensiya na Tiago, wala pa akong benta!” takot na sabi ni Dodong. 

Agad namang lumapit si Kaloy kahit pinipigilan siya ng kaniyang ina upang makaiwas sa gulo 

“Tiago, mahihina na lang ba ang kaya mong kantiin?” natatawang sabi ni Kaloy. 

Tila nagpinting ang tenga ni Tiago at agad na binitawan ang tindero at sumugod kay Kaloy, hindi naman
nagpatalo si Kaloy at tinanggap nya ang sugod nito at hindi pa nagtatagal ay nakahandusay na si Tiago sa
sahig at tumakbo na ang kaniyang mga kasama. 

Agad namang tumayo si Tiago at nag wika ng “Babalikan kita!” at tumakbo. 

“Salamat Kaloy!” wika ni Dodong.

“Walang anuman po” ani Kaloy

Naging tahimik naman ang mga sumunod na linggo ngunit hindi ang linggo na ito. 

Naglalakad ang kapatid ni Kaloy na si Berta papunta sa paaralan ng harangin at kunin ito ng grupo ni
Tiago. 

“Tignan natin kung maliligtas ka ng Kuya mong mayabang!” ani ni Tiago

“Wahhhh! Tulong! Tulong! Kuya Kalooooy!” sigaw ni Berta at nawalan na siya ng malay. 

Gumabi na at tila nagtataka si Kaloy at ang kaniyang ina dahil wala pa ding sa kanilang bahay si Berta. 

“Kaloy, nagsabi ba sayo si Berta kung may pupuntahan siya?” wika ng kaniyang ina.

“Wala naman siyang nasabi sakin na siya’y gagabihin” ani Kaloy.


Lumalalim na ang gabi at kinakabahan na si Kaloy. “Saan naman kaya maaaring magpunta si Berta?”
wika niya sa kaniyang sarili. 

Kinabukasan, paglabas ni Kaloy may nakita siyang picture ni berta na nakatali sa upuan at sa likod nito ay
mensahe. 

“Kung gusto mo makuha ng buhay ang iyong kapatid, pumunta ka sa bodega malapit sa palengke -
Tiago” 

Wala ng pag dadalawang isip ay pumunta siya at nadatnan niyang nakangiti na tila ba demonyo si Tiago. 

“Aba dumating na tagapag ligtas ng mundo” natatawa tawang wika ni Tiago

Agad namang napalingon si Tiago sa kaniyang kapatid na nakatali sa upuan at tila ba takot na takot. 

“Pakawalan mo ang aking kapatid! Walang ginawang siyang masama sa iyo!” galit na wika ni Kaloy. 

“Siya wala, pero ikaw? Meron! Masyado kang pakilamero, hindi ka naman dapat sumasali pero pilit
mong sinasali ang sarili mo! Dahil diyan, hindi ka na makakatakas pa dito!” wika ni Tiago. 

At nagsugudan na nga ang mga tauhan nito kay Kaloy. 

Ngunit sa taglay na lakas ni Kaloy ay agad niyang napatumba ang mga tauhan ni Tiago. 

“Hindi kailanman mananalo ang kasamaan sa kabutihan” wika ni Kaloy habang sinusugod niya si Tiago. 

At napatumba nga ni Kaloy ang kinatatakutang grupo sa kanilang bayan at dinala na ito ng mga pulisya
sa kulungan.

Nailigtas naman ni Kaloy ang kaniyang kapatid at nagpatuloy siya sa pagtulong sa kapwa ng walang
hinihintay na kapalit.

You might also like