Professional Documents
Culture Documents
Katitikan NG Pulong6
Katitikan NG Pulong6
Dumalo:
G. Jhon Ferolino - Kapitan
Gng. Cristel Gelligo - Hermana
Bb. Abegail Buiza - SK Chairwoman
Bb. Alexandra Gubat - Secretary
Bb. Jane Claire Favor - Treasurer
Bb. Kristine Delloson - Auditor
G. Marc Robie Gaspi - Kagawad
Bb.Mary Grace Gratil - Chief Tanod
Panukalang Adyenda
1. Pag kakaroon ng road cleaning operation.
I. Pagsisimula ng Pulong
Itinayo ang pagpupulong ng Kapitan na si G. Jhon Ferolino sa ganap na ika-1:30 ng
hapon. Sinimulan ito pamamagitan ng pangbungad na panalangin na pinangunahan ni Bb.
Abegail Buiza, ang SK Chairwoman.Kasunod ay ang pagprosidi sa pinaka pangunahing adyenda
ng pagpupulong.
At nagpatuloy ang pagpupulong sa pagmumungkahi ni G. Jhon Ferolino ang tungkol sa
gagawing road cleaning operation na agad naman sinang ayunan ni Bb. Alexabdra.
- Sa pag pupulong tinalakay ni G. Ferolino (kapitan) ang Adyenda sa pamamagitan ng
paghingi ng opinyon kung keln ito pwedeng isagawa. Iminungkahi ni Bb. Jane Claire Favor ang
kanyang opinyon na pwedeng isagawa ang cleaning operation sa araw ng sabado upang
magkaroon ng pakikiisa ang mga kabataan dahil walang pasok. Itoy sinangayunan ni G. Marc
Robie Gaspi at nagmungkahi din kung anong oras ito gaganapin. sumang ayon naman ang
kapitan dito.
Ang sumunod na pinag usapan ay tungkol sa pagtatanong ni G. Marc Robie kung kelan
magsisimula ang road cleaning operation. Nag bahagi si Bb. Mary Grace ng opsyun kung saan
mag simula at magtatapos ang road cleaning operation. Agad naman itong sinang ayunan ni G.
Jhon Ferolino. Nag mungkahi naman si Bb. Kristine na kung sana mag makaroon ng pa konswelo
or kunting meryenda para sa makikiisa sa cleaning operation. Ito'y sinang ayunan ng lahat ng
mga kasapi at napag usapan kung sino mga gagawa nito.