Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Pangalan:Joselle A.

Bautista Petsa: Ika -14 ng Septyembre 1


Taon/kurso:(Bs-CRIMINOLOGY 2D)
Paksa(3) Inobasyon

BONIFACIO P.PIBAYAN :ILANG SULIRANIN TUNGKOL SA


INTELEKTWALISASYON NG FILIPINO ,PAGPAPLANO NG WIKA
(LANGUAGE PLANNING)

Annotated bibliography

Bonifacio P. Pibayan 2015: Pagpaplano ng wika (language planning),(pahina 3,4,5,6)

Ang pagkuha ng isang asignatura o subject sa Language Planning ang

magpapakilala sa isang mag-aaral ng mga huwarang teorya at praktikal na pagkau-

nawa sa ilang bagay.Pagpapasya o pagpili ng wika, Paglinang at pagpapaunlad ng

wika,Patakaran ng pagbabalangkas ng wika, Pagpoprograma ng wika,Pagsasagawa o

implementasyon ng wika,Pagpapahalaga ng wika . Ang pagpapalit ng isang wika

Mga dahilan ng pagtutol ng mga Cebuano sa pagpapalit ng wikang Filipino sa wikang

Ingles:Binigyang-diin ng vice-mayor ng Cebu ang bagay na ito nang sabihin niya sa

isang kapulungan kamakailan sa De La Salle University na "ang mga Tagalog ay

nagpupumilit na isungalngal ang wikang Tagalog sa aming lalamunan" (ram Tagalog

down our throats).Nararamdaman nila na sila'y nanganganib dahil hindi sila handang

magsalita at magsulat sa Filipino.Tatlong uri ng larangan ng wika (three types of

language domains)(i) di mahalagang larangan ng wika (non-controlling domain of

language), (ii) medyo mahalagang larangan (semi-controlling domain),(iii)

mahalagang larangan ng wika (controlling domain of language). Ang di mahalagang

larangan ng wika ay maaaring di nakasulat at maaaring gamitin sa kahit anong

wika.( Halimbawa, ang larangan ng tahanan at ang larangan ng lingua franca). Ang

medyo mahalagang larangan ay ang mga larangan kung saan ang pagsusulat ay hindi

sapilitan. Halimbawa ng medyo mahalagang larangan ay ang relihiyon at ang libangan


Pangalan:Joselle A. Bautista Petsa: Ika -14 ng Septyembre 2
Taon/kurso:(Bs-CRIMINOLOGY 2D)
Paksa(3) Inobasyon

(entertainment). Ang mahahalagang larangan ay ang larangan na nangangailangan ng

mabuti at wastong pagbasa at pagsulat:Ang mga mahahalagang larangan:Edukasyon

(lalo na ang hayskul at ang pamantasan);Pamahalaan; Pagbabatas;Hukuman; Agham

at Teknolohiya;Negosyo, Pangkalakalan at Industriya. Ang ibig sabihin ng register ay

ang tanging paggamit ng wika sa isang larangan o bahaging larangan. (Halimbawa,

alam nating lahat na kung hindi tayo doktor, hindi natin maiintindihan ang register ng

medisina na nakasulat sa Ingles).Katangian ng mahahalagang larangan ng wika: Pag-

aralan at gamitin,Specialized at learned,.Ang kaalaman sa mahalagang larangan

ay :Precise language o tiyak, tumpak, ganap na salita Iniipon (cumulative), mabilis,

Ang kasalukuyang karunungan ay nasa bagong mga aklat, pangkasalukuyang journals

at pananaliksik na papel (research papers). Ito ay hind makukuha sa Filipino. Ang

bahagi o papel (rule)ng ingles sa intelektwalisasyon ng filipino. Sapat na ang wikang

Filipino pero ang tagapagtaguyod ng Filipino ay dapat magaling sa Ingles dahil ang

wikang Ingles lamang ang paraan kung paano maiintelektwalisa ang Filipino. Kaunti

lamang ang kaalaman, kung mayroon man, sa syensyang panlipunan, agham at

teknolohya, matematika, medisina, batas, atbp., sa wikang Filipino. Estratehiya ng

pagpaplanong pangwika sa filipinas (pagpaplanong pangwika sa filipinas)

