Filipino 7 ADM Q1 2021 2022 Final Reviewed 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 44

7

7
Filipino
Unang Markahan
Una-Ikapitong Aralin
Filipino – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Una-Ikapitong Aralin
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na
ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Enrose L. Torio, MT I, Bagbaguin NHS


Gilsanne I. Mempin, T1, Malanday NHS
Justene F. Verceles, T2, Veinte Reales NHS Lorenz Irah J.
Agustin, T1, Paso de Blas NHS Rachel T. Galoso, T1, Justice
Eliezer DS NHS Ma. Ednalyn C. Rejano, T2, Polo NHS
Editor: Grace Imperial-Yumul, HT 3, Valenzuela NHS

Tagasuri: Rosarie R. Carlos, EPS, SDO, Valenzuela


Tagasuring Teknikal: Jean A. Tropel, EPS, LR
Tagaguhit:
Layout: Froilan R. Mazo, Lawang Bato NHS/ Raphael A. Lopez Jerus I.
De Jesus, Veinte Reales NHS

Tagapamahala: Meliton P. Zurbano, ASDS, OIC-SDS


Rustica R. Lorenzo, OIC ASDS
Filmore R. Caballero, CID, Chief
Jean A. Tropel, Div. EPS In-Charge of LRMS & ADM Coordinator
Rosarie R. Carlos, EPS-Filipino

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – NCR, SDO Valenzuela City

Office Address: Pio Valenzuela St., Valenzuela City


Telefax: (02) 294 0658
E-mail Address: sdovalenzuela2015@gmail.com

i
TALAAN NG NILALAMAN

Aralin 1 …………………………………………………………………………… 1
Paghihinuha sa mga Kaugalian at Kalagayang Panlipunan ng
Kuwentong Bayan
Paggamit ng mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay

Aralin 2 …………………………………………………………………………… 6
Paghihinuha sa Kalalabasan ng mga Pangyayari
Pagpapaliwanag sa Sanhi at Bunga

Aralin 3 …………………………………………………………………………… 13
Pagsusuri sa Isang Dokyu-Film o Freeze Story
Pagsasalaysay ng Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari

Aralin 4 …………………………………………………………………………… 18
Paggamit ng mga Retorikal na Pang-ugnay
Pagsusuri sa Pagkamakatotohanan ng mga Pangyayari
Aralin 5 …………………………………………………………………………… 22
Pag-iisa-isa ng mga Hakbang at Gawain sa Pananaliksik

Aralin 6 …………………………………………………………………………… 28
Pagsusuri ng Datos sa Pananaliksik at Proyektong
Panturismo

Aralin 7 …………………………………………………………………………… 35
Pagbabahagi ng Video Clip para sa Proyektong Panturismo

Sanggunian …………………………………………………………………….. 39

ii

Unang Linggo
Aralin
* Paghihinuha sa mga Kaugalian at
1 Kalagayang Panlipunan ng
Kuwentong Bayan
* Paggamit ng mga Pahayag sa
Pagbibigay ng mga Patunay
Alamin

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang: •


Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng kuwentong bayan
batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan (F7PN-la-b-1) • Nagagamit
nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay (F7WG-la-b-1)

Subukin
A. Tukuyin ang kultura, tradisyon at paniniwala ng mga taga-Bukidnon na
ipinapakita mula sa mga pahayag sa tekstong binasa. Piliin ang letra ng tamang
sagot.
___ 1. Si Maria ay may suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil na ginto. Halos
araw-araw ay isinusukat niya ang suklay at kuwintas.
A. pagkahilig ng mga taga-Bukidnon sa pag-aayos ng kanilang buhok B.
pagkahumaling ng mga taga-Bukidnon sa pagsusukat ng alahas kahit hindi
kanila
C. pagkagusto ng mga taga-Bukidnon sa paggamit ng gintong suklay at
kuwintas
____ 2. “Maria, magbayo ka ng palay,” ang wika ng kanyang ina. Mula sa pahayag ay
malalaman na ang kanilang pangunahing ikinabubuhay ay ___. A. pagsasaka B.
pangingisda C. pangangaso ____ 3. Nalalaman niyang kapag galit na galit na ang
kanyang nanay ay dapat siyang sumunod nang mabilis.
A. dapat galit na ang mga magulang bago sumunod sa kanilang utos
B. pagsunod ng mga kabataan sa utos ng kanilang mga magulang C.
mabilis na pagkagalit ng mga magulang
____ 4. Hinubad niya ang kuwintas. Inalis ang kanyang suklay. Isinabit ang mga ito sa
langit na noon ay mababang-mababa at naabot ng kamay. A. pagiging
abot-kamay ng langit noong sinaunang panahon
B. palagay ang kanilang loob na iwan kung saan ang mga mahahalagang
gamit
C. isinasabit lamang ng mga taga-Bukidnon sa sabitan ng gamit ang kanilang
kuwintas kapag hindi ito gagamitin
____ 5. Itinaas pa niyang lalo ang pagbuhat ng halo upang lumakas ang pagbagsak
nito sa lusong at nang madaling mabayo ang palay.
A. kailangang babaan ang pagbayo sa halo upang matapos ito
B. ang pagbayo ng palay ay kailangang pahiga ang buhat sa halo C. ang
pagbayo ay ginagamitan ng halo at lusong, at nangangailangan ito ng
malakas na pwersa

1
B. Panuto: Kilalanin at isulat sa kahon ang P kung ang pangungusap ay nagbibigay ng
patunay, at DP kung hindi ito nagpapatunay.
____ 1. Kaya naman, magkaisa at magtulungan tayo sa panahon ng pandemya
para sa ikabubuti ng lahat ng mga Pilipino upang maiwasan na ang
paglaganap nito.
____ 2. Malungkot makita ang ilan nating kababayang namatayan ng kanilang
mga mahal sa buhay dahil sa Covid-19.
____ 3. Huwag na sanang dumami ang magkakaroon ng sakit na Covid-19. ____4.
Ang anim na libo’t isangdaan at walong bilang ng mga taong sumailalim sa Mass
Testing sa Valenzuela ay isang patunay na kumikilos ang ating pamahalaan
upang mapababa ang bilang ng mga positibo sa Covid-19. ____5. Sana ay
gumaling na ang mga pasyenteng naka-quarantine sa mga ospital.

Balikan
Panuto: Gamit ang organizer, ibigay ang mga patunay na tinutukoy sa
akdang “Bakit Mataas ang Langit?”

Tuklasin

Panuto: Basahin at unawain ang akdang “Bakit Mataas Ang Langit”? Sagutin ang
mga sumusunod na tanong.
1. Ilarawan si Maria bilang isang anak.
2. Anong uri ng pamumuhay mayroon sina Maria at ang kanyang ina? 3. Ano- ano
ang mga bagay na mayroon si Maria na gustong-gusto niyang isinusuot? Mayroon
ka rin ba ng mga bagay na ito?
4. Bakit kaya nagmamadaling sumunod si Maria sa utos ng kanyang ina? Kung ikaw si
Maria, isusuot mo rin ba ang mga mahahalagang bagay sa iyong katawan kapag
ika’y gumagawa ng mga gawaing-bahay? 5. Kung ikaw ang nasa katauhan ni Maria,
ano ang mararamdaman mo kapag nawala ang bagay na mahalaga sa iyo?

Suriin
KUWENTONG BAYAN
Ang kuwentong bayan ay mga kuwentong nagmula sa bawat pook na
naglalahad ng katangi-tanging salaysay ng kanilang lugar. Kadalasang nagpapakita
ito ng katutubong kulay tulad ng pagbanggit ng mga bagay, lugar, hayop, o
pangyayari na doon lamang nakikita o nangyayari. Masasalamin sa mga kuwentong
bayan ang kultura ng bayan na pinagmulan nito.
Ito ay mga kuwentong galing sa ating bayan. Galing pa ito sa mga
nakatatanda hanggang sa nagpasalin-salin ito sa mga henerasyon. Lahat ng bansa
ay may sariling

2
kuwentong bayan. Ito ay isang anyo ng panitikan na pampalipas oras at kadalasa’y
ikinukuwento sa mga bata upang kapulutan ng aral.

PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG MGA PATUNAY


May mga pahayag na ginagamit sa pagpapatunay ng katotohanan ng isang
bagay. Makatutulong ang mga pahayag na ito upang tayo ay makapagpatunay at
ang ating paliwanag ay maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala sa mga
tagapakinig. Karaniwan ang mga pahayag na ito ay dinurugtungan na rin ng datos o
ebidensya na lalo pang makapagpapatunay sa katotohanang inilalahad.
Naririto ang ilang pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng patunay: • May
dokumentaryong ebidensiya – ang mga ebidensiyang magpapatunay na
maaaring nakasulat, larawan o video.
• Kapani-paniwala – ipinapakita ng salitang ito na ang mga ebidensiya, patunay at
kalakip na ebidensiya ay kapani-paniwala at maaaring makapagpatunay. • Taglay
ang matibay na kongklusyon – isang katunayang pinalalakas ng
ebidensiya, pruweba o impormasyon na totoo ang pinatutunayan. •
Nagpapahiwatig- hindi direktang makikita, maririnig o mahahawakan ang
ebidensiya subalit sa pamamagitan ng pahiwatig ay masasalamin ang
katotohanan.
• Nagpapakita – salitang nagsasaad na ang isang bagay na pinatutunayan ay
totoo o tunay.
• Magpapatunay/Katunayan – salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o
paniniwala sa ipinapahayag.
• Pinatutunayan ng mga detalye – makikita mula sa mga detalye ang patunay sa
isang pahayag. Mahalagang masuri ang mga detalye para makita ang
katotohanan sa pahayag.

Pagyamanin
Gawain 1: Kulayan ang kahon na naglalarawan sa katangian ng Kuwentong Bayan.
Salamin ng buhay Napapanaho Kapupulutan Nagpasalin-salin
ng isyu ng aral sa mga
henerasyon
May sukat at Nagsasaad ng Kinapapaloob Isinulat para
tugma kultura ng an ng itanghal sa
isang bayan tradisyon at entablado
kultura ng
isang bayan

Gawain 2: Suriin kung tama o mali ang naging kilos o gawi ng mga tauhan sa bawat
sitwasyong nakalahad. Lagyan ng tsek (✓) ang kahong katapat ng iyong sagot at isulat
ang paliwanag sa patlang na nakalaan.
1. Pagsunod ni Maria sa utos ng kanyang ina na bayuhin ang palay upang sila’y
may makain.
Tama ito dahil ________________________________________________
Mali ito dahil __________________________________________________
2. Pag-uutos ng ina sa mga anak na gumawa ng mga gawaing bahay.
Tama ito dahil ________________________________________________
Mali ito dahil __________________________________________________
3. Pagsusuot sa katawan ng mahahalagang bagay tulad ng alahas kapag
gagawa ng gawaing-bahay.
Tama ito dahil ________________________________________________
Mali ito dahil __________________________________________________
3
4. Pagmamadaling matapos ng isang gawain dahil sa kasabikan na maisuot
ang mga bagay na gustong-gusto mo tulad ng alahas.
Tama ito dahil ________________________________________________
Mali ito dahil __________________________________________________
5. Pagsasabit ng isang bagay na mahalaga sa iyo sa kung saan-saan dahil
lamang sa pagmamadali mong magawa ang gawain.
Tama ito dahil ________________________________________________
Mali ito dahil __________________________________________________

Gawain 3: Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung ang mga pahayag ay nagpapakita
ng kaugalian, tradisyon at paniniwala mula sa binasang akda at ekis (X) kung hindi.
__________1. Hindi pagsunod sa utos ng mga magulang.
__________2. Pagbayo ng palay upang may maisaing.
__________3. Walang pagkahilig sa mga gintong bagay.
__________4. Paglalagay ng suklay sa buhok.
__________5. Pagtanggap sa isang bagay na nawala na sariling pagmamay-ari.
Gawain 4: Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging masunurin sa ating mga magulang.
Sila ang mga taong pinagkakautangan natin ng ating mga buhay. Lagi nila tayong
ginagabayan mula sa ating pagkabata. Para sa atin, ang pagsunod sa kanilang mga
ipinag-uutos ay tanda ng ating respeto at labis na pagmamahal sa kanila. Masunurin ka
bang anak?
Hanapin mo nga sa crossword puzzle na ito ang mga katangian ng isang
mabuting anak na Pilipino.
Gawain 5: Basahin ang akdang “Ang Kagandahan ng Bukidnon” ni Rose Rosary
De Asis at sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa ibaba.
• Batay sa binasa, ano-ano ang magpapatunay na malaparaiso ang lugar
ng Bukidnon? _______________________________________________ • Anong
ebidensya mula sa binasa ang magpapatunay na masarap pumasyal sa
probinsya ng Bukidnon? ______________________________ • Ano- anong mga
patunay ang nagsasabing katangi-tangi ang Bukidnon sa iba pang
probinsya? __________________________________

Isaisip
Sinasabing sumasalamin sa mga kuwentong bayan ang tradisyon,
paniniwala at kultura ng isang bayan. Gamit ang Graphic Organizer sa ibaba,
ibigay ang lahat ng tradisyon at pamumuhay na nakasayan ng mga taga
Bukidnon.

