Mga Paalala Sa Kaligtasan at Kalusugan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Bakit mahalaga na panatilihin ang mga kamay na malinis?

Ang mga kamay ay nagdadala at nagkakalat ng mikrobyo. Ang paghawak sa iyong mga mata, ilong o
bibig na hindi muna nililinis ang iyong mga kamay ay maaaring magbigay ng mikrobyo sa iyong katawan.
Ang mikrobyo ay maaari ring kumalat kung ang isang tao ay bumahing o umubo sa kanilang mga kamay at
pagkatapos ay humawak ng isang bagay tulad ng isang hawakan ng pinto, lamesa o telepono. Ang susunod
na taong humawak ng mga bagay na ito ay maaaring makakuha ng mikrobyo at magkakasakit kung hindi
nila lilinisin ang kanilang mga kamay bago hawakan ang kanilang mga mata, ilong o bibig.
Kailan ko dapat linisin ang aking mga kamay?
Kapag ang mga kamay ay nakikitang marumi.
Pagkatapos: Bago at pagkatapos na:
- bumahing, umubo, suminga - maghanda ng pagkain at pagkain
- gumamit ng banyo - humawakwak ng isang hiwa o bukas ng sugat
- humawak ng basura - humawakwak sa mga mata, ilong o bibig
- maglaro sa labas
Kumain ng Wasto at Sapat at Maging Aktibo
Ang aktibong katawan ay binubuo ng mga nagkakaisa at maayos na gumaganap na iba’t-ibang parte ng
ating katawan. Kapag ang isang bahagi nito ay may dinaramdam, hindi magiging lubos ang pagganap nito
ng kanyang tungkulin. Paano nga ba natin mapananatili ang aktibong katawan? Paano natin maiiwasan ang
pagtamlay ng ibat-ibang bahagi nito?
Kailangan ng ating katawan ang pagkain upang manatili itong malusog at malakas lalo ngayong panahong
pandemya. Mga pagkaing puno at siksik ng bitamina, protina, mineral at iba pa. Mga pagkaing nagbibigay-
lakas, tumutulong sa paglaki at pananggalang sa sakit at impeksyon. Laging kumain ng prutas at gulay
upang lumakas ang ating resistensya. Ang pag-inom ng gatas ay hindi dapat kalimutan upang lumakas ang
ating mga buto. Ang mga iyan ay ilan lamang sa mga paalala. Kumain ng sapat ayon sa pangangailangan
ng ating katawan.Ang maayos na kalusugan ng tao ay nababatay sa balanse at wastong pagkain o nutrisyon.
Kayang-kaya nating iwasan ang #COVID19! Subukang mag-exercise araw-araw nang hindi bababa sa 15
minutes. Ngayong panahon ng pandemya, lamang ang wais at maalam!
Bukod sa ating kaligtasan, ang pagsuot ng mask ay nagpapakita ng respeto at kurtesiya sa mga taong
nakakasalamuha natin! Ito ay nagsasabi na gusto mong maging ligtas ang sarili mo at ang mga tao sa
paligid mo!
Dagdagan mo pa ng 1 metrong physical distancing mula sa iba, at lalo pang bumababa ang tyansang
mahawa sa sakit!
Kayang-kaya nating iwasan ang #COVID19! Sundin ang one-meter rule on physical distancing at umiwas
sa matataong lugar. Ngayong panahon ng pandemya, lamang ang wais at maalam!

You might also like