Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Paglipana ng sex scandal Vs.

RA 9995

Sa panahon natin ngayon ay naglipana ang mga malalaswang mga larawan at video, ang
tinatawag na sex scandals. Nagkalat ito sa alimang social media sites tulad sa Facebook, twitter,
youtube, messenger at napakarami pang iba. Kinasasangkutan ng mga may asawa,
magkasintahan at higit sa lahat kadalasan ay mga kabataan. Nakalulungkot lamang isipin na sa
ngayon ay maraming mga kabataan ang nasasangkot sa mga ganitong Gawain.

Kumakailan lang ay may pinaguusap-usapang kumakalat sa mga social media sites na viral sex
scandal ng dalwang kabtaan na naganap sa isang sementeryo sa hindi matukoy na lugar. At ito’y
hindi lamang iisa kundi napakaraming video. Nakababahala ang ganitong pangyayarai sapagkat
maari itong mapanood ng mga bata at iba pang mga kabataan at ito’y gayahin. Sa pagdami ng
mga ganitong Gawain ay isang dahilan sa pagtaas ng kaso ng maagang pagbubutis at kaso ng
rape. Kaya naman upang maiwasa ang mga ganitong Gawain ay mapaparusahan na sa ilalim ng
batas ang sinumang nagpapakalat ng mga hubad na litrato o video may pahintulot man ito o
wala,ayon sa isang abogado. Sapagkat isa nang krimen ngayon ang pagdodokumento at
pagpapakalat ng mga sex video o litrato sa internet, nga dvd, at cellphone.

Naisabatas ang Republic Act 9995 o ang Anti Photo and Video Voyeurism Act noong Pebrero
taong 2009. Sa bisa ng batas na ito, ang Republic Act 9995, ipinagbabawal ang pagdodokumento
at pagpapakalat ng mga sex video o pribadong litrato ng sinuman may pahintulot man o wala
basta’t makasisira sa reputasyon at dignidad lalo na ng mga biktima ang kadalasa’y kababaihan,
kukundinahin ng batas na ito.

Ang sinumang mahuhuli at mapapatunayang may sala ay mahahatulan ng tatlo hanggang


pitong taong pagkakabilanggo. Bukod sa pagkakakulong, may penalty na aabot sa isandaang
libong piso ang babayaran ng lalabag sa batas na ito.

Kaya naman ang bats na ito ay magsilbi sanang paalala sa mga tao o kabataang nagbabalak na
makisangkot sa mga ganitong Gawain. Sapagkat hindi biro ang mga ganitong pangyayari may
karampatan itong parusa, ngunit kahit may parusa man o wala piliin sana nating maging
matuwid at piliin ang dignidad at kahihiyan. Sa mga magulang ay gabayan ng Mabuti ang mga
anak upang maiwasang masangkot sa ganitong Gawain. Gayon din sa mga kinauukulan
maspaigtingin ang pagpapatupad ng batas patungkol sa mga ganitong insedente.

You might also like