Isagawa
Maglahad ng mga patunay nang pagiging matapang ng mga Pilipino sa
pakikipaglaban sa Covid-19.

Katapangan ng mga Pilipino sa


pakikipaglaban sa Covid-19

Tayahin
A. Panuto: Basahin at isulat kung TAMA o MALI ang isinasaad ng bawat
pangungusap. Gawing gabay ang salitang nakasulat ng madiin. ______ 1.
Kapag ba isinukat ng isang bata ang kanyang bagong damit ay
nangangahulugan bang hindi niya ito isinuot?
______ 2. Ang pagpuna ba sa maling ginawa ng iyong kapatid ay
nangangahulugan bang hindi mo siya napapansin? _______ 3. Dinalasan
niyang hugasan ang mga plato para makapanood agad ng telebisyon. Ibig
sabihin ba nito’y binilisan niyang gawin ito? _______ 4. Kapag ba bumunggo ka
sa isang bagay ay nangangahulugang tumama ka sa bahagi nito?
_______ 5. Ang pagbabayo ba ng palay ay nangangahulugang huhugasan
mo ang bawat butil nito?
B. Panuto: Hanapin at bilugan ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa
pangungusap.
1. Si Maria at ang kanyang ina ay nakatira sa bahay-kubo. Sila ay masayang
nananahan dito.
2. Tinitingnan niya ang kanyang anino sa tubig. Ang kanyang kagandahan ay
kanyang minamasdan.
5
3. Tumindig si Maria dahil narinig niya ang pagtawag ng kanyang ina. Mabilis
siyang tumayo upang hindi na magalit ito sa kanya.
4. Hinubad niya ang kanyang kuwintas. Inalis niya ang pagkakasabit nito sa
kanyang pawisang leeg.
5. Pawisang-pawisan si Maria sa pagbayo ng palay. Tagaktak ang kanyang
pawis dahil sa bigat ng pambayong ginamit.

Karagdagang Gawain
Isulat sa loob ng kahon ang mga patunay na ang ating pamahalaan ay
kumikilos upang malabanan ang Covid-19.

Mga patunay na ang ating pamahalaan


ay patuloy na kumikilos upang
malabanan ang Covid-19

Ikalawa at Ikatlong Linggo


Aralin
* Paghihinuha sa Kalalabasan
2 ng mga Pangyayari
* Pagpapaliwanag sa Sanhi at
Bunga

Alamin
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
• Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang
napakinggan (F7PN-lc-d-2 )
• Naipaliliwanag ang Sanhi at Bunga ng mga pangyayari (F7PB-ld-e-3)
Subukin

A. Panuto: Pagtambalin ang mga sanhi at bunga ng mga problemang kinakaharap


ng ating bansa sa kasalukuyan. Piliin ang letra ng tamang sagot. Hanay A (Sanhi)
HANAY B (Bunga)
___ 1. Patuloy ang pagdami ng taong A. pagkamatay ng mga isda at may
sakit na Covid-19 pagdumi ng mga ilog
___ 2. Ilegal na pagpuputol ng mga B. pagkakaroon ng landslide at puno sa
kagubatan pagbaha

6
___ 3. Pagtatapon ng mga basura sa C. napapabayaan ang kalusugan Ilog
Pasig. at nawawala sa tamang oras ng pagkain
___ 4. Pagdami ng mga pabrika sa D. paglala ng polusyon sa hangin mga
lungsod at pagkakasakit ng mga tao ___ 5. Pagkahumaling ng mga kabataan
sa paggamit ng mga makabagong E. paglaganap ng Covid-19 sa
teknolohiya bansa

B. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Suriin kung Tama o Mali ang
ipinahihiwatig ng mga salitang nakasulat nang madiin.
_________ 1. Ang dambuhala ba ay madaling makita dahil sa sobrang laki nito?
_________ 2. Ang pagtataksil ba ay nangangahulugan ng pagiging matapat?
_________ 3. Isang magandang bagay ba ang nangyari kapag ang tao ay
sinamang- palad?
_________ 4. Kapag naghahandog ba ang isang tao ay may nabibigyan o
nakikinabang na iba?
_________ 5. Kapag may isang bagay bang sumulpot ay nakikita ang
anyo o itsura nito?

C. Panuto: Piliin sa pangungusap ang kasingkahulugan ng salitang nakasulat nang


madiin.
1. Magkakakilala ang lahat ng tao sa nayon kung saan nakatira si Mang Donato
sapagkat kakaunti lamang ang tao sa naturang baryo.
2. Itinatali ang kalabaw sa bungad ng kubo sapagkat mas madaling makita
kung nasa unahan ito kaysa nasa likuran.
3. Mahal na mahal ni Mang Donato ang kanyang kalabaw, sapagkat ito ang
kanyang katuwang sa mga gawaing bukid, subalit mahal din niya ang aso
dahil ito naman ang katulong niya sa pagbabantay sa kanilang tahanan.
4. Madalas na nalulumbay ang kalabaw sapagkat nakikita niyang tila mas
mahal ng amo niya ang aso. Nalulungkot siya dahil sa nararamdaman niyang
ito.
5. Tuwing makikita niyang masaya ang amo at ang aso ay hindi niya mapigilang
maghimutok. Ang eksenang ito ay madalas magpasama sa kaniyang
kalooban.

Balikan
Panuto: Basahin at unawain ang akda o panoorin ito sa
https://youtu.be/IlvT__0ZQUY. Gawain 1. Ang dalawang tauhang gumanap sa
pabulang binasa ay ang kalabaw at ang aso. Paghambingin ang dalawang hayop na
ito sa pamamagitan ng pagbuo ng compare and contrast organizer.
Tuklasin

7
Panuto: Gamit ang organizer, isulat ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa
akdang “Nainggit si Kikang Kalabaw.”

SANHI

BUNGA Suriin
Ang pabula ay isang uri ng akdang pasalaysay na gumagamit ng mga tauhang
hayop na nagsasalita, nag-iisip, at kumikilos na parang tao. Ang mga pabula ay
nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerayson sa tradisyong pasalita. Ito’y kinagigiliwan
hindi lamang ng mga bata kundi pati ng mga matatanda dahil sa taglay nitong
mahahalagang kaisipang maaaring kapulutan ng ginintuang aral sa buhay.
Sa mga tauhang hayop ng mga pabula masasalamin ang mga katangiang
taglay ng mga tao tulad ng pagiging malupit, makasarili, mayabang, tuso, madaya, at
iba pa. Itinuturo rin ng mga pabula ang tama, mabuti, makatarungan, at makataong
pag-uugali at pakikitungo sa kapwa. Ang mga pabula ay lumaganap dahil sa
magagandang aral sa buhay na idinudulot nito.
Taliwas sa iniisip ng marami, ang pabula ay hindi maituturing na “pambata
lamang” sapagkat ang mga ito’y nangangailangan ng pag-unawa sa mga katangian
ng mga tauhang hayop at paghahambing ng mga ito sa katangian ng mga tao.
Mahalaga ring makilatis ang mga aral o mahahalagang kaisipang taglay ng mga ito.

EPIKO
Ang epiko ay isang uri ng panitikang tumatalakay sa kabayanihan at
pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway nito. Ito ay
karaniwang nagtataglay ng mga mahiwaga at kagila-gilalas o di-kapani-paniwalang
pangyayari. Ang mga epiko ay ipinahahayag nang pasalita, patula o paawit (sa iba’t
ibang mga estilo); maaaring sinasaliwan ng ilang mga instrumentong pangmusika o
minsan nama’y wala. Ito rin ay maaaring gawin nang nag-iisa o kaya naman ng grupo
ng mga tao. Ang haba ng epiko ay mula sa 1,000 hanggang 5,000 linya kaya’t ang
pagtatanghal sa mga ito ay maaaring abutin ng ilang oras o araw.
Karamihan sa mga rehiyon sa bansa ay may maipagmamalaking epiko.
Mahalaga sa mga sinaunang pamayanan ang mga epiko. Bukod sa nagiging aliwan,
ito rin ay nagsisilbing pagkakakilanlang panrehiyon at pangkultura. Kadalasan, ang
mga epiko ay sumasalamin sa mga ritwal at pagdiriwang ng isang lugar upang
maikintal sa isipan ng mga mamamayan ang mga kinagisnang ugali at paniniwala,
gayundin ang mga tuntunin sa buhay na pamana ng ating mga ninuno. Narito ang
ilan sa mga ito:
1. Bidasari - epiko ng mga Mёranao
2. Ibalon - epiko ng mga Bikolano
3. Dagoy at Sudsud - epiko ng mga Tagbanua
4. Tuwaang - epiko ng mga Bagobo
5. Parang Sabir - epiko ng mga Moro
6. Lagda - epiko ng mga Bisaya
7. Haraya - epiko ng mga Bisaya
8. Maragtas - epiko ng mga Bisaya
9. Kumintang - epiko ng mga Tagalog
10. Biag ni Lam- ang - epiko ng mga Iloko
11. Tulalang - epiko ng mga Manobo
12.Indarapatra at Sulayman – epiko ng mga Magindanaw

8
SANHI AT BUNGA
Ang isang pangyayari ay hindi magaganap nang walang dahilan kung bakit
naganap ito. Bawat pangyayari ay may pinagmulan at mula dito ay magkakaroon ng
epekto. Mayroon tayong tinatawag na Sanhi at Bunga ng isang pangyayari.
• Sanhi – dahilan sa paggawa, pag-iisip o pakiramdam ng isang bagay. Ito ang
pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Cause ang tawag dito sa salitang
Ingles.
• Bunga – ito ay ang kinalabasan o dulot ng isang naturang pangyayari. Ito ang
tawag sa resulta ng mga pangyayari. Sa Ingles, ito ay tinatawag na effect.
PAGHIHUNA SA KALALABASAN NG PANGYAYARI
Ang paghihunuha ay magagawa lamang ng mambabasa kung tunay na
nauunawaan niya ang kanyang binabasang akda o seleksyon.
Sa bawat seleksyon, nagbibigay ng mga pahiwatig ang manunulat na hindi
tuwirang sinasabi o ipinahahayag sa halip ay ibinibigay na implikasyon. Kung ang
bawat pahiwatig at implikasyong ibinibigay ay uunawaing mabuti, at buhat dito ay
makakayanang bumuo ng isang makabuluhang hinuha, ganap ang naging
pag-unawa niya sa nabasa.

Pagyamanin
Panuto: Basahin at unawain ang Epiko ng Magindanaw “Indarapatra at Sulayman”
Gawain 1: Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Ano ang ginawa ni Indarapatra nang mabalitaan ang lagim na dumating sa
pulong Mindanao?
2. Anong katangian ang ipinamalas ni Sulayman nang kanyang tanggapin ang utos
ni Indarapatra?
3. Sino- sino ang mga nakalaban ni Sulayman? Ilarawan sila.
4. Kung ikaw si Sulayman, tatanggapin mo rin ba ang utos ni Indarapatra? Bakit? 5.
Paano namatay si Sulayman at paano nalaman ni Indarapatra na patay na ang
kanyang kapatid?
6. Ano ang nangyari sa lugar at sa mga tao ng Mindanao nang mapatay ng
magkapatid ang lahat ng haliw sa kanilang lugar?
7. Ano-ano ang naging kabayaran sa pagtulong ni Indarapatra sa Mindanao at sa
mga tao rito kahit hindi siya nakatira sa lugar?
8. Paano mo ipapakita ang pagdamay sa mga taong nangangailangan? Gawain
2: Ibigay ang sanhi ng sumusunod na pangyayari mula sa binasang Epiko ng
Magindanaw. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Biglang dumating ang lagim sa pulo ng Mindanao na dati’y payapa dahil______.
2. Agad humingi ng tulong si Indarapatra sa kanyang kapatid na si Sulayman na
iligtas ang bayang pinaghaharian dahil________________.
3. Nalanta ang halamang tanda ng nasapit ni Sulayman dahil ______.
4. Maghihiganti si Indarapatra sapagkat _________.
Mabubuhay ang mga labi ng napatay ng mapaminsalang ibon dahil
___. Gawain 3: Ibigay iyong pagpapakahulugan sa sumusunod na saknong
mula sa binasang epiko.
1. Subalit ang lagim ay biglang dumating sa kanila na dati’y payapa. Apat na
halimaw ang doo’y nanalaot.
2. Ang lahat ng tao’y sa kuweba tumahan upang makaligtas sa salot na may
matang malinaw at kukong matalas.
3. “Ang takdang oras mo ngayo’y dumating na,” sigaw ni Sulayman. 4. Salamat sa iyo
butihing bayani na ubod ng tapang…, kaming mga labi ng ibong gahaman ngayo’y
mabubuhay. Kanyang namalas ang maraming taong noo’y nagdiriwang.
5. Nabihag ang puso ng mahal na hari sa ganda ng mutya kaya’t sa naroon ay
kanyang hiniling na lakip ang sumpa.

