Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Runaway Child Brides - Ang Kuwento ng mga Tumakas sa Buya

Sa bulubunduking probinsya ng bukidnon sa Timog ng Pilipinas. May isang batang


edad na kinse anyos na ang pangalan ay Tessie, nakatakda nang ikasal. Si Tessie ay may
isang kaibigan na ang pangalan ay Matilyn, katorse anyos, kasal na at may kalakihan ang tiyan.
Se liblib na komunida na ito ay bahagi ng kulturang Manobo ang Buya o pag-aasawa ng
maaga.

Sa isang nayon Natampog sa San Femando, Bukidnon may isang Matigsalug Manobo
na nakapagtapos ng kolehiyo. Siya ay ang gurong si Solomon Olantao. Isang siyang
kasalukuyang principal sa paaralang ng Sulads Comprehensive High School for the Lumads.
Marami ang pinagdaanan ni Teacher Solomon upang makapagtapos siya sa kaniyang pag
aaral. Naisipan niyang maglayas at naging isang run-away noong trese anyos siya nang
sinabihan siya ng kaniyang tatay na huwag na mag-aral kundi mag asawa na lang. Ang kapalit
ng kanyang kalayaan ay tatlong kabayo. Ito malaking halaga na sa mga Manobo. Hindi lahat
ng bata sa Manobo ay kapareha niyang may kapalaran. Sa paaralan ng Sil-angon Mission
School doon mga bata nag aaral ang iba wala at ang komunidad doon ay walang kuryente at
tubig. Aabot ng anim na oras na paglalakad upang maka abot sa lugar na ito. Ang mga bahay
sa komunidad na ito ay nakatayo talaga sa tuktok ng bundok. Ang mga tao dito ay umaasa
Iamang sa gubat para maka ahon. Marami sa katutubo nito ay hindi marunong magbasa at
magsulat. HIndi makikita ang anumang klase ng teknolohiya o kahit kuryente ay wala dito kaya
hindi rin nila alam kung sino ang presidente ng Pilipinas. Sa bundok doon walang kalendaryo at
ang kanilang binabase na mga araw ay gamit lang nilang kuro at dito nila binibilang ang
pararating na kasal. Katulad na lamang nalalapit na kasal ng anak ng Datu. Makikita na halos
lahat ng bata doon ay hindi payag sa Buya na tradisyon nila. Kaya ang isang solusyon naisip ng
mga bata upang makatakas sa kanilang tradisyon ay mag-aral sa isang paaralan na kailangang
lakbayin pa ng isang mahigit na oras marating lamang ang paaralan na itinayo ng mga grupo ni
Teacher Solomon. Hindi lang mga batang babaeng run-away ang makikita sa paaralan na ito
kundi may mga lalake din. Sulads Comprehensive High School for the Lumads ay nagsisilbing
silungan ng mga run-away brides. Katulad na lamang ni Elma. Sila ay libreng nakapag-aral sa
tulong ng mga donasyon at tumira sa mga kubo dito. May mga kabataan na katulad ng grupo ni
Elma na dapat senior high school na ay inilagay muna sa grade zero ay dahil huminto sila sa
pag-aaral noon. May oportunidad si Techaer Solomon kung tutuusin na magturo sa ibang
paaralan na may mas malaking sweldo, pero pinili niyang magturo sa kapwa niya katutubo.
Mahirap sa mga Katutubo ang makapag-aral kaya na reyalisa ni Solomon nang siya
nakapagtapos ng pag-aaral ay “Education is for everyone”. Marami ng nakapag-aral na
katutubo, meron na ding Sulads products, at may mga nakapagtapos na ng kolehiyo. Ang iba
sa ngayon ay nagbabalik serbisyo sa kani-kanilang tribo. Isa sa mga adhikain ng Katutubo na
ito ay ma preserba ang kanilang kultura at mga kwentong katutubo na maging inspirasyon sa
karamihan.

You might also like