Para sa akin, and panitikan ay isang masining na paghahayag batay sa paggamit ng
salita at kapwa nakasulat at oral na wika. Ito rin ang pangalan ng isang pang- akademikong paksa at ang pangalan ng teorya na nag-aaral ng mga akdang pampanitikan. Ang panitikan ay isang instrumento na kung saan sino mang tao ay makakapahayag ng kanyang emosyon, karanasan, at kaisipan. Dahil dito, ang panitikan ay nagiging mahalagang bahagi ng pag pasa ng ating kultura at tradisyon sa susunod na mga henerasyon. Bukod rito, ang pantikian ay nagpapakita na hindi lamang isa ang batayan ng katalinuhan. Ang dalawang uri ng panitikan ay piksyo at di-piksyon. Ang piksyon ay sumasaklaw sa mga uri ng panulit na walang katotohanan, kathang isip, o gawa-gawa lang. Taliwas sa piksyon ay ang di-piksyon, ang uri ng panitikan o mga panulat na nagsasaad ng totoong kwento.