9
Gawain 4. Isulat ang dalawang kasingkahulugan ng mga salitang nasa loob ng
bilohaba. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

nagtangka

mabangis

naminsala

nalipol

sumipot

Gawain 5. Punan ang bawat kahon ng mga katangian ng PABULA at EPIKO.


PABULA EPIKO

5
Gawain 6: Basahin ang pabula ng Mёranao na pinamagatang “Lalapindigowa-i:,Kung
Bakit Maliit ang Beywang ng Putakti?” Gamit ang organizer, ibigay ang sanhi at bunga
ng mga pangyayari na tinukoy sa akda.

SANHI BUNGA INGGIT

10
Isaisip
Sagutin ang mga katanungan sa bawat kahon sa pamamagitan ng
paghihinuha sa maaaring mangyari sa mga pangunahing tauhan sa binasang epiko.
si Sulayman?

Nabalitaan ni Indarapatra, matapang


na hari ng Mantapuli ang
malimit na pananalakay ng mga
Isagawa
dambuhalang ibon at mababangis na
_______________________________________
hayop sa inyo lugar. Ano kaya ang
_______________________________________
maaaring gawin ni Indarapata sa mga
_______________________________________
taong nagkakasala?
Ano kaya ang posibleng maganap sa _______________________________________
paglalakbay ni Sulayman na puksain _______________________________________
ang mga mababangis na nilalang na _______________
namiminsala sa mga tao?
____________________________________
_
Ano ang posibleng nangyari kung ____________________________________
magkasamang naglakbay ang _
magkapatid na sina Indarapatra at ____________________________________
Sulayman sa pagpuksa sa mga
_
halimaw?
____________________________________
_
Ano kaya ang gagawin ni ____________________________________
Indarapatra kapag natagpuan na niya _ _________________________
ang bangkay ng kanyang kapatid na
____________________________________
_ _ _________________________
____________________________________ ____________________________________
_ ____________________________________
____________________________________ ____________________________________
_ ____________________________________
____________________________________ ____________________________________
_ ______________________________
____________________________________

Iugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa mga isyung nangyayari sa


ating lipunan sa pamamagitan ng pagbuo ng PECS Chart na nasa ibaba. Magbigay ka
ng mga dahilan, epekto at posibleng solusyon kung paano malulutas ang mga
suliraning ito.
Suliranin Sanhi Epekto Solusyon
(Problem) (Cause) (Effect) (Solution)

Labis na
pagpapahala
ga sa posisyon
ng
isang taong
nasa
kapangyarihan

Pagmamalupit o
pagmamaltrato
sa kapwa

11

Tayahin
A. Panuto: Bigyang-paghihinuha ang mga pangyayari mula sa binasang
pabula. Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa kahon.

____ 1. Pagkainggit ni Kikang Kalabaw kay Basyong Aso


____ 2. Pagkamasipag ni Kikang Kalabaw sa pag-aararo at walang reklamo
sa pagbubuhat ng mabibigat na bagay.
____ 3. Hindi pantay na pagtrato ni Mang Donato sa kanyang mga alagang hayop.
____ 4. Pagsayaw- sayaw ni Basyong Aso at pagkawag ng buntot nito. ____ 5.
Biglaang pag-upo ni Kikang Kalabaw sa kandungan ng kanyang amo.

B. Panuto: Basahin ang epikong Indarapatra at Sulayman. Suriin ang mga hinalaw na
pahayag sa epikong ito. Isulat ang sanhi at bunga gamit ang “Fish Bone Organizer”.
Karagdagang Gawain
Panuto: Isulat ang B kung ang parirala ay bunga at S kung ito ay
sanhi. 1. ____ Nag-aral nang mabuti si Ana
____ kaya mataas ang marka niya sa nakaraang pagsusulit sa Filipino.
2. ____ Bumagsak si Brix sa pagsusulit
____ dahil naglaro lang siya ng mobile legends maghapon.
3. ____ May malalim na hiwa ng kutsilyo si Kara
____ kaya iyak siya nang iyak.
4. ____ Bumaha sa EDSA ng hanggang tuhod ang lalim
____ dahil sa malakas na pag-ulan dulot ng bagyong Enteng.
5. ____ Sinugod sa ospital si Mang Kardo
____ dahil sa pagkakaroon niya ng lagnat, ubo at sipon.

12

Ikaapat na Linggo
Aralin
* Pagsusuri sa Isang Dokyu-Film o
3 Freeze Story
* Pagsasalaysay ng Pagkakasunod-
sunod ng mga Pangyayari

Alamin

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


* Nasusuri ang isang dokyu-film o freeze story (F7PD-ld-e-4)
* Naisasalaysay nang maayos at wasto ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari (F7PS-ld-e-4)

Subukin
Panuto: Isulat ang salitang FREEZE kung ang mga pahayag ay mula sa binasang
dokumentaryo, PLAY naman kung ito ay mula sa binasang maikling kuwento at PAUSE
kung parehong tumutukoy sa nilalaman ng dalawang binasang teksto. __________1.
Ang mga Yakan ay may ritwal o tradisyong tinatawag na Pagislam. __________2.
Naniniwala ang mga Muslim na sa paggunting ng buhok ng isang sanggol, ang hindi
paglubog nito sa tubig ay simbolo ng magandang kinabukasan. __________3. Isang
tradisyon ang Pagislam upang kilalanin ang isang bata na maging kabilang ng
komunidad ng mga Muslim.
__________4. Pinaniniwalaang hindi ligtas ang pagtutuli ng mga Muslim dahil na rin sa
proseso ng pagsasagawa nito.
__________5. Ang nangunguna sa pagsasagawa ng mga Muslim ng Pagislam ay ang
mga Imam.
__________6. Dahil sa kahirapan at kakulangan sa pasilidad, ang mga tradisyunal na
manggagamot ang takbuhan ng mga nasa Basilan.
__________7. Mahalagang maunawaan ng mga magulang na Muslim na kinakailangan
ang Pagislam sa relihiyong Islam.
__________8. Ang unang proseso ng Pagislam ay isinasagawa sa pamamagitan ng
pagdarasal na kung tawagin ay Bang.
__________9. Hanggang sa kasalukuyang panahon ay patuloy pa rin na isinasabuhay
ng mga Muslim ang kanilang tradisyong Pagislam.
__________10. Ang panday ang nagsasagawa ng pagtutuli sa mga babaeng Yakan.

Balikan
Panuto: Bilugan ang mga salitang sa palagay mo’y may kaugnayan sa PAGISLAM ayon
sa binasang kuwento.
baru-baruan panday Imam Allah seremonya Bang paggunting pandita
alay Maulidin Nabi buhok balyanji

13

Tuklasin
Panuto: Pumili ng isa sa sumusunod na isyung panlipunan na sa tingin mo ay
karaniwang itinatampok sa mga dokyu-film o freeze story. Sumulat ng isang talata na
nagpapaliwanag tungkol dito.
KAHIRAPAN EDUKASYON RELIHIYON KASARIAN KRISIS POLITIKA PAG-IBIG
BUHAY SAKUNA

Suriin
MAIKLING KUWENTO
Ano ang Maikling Kuwento?
• Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang “Ama ng Maikling Kuwento”, ito ay
isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at kathang-isip na hango sa
isang tunay na pangyayari sa buhay.
• Ito ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin, mabisang
nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan.
• Karaniwang tumatalakay sa mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan.
• Kakaunti lamang ang tauhan na karaniwang may kabuluhan o kaugnayan sa
pangunahing tauhan at may kapayakan ang mga pangyayaring binubuo ng
iba’t ibang elementong sumasaklaw sa kabuuan ng kuwento.
Sa pagbasa ng maikling kuwento, kinakailangan na malaman natin ang mga
elemento nito upang masundan ang daloy ng mga pangyayari sa isang akda.
Elemento ng Maikling Kuwento
1. Panimula - dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin
kadalasang ipinakikilala ang iba pang mga tauhan sa kuwento.
2. Saglit na Kasiglahan – naglalahad ito ng panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhang masasangkot sa suliranin.
3. Suliranin – ito ang problemang kahaharapin ng pangunahing tauhan. 4.
Tunggalian – sumasaklaw ito sa labanang naganap sa kuwento. Mayroon itong
apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa
kapaligiran o kalikasan.
5. Kakalasan – tinatawag itong tulay patungong wakas at sa bahaging ito
nabibigyang solusyon ang suliranin.
6. Wakas – Ito ang kinahinatnan ng kuwento o ang katapusan.
Ano ang Dokyu-film o Freeze Story?
Karaniwang itinatampok ng Dokyu-film o Freeze story ang mga
makatotohanang pangyayari na nagaganap sa buhay ng tao at ipinapakita ito sa
pamamagitan ng isang dokumentaryo o kalipunan ng mga ekspresyong biswal na
makikita sa telebisyon upang mas maging malinaw ang pagpapaliwanag ng isang
kuwento. Pangunahing layunin nito ay ang magbigay ng mahahalagang
impormasyon, manghikayat o di kaya’y magmulat ng kaisipan tungo sa kamalayang
panlipunan.
Gabay sa pagsusuri ng Dokyu-Film o Freeze Story
Kinakailangang isaalang-alang sa panonood ng Dokyu-Film o Freeze story ang
mga sumusunod na elemento nito.
1. Tauhan – sino ang mga pangunahing tauhan at ano ang kanilang gampanin sa
nasabing dokyu.
2. Tagpuan- saan naganap ang dokyu at ano ang kultura ng mga taong nakatira dito.
3. Tema o Paksa - may taglay ba itong kaisipan at diwang tatatak sa isip at damdamin
ng mga manonood na kaugnay ng kanilang mga karanasan sa buhay. 4. Teknikal na
Aspeto – tinitingnan kung ang paksa ba ay naaayon sa ginamit na
14
tunog, visual effects o sinematograpiya ng napanood, ang kalidad ng boses ng mga
tauhan maging ang pokus ng camera ay nakapaloob dito.

Pagyamanin
Gawain 1: Lagyan ng puso ( ) ang mga pahayag na nagpapakita ng kahalagahan ng
pag-aaral ng maikling kuwento at dokyu-film o freeze story.

_____1. Nakatutulong ito sa pagmulat ng kamalayan ng mga mambabasa tungkol sa


mga isyung panlipunan at pamumuhay ng tao na hindi karaniwan. _____2. Nakaaaliw
ang mga paksang inilalantad sa mga maikling kuwento at dokyu- film o freeze story
na angkop sa kahit anong edad.
_____3. Mas madaling nauunawaan ang mga paksang tinatalakay dahil siksik at nag-
uumapaw ang mga impormasyong nakapaloob sa mga akdang ito. _____4. Isang
malaking gampanin ng maikling kuwento at dokyu-film ay ang maglahad at
magsalaysay ng mga kakaibang paksa na karaniwa’y bago sa mga mambabasa at
manonood.
_____5. Ang pagbasa ng maikling kuwento at panonood ng dokyu-film ay
nangangahulugang pagtugon sa mga isyung panlipunan.

GAWAIN 2: Magtala ng limang mahahalagang konseptong nag-uugnay sa pagtalakay


at pagsusuri ng mga dokyu-film o freeze story at maikling kuwento.

1.
2.
3.
4.
5.
Gawain 3: Bilang isang kabataang Pilipino, ano ang pinakamabisang naidudulot ng
pagsusuri ng dokyu-film o freeze story at maikling kuwento tungkol sa Pagislam sa iyong
pamumuhay at paniniwala? Dugtungan ang mga sumusunod na parirala upang
mabuo ang pahayag.

• Malaki ang naging epekto sa akin ng mga akdang ito dahil ________. • Dahil
dito, may mga nagbago sa aking paniniwala at pananaw katulad ng
___________________________________.
• Naramdaman ko sa pag-aaral na ito na _____________________________.

Gawain 4: Paghambingin ang dalawang akdang nabasa. Tukuyin ang pagkakatulad


at pagkakaiba batay sa elemento at katangian ng bawat akda.