Napakahalaga ng digma sa estado sapagkat isang pook ng buhay o kamatayan ang

larangan ng paglalaban, isang landas tungo sa kaligtasan o kapahamakan. Kaya

kailangang-kailangan na masusi itong pag-aralan. Sun tzu:May papel din ang lipunan

sa paghubog ng wika sa pamamagitan ng estado. Tungkulin ng estado na panatilihing

maayos at payapa ang bansa. Kung ito nga ang tunguhin, nagsisimula dapat sa pagbuo

ng Pangkalahatang estratehiya tungo sa mas mahusay na pagpaplanong pangwika sa

bansa. Ipapaalala na binibigyang-diin nitong pag-aaral ang wikang filipino, ngunit


Pangalan:Joselle A. Bautista Petsa: Ika -14 ng Septyembre 3
Taon/kurso:(Bs-CRIMINOLOGY 2D)
Paksa(3) Inobasyon

mababanggit din ang mga bernakular. Maaaring isang kahinaan nitong pag-aaral ang

asumpsiyon o pagpapalagay na naaangkop pa rin ang mga nagawa nang pag-aaral sa

kasalukuyang kalagayan ng mga palising pangwika, bagamat ang mga

pinagsasangguniang pag-aaral ay naisulat sa pagitan ng 1998 at 2003. Naniniwala ang

may-akda na umiiral pa rinang kanilang naobserbahang status quo at walang

drastikong pagbabago ang naganap. Alalahanin ding limitado ang naging seleksiyon

ng mga kaugnay na artikulo sa mga akdang pinanghahawakan ng mga laybrari ng

unibersidad at sa mga artikulong mababasa nang walang bayad sa internet.

Kasalukuyang pagpaplanong pangwika: Ang pangunahing akda na nagtatag ng

pagpaplanong pangwika ay ang konstitusyon ng 1987. Kinilala nitong natatanging

wikang pambansa ang filipino, na isang wikang Nasa proseso ng ebolusyon “salig sa

umiiral na mga wika sa filipinas at sa iba pang wika”. Gayundin, itinadhana itong

“midyum ng opisyal na komunikasyon at wika ng pagtuturo sa sistemang pang-

edukasyon” Kasama ng ingles “hangga’t walang itinatadhana ang batas”. (samakatwid

ay temporari ang ingles.) ngunit ang malaking tipak ng pagpaplanong pangwika

(maliban pa sa saklaw ng kapangyarihang lehislatibo ng kongreso)ay ipinaubaya sa

komisyong ng wikang filipino (kwf). Naatasan ang kwf, batay sa natukoy na 11ng

tunguhin ng pagpaplanong pangwika, sa reporma sa filipino, estandardisasyon nito,

pagpapalaganap, modernisasyon, at sa preserbasyon ng mga wika sa filipinas.isa pang

malaking tipak ng pagpaplanong pangwika sa bansa ay naka-ugat sa edukasyon,

partikular sa salik ng pagpapalaganap ng wika. Isang halimbawa ang umiiral na 1987

patakaran sa edukasyong bilingguwal, na isang rebisyon ng isang katulad na palisi

noong 1974. Ayon sa kautusang ito, ang midyum ng instruksiyon ay ingles sa

asignaturang ingles (language at reading), siyensiya, at matematika, samantalang


Pangalan:Joselle A. Bautista Petsa: Ika -14 ng Septyembre 4
Taon/kurso:(Bs-CRIMINOLOGY 2D)
Paksa(3) Inobasyon

filipino pagdating sa asignaturang filipino, humanidades, at pag-aaral panlipunan.

Kamakailan lamang, pinagtibay ng pamahalaan ang programang kindergarten to 12 (k

to 12) at ipinasok ang mtb-mle (mother tongue-based multilingual education). Sa

programang ito, gagawing midyum ng instruksiyon ang mga wikang bernakular

hanggang grade 3.Palisi at praktis:Anumang patakaran ay walang saysay kung

mananatili sa papel. Ganito nga ang problema sa mga patakarang pangwika sa

filipinas. Magaganda sana ang palisi, kaso nadarapa pagdating sa implementasyon.

