Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

North Eastern Mindanao State University


Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL

PANUNURING PAMPANITIKAN SA MAIKLING KWENTONG “BANYAGA” NI


LIWAYWAY ARCEO BAUTISTA

Bilang Pagtupad Pangangailangan sa Asignaturang


Panunuring Pampanitikan (MAFLT 207)
Na iniharap sa Gwadradong Paaralan
NORTH EASTERN MINDANAO STATE UNIVERSITY
Formerly Surigao Del Sur State University
Main Campus, Tandag City

Ipinasa ni:

CORVERA, LUZ MARIE A.

Ipinasa kay:

ERWIN C. BUCJAN, PHD


Republic of the Philippines
North Eastern Mindanao State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL

ABSTRAK

Sinasabing ang panitikan ay salamin ng buhay. Dahil dito maaring


makatulong ito upang lalong mapabuti ang pag-uugali ng isang tao lalung-lalo na sa
kanyang pang araw araw na pakikitungo sa kapwa. Isa rin itong tulay upang bigyang
daan ang mga emosyong nais ilahad ng mga manunulat. Ang akdang Banyaga ni
Liwayway Arceo Bautista ay isa sa mga panitikang nagpapakita ng kung ano ang
buhay ng isang manggagawa at kung papaano siya tinatanggap ng lipunan

Ayon kay Villafuerte (2000) isa ang panitikan sa nagbibigay kahulugan sa


pagpapahayag ng mahalagang karanasan ng tao na piling-piling isinatitik at
isinaayos. Dagdag pa rito sa pamamagitan ng maikling kwento ay mababakas ang
mga pangyayari sa buhay ng mga bida at ang mga mabubuting asal na maiituro nito.
Sapagkat karamihan ng mga ito’y sa kanilang relihiyon sa loob din ng mga ito’y
mapupulot ang mga gintong aral sa wastong pag-uugali na humuhubog sa pagkatao
ng sinuman Tilicitas (1969). Sinasabi rin dito na masaklap na katotohanan na kahit
na nasa ibang bansa na naghahanapbuhay ang mga Pilipino, sapat lang din ang
kinikita nila, kulang pa nga sa panggastos sa nawalay na pamilya. Ayon kay Cedric
Marcelino (2003), napapaloob sa kanyang artikulo na ipinakilala ang tinatawag na
1995 Magna Carta for OCW na naglalayong gabayan at protektahan ang mga
mamamayang inaapi dahil sa hindi wastong pagmamaltrato ng mga amo na animo’y
ginagawa na silang alipin. Sa Kwentong Banyaga ni Liwayway Arceo Baustista,
sinasalamin nito ang mga kwento ng ating mga manggagawang Pilipino na
nangingibang bansa at kung papaano sila tinatanggap ng mga mamamayan sa
kanilang pag-uwi. Hindi maikakailang ang bilang ng mga manggagawang Pinoy ay
papataas ng papataas dahil sa mga kanya-kanyang pangangailangan ng kani-
kanilang pamilya. Bagama’t hindi nakaranas ng pang-aabuso ay makikita pa rin ang
realidad na may mga bagay na lilipasan sila ng panahon dahil sa pagsasakripisyo
para sa kanilang pamilya at kanilang pangarap.

Ang pagsusuri ng maikling kwentong Banyaga ay nakatuon sa pamagat, sa


may akda, sa tauhan, tagpuan mga simbolo at tayutay na ginamit nito, buod ng
katha, galaw ng pangyayari at mga dulog. Kaugnay rin dito ang mga aral at mga
pag-uugnay sa tunay na buhay. Napili ng tagapagsuri ang akdang ito dahil sa
napapanahong kalagayan ng mga mamamayang Pilipino na nangingibang bansa
upang matupad ang pangarap sa pamilya maging ng kanilang sariling pangarap.
Republic of the Philippines
North Eastern Mindanao State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL

I. Panimula

a. Pamagat ng Katha - BANYAGA

b. May- akda

Liwayway A. Arceo Si Liwayway A. Arceo ay isang kilalang manunulat,


editor at scriptwriter para sa radyo. Ayon sa isang kritikong nag-aral ukol
sa panahon ng dekada sitenta, feminista na ang turing kay Liwayway
Arceo. Ito ay bago pa man mauso ang katagang feminista. Si Arceo ang
may-akda ng mga natatanging nobela gaya ng Canal de la Reina (1985)
at Titser (1995). Ipinalimbag rin ang iba't ibang koleksyon ng maikling
kwento gaya ng Ina, Maybahay, Anak at iba pa, Mga Maria, Mga Eva, Ang
Mag-anak na Cruz (1990), at ang Mga Kuwento ng Pag-ibig (1997). Ang
kanyang kuwentong "Uhaw ang Tigang na Lupa" ay nanalo ng ikalawang
gantimpala sa Pinakamabuting Maikling Likha noong 1943. Halos lahat ng
kanyang mga gawa ay inilimbag sa pamantasan ng Ateneo de Manila at
Unibersidad ng Pilipinas. Bukod sa pagiging isang manunulat, ipinakita rin
ni Arceo ang kanyang husay bilang isang aktres. Ipinamalas niya ito sa
isang Hapon at Pilipinong pelikula na pinamagatang Tatlong Maria. Ilan sa
mga natanggap niyang parangal ay ang Carlos Palanca para sa Maikling
Kwento sa Tagalog (1962); isang Gawad CCP para sa Literatura na
inihandog ng Cultural Center of the Philippines (1993); isang Doctorate sa
Humane Letters, honoris causa, mula sa University of the Philippines
(1991); ang Catholic Authors Award mula sa Asian Catholic Publishers
(1990), at ang Gawad Balagtas Life Achievement Award para sa Fiction
mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (Writers Union of the
Philippines or UMPIL) noong 1998. Namatay siya noong 1999 sa edad na
75. Si Liwayway A. Arceo ay pangunahing mangangathang Tagalog at
Filipino na nakasulat ng 90 nobela, 2 libong mahigit na kuwento, 1 libong
mahigit na sanaysay, 36 tomo ng iskrip sa radyo, 7 aklat ng salin, 3 iskrip
sa telebisyon, at di-mabilang na kuntil-butil na lathalain sa halos lahat ng
pangunahing publikasyong Tagalog o Filipino. Binago ni Arceo ang
topograpiya ng panitikang Tagalog, at ng ngayon ay tinatawag na
panitikang popular, sa paglalathala ng mga akdang nagtatampok ng
kahalagahan [values], lunggati [vision], at kaisipang Filipino.

c. Sanggunian
BANYAGA Ni Liwayway Arceo. (n.d.). Pdfcoffee.com. Retrieved
November 10, 2022, from https://pdfcoffee.com/banyaga-ni-liwayway-
arceo-pdf-free.html


Republic of the Philippines
North Eastern Mindanao State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL

II. Tauhan
Fely- Ang Unang hukom at pinaguusapan sa kwento.
Duardo- Isang guro sa plaridel highschool at matalik na kaibigan ni
fely.
Nana Ibang- Nagpalaki at nagtaguyod kay fely.
III. Tagpuan
Bahay at Skwelahan (Plaridel highschool)

IV. Mga Simbolo/ Tayutay at kahulugan nito

 Bitbit ang kanyang sapatos – Sa bagahing ito ay sumisimbolo sa


pag-alala pa rin ni Fely sa pagiging simple ng buhay na kaya pa rin
niyang maglakad ng nakapaa.

V. Buod ng Katha
Ang kwento ay umiikot kay Fely, isang babaeng bumalik sa Pilipinas
upang dumalo sa isang palatuntunan na kung saan siya ay ang panauhing
pandangal. Inimbitahan siya ni Duardo, ang lalaking nagpatibok ng
kanyang puso. Sa pagbalik niya, umaasa siyang pwede pang maging sila
subalit imposible na dahil may pamilya na si Duardo.
Si Fely ay isang tauhang lapad. Sa kabuuan ng akda ay hindi siya
nagbago. Isa siyang babaeng nakipagsapalaran sa ibang bansa.
Nagtagumpay siya sa kanyang karera subalit bigo naman sa kanyang
buhay pag-ibig. Malaki ang ipinagbagong pisikal ni Fely na naging
dahilanng muntikang hindi pagkilala sa kanya ng mga kanayon niya.
Ang maikling kwento na ito ay may Feminismong pananaw. Ipinapakita
dito ang mga katangian ng babae na nagsisilbing sandigan ng
pagkamatatag ng kanyang katauhan.

VI. Galaw ng Pangyayari


Simula
Ang simula ng pangyayari ay may intro na pagtatanong. Pagtatanong
tungkol sa pangunahing tauhan at paglalarawan sa kanyang pisikal na
kaayoan. Ipinakilala rin dito ang mga tauhang may malaking kaugnayan sa
buhay ng pangunahing tauhan na si Fely.
Gitna
Sa gitna ng kwento ay may kaunting kaba dahil mababatid na tila ang
tauhang si Eduardo ang isa sa mga naging pag-ibig dati ni Fely ngunit
dahil sa mas mahalaga ang kanyang pangarap kaya’t napilitan siyang
lisanin at mas unahin ang kanyang kinabukasan.
Wakas
Republic of the Philippines
North Eastern Mindanao State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL

Ang wakas ay tila saya na may halong lungkot. Saya dahil muli siyang
nakabalik sa kanilang lugar kung saan siya dating nag-aral ngunit lungkot
dahil tila isa siyang dayuhan para sa mga taong taga roon. Bago sa
kanilang paningin at tila hindi kabilang sa lugar na dati ay punong-puno ng
makulay na karansan.
VII. Pagsusuri
A. Pagdulog o Pananalig na ginamit

Ang maikling kwentong BANYAGA ay naka angkla sa Teoryang


SOSYOLOHIKAL