Pagislam Panday
(Maikling kuwento) (Dokyu-Film o Freeze story)

Pagkakaiba Pagkakaiba

15
Gawain 5: Punan ng angkop na wakas ang sumusunod.

Si Richard ay isang mag-aaral sa ikapitong baitang. Mahilig siyang maglaro ng


computer games. Dahil sa paglalaro, lagi siyang lumiliban sa klase dahil siya ay
tinatamad pumasok. Sa halip ay naglalaro na lamang siya sa kaniyang kuwarto
hanggang madaling araw at halos nakalilimutang kumain. Hindi na rin siya madalas
lumalabas ng kuwarto. Kapag naman siya ay nasa klase, madalas ay nakatutulog siya
dahil palagi siyang napupuyat. Kapag may mga pagsusulit, kumukopya si Richard mula
sa mga katabi niya upang mayroong maisagot. Mababang-mababa ang kanyang
nakukuhang mga marka. Sa araw ng huling pagsusulit, tinawag si Richard ng kanyang
guro. Pinapunta siya nito sa silid-aralan kung saan mag-isa lamang siyang nasa
ikapitong baitang na kumuha ng pagsusulit

Basahin at unawain ang isang dokyu-film ng I-Witness na pinamagatang “Panday”

Panuto: Kulayan ng dilaw ang kahon na tumatalakay sa mga kaisipang nakapaloob sa


dokumentaryong binasa at asul kung hindi.

1. Isa sa mga tradisyon ng Yakan ang pagtutuli sa mga kababaihan na


tinatawag na Pagislam.

2.
Patuloy ang pagsasagawa ng tradisyong Pagislam sa kabila ng kaguluhang
nagaganap sa kanilang komunidad.

3. Ang
mga panday ay lisensyadong tagapangasiwa ng mga panggagamot.
4. Itinuturing na pagkakakilanlan bilang isang Muslim ang pagdanas ng
Pagislam.

5. Tumutukoy sa panggagamot ng mga batang kababaihan ang ritwal o


tradisyon na Pagislam.

Isaisip
Panuto: Punan ng wastong mga pahayag ang bawat patlang hinggil sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwentong binasa.

Nagsimula ang kuwento sa _________________________________________________________.


Pagkatapos masilayan ni Ibrah ang sanggol na kaniyang anak ay ____________________.
Nang dumating na ang Imam, ______________________________________________________.
Matapos ang pagsasagawa ng Bang, ______________________________________________.
Makalipas ang pitong araw mula nang isagawa ang Bang, __________________________.
Naghanda sina Ibrah at Aminah ng _________________________________________________.
Sa pagdating ng Imam ay isinagawa na ang paggunting at laking galak ng mag
asawa dahil ________________________________________________________________________.
Lubos ang pasasalamat ng mag-asawa sa mga nakiisa sa selebrasyon ng paggunting
ng kanilang anak at hindi rin magtatagal ay _________________________________________.

16

Isagawa
Panuto: Punan ng angkop na wakas ang sumusunod.

Si Kardo at Joaquin ay matagal nang magkalaban. Palagi kasing natatalo


ni Kardo si Joaquin sa iba’t ibang bagay. Palaging inaabangan ni Joaquin si
Kardo para saktan ito sa anomang paraan o siraan sa iba. Nagtitimpi lamang si
Kardo dahil ayaw niyang mauwi sa sakitan ang kanilang hindi pagkakasundo.
Isang araw, nakita ni Kardo na inaaway si Joaquin ng isang grupo. Nilapitan niya
ito at nakita na nawalan ito ng malay gawa ng pambubugbog ng mga
kaaway. Kaagad na humingi ng tulong si Kardo para madala ito sa pagamutan.
Hindi nagtagal at may dumating ng pulis para dalhin si Joaquin sa ospital.

Tayahin
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang salitang nakasalungguhit ay wasto at kung
MALI, isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
____________1. Ang maikling kuwento ay sumasaklaw sa mga makatotohanang
pangyayaring nagaganap sa ating lipunan.
____________2. Ang karaniwang itinatampok sa dokyu-film o freeze story ay mga isyung
panlipunan.
____________3. Sa pagsusuri ng isang dokyu-film o freeze story, mahalagang tingnan
ang mga elemento nito tulad ng tauhan at tagpuan. ___________4. Mahalagang
sangkap ng maikling kuwento ang mga elemento nito upang mas maunawaan ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa akdang binabasa.
___________5. Kapwa tumatalakay ang maikling kuwento at dokyu-film sa
mahahalagang pangyayaring totoong naganap sa buhay ng tao. ___________6. Ang
unang hakbang ng Pagislam ay ang paggunting. ___________7. Mahalagang
tradisyon ang Pagislam sa buhay ng mga Muslim ayon sa dalawang akdang
binasa.
___________8. Karaniwang nasisilayan ang mga dokyu-film o freeze story sa radyo at
telebisyon.
___________9. Ang pagtalakay sa relihiyon ay isang isyu na karaniwang itinatampok sa
dokyu-film o freeze story.
___________10. Maraming pagkakaugnay ang maikling kuwento at dokyu-film o freeze
story katulad ng kakayanan nitong magmulat at magbago ng pananaw at

paniniwala ng mambabasa o manonood.


Karagdagang Gawain
Panuto: Gumuhit ng isang simbolo na naglalarawan ng mga kaisipang
natutunan tungkol sa dokyu-film o freeze story at maikling kuwento. Ipaliwanag
ang iyong iginuhit.

17

Ikalimang Linggo
Aralin
* Paggamit ng mga Retorikal na
Pang- 4ugnay
* Pagsusuri sa Pagkamakatotohan
ng mga Pangyayari
Alamin
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang: •
Nagagamit nang wasto ang mga retorikal na pang-ugnay na ginamit sa akda
(F7W6-IF-G-4)
• Nasusuri ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari batay sa sariling
karanasan (F7PB-IH-I-5)

Subukin
A. Panuto: Salungguhitan ang retorikal na Pang-ugnay na ginamit sa pangungusap.

1. Pinamihasa mo ang iyong anak sa karangyaan baka magsisi ka pagdating ng


araw.
2. Kung tayo ay magkakaisa tiyak na uunlad ang bayan.
3. Tuturuan kita sakaling makapasa ka.
4. Hindi makakapunta si Martin kapag umuulan.
5. Kung tumulong ka sa nanay mong magluto disin sana’y maaga niyang nailako
ang mga lutong ulam na paninda.
6. Sasama akong manood ng sine kapag pinayagan ako ni nanay.
7. Sasayaw ako kapag aawit ka.
8. Sakaling hindi ako makapunta bukas sabihin mo na lang sa akin ang mga
napag-usapan.
9. Mabigat ang trapiko baka mahuli ako sa trabaho.
10. Kung nag-usap kami sa barangay marahil ang kasong ito’y tapos na.

11. Kung ang mga alaga niyang inahing manok ay mahiwaga magdadala ito ng
suwerte sa pamilya.
12. Mahirap ang kanilang buhay sa una sakaling di naging maunlad ito tuloy
lang ang buhay.
13. Ang kanyang pagal na katawan ay nangangailangan ng pahinga baka
manumbalik pa ang kanyang lakas.
14. Kung hindi yumao ang kanyang ama disin sana’y nakatapos siya ng kanyang
pag-aaral.
15. Ang magagarang damit ng hari ay balewala kapag tapos na ang kanyang
termino.

Balikan
Panuto: Basahin ang akdang “Ang Matandang Tandang.” Batay sa binasa, suriin ang
pagkamakatotohanan ng pangyayari at sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Maganda ba ang paraang naisip ni Bagoamama upang makatulong sa


kanyang magulang? Ipaliwanag.
18
2. Sa iyong palagay, aksidente nga kayang nahuli sa patibong ni Bagoamama
ang mahiwagang tandang kasama ang iba pang manok? Pangatwiranan
ang iyong sagot.
3. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Bagoamama, susundin mo ba ang lahat
ng sinabi ng Tandang? Ipaliwanag ang sagot.
4. Sa iyong palagay, ano ang sinisimbolo ng mahiwagang tandang sa dula?
5. Ano-ano ang mahahalagang aral na napulot sa akdang iyong nabasa?
Maglahad kung paano mo ito maisasabuhay.

Tuklasin
Panuto: Unawain ang mga kasabihang maiuugnay sa akdang binasa. Ipaliwanag ang
kahulugan ng kasabihan sa tulong ng pagsasalaysay ng sariling karanasan.
may ahas. kagitna, isang salop

Sa ang nawala.
oras ng kagipitan
nakikilala ang tunay

na Tuso man ang matsing,


kaibigan. Suriin
napaglalalangan din

Saan mang gubat ay Naghangad ng .


sa
tiyaga.
nasa tao ang gawa.
Walang mahirap na
gawa kapag dinaan
Nasa Diyos ang awa

Ang DULA ay isang uri ng panitikang nasa anyong tuluyan. Ito ay naglalarawan
ng araw-araw na pangyayari sa buhay ng tao, masaya man o malungkot. May ilang
paraan ng pagsasadula. Ang ilan sa mga ito ay ang dulang panradyo at dulang
pantanghalan. Sa dulang panradyo ay hindi nakikita ang mga gumaganap. Sila ay
naririnig sa pamamagitan ng radyo, samantalang ang dulang pantanghalan naman ay
itinatanghal sa entablado. Nakikita ang mga gumaganap sa isang dulang
pantanghalan.
RETORIKAL NA PANG-UGNAY
Ang RETORIKAL NA PANG-UGNAY ay salitang nag-uugnay ng salita o pahayag
na nagsasaad nang walang katiyakan o pag-aalinlangan sa pagkakaganap ng kilos o
kondisyon. Narito ang mga gamit ng Retorikal na Pang-ugnay:
1. Baka – Nagsasaad nang walang katiyakan.
Halimbawa:
Baka hindi nakapagtapos sa pag-aaral si Arturo kung hindi siya hinamon ng
kaniyang ama.
2. Sakali – Nagpapahayag ng pag-aalinlangan.
Halimbawa:
Sakaling hindi nagsikap ang ina na mapagkasundo ang mag-ama ay patuloy
na maghihinanakit si Arturo sa kaniyang ama.
3. Kung – Naglalaman ng di-katiyakang kondisyon.
Halimbawa:
Kung nakinig din sana ang mga kapatid niya, marahil ay matagumpay din sila.
19
4. Kapag – Nagsasabi ng tiyak na kondisyon.
Halimbawa:
Papayagan lamang si Arturo na makipagkita sa kasintahan kapag araw ng
Linggo.
5. Disin sana – Nagsasaad ng kondisyon.
Halimbawa:
Kung nakinig agad siya sa kaniyang ina, disin sana ay nakasama pa niya nang
matagal ang kaniyang ama.
EDITORYAL NA NAGHIHIKAYAT
Ito’y nagbibigay rin ng kahulugan, nakikipagtalo at namumuna. Subalit ang
binibigyang-diin ay ang mabisang panghikayat.

Pagyamanin
Gawain 1: Maglista ng limang pangungusap na may retorikal na pang-ugnay sa
sanaysay na nasa ibaba. Bilugan ang pang-ugnay. Ipaliwanag kung paano ito ginamit
sa pangungusap.
Ang Kahalagahan ng Pagreresiklo

Ang ating mundo ay nangangailangan ng balanse upang mapanatili nito ang


kaayusan ng ecosystem. Ang ecosystem na ito ang nagdidikta sa kaayusan o
“pagiging balanse” ng ating kapaligiran at nagiging dahilan ng balanseng
pamumuhay ng lahat ng nilalang na nakatira dito sa ating planeta. Hindi lamang ang
mga tao ang kasama sa usaping ito. Mahalaga ring malaman na ang mga hayop at
halaman na kasama nating namumuhay rito ay nangangailangan din ng mabuting
pamumuhay. Kung hindi mapananatili ang balanseng sistema nito, maaaring
magdulot ito ng mga problema hindi lamang sa ating panahon kundi pati na rin sa
mga panahong darating. Ayaw nating lahat na mangyari ito at magdusa ang lahat.
Gusto nating magkaroon ng magandang sistema ang ating mundo upang tayong
lahat na nabubuhay rito ay magkaroon ng maligaya at malinis na pamumuhay. Baka
sa mga basurang itinatapon nang walang kontrol sa araw-araw ay dahan-dahan
nating nasisira ang ating kapaligiran lalo na ang mundong ating ginagalawan. Ngunit
may panahon pa para magbago ang ating nakasanayan. Kung ang lahat ay
magiging maalam at may kusa sa pagtulong maaari pa nating gawan ng solusyon
ang lumalalang problema sa basura lalo na sa ating lugar na kinabibilangan. Sa mga
produkto na ating binibili sa araw-araw, maaari nating simulan ang pagreresiklo upang
mapababa ang basura na likha ng mga ito sakaling maging isa itong solusyon sa
suliraning pangkapaligiran. Ang mga produktong gawa sa papel halimbawa ay
maaari pang iresiklo upang mabawasan kahit kaunti ang basurang maaari nitong
malikha sa ating mundo. Kapag hindi tayo kikilos sa ngayon, baka mahuli ang lahat.
Kung noon pa lamang ay nagsagawa na ng mga proyekto at batas pangkapaligiran
disin sana’y walang problema. Ngayon na ang panahon upang maisaayos ang
suliranin natin sa basura at maging maayos ang ating pamumuhay pati na rin ang
pamumuhay ng mga darating na henerasyon. Kung hindi kikilos ngayon baka sa
susunod na henerasyon ay hindi na maranasan makalanghap ng sariwang hangin.