Halimbawa na lamang ang isang lumang patakaran. Ang totoo, hindi na bago sa

filipinas ang mtb-mle ng k to 12. May tinatawag na vernacular education policy ang

kagawaran ng edukasyon (deped) noong 1957 hanggang1974. Sa patakarang ito,

gagamitin ang mga bernakular bilang wikang panturo hanggang grade 3 bilang

transisyon tungo sa edukasyong ingles. Ang kaso, hindi natuloy dahil sa kakulangan

ng pondo para sa pagtuturo ng paggamit ng bernakular sa mga guro at para sa

paglimbag ng materyales. Ganito rin ngayon ang pangamba sa implementasyon ng

mtb-mle at buong k to 12.pansinin din ang gamit ng wikang filipino bilang “midyum

ng opisyal na komunikasyon ng pamahalaan”. Ingles pa rin ang midyum ng aktuwal

na pamamahala. Patunay nito ang nakaraang impeachment laban sa dating chief

justice corona. Ang umiiral na wika sa kongreso ay ingles dahil hindi kinikilala ng

mga di-tagalog na mambabatas, partikular yaong mula sa kabisayaan, ang wikang

filipino. Ang umiiral na wika naman sa hudikatura ay ingles. Samantala, filipino

naman ang midyum ng komisyon ng wikang filipino (kwf) [siyempre!], minsan ng

pambansang komisyon para sa kultura at mga sining (ncca), tuwing tinatalumpati ng

kasalukuyang pangulo ang kaniyang state of the nation address (sona), minsan ng

ilang mga opisyal na kinakapanayam sa radyo o telebisyon, minsan sa mga karatula at


Pangalan:Joselle A. Bautista Petsa: Ika -14 ng Septyembre 5
Taon/kurso:(Bs-CRIMINOLOGY 2D)
Paksa(3) Inobasyon

opisyal na dokumento, at tuwing agosto, ang ilang mga opisina ng pamahalaan,

partikular ang deped at ang komisyon sa lalong mataas na edukasyon (ched) — sa

madaling sabi, maliban sa kwf, minsan lamang .Ginagamit ang wikang filipino sa

pamahalaan. At bagamat dumarami ang mga opisyal na nagsasalita ng filipino, sa

bukambibig lamang ito. Ang higit na matimbang na mga dokumento ay nasasatitik pa

rin sa ingles. Paglalatag ng estratehiya sa pagpaplanong pang wika Ihinahalintulad ni

almario (2001) ang pagpaplanong pangwika sa pagpaplanong pandigma, at sa gayon

ay ihinaharap ang filipino sa digmaan. Aniya, tatlong larangan ang dapat harapin ng

filipino. Unang larangan ang pakikipaglaban sa ingles. Tinukoy niyang

“nananatiliitong simbolikong wika ng kapangyarihan dahil umiiral sa mga larang na

makapangyarihan”. Ikalawang larangan ang pakikiayon ng filipino sa mga wikang

bernakular, partikular sa mga meyjor na wikang panrehiyon. Ang ikatlong larangan ay

internal: Ang panloob na tunggulian sa “dibdibang paglinang ng isang buhay at

dinamikong wika”. Batay sa natukoy na tatlong larangan na kailangang suungin ng

filipino, maglalatag ng mga rekomendasyon at mungkahi para sa pagbuo ng isang

estratehiya sa pagpaplanong pangwika.Unang larangan: Ang filipino sa harap ng

ingles .Ang totoo, laganap na sa mga filipino ang wikang filipino. Sa isang sarbey ng

ateneo weather station noong 1989, 92% ng mga filipino ang nakakaintindi ng tagalog

(ang Beysis ng filipino), 88% ang nakakabasa, samantalang 83% ang nakakapagsalita,

samantalang 51% lamang ang nakakaintindi ng ingles. Sa isang sarbeypa ng national

statistics office (nso) noong 1990, filipino ang una o ikalawang wika sa humigit-

Kumulang 99% ng sambahayan. Sa sarbey naman ng social weather stations (sws)

noong 2008, umakyat sa 76% ang nagsasabing nakakaintindi sila ng ingles at 46%

naman ang nagsasabing nakakapagsalita sila nito. Hindi naman siguro pagmamalabis
Pangalan:Joselle A. Bautista Petsa: Ika -14 ng Septyembre 6
Taon/kurso:(Bs-CRIMINOLOGY 2D)
Paksa(3) Inobasyon

kung ipagpapalagay, dahil na rin sa dominante na ang filipino sa midya (partikular sa

telebisyon), na sa kalukuyan ay nasa 85–90% ng mga filipino ang nakakaintindi,

nakakabasa, at nakakapagsalita ng filipino. Ang hindi maikakaila ay ang katotohanan

na higit na marami ang nakakaintindi ng filipino kaysa ingles. Ngunit ganito man ang

kaso, sa pasalita lamang ito. Hindi pa rin laganap sa limbag ang filipino. Samakatwid,

sa aspektong ito dapat maghanda ang filipino.bakit ingles ang dominante sa limbag na

midya? Unahin natin ang tanong na: Ano ba ang kahingian ng limbag na midya sa

wika? Malaking tipak ng mundo ng limbag na midya ay diskursong intelektuwal.

