Tubig: Filipino 10 - SLP 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

FILIPINO 10 – SLP 1

1. SUSING KONSEPTO

KOLOKASYON
Ano ang kolokasyon? May mga punong salita na kapag dinagdagan ng iba pang
salita ay maaaring makabuo ng ibang kahulugan. Tinatawag itong
KOLOKASYON/COLLOCATION.

Ginagamit ang kolokasyon upang magkaroon ng iba pang kahulugan ang mga salita
batay sa isa pang salita. Nilalayon nitong magamit ang isang punong salita sa iba pang
salita. Pinayayaman din nito ang salita at bokabularyo ng mga mag-aaral.

Narito ang halimbawa:

Bahay- (ang salitang bahay ay may sariling kahulugan na ibig


sabihin o tirahan ng tao o hayop. Kapag dinagdagan
o dinugtungan mo ito ng iba pang salita ikaw ay
makabubuo ng panibagong salita at kahulugan)

Kapit + bahay = kapitbahay – ibig sabihin isang taong


naninirahan malapit sa bahay niyo

Kasama + bahay = kasambahay – taong kasama at katulong


sa gawaing bahay

Lipat + bahay = lipatbahay – lumipat ng bahay o lumipat ng


tirahan

Buhay

Habambuhay
Agawbuhay
Talambuhay
Kathambuhay

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO


Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng
ibang kahulugan (F10PT-lla-b-71)

III. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO


A. Pagsasanay 1
Panuto: Magbigay ng mga salita na maaring isama o idugtong sa punong
salita upang makabuo ng iba pang kahulugan.

Halimbawa:
ulan

alat pampaligo
Tubig
kanal

1.
Bahay

RO_Filipino_Baitang 10_K2_LP 1
Kuwento
2.

Mata
3.

B. Pagsasanay 2:
Panuto: Basahin ang mitolohiya “Rihawani” mula sa Pilipinas at pagkatapos piliin ang iba pang
halimbawa ng kolokasyon. Itala ang inyong sagot sa sagutang papel.

Rihawani
Sa isang kagubatang maraming bundok sa isang lugar ng Marugbu, isang liblib na
pook, ang mga naninirahan doon ay may pinaniniwalaang isang diyosa o diwata ng puting usa
na may busilak na puso. Ito ang kuwento ng kanilang mga ninuno na unang nanirahan doon.

Ang Diyos daw na ito ay tinatawag na Rihawani. Kung minsan ay nagpapalit anyo
bilang isa ring puting usa. Ang mga naninirahan sa masukal na pook na ito ay ingat na ingat
at takot na takot na magawi o maglagalag sa kagubatan, pinananahanan ni Rihawani, kahit
alam nilang dito sila maraming makukuhang mga bagay na maaari nilang magamit o
mapagkakitaan. Mga prutas,pumpon ng bulaklak, mga hayop-gubat, mga halamang-gubat, at
iba pa.

Sang-ayon sa kanila, may nakakita na kay Rihawani. Isa sa mga taong naninirahan
din doon. Minsan daw, nang maligaw ito sa pangunguha ng mga kahoy at bungang – kahoy ay
napadako ito sa pook ni Rihawani. Nakita raw at nasumpungan nito ang diyosa. Kahit sa
malayo ay kapansin-pansin ang angking kagandahan lalo na ang pilik-mata nito, habang
nakikipag-usap sa ilang mga usang puti na nasa tabing-ilog. Nang maglakad ang mga ito sa
dakong patungo sa kinaroroonan ng mga mapangahas na tao ay mabilis na tumakbo dahil sa
takot na makita ni Rihawani, ang diyosa. Nang makarating ito sa bahay ay hindi magkumahog
sa pagbabalita sa kaniyang nasaksihan. Mula noon ay lalo nang naging katatakutan ang
kagubatang iyon.

C. Pagsasanay 3:
Panuto:Bigyan ng mga kaugnay na salita ang sumusunod na punong salita.
Paramihan sa pagbuo ng kolokasyon at ibigay ang kahulugan ng nabuong
salita. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.
Punong salita Kolokasyon Kahulugan
1. __________ _________________
__________ _________________
Lakbay __________ _________________

___________ _______________

2. Lupa ___________ ________________


___________ ________________

3. __________ ___________________
Isip __________ ___________________

RO_Filipino_Baitang 10_K2_LP 1
__________ ___________________

PANAPOS NA PAGSUBOK
Panuto: Magbigay ng 2 salita na maaaring idugtong sa salitang ugat upang
makabuo ng panibagong salita. Ibigay ang kahulugan ng nabuong salita at
gamitin ito sa pangungusap.

Salitang-ugat Nabuong salita/ Kahulugan


Kolokasyon

1. Bata _____________ _________________________


_____________ _________________________
Pangungusap
1._____________________________________________________________
2._____________________________________________________________
2. Puso ______________ __________________________
______________ __________________________
Pangungusap
1. ____________________________________________________________
2. ____________________________________________________________

3.Anak ________________ __________________________


________________ __________________________
Pangungusap
1. ___________________________________________________________
2. ___________________________________________________________

IV. SUSI SA PAGWAWASTO


V. REPLEKSIYON

TALA NG NATUTUHAN

Natutuhan ko sa Natuklasan… Masasabi ko na…


aralin..

VI. SANGGUNIAN

Filipino- Ikasampung Baitang, Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon 2015, Vibal Group Inc. Department of
Education- Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address: 5 th Floor Mabini Bldg.,
DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1072 E-mail Address:
imcsetd@yahoo.com

Kontekstuwalisadong Banghay- Aralin sa Filipino – Baitang -10 (Kuwarter 2) Taong 2019,Department of Education Region V,
Curriculum and Learning Management Division, Learning Resources Management and Development System (CLMD-
LRMDS), Regional Center Site, Rawis, Legazpi City,4500

Inihanda ni:
RO_Filipino_Baitang 10_K2_LP 1
MARICEL N. FORMALES
Guro, La Purisima National High School
Sangay ng Camarines Sur

RO_Filipino_Baitang 10_K2_LP 1

You might also like