Gawain 2: Piliin kung alin sa mahiwagang tandang ang naglalaman ng


pangkalahatang konsepto ng akdang “Ang Mahiwagang Tandang.” Ipaliwanag at
bigyang patunay ang napiling sagot.

20

Mahiwagang Tandang” ang


pagsamba ng mga tao sa
itinuturing nilang Bathala.
Masasalamin sa akdang “Ang
Mahiwagang Tandang” ang
pagsamba ng mga tao sa
pera.

Masasalamin sa akdang “Ang


Gawain 3: Kung ikaw si Bagoamama at nagpakita sa’yo ang mahiwagang tandang,
ano ang iyong gagawin? Sagutin ito sa pamamagitan ng paggawa ng isang komiks
gamit ang komiks istrip. Gumamit ng mga retorikal na pang-ugnay sa pagbuo ng
usapan.

Gawain 4: Bumuo ng mga pangungusap gamit ang mga retorikal na pang-ugnay.


1. Baka
2. Sakali
3. Disin sana
4. Kung
5. Kapag

GAWAIN 5: Sumulat ng editoryal na nanghihikayat gamit ang mga salitang totoo, tunay,
talaga, pero at subalit.
“KABATAAN….ALIPIN NG TEKNOLOHIYA”
_____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Isaisip
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano-ano ang kahalagahan ng pagtuklas ng mga kaalaman sa panonood ng
dokyu-film o freeze story?
2. Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang maikling kuwento at dokyu-film o
freeze story?
3. Sa iyong palagay, mas mainam bang maituturing ang panonood kaysa

pagbasa sa pag-aaral ng panitikan? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Isagawa
Panuto: Sumulat ng editoryal na nanghihikayat gamit ang salitang totoo, tunay, talaga,
pero at subalt.
“COVId 19 ay Wakasan… Sanhi ng Ating Kamatayan”

Tayahin
A. Ikahon ang retorikal na pang-ugnay sa mga sumusunod na bilang. 1. Kung ng
akdang ‘Ang Mahiwagang Tandang’ ay isang kuwentong mahika ang Pagong at
Matsing naman ay isang pabula.
2. Sakaling ang ama ni Bagaomama ay ang matandang manok. 3. “Anak, hindi natin
alam ang tunay na layunin ni Allah. Anong malay mo, baka bukas makalawa ay
maawa sa atin si Allah at gagawin din niyang maginhawa ang ating buhay.”
4. Kung ang tao ay ipinanganak na mahirap disin sana’y wala nang mayaman sa
mundo.

21
5. Yayaman ang tao kapag nagsikap sa buhay.

B. Lagyan ng angkop na retorikal na pang-ugnay ang pangungusap upang mabuo


ang diwa nito.
1. Tinanggap mo na sana ang alok niyang trabaho, _________ may naipon ka
bago magpasko.
2. Hindi makapupunta si Martin _____ umuulan.
3. __________ ako’y nagkamali, sana’y bigyan mo pa ako ng isa pang
pagkakataon.
4. Kung ginawa mo agad ang sinabi ni itay _____________ hindi ka napalo.
5. Hintayin na lang natin si Kris __________ parating na siya.
6. __________ hindi siya kumain ng mangga marahil ay hindi sumakit ang kaniyang
tiyan.
7. Maghanda na tayo ng mga kandila at baterya para sa flashlight _______
magkaroon ng bagyo sa susunod na araw.
8. Magdala ka ng jacket _______mabasa ka ng ulan.
9. Hindi naman mahirap ang buhay _________ marunong ka lang dumiskarte.
10. Hindi ka nagsabing uuwi ka ngayon _________ naipaghanda kita ng iyong
paboritong ulam.
Karagdagang Gawain
Gumuhit ng isang larawang sumasaklaw sa iyong kaisipang natutunan tungkol
sa dokyu-film o freeze story at dula na nabasa. Magtala ng tatlong pangungusap
upang ipaliwanag ng iyong iginuhit.

5
Aralin
Ikaanim na Linggo

* Pag-iisa-isa ng mga
Hakbang at Gawain sa
Pananaliksik

Alamin
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

• Naiisa-isa ang mga hakbang na ginawa sa pananaliksik mula sa napakinggang


mga pahayag F7PN-Ij-6

Subukin

GAWAIN 1

Ano-ano ang iyong mga


nabilugan na mga
larawan?Paano mo nasabi na
makakakalap ka ng mga impormasyon sa mga ito? Ipaliwanag.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

22
Mula sa mga grupo na binigyan mo ng pamagat sa itaas, kung papipiliin ka sa
mga ito ng isang paksa na kinahihiligan mo at gusto mong gawan ng isang
pananaliksik, ano ito at bakit?

Balikan

Panuto: Sumulat ng tig-dalawang pangungusap gamit ang mga pang-ugnay sa


ibaba.
1. Baka 2. Kapag 3. Sakali 4. Kung 5. Disin sana
Tuklasin
Panoorin ang dokumentaryong “I-Witness: 'Ang Huling Isla,' ni Howie Severino”
gamit ang link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=IDmvMGraIQg

Pagkatapos ay suriin mo itong mabuti sapagkat may mga inihandang katanungan na


dapat sagutan.

1. Ano ang nilalaman ng dokumentaryong pantelebisyon na iyong napanood? 2.


Paano mo ilalarawan ang mamamahayag sa palabas na ito? Siya ba ay
nagpapakita ng katangian ng isang mahusay na tagapaghatid ng
impormasyon?
3. Ilarawan ang huling isla na tinutukoy sa dokumentaryong ito. Paano naipakita ang
mga tradisyon at kultura ng mga mamamayan sa Tawi-tawi? Ito ba ay
kumakatawan sa kabuoang katangian ng mga mamamayan sa Mindanao?
Ipaliwanag.
4. Batay sa nilalaman ng dokumentaryong pantelebisyon na ito, sa iyong palagay
ay nagkaroon ba ng pananaliksik ang mga tao sa likod ng produksyon ng
palabas na ito upang maipakita ang nais nilang bigyang-diin sa mga
manonood? Ipaliwanag.
5. Kung ikaw ay naatasang mangalap ng datos, sapat ba ang nilalaman ng
dokumentaryong pantelebisyon na ito upang matugunan ang
pangangailangang impormasyon ng mga mananaliksik? Ipaliwanag.
6. Isa-isahin ang mga hakbang na ginawa sa pananaliksik mula sa napakinggan at
napanood na video.

Suriin
Sabay-sabay nating basahin at unawain ang mahahalagang impormasyon at
mga tala kaugnay sa mga naunang gawaing iyong sinagutan, na dapat mong
matutuhan sa modyul na ito.
23
Pananaliksik

• Ito ay ang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na


humahantong sa kaalaman.
• Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o
napag-alaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa
pamamagitan ng pagpapatunay ng mga panukala (teorya) o mga
pamamaraan (o sistema), at sa pagsubok sa mas mainam na pagpapaliwanag
ng mga napapansin o obserbasyon.
• Isang prosesong mapagsuri, sistematiko o maparaan, organisado o nakaayos, at
walang-kinikilingan (obhetibo). Nararapat na masagot ng prosesong ito ang
isang katanungan o hipotesis. Sa ganitong paraan, dapat itong
nakapagpapataas o nakapagdaragdag ng kaalaman hinggil sa isang hindi
nakikilalang bagay na ibig mapag-alaman pa ng mga mamamayan.
Iba’t ibang Maaaring Mapagkunan ng mga Impormasyon

✓ Internet
- Pinakamadali at modernong pangangalap ng datos o impormasyon. -
Kailangang maging mapanuri at matalino rin ang taong nananaliksik upang
matukoy kung mapagkakatiwalaan at tumpak ba ang mga impormasyong
kanyang nakakalap.
- Makatutulong kung ang mga website na may karugtong na edu, gov, o org
ang panggagalingan ng impormasyon.

-Dapat tandaan ng nananaliksik na hindi niya basta dapat kopyahin at angkinin


ang mga impormasyong makukuha sa mga website dahil ito’y paglabag sa
intellectual property rights at copyright ng mga akda o teksto. Mahalagang
banggitin o bigyang-pagkilala ang pinagmulan ng kanyang mga impormasyon.

✓ Ang mga aklat o Libro


- Maging sa panahon ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, ang mga
nakalimbag o naka-pdf na aklat o libro ay mabisa pa ring pagkukunan ng
impormasyon. Kasama na rito ang iba’t ibang sangguniang nakalimbag tulad
ng encyclopedia, almanac, atlas at diksyunaryo.
✓ Mga Artikulo sa Magasin at Diyaryo
- Sa mga magasin at diyaryo man ay marami rin artikulo o tekstong maaaring
pagmulan ng kinakailangang impormasyon.
✓ Mga Video mula sa Youtube, mga Dokumentaryo, at Iba pang Palabas
Pantelebisyon
- Mga napapanood na video, dokumentaryo at iba pang palabas na
napapanood na mapagkukunan ng impormasyon.
✓ Mga Panayam, Seminar at Workshop
- Ang ilang napapanahong impormasyon ay maaari ring magmula o makuha
sa mga panayam, seminar, at workshop kung saan ang mga tagapagsalita
o tagapanayam ay eksperto sa paksang kanilang ibinibigay para sa
tagapakinig.
Mga Hakbang sa Pananaliksik

1. Unang Hakbang
• Pagpili at paglilimita ng paksa.
• Ang paksa ay dapat na alam mo, nakawiwili, mapagkukunan ng datos, may
sanggunian, may kabuluhan at magagawan ng kongklusyon.
2. Ikalawang Hakbang
• Pagsasagawa ng pansamantalang balangkas.
I. Ilahad sa isang pangungusap ang nais pag-aralan sa paksa.

24
II. Ilahad ang layunin. ( Isa-isahin ang iyong dahilan o layunin kung
bakit nais isagawa ang pananaliksik )
III. Itala o ilista ang mga tanong.
IV. Pangatwiranan ang kahalagahan ng paksa.
3. Ikatlong Hakbang
• Pagtatala ng sanggunian.
• Maksimum na bilang ng sanggunian ang nararapat itala, ngunit
gawin itong minimum sa pitong sanggunian lamang.
4. Ikaapat na Hakbang
• Pangangalap ng datos.
• Importante ang dating kaalaman sa mga nabasa na. Ideya lamang
ng nabasa ay sapat na.
• Makatutulong ang paggamit ng index card sa pagtatala ng mga
sanggunian. 5. Ikalimang Hakbang
• Pagbuo ng konseptong papel.
• Gawin kapag sigurado ka na sa paksang sasaliksikin.
• Kasama rito ang balangkas/framework ng daloy ng laman ng
pananaliksik na magbibigay- linaw sa isusulat.
6. Ikaanim na Hakbang
• Paggawa ng dokumentasyon.
•Sinupin ang mga datos, gumamit ng parentetikal na paglalahad ng
sanggunian at obserbahan ang paggamit ng wastong pagbabantas. 7.
Ikapitong Hakbang
• Pagsulat ng pinal na kopya ng pananaliksik.

Pagyamani
n
Gawain 1: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na hakbang sa pananaliksik na tinutukoy
sa mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot. A. Pagrerebisa
D. Talasanggunian
B. Pagpili ng paksa E. Pinal na Manuskrito
C. Pagbabalangkas F. Suliranin
____ _1. Ito ay naglalaman ng mga talaan ng iba’t ibang sanggunian. _____ 2. Sa
pagsulat ng pananaliksik ay nararapat na isaalang-alang ang inyong interes
gayundin ay kung may sapat na datos na malilikom. _____ 3. Pinal ang tawag sa
sipi ng isang sistematikong pananaliksik. _____ 4. Ilahad ang mga problema,
balakid at mga suliranin na dapat bigyan ng kalutasan.
_____ 5. Ito ay isinasagawa upang mailatag ng maayos ang mga ideyang
nakalap sa inisyal na paghahanap ng datos.

Gawain 2: Isa-isahin ang mga hakbang sa pananaliksik at ipaliwanag ang bawat isa.

Gawain 3: Bumuo ng mga konsepto at mga ideya kung paano nagkaroon ng


pagkakaugnay ang mga salitang nakapaloob sa Concept Cluster. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

DATOS

PANANALIKSIK
MANANALIKSIK

PAKSA PAMAMARAAN

25

Gawain 4: Tukuyin ang ilang


hakbang sa pananaliksik na
naglalarawan sa bawat pahayag.
* (Breaktime sa klase
nina Annie at Princess)
1.