Samakatwid, kailangang umaayon sa kahingiang pang-akademya ang wika. Ito nga

kung bakit dominante ang ingles. May umiiral kasing persepsiyon na ang ingles ay

intelektuwalisado at ang filipino ay hindi. Ang kaso, walanaman sa filipino ang

problema. Nasa mga edukadong manunulat ang problema. Wala kasi silang tiwala sa

kakayahan ng filipino sa diskursong intelektuwal — ni hindi nga sinusubukang

magsulat sa filipino! (at idadahilan pa ang di-pagsulat sa ingles!) ang wika ay

umaayon lamang sa pangangailangan ng mga mananalitanito. At dahil nga sa ayaw

iangkop ang filipino sa larangan ng akademya, talagang hindi magiging wikang

intelektuwalisado ang filipino. Hinding-hindi matutupad ang panaginip ng isang tunay

na intelektuwalisadong filipino hangga’t mananatili ang ingles bilang wikang panturo

sa siyensiya at matematika.dapat revyuhin ng pamahalaan ang palisi ng edukasyong

bilingguwal. Dapat gawing filipino ang wikang panturo sa lahat ng Asignatura.

Ngunit, dahil may repustasyon ang filipinas bilang isang malawak na pamayanang

ingles, hindi tuluyang isasantabi ang ingles. Ituturo pa rin ito ngunit bilang isang

asignatura na lamang. Dapat nang putulin ang kapit ng ingles sa siyensiya at

matematika. Ang pinakamainam na gawin sa kasalukuyan, habang hindi pa ito


Pangalan:Joselle A. Bautista Petsa: Ika -14 ng Septyembre 7
Taon/kurso:(Bs-CRIMINOLOGY 2D)
Paksa(3) Inobasyon

napagtatanto ng mga lider, ay ipalaganap ang kakayahan ng filipino sa diskursong

intelektuwal sa pamamagitan ng pagsusulat sa filipino. Ikalawang larangan: Ang

filipino sa harap ng mga katutubong wika Hindi dapat katakutan ng filipino ang

introduksiyon ng mtb-mle. May ilang iskolar na nangagatog ang tuhod dahil anila,

sakaling ipasok ang edukasyong bernakular, muling mamamayagpag ang kaluluwa ng

rehiyonalismo at mumultuhin nito ang ating mithiin ng pagkakaisang pambansa.

Ngunit may pag-aaral din na nagmumungkahi na ang supresyon ng mga katutubong

wika ay maaaring magdulot ng lalong di-pagkakaunawaan at biyolenteng

sagupaan.kung susuriing mabuti, higit na marami ang kabutihang maidudulot ng mtb-

mle sa wikang filipino kaysa kapahamakan. Isang instrumentali ang mtb-mle “[u]pang

maakit at magtiwala ang mga tulad ng politikong sebwano [sa pamamagitan ng

pag]bura [ng] paniniwala na isang panganib ang filipino sa buhay ng wikang sebwano

at ng iba pang katutubong wika ng filipinas…”. Maaari ring tingnan ang mtb-mle

bilang pagsasakatuparan ng probisyon Ng konstitusyon na dapat payamanin ang

filipino “salig sa umiiral na mga wika sa filipinas at sa iba pang wika”. Bagamat sa

labas ay mukhang gumagawa ng dibisyon sa wika ang mtb-mle, kakailanganin pa rin

naman ng pakikipag-ugnayan sa isa’t isa, at samakatwid ay kakailanganin ang isang

lingua franca, na siyang gagampanan ng Filipino sa espasyong pambansa. Dahil

yayaman ang kaalaman sa katutubong wika, hindi malabong maisisingit ang mga

elementong bernakular sa filipino. Ayaw naman nating ipilit ang pagpasok ng mga

bernakular sa filipino. Bagkus ay dapat manggaling mula sa mga nakararaming

mananalita nito. Ayaw naman nating maging tulad nito ang filipino:Si reyes ay isang

employee sa isang factory. Gabangon siya nang maaga porque arawi ang gatirahan
Pangalan:Joselle A. Bautista Petsa: Ika -14 ng Septyembre 8
Taon/kurso:(Bs-CRIMINOLOGY 2D)
Paksa(3) Inobasyon

niya. Isang buen worker si reyes. Siya’y magaling at nagaget. Mataas sa average ang

kaniyang intelligence. Punctual siya. Pagdating sa planta, gatrabaho siya kaagad.