Annie: Princess, may napili ka na bang paksa para sa pananaliksik


sa grupo ninyo?
Princess: Ay! Oo. Ang napag-usapan ng aming grupo
kanina ay mga tourist spot sa
Mindanao.
Annie: Ang ganda naman ng napili mong
paksa.
Princess: Salamat Annie.

2. Annie: Bakit
nga pala
tourist
spot sa

Mindanano ang iyong napili? Princess: Maliban sa mga naituro na ni


Ma’am Elaine sa ating mga akdang pampanitikang at kulturang naisulat
sa lugar na ito, nais ko pa sanang malaman ano-ano pa ba ang
maipagmamalaki ng kanilang lugar.
3. Annie: Alam mo ba Princess, tunay na nakapapanabik ang inyong pag aaral.
Alam natin na ang Mindanao ay isang rehiyon sa Pilipinas na walang
katulad. May mga napapanood ako sa TV gaya ng Biyahe ni Drew kung
saan ang gaganda ng mga lugar nila dito gaya ng Camiguin Island at
Puerto Gallera. Maaari mo ding talakayin dito yung mga kilalang pagkain sa
kanila, paano yung kanilang pamumuhay at iba pa. Maaari mo itong
gawing sanggunian

4. Princess: Tama ka dyan Annie! Gusto kong ipagmalaki ang Mindanao, at


baguhin ang isipan ng ilan sa ating mga kabataan na sa tuwing naririnig
ang lugar na ito ay nakararamdam ng takot. Kaya nga gusto kong gawin
ito, hahanap ako ng maraming datos upang marami pa tayong matutuhan
tungkol sa buhay sa Mindanao.
_______________________________________________________________
5. Annie: Oo Princess! Pero alam mo, ang mahirap lang dyan kung nais mong
palawakin ang pag-aaral mo ukol dito, ano-ano ang mga gagamitin mo sa
pag-aaral?
Princess: Marami akong kaibigan sa aming lugar na Muslim at naninirahan sa
Mindanao, isa na ang pakikipanayam, pagbabasa sa internet at
pagsasaliksik pa tungkol dito. Sa ngayon, itatala ko muna ang ilan sa mga
nalalaman at nababasa ko. Tatalakayin ko sa susunod na araw ang ilan sa
nabuo kong framework upang maging mas malinaw sa aking mga
kasamahan ang gagawin.
*(Nagring ang bell)

Princess: Pa’no Annie, tara na, baka mahuli pa tayo sa susunod na klase.
Annie: Oh, Tara na!

Gawain 5: Ilahad ang mga mahahalagang datos mula sa mapapanood na video:


“Kapuso Mo, Jessica Soho: Fallen COVID-19 Heroes”.
Link: https://www.youtube.com/watch?v=jdxUIApsi5I
Paksa
Suliranin
Mahahalagang detalye

26
Isaisip

Panuto: Punan ang patlang na iyong natutuhan sa aralin.


Ang Pananaliksik ay _________________________________________________________________
Natutuhan ko na ____________________________________________________________________

Isagawa
Bilang isang mag-aaral, bakit mahalaga ang pananaliksik sa pang-araw
araw mong pamumuhay? _________________________________________________________

Tayahin
Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin at isulat ang letra
ng tamang sagot para sa bawat bilang.

A. Ikapitong hakbang F. Internet


B. Ikalimang hakbang G. Interbyu/pakikipanayam
C. Pananaliksik H. Mga Video mula sa Youtube, D. Mga Aklat mga
Dokumentaryo, at Iba pang Palabas
E. Ikalawang hakbang I. Mga Artikulo sa Magasin at Diyaryo J. Ikaanim
na hakbang
_______1. Ito ay isang masusi, sistematikong pangangalap ng mga totoong datos o
impormasyon na humahantong sa kaalaman.
_______2. Isang elektronikong pamamaraan sa pangangalap ng datos. _______3.
Isang paraan ng pangangalap ng impormasyon o kaalaman sa pamamagitan ng
pagtatanong ng harap-harapan. Kung kinakailangang malaman ang tunay na
impormasyon, kinakailangan na ganap ang kaalaman ng kakapanayamin.
_______4. Ito ay isang panoorin na maaaring pagkunan ng mga datos o impormasyon.
_______5. Maraming makikita ditong artikulo o tekstong maaaring pagmulan ng
kinakailangang impormasyon.
_______6. Ito ay mga nakalimbag na babasahin na mabisa ring pagkuhanan ng datos.
_______7. Sa hakbang na ito isinasagawa ang dokumentasyon.
_______8. Dito isasagawa ang pagbabalangkas/framework ng daloy ng laman ng
pananaliksik na nagbibigay-diin sa isusulat.
_______9. Isinasagawa ang pinal na pananaliksik sa hakbang na ito.
_______10. Dito nagsasagawa ng pinal na pagbabalangkas.

Karagdagang Gawain
Pumili ng isa sa mga lugar na panturismo sa Mindanao at magsaliksik ng
mahahalagang impormasyon ukol dito. Isaalang-alang ang mga hakbang sa
pananaliksik.

• Mount Apo
• Davao Crocodile Park
• Tinago Falls
• The Grand Mosque of Cotabato
• Enchanted River
27
Mga Nilalaman:

1. Pamagat (Isang Tagline na may kaugnayan sa lugar na iyong napili)


II. A. Ano ang nais mong malaman sa lugar na iyong napili?
B. Banggitin ang mga sumusunod na ipinagmamalaki sa lugar ng
Mindanao:
III. Produkto
IV. Pagkain
V. Kasiyahan
VI. Lugar
VII. Akdang naisulat (Literatura)
VIII. Karagdagan
IX. Sa iyong palagay, bakit mahalagang pag- aralan ang lugar na iyong napili? X.
Sangguniang pinagkuhanan ng impormasyon.

Arali Ikapitong Linggo


n * Pagsusuri ng Datos sa
6 Pananaliksik at Proyektong
Panturismo
Alamin
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

• Nasusuri ang ginamit na datos sa pananaliksik sa isang proyektong panturismo


(halimbawa: pagsusuri sa isang promo coupon o brochure) (F7PB-Ij 6)

Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang letra
ng tamang sagot batay sa hinihingi ng bawat bilang.

_____1. Ang _______ ay paglalakbay o pagbisita ng mga tao sa ibang lugar na may
layuning makapaglibang, makapagnegosyo at may pansariling dahilan o
pakay.
A. terorista B. mangangalakal C. turismo D. manlalakbay _____2. Ito ang tawag sa
taong maglalakbay sa ibang bansa o lugar na hindi pa napupuntahan. Hinahanap
niya ang mga bagay na wala sa kanyang bansa. A. turista B. mangangaso C.
mamamayan D. mangingisda _____3. Ito ang tawag sa proyektong nakapanghihikayat
ng mga turista at kayang maipaalam ang kagandahan ng kalikasan at kapaligiran sa
ating bansa. A. Proyektong Agrikultural C. Proyektong Panturismo
B. Proyektong Pang-imprastraktura D. Proyektong Pampaaralan
______4. Alin sa sumusunod ang hindi isinasaalang-alang ng mga turista?
A. ang magaganda at abot-kayang atraksiyon
B. malaking gastos sa paglalakbay
C. seguridad ng bansa mula sa mga krimen
D. magagandang komento o karanasan mula sa mga dayuhang nagpunta sa
iba’t ibang lugar sa Pilipinas.
______5. Malaki ang gampanin ng advertisement sa pagpapalakas ng turismo sa bansa.
Nahahati ito sa dalawang kategorya, ang print at electronic media. Alin ang
hindi nasasaklaw ng electronic media?
A. telebisyon B. internet C. radyo D. flyer
28

Balikan

Panuto: Tingnan mabuti ang larawan ng Lugar na Panturismo sa Mindanao. Suriin


mo ito at itala sa loob ng kahon ang mahahalagang obserbasyon na nakapaloob dito.
Isaalang-alang ang mga hakbang sa pananaliksik.
Halaw sa: Mindanao Travel Brochure

Tuklasin

Panuto: Tukuyin at suriin ang mga mahahalagang datos na kinakailangan sa pagbuo


ng travel brochure. Iguhit ang araw ( ) kung sa tingin mo ay Tama at kinakailangan sa
pagbuo ng travel brochure. Kung ito ay Mali iguhit naman ang buwan ( ) at ilagay ang
tamang sagot na nagpamali rito.
_______1. Piliin ang pinakamahalagang bagay na gusto mong bigyang diin tungkol sa
lugar na sa tingin mo ay aakit sa uri ng turistang target ng iyong travel
brochure.
_______2. Maging maingat at mapili sa mga salitang ilalagay mo sa brochure. _______ 3.
Naglalaman lamang ito ng pinakamahalagang impormasyon tungkol sa lugar dahil
hindi makabubuti kung mapupuno ng salita ang brochure.
_______4. Mga uri ng turista ang target ng iyong Travel Brochure. Maaaring kabataang
mahilig sa adventure, mga back packer na may limitadong gadget,
mag-aaral na gusto ng isang educational fieldtrip, pamilyang may mga
anak at mga nakatatanda o retiradong nais ng tahimik na bakasyon.
_______5. Makabubuti kung mas kaunting larawan ang iyong ihahanda para kaunti lang
ang pagpipilian dahil hindi naman lahat ng larawan ay isasama mo. ______ 6. Pumili ka
ng mga larawang aangkop sa iyong binubuong travel brochure. _______7. Bago pa
tuluyang buuin ang travel brochure ay makatutulong ang pagbuo muna ng burador
upang maging huwaran o template ng iyong bubuoin. _______8. Sa pagbuo ng
burador o draft ay tiyaking nagamit mo nang wasto at angkop na wikang Filipino
upang ito ay hindi lang maging makatotohanan kundi makapanghikayat din sa target
na mambabasa.
_______9. Tiyaking malinaw at nababasa ang mga teksto sa travel brochure.
_______10.Tiyaking ang mga larawan ay sadyang maliit, luma at may mababang
kalidad at malabo.

29
Suriin
PANANALIKSIK
Maganda nga ba ang Pilipinas? Magagandang tanawin, pasyalan, iba’t ibang
kulturang matutunghayan at masasarap na pagkaing matitikman ay iilan lamang sa mga
bagay na mararanasan sa paglalakbay sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Paano mo ito
maibabalita sa ibang bansa? Isang simpleng bagay na maiaambag mo sa turismo ng
Pilipinas ay ang PROYEKTONG PANTURISMO. Mismo! Ito nga, at dahil mag-aaral ka pa lang,
dapat alam mo kung paano ka makatutulong sa payak na paraan. Pero teka, ano nga ba
ang turismo?
Ang turismo ay paglalakbay o pagbisita ng mga tao sa ibang lugar na may
layuning makapaglibang, makapagnegosyo at may pansariling dahilan o pakay. Turista
ang tawag sa taong maglalakbay sa ibang bansa o lugar na hindi pa napupuntahan.
Hinahanap niya ang mga bagay na wala sa kanyang bansa.
Paano nga ba makapanghihikayat ng mga turista? Paano maipapaalam ang
kagandahan ng kalikasan at kapaligiran sa ating bansa? Isang Proyektong Panturismo ang
tutugon dito.
Isinaalang-alang ng mga turista ang magaganda at abot-kayang atraksiyon,
seguridad ng bansa mula sa mga krimen, at magagandang komento o karanasan mula sa
mga dayuhang nagpunta sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Malaki ang gampanin ng
advertisement sa pagpapalakas ng turismo sa bansa. Nahahati ito sa dalawang kategorya
print at electronic media. Nasasaklaw ng electronic media ang mga advertisement sa
telebisyon, radyo at internet habang ang print media naman ang diyaryo, magazine,
brochure at flyer.
Mga Hakbang sa Paggawa ng Proyektong Panturismo
1. Poster - sa pamamagitan nito, nagkakaroon ng ideya ang ibang tao sa kagandahan
ng kanilang bayan na maaaring hindi pa nila alam. Gumagamit ng larawan o
imahen na talagang magpapakita ng dapat asahan ng mga tao. Ito ay
karaniwang parehong tekstwal at graphic ang elemento na disenyo upang
kapansin-pansin at makapagbigay-kaalaman. Kadalasan, tool o gamit ito ng mga
Advertising Company, propagandista, at iba pang pangkat upang maihatid ang
mensahe.
2. Presentasyon- ano ang kanilang mga nalaman tungkol dito. Ang mga layunin ng
presentasyon ay;
a) Masagot ang gabay na tanong na ibinigay bago ninyo umpisahan ang proyekto
b) Mahikayat ang mga taong subukan ang pinag-aralang pagkain/ produkto/
kasiyahan/ lugar at iba pa.
c) Maipaliwanag ng may kaayusan, kabuuan, at kaisahan ang pagsusuri. d)
Maipakita ang kagandahan at katangi-tanging kuwento ng inyong bayan.
Makapagbigay ng mga paraan kung paano ninyo mapalalaganap ang inyong
proyekto. Halimbawa: Nais ninyong ipaskil ang inyong poster sa ibang paaralan,
maipaimprenta ang inyong travel brochure sa tulong ng pamahalaang lokal at
ipadala sa ibang bayan, isali ang inyong blog site sa mga website na panturismo, at
iba pa.
3. Travel Brochure - Ito ay naglalaman ng mga lugar na nais dalawin ng mga tao
upang maging kumpleto ang kanilang karanasan. Piliin lamang ang detalyeng
ilalagay dito dahil kaunti lang ang maaaring isulat na pangungusap. Lagyan ng
magandang disenyo at larawan kung mayroon. Tatlo o higit pang lugar na dapat
puntahan, ang kahalagahan ng bawat lugar na makikita at maaaring gawin doon.
4. Blog- Isang website na maaaring magamit sapagkat ito ay tekstwal at may mga
larawan na pwedeng iangkop sa paksa. Maaaring ilagay rito ang karanasan
habang nangangalap ng impormasyon. May mga impormasyong natuklasan o
saloobin sa