Gasunod siya sa kaniyang foreman. Ang output niya ay malaki at may high quality.

Isang model employee si reyes.(esto kasi ang mabalin na mangyari kung i-force natin

naintroducir sa filipino ang mga vernacular e iba pang pinulongan.) Ikatlong larangan:

Ang filipino sa harap ng mga tagapagtanggol nito Sapagkat hindi maiiwasan ang

banggaan ng agos ng modernisasyon at ng agos ng kumbensiyon, hindi rin maiiwasan

ang banggaan ng mga liberal sa pag-angkat ng mga bagong elemento, at ng mga

“purista”/“tagalista” Sa dibdibang paglinang ng wikang filipino. Sabi ni almario,

estandardisasyon daw ang makakapagresolba sa banggang ito. Tumutukoy ang

estandardisasyon sa patatangkang gawing prestihiyo angisang wikang rehiyonal o

isang diyalekto at itanghal ito bilang pangunahing wika ng bansa o isang partikular na

rehiyon. Malinaw gayon na istandard ng tagalog ang filipino. Ngunit, gaya ng

nabanggit sa itaas, hindi purongtagalog ang filipino. Bagkus isa itong pagsasama-

sama ng mga katutubong wika at mula sa iba pang mga Wikangbanyaga sa

pundasyong tagalog ang filipino. Ngunit nanatili itong isang panaginip ng

konstitusyon. Marahil kailangan munang pagyamanin ang mga bernakular, gaya ng

nabanggit, upang matupad ang probisyong ito. Babalik tayo sa Punto ni tauro: Bakit

hindi pakinggan ang agos ng wika mula sa nakararaming mananalita nito?Hindi dapat

dinidiktahan nitong mga tinaguriang “tagapagtanggol” Ang takbo ng wika. Pakinggan,

at saka tuunan ang pangangailangan ng wika. Siyempre, hindi lamang diringgin ang

papakinggan: Isusulat pa ang nadinig. Kaya’t dapat munang magkaisa sa ortograpiya

o tuntunin sa ispeling. Magandang simulain ang pagbasa sa mga panukala sa ispeling

ng pambansang alagad ng sining sa panitikan, virgilio s. Almario (basahin ang filipino


Pangalan:Joselle A. Bautista Petsa: Ika -14 ng Septyembre 9
Taon/kurso:(Bs-CRIMINOLOGY 2D)
Paksa(3) Inobasyon

ng mga filipino, 2009 [ikalawang yugto]). Konklusyon: Tulad ng sa giyera, dapat

pinag-aaralang mabuti ang pagpaplanong pangwika, dapat masusing pinag-aaralan

ang estratehiya. Tatlong larangan ang hinaharap ng pamahalaan sa pagpapalaganap ng

filipino: Ang ingles, ang mga katutubong wika, at ang tunggaliang panloob. Ang

pamahalaan, partikular ang kwf, ang dapat na nagsisilbing arbiter nitong mga

tunggaliang panloob sa paglinang ng filipino. Gumawa na ng hakbangin ang

pamahalaan upang “harapin” Ang hamon ng mga bernakular sa pamamagitan ng mtb-

mle. Hihintayin na lamang natin ang bunga. Hinggil naman sa ingles, nakikipagdigma

dapat ang estado sa ingles. Sinimulan na ito ng konstitusyon sa pagtadhanang

temporari lamang ang ingles bilang opisyal na wika. Ngunit mukhang wala yatang

balak ang pamahalaan na tuluyangpakawalan ang ingles; sa halip ay kinukupkop pa

ito nang buong loob at damdamin, maging sino man siya. Ang kontrol sa sistemang

pang-edukasyon ang pinakamalakas na armas ng estado sa pagpaplanong pangwika.

Edukasyon kasi ang pinamasaklaw at pinakadirektang instrumentaliti ng pamahalaan

upang hubugin ang wika ng taumbayan. Kaya’t dito dapat pinupunteriya ang

panimulang buga. Ngunit hindi lamang ito ang dapat pinagtutuunan ng pansin.

Marami bang ibang instrumentaliti ang estado, tulad ng kongreso at ang burokrasya.