30
lugar. Mga taong nakilala, maaaring ipakita ang kabuhayan, lugar, mga pagkain,
produkto at anumang natuklasang kasiyahan ng tao.
5. Audio-Visual Presentation (AVP) –ang nagtatanghal ay karaniwang nagbibigay
audio sa pamamagitan ng tahasang pagsasalita kasama ang mga kaugnay na
larawan na makikita sa screen, gamit ang projector o computer.
Mga Hakbang at Panuntunan sa Paggawa ng Makatotohanan at
Mapanghikayat na Proyektong Panturismo
1. Napakahalaga ng nilalaman ng iyong travel brochure dahil ito ang manghihikayat sa
mga turista na magbakasyon sa mga lugar na pasyalan dito sa ating bansa.
Makabubuti kung magsasaliksik ka at magbabasa muna ng mga libro o mga artikulo
upang marami kang maibahagi tungkol sa naturang lugar. Ngunit bago ka manaliksik
ay kailangang matukoy mo muna ang sagot sa mga sumusunod na katanungan:

❖ Anong uri ng turista ang target ng iyong travel brochure? Sila ba ay kabataang
mahilig sa pakikipagsapalaran sa iba’t ibang lugar? Mga backpacker na may
limitadong budget? Mga mag-aaral na nasa isang educational fieldtrip? Pamilya?
o hindi kaya’y mga nakatatanda o retiradong nagnanais ng payapa na
bakasyon?
2. Kapag alam mo na ang uri ng turistang nais mong mahikayat ng iyong travel brochure,
maaari mo nang ipagpatuloy ang iyong pananaliksik. Mula sa iyong nasaliksik ay piliin
mo ang pinakamahalagang bagay na gusto mong bigyang diin ukol sa lugar na sa
tingin mo ay hihikayat sa uri ng turistang target ng brochure. Mahalaga ito upang
makagawa ka ng isang brochure na di lamang kaakit-akit sa paningin kundi
nagbibigay rin ng mga mahahalagang impormasyon sa isang lugar.
3. Pumili ka ng mga larawang angkop sa iyong binubuong travel brochure. Ang mga
larawang ito ay inaasahang makapanghihikayat sa mga turista. Makabubuti kung mas
maraming larawan ang iyong ihahanda nang sa gayon ay mas marami kang
pagpipilian. Maliban sa mga larawan ng iba’t ibang pasyalan at magagandang
tanawin ay huwag mong kalimutang magsama ng mga larawan na nagpapakita ng
mga aktibidad na maaaring gawin sa mga lugar na ito. Halimbawa ay ang
pangangabayo, pagzi-zipline, pagpipiknik o simpleng paglalakad sa malapulbos na
buhangin sa dalampasigan. Tiyakin mo na ang mga larawan ay sadyang kaakit-akit,
bago, at hindi malabo sa paningin ng magbabasa nito.
4. Bago pa tuluyang mabuo ang travel brochure ay makatutulong din ang paggawa ng
burador para maging huwaran o template ng iyong gagawing brochure. Kahit wala
munang mga larawan o teksto, gamitin mo ang iyong kakayahan sa pagguhit. Iguhit
muna ang halimbawa ng larawan na nais mong ilagay sa iyong brochure. Maaari
mong itiklop sa makatlo ang iyong gagawing brochure, karaniwan ito sa mga
brochure na makikita mo na ipinamimigay sa mga turista.
5. Ngayon ay handa ka na sa pagbuo ng iyong travel brochure. Dito napapaloob ang
mga impormasyon na iyong nakalap gayundin ang mga larawan na iyong napiling
ilagay sa naturang brochure. Tiyaking malinaw at madaling mabasa ang mga teksto
na nasa iyong brochure. Iwasan ang paggamit ng maliliit na titik. Bigyang diin ang
pinakamahalagang bahagi sa pamamagitan ng paggamit ng ibang kulay o
paggamit ng diin (bold face).
6. Suriin ang binuong burador para matiyak na naaayon sa plano ang harap, gitna, at
ang huling bahagi ng brochure. Tiyaking tama ang baybay at bantas sa iyong
gagawin at naipaliliwanag din ang mga salitang ginamit sa paggawa ng proyekto
tulad ng mga acronym. Gumamit din ng wasto at angkop na wikang Filipino. Ito ang
isang uri ng sulating ginagamitan ng pormal na wika at hindi ng mga balbal, kolokyal,
o lalawiganing salita. Subukang mangalap sa internet, magasin at aklat ng mga
halimbawang travel brochure dahil makakatulong ito sa pagbibigay ng mga libreng
template.
(mula sa Pinagyamang Pluma 7 nina Alma M. Dayag et al., 2018)
31

Pagyamanin
Gawain 1: Gumuhit ng isang bagay o kagamitang ginagamit sa pagkuha ng datos
para sa isang travel brochure. Iguhit ito sa loob ng kahon.
Gawain 2: Ilahad sa ibaba ang mga datos o kagamitang kakailanganin, gayundin ang
mga gagawin mong paraan sa pagkuha ng mga datos para sa isang travel brochure.

Gawain 3: Gumawa ng travel brochure ayon sa ibinigay na larawan at mga datos na


nasa ibaba. Gawing gabay ang burador at pagkatapos ay suriin ang iyong brochure
ayon sa pamantayan sa paggawa.

https://www.lakwatsero.com/spots/iligan-city-tinago-falls/

o Tinago Falls
o 500 steps winding staircase
o Iligan City, Lanao del Norte
o City of Majestic Waterfalls
o Via Barangay Buru-un, Iligan City From Cagayan de Oro, make your way to Iligan City and
transfer to a jeep going to Buru-un or Linamon or a bus going to Ozamiz or Pagadian. If you are
coming from Ozamiz or Pagadian, catch a bus to Iligan City. Get off in front of Maze Resort at
Barangay Buru-un. From there, transfer to a motorbike (habal-habal), round trip rate is as low as
P100. Entrance fee is P10 per person, cottages can be rented from P100-300, and life jackets can
be rented for P10-P20.
Gawain 4: Pagsunod-sunorin ang mga hakbang at panuntunan sa pagsasagawa ng
makatotohanan at mapanghikayat na travel brochure na magagamit sa Proyektong
Panturismo. Isulat ang bilang 1 – 6 sa bawat bilang.
(TRAVEL BROCHURE)
_____________ Pagbuo ng burador para sa iyong travel brochure.
_____________ Pagbuo ng aktuwal na travel brochure.
_____________ Pananaliksik at pagsulat ng nilalaman ng iyong travel brochure.
_____________ Piliin ang pinakamahalagang bagay na gusto mong bigyang diin tungkol
sa lugar na sa tingin mo ay aakit sa uri ng turistang target ng iyong travel brochure.
_____________ Napakahalagang suriin mo ang mga datos na iyong nasaliksik upang
umangkop sa uri ng turistang nais mong maabot ng iyong gagawin. _____________
Pagpili ng mga larawang isasama sa travel brochure.

32
Gawain 5: Pumili ng isang tanyag na tanawin sa lugar ng Mindanao. Gumawa ka ng
sarili mong DIY o Do It Yourself na Travel Brochure. Maaaring bumuo ng sarili mong
burador o draft ng isang travel brochure ayon sa lugar na iyong napili. Isulat ang sagot
sa sagutang papel .

Isaisip
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga katanungan. 1. Sa iyong
sariling opinyon, ano ang kahalagahan ng isang travel brochure? 2. Paano
naisasagawa at nasususuri ang ginamit na datos sa pananaliksik sa isang
proyektong panturismo?
3. Bilang mag-aaral, paano makatutulong ang isang travel brochure sa proyektong
panturismo?

Isagawa
Panuto: Bumuo ng isang Travel Brochure na magpapakilala sa Lungsod ng Valenzuela.
Isaalang-alang ang inilahad na datos sa pananaliksik. Suriin ang iyong brochure ayon
sa pamantayan sa paggawa.
Travel Brochure Masasayang
Masasayang bagay na karanasan na
maaaring gawin. maaaring
(Pangalan ng lugar)
matunghayan.
• __________________ Maaaring Trivia sa
• __________________ lugar
• __________________
• __________________
• __________________

_________________________
__
_________________________
__
____________________
__
____________________
__
____________________
__
____________________
__
____________________
__

1. Tatlo o higit pang lugar na dapat puntahan.


2. Ang kahalagahan ng bawat lugar.
3. Mga makikita at maaaring gawin doon.
Paalala: Maaaring gumawa ng sariling DIY Travel Brochure kung walang kakayahang
gumawa sa computer.

33
PAMANTAYAN SA PAGGAWA NG TRAVEL BROCHURE
Pamantayan 5 4 3 2 1

1. Naiisa-isa ang mga hakbang na ginawa sa


pananaliksik ng mahalagang datos tungkol sa
turismo ng Pilipinas.

2. Nasusuri ang ginamit o pinagkunan ng datos o


impormasyon sa pananaliksik kung kaya’t angkop
o mapagkakatiwalaan ang pinagkunan ng mga
ito.

3. Naglagay ng pagkakakilanlan o citation sa


mga pinagkunan ng datos.

4. Naipaliwanag ang mga salitang ginamit sa


paggawa ng proyektong panturismo tulad ng
mga acronym.

5. Naiisa-isa ang mga tamang hakbang at


panuntunan sa paggawa ng proyekto.

6. Nakabuo ng isang makatotohanang


proyektong panturismo.

7. Nagamit nang wasto at angkop ang pormal


na Wikang Filipino sa pagsasagawa ng
proyektong panturismo.

Pamantayan: 5 – Napakahusay; 4 – Mahusay; 3 – Medyo mahusay; 2


– Di-mahusay; 1 – Nangailangan pa ng pagpapaunlad

Tayahin
A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang sagot sa
kahon.

1. Ito ay naglalaman ng mga lugar na nais dalawin ng mga tao upang maging
kumpleto ang kanilang karanasan. Pinipili lamang ang detalyeng ilalagay dito dahil
kaunti lamang ang maaaring isulat na pangungusap.
2. Isang website na maaaring magamit sapagkat ito ay tekstwal at may mga larawan
na pwedeng iangkop sa paksa.
3. Tiyaking malinaw at nababasa ang mga teksto sa travel brochure. Iwasan ang
masyadong maliliit na _______.
4. Gumagamit ng larawan o imahen na talagang nagpapakita ng dapat asahan ng
mga tao. Ito ay karaniwang parehong tekstwal at graphic ang elemento na disenyo
upang kapansin- pansin at makapagbigay-kaalaman.
5. Lagyan ng magandang ____________ at larawan kung mayroon ang travel
brochure. Maaaring ilagay ang tatlo o higit pang lugar na dapat puntahan, ang
kahalagahan ng bawat lugar na makikita at maaaring gawin doon. 6. Nahahati ito
sa dalawang kategorya- ______ at electronic media.
7. Mga uri ng turista ang target ng iyong Travel Brochure. Maaaring kabataang mahilig
sa adventure, mga _____________ na may limitadong gadget, mag-aaral na gusto ng
34
isang educational fieldtrip, pamilyang may mga anak at mga nakakatanda o
retiradong nais ng tahimik na bakasyon.
8. Maging maingat at mapili sa mga salitang ilalagay mo sa brochure. Dapat
naglalaman lamang ito ng ______________ at pinakamahalagang impormasyon
patungkol sa lugar dahil hindi makabubuti kung mapupuno ng salita ang brochure. 9.
Makabubuti kung mas maraming __________ ang iyong ihahanda para mas marami
kang pagpipilian dahil hindi naman lahat ng larawan ay isasama mo. 10. Sa pagbuo
ng burador o draft ay tiyaking nagamit mo nang wasto at angkop na wikang
____________ upang ito ay hindi lang maging makatotohanan kundi
makapanghikayat din sa target na mambabasa.
B. Panuto: Tukuyin ang sumusunod na pangungusap, hanapin sa ibaba ang sagot
at Isulat ito sa patlang.
_____1. Ito ay talaan ng iba’t ibang sanggunian tulad ng aklat, artikulo, peryodiko,
magasin at iba pang nalathang materyal
_____2. Sila ang pinakatarget mo na maakit sa gagawing travel brochure. _____3.
Draft sa wikang ingles, panimulang sinulat ukol sa isang paksa, hindi pa ito ang pinal
na bersyon maaari mo pa itong baguhin.
_____4. Ikalawa sa pinakamalalaking pulo sa Pilipinas.
_____5. Sangay na nangangasiwa sa turismo ng bansa.

Karagdagang Gawain
Panuto: Bumuo ng isang halimbawang brochure na nagpapakita ng
magagandang lugar sa iyong barangay.

7
Aralin
Ikawalong Linggo

* Pagbabahagi ng Video Clip


para sa Proyektong Panturismo

Alamin
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang: •
Naibabahagi ang isang halimbawa ng napanood na video clip mula sa
youtube o ibang website na maaaring magamit (F7PD-Ij-6)

Subukin
Panuto: Iguhit ang puso ( ) ang pahayag kung ito ay nagpapahayag ng katotohanan
at malungkot na mukha ( )kung hindi.

_______1. Ang mga turista ay ang mga taong naglalakbay sa ibang lugar na maaaring
may layuning makakita ng magagandang tanawin, maunawaan ang kultura ng lugar
at maaari din makapagsaya kapiling ang mga mahal sa buhay. ______2. Ang pagbuo
ng Proyektong Pangturismo ay nakatutulong sa isang bansa upang mas lalong
maipakilala ang mga natatanging yaman at kagandahang taglay nito.
______3. Sa tulong ng proyektong pangturismo ang mga turista ay madaling
makapamimili ng mga lugar na maaari nilang puntahan sa isang bansa o nayon.

35
______4. Ang pagdami ng turista sa isang bansa o nayon ay hindi nakatutulong sa
pagbubukas ng maraming oportunidad sa mamayan gaya ng pagkakaroon ng
mga hanapbuhay at paglago ng mga negosyo.
_____5. Sa pagpapakilala ng magagandang tanawin o lugar marapat na magkaroon
ng pananaliksik at pag-aaral sa mga ito.
Balikan
Pagsunod-sunorin ang mga hakbang at panuntunan sa pagsasagawa ng
makatotohanan at mapanghikayat na proyektong panturismo. Isulat ang bilang 1
hanggang 4.
_______ Pagbuo ng burador para sa iyong travel Brochure
_______ Pagpili ng mga larawang Isasama sa Travel Brochure
_______ Pagbuo ng aktuwal na Travel Brochure
_______ Pananaliksik at pagsulat ng nilalaman ng iyong Travel Brochure

Tuklasin
Ikaw ay nagbabalak na mamasyal kasama ang iyong pamilya at ang Coron
Palawan ang iyong naisipang puntahan ngunit dalawa sa nakita mong poster ay
mayroong magkaibang iniaalok na serbisyo. Guhitan mula sa eroplano hanggang sa
poster ang napiling serbisyo.

A.

B.

1. Alin sa dalawang larawan ang higit


mong pipiliin kung ikaw ay kasalukuyang naghahanap ng mapagbabakasyunan
ng iyong pamilya? Bakit ito ang iyong napili? Ipaliwanag.
2. Sa iyong palagay bakit may ilang mga indibidwal, na pinipili ang mas mura ang
isang lugar na mapagbabakasyunan kaysa sa isang mataas ang halaga? At
mayroon din namang mas pinipili ang may kamahalang lugar na pasyalan?
3. Sa mga nakikita mong anunsyo o poster tungkol sa isang lugar pasyalan, aling
bahagi nito ang masasabi mong nakapanghihikayat sa iyo? Ipaliwanag.

Suriin

Ang TURISMO ay paglalakbay o pagbisita ng mga tao sa ibang lugar na may


layunin. Ang iba ay upang makapaglibang, makapagnegosyo at ang iba naman ay may
pansariling dahilan o pakay. Sa pamamagitan nito, hindi maiiwasang mabigyang-pansin
ang kultura, kapaligiran at anomang bagay sa pook na pinuntahan.
TURISTA ang tawag sa taong dumarayo sa ibang bansa. Hinahanap niya ang mga
bagay na wala sa kanyang bansa o kaya naman ay para sa kakaibang kapaligiran o
kalikasan. Dapat na maipakita ang kagandahan ng lugar, ang maayos na pakikitungo at
tunay na serbisyo na magpapangiti sa sinumang turista. Sa ganitong sitwasyon, nasusukat
ang pangmatagalang ugnayan ng dalawang bansa na magkaiba ang lahi.
Sa pandaigdigang aktibidad, naging bantog ang turismo. Kinilala itong mahalaga
sa buhay ng mga bansa dahil sa tuwiran itong nakaaapekto sa sektor ng lipunan, kultura,
ekonomiya at edukasyon. Lumilikha ito ng pagkakataong malutas ang suliranin sa kawalan
ng hanapbuhay, pati ang serbisyo sa ekonomiya na kaugnay ng transportasyon. Nariyan
rin

36
ang serbisyo sa hospitalidad tulad ng panunuluyan sa isang hotel at resort; idagdag pa
ang para sa paglilibang tulad sa mga parke, casino, malls at mga katulad nito. Tunay na
malaki ang magagawa ng turismo sa kaunlaran at pagpapakilala sa bansang
kinabibilangan, kaya upang maging matagumpay sa inaasam na makilala ang bansa at
makapanghikayat ng turista, pakikiisa ng mga mamamayan, suporta ng pamahalaan at
pagpapakita ng mga kaugaliang katanggap-tanggap sa pandaigdigang
pakikipag-ugnayan ang dapat na isaalang-alang.
Halaw sa: filipinopanturismo.blogspot.com/2014/02/turismo-mismo.html Pag-aanunsyo (Ingles:
advertising) ay isang uri o anyo ng komunikasyon o pakikipagtalastasan para sa
pagmemerkado o pagmamarket (marketing) at ginagamit upang mahikayat o mahimok
ang mga madla (mga manonood, mga mambabasa, o mga tagapakinig; na kung
minsan ay isang tiyak na pangkat) na magpatuloy o gumawa ng ilang bagong kilos. Sa
Wikang Latin, ang pariralang ad vertere, na pinaghanguan ng salitang Ingles na
advertising, ay may kahulugang “Ibaling ang isipan papunta sa isang bagay.”

Halaw sa: Supplemental Lessons Filipino baitang 7 rex interactive

Pagyamani
n
Gawain 1: Panoorin ang proyektong panturismo sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=Fbp9E1LdhQM at kumpletuhin ang talahanayan.
Tanawin o Lugar na ipinakita Mga pahayag na nagpapakilala
ng kagandahang taglay

Gawain 2: Batay sa video clip na napanood. Ano-ano ang dapat na nilalaman at


katangian ng isang panoorin lalo na kung ito ay nagpapakilala ng kagandahan ng
isang lugar? Dugtungan ang parirala.

Ito ay dapat na…


_________________________________________________________ Ito ay mayroong
mga… ___________________________________________________ Ito ay
kailangang… _______________________________________________________

Gawain 3: Mula sa iyong napanood na Video Clip at batay sa iyong mga nasuri.
Lagyan ng tsek ang patlang kung ang ipinahahayag ay kinakailangan sa pagbuo ng
isang Proyektong Pangturismo
_______1. Paggamit ng mga larawan ng magagandang tanawing taglay ng isang
lugar.
_______ 2. Paggamit ng malulungkot na awitin o tunog.
_______ 3. Pagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa lugar.
_______ 4. Pagtatala ng mga yaman at kagandangang taglay ng lugar. _______ 5.
Pagpili ng angkop na mga pahayag na nakapanghihikayat Gawain 4: Gaano
kahalaga sa iyo ang mga katangiang maaaring taglayin ng isang lugar pasyalan? Sa
pamamagitan ng paglalagay ng kulay dilaw sa mga bituin ayon sa tindi ng
kahalagahan ay gamitin ang sumusunod na iskala.
Iskala Palarawang Pagpapaliwanag
5- bituin Pinakamahalaga
4- bituin Mas Mahalaga
3-bituin Mahalaga
2- bituin Katamtamang mahalaga
1-bituin Kailangang paunlarin

37
Kagandahan ng kapaligiran
Kaayusan at kalinisan ng matutuluyan
Kasaysayan ng lugar
Dami ng taong nakapunta na sa lugar
Halaga o presyo na maaaring magastos

Alin sa mga pahayag ang binigyan mo nang may pinakamataas na pagpapahalaga?


Bakit? Ipaliwanag.

Gawain 5: Kung bibigyan mo ng ngiti ang isang turista gaano kalaki ang ngiting iyong
ibibigay 1-Katamtamang ngiti 2- ngiting may kasiyahan 3- ngiting abot tenga. Iguhit
ang ngiti sa larawan ng turista at sa kahon naman ay ipaliwanag kung ano ang iyong
dahilan sa pagbigay ng ganung klase ng ngiti.

Isaisip

Dugtungan ang mga parirala upang makabuo ng isang pangungusap na may


buong diwa.
Ang Turismo ay__________________________________________________________________
Ang Pagsasagawa ng proyektong pangturismo ay________________________________
Ang pag-aanunsyo ay___________________________________________________________
Ang pagpunta sa ibang bansa ay maaaring______________________________________

Isagawa
Bilang isang mag-aaral, bakit mahalaga ang pananaliksik sa pang-araw-araw
mong pamumuhay?

Tayahin
A. Panuto: Iguhit ang masayang ngiti sa mukha kung ang pahayag ay
sinasang-ayunan at nakasimangot naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
1. Ang paggamit ng proyektong pangturismo ay nakatutulong sa lubos na
pagpapakilala ng isang lugar.
2. Higit na nakatutulong ang mga pahayag na nagpapakita ng kagandahang
taglay ng isang lugar sa pagbuo ng proyektong pangturismo.
3. Dahil sa paggamit ng mga larawan at pagpapakilala sa mga natatanging
yaman ng isang lugar sa pagbuo ng proyektong panturismo hindi ito nagiging
sapat upang manghikayat.
4. Nakadaragdag ng hanapbuhay sa mga mamamayan ang pagtaas ng turismo
sa bansa.
5. Ang pagpapakilala sa isang lugar ay kinakailangan ng masusing pananaliksik. 6.
Ang mga taong pumupunta sa ibang bansa na kung saan ay naghahanap sila ng
mga bagay na wala sa kanilang lugar o bansa ay matatawag na turista. 7. Ang
pagpunta sa ibang bayan, nayon o bansa ay makatutulong sa isang indibidwal
upang maunawaan at malaman niya kung anong kultura, paniniwala, tradisyon
at pamumuhay meron ang mga taong naninirahan dito.

38
8. Ang turismo ay kinilalang mahalaga sa buhay ng mga tao sa bansa dahil sa ito
ay nakaaapekto ng hindi maganda sa sektor ng lipunan, kultura, ekonomiya at
edukasyon.
9. Ang paggamit ng masayang musika ay nakadaragdag ng kagandahan sa
pagpapakilala sa isang lugar.
10. Ang layunin ng pagbuo ng isang proyektong panturismo ay upang masira ang
katahimikan at kagandahan na taglay ang isang bayan o bansa.

B. Panuto: Magbigay ng 5 maaaring gamitin at gawin sa pagbuo ng isang


Proyektong Pangturismo sa paraang video clip.

Karagdagang Gawain
Panuto: Bilang isang kabataan paano ka makatutulong sa pagpapakilala ng iyong
bayang sinilangan? Magbigay ng mga pamamaraang maaari mong gawin upang ito
ay maisakatuparan. Ipaliwanag.

39

Sanggunian
Website
https://tl.wikipedia.org/wiki/Pananaliksik
https://www.slideshare.net/christopheregetigan/mga-hakbang-sa-pananaliksik
https://www.youtube.com/watch?v=9Gvbxq6YLFk

https://www.youtube.com/watch?v=IDmvMGraIQg
https://www.youtube.com/watch?v=7HDY2aFbmrI
https://www.youtube.com/watch?v=jdxUIApsi5I
https://youtu.be/IDmvMGraIQg.
https://www.communityengagementhub.org/wp
content/uploads/sites/2/2020/04/Tagalog_COVID
19_rapid_assessment_tool_170420_FINAL.pdf

Aklat
Dayag, Alma M., et. al. Pinagyamang Pluma 7. Phoenix Publishing House

40

You might also like