Higit sa lahat, pinakamahalaga na sinasalamin ng mga salita at gawa ng mga lider ng

pamahalaan ang kagustuhan nitong ipanalo ang digmaan. Oo, puwede na kahit hindi

sa gawa — kahit sa salita na lamang, basta’t konsistent na sa filipino ang

binubukambibig. Sa abstrak naman ng pagpaplanong wika Matapos ang mapanuring

pagsusuri nina Baldauf (2006) at Kaplan at Baldauf (2006) na gumamit ng

kwalitatibong pamamaraan sa pag-aaral at purposive random sampling ang ginamit

sa pagpili ng mga tagatugon., natuklasan na ang mga tagatugon ay may sapat na


Pangalan:Joselle A. Bautista Petsa: Ika -14 ng Septyembre10
Taon/kurso:(Bs-CRIMINOLOGY 2D)
Paksa(3) Inobasyon

kaalaman na walang patakarang pangwika ang pamantasan, batid ang kahalagahan

nito, hindi gaanong sumasang-ayon sa estado ng paggamit ng wikang panturo at

implementasyon ng patakarang pangwika dahil sa walang patakarang pangwika ang

pamantasan. Batay sa natuklasan, lumitaw na sumasang-ayon ang mga tagatugon ng

na walang patakarang pangwika sa CNU kaya hindi gaanong napahalagahan ang

paggamit sa pagtuturo. Nang dahil walang patakarang pangwika ay hindi

makapagpasya ang mga tagatugon kung naisasakatuparan ang patakaran sa

pamantasan. Upang maisakatuparan ang pagpaplanong pangwika sa CNU,

iminumungkahi ang sumusunod: 1) maglunsad ng oryentasyon sa lahat ng mga

empleyado ukol sa pagpaplanong pangwika: 2) hikayatin ang Sentro ng Wika at

Kultura na gumawa ng pagpaplano: 3) gumawa ng patakarang pangwika para sa CNU:

at 4) isagawa agad ang implementasyon upang lalong mapahusay ang pagpapahayag

ng wika itinatadhana ng patakaran. Nakaangkla ang pag-aaral sa teorya nina Baldauf

(2006) at Kaplan at Baldauf (2006) ang pokus ng mgapamantasan bilang tagaganap

ng pagpaplanong pangwika ay interaksyon sa bawat indibidwal o pangkat ng mga

manggagawa. Ibig sabihin, sa pagsagawa ng pagpaplanong pangwika ay mahalagang

marinig ang panig ng bawat isa upang malaman ang kanilang saloobin at damdamin

hinggil sa wikang gagamitin. Kailangang maipaalam muna sa kanila ang mga

hakbang at plano nang sa gayon ay mas makita kung anong kinakailangangtugunan at

solusyonan na suliraning pangwika. Ayon kay Fishman (1971) ang pagpaplanong

pangwika ay isang pag-oorganisa ng solusyon sa mgasuliraning pangwika na madalas

nangyayari sa antas nasyonal. Hindi maikakaila na mapahanggang ngayon

aybinabatikos pa rin ang pambansang wika na Filipino dahil sa walang walang

malinaw na oryentasyon kung anoang pinagbatayan dito. Sabi ng mamamayang


Pangalan:Joselle A. Bautista Petsa: Ika -14 ng Septyembre11
Taon/kurso:(Bs-CRIMINOLOGY 2D)
Paksa(3) Inobasyon

Pilipino ay Tagalog ito kaya hindi dapat tangkilikin sapagkat walang ipinagkaiba sa

ito naiiba sa katutubong wika ng bawat rehiyon. Hindi malinaw sa mga taga-

akademya ang papel ng wikang Filipino at English sa pamantasan. Kaya, titingnan sa

pag-aaral kung may sapat bangkaalaman ang mga instruktor, propesor, administrador,

stakeholder at estudyante ng pamantasan. Pinabulaanandin ito ni Ferguson (1968) na

sa pagpaplanong pangwika ay kailangang isaalang-alang ang mga katangian

nanagiging estandard o ginagamit sa lahat gaya ng: a) tinatanggap ng karamihan: b)

ginagamit nga mga taongnakapag-aral; c) talagang nakakadalubhasa; at d) tinanggap

ang pagbabago upang makatugon sapangangailangan ng lipunan. Mainam na sa

gagawing pagpaplanong pangwika pang-institusyon ay may sapat nakaalaman sa mga

katangian ng wikang Filipino at English. Ang mga opisyal ng pamantasan ay

kailanganghanda sa pagpaplano dahil sila ang direktang tumitingin sa kung ano ang

makakabuti sa pamantasan lalo na sa wikang opisyal na gagamitin.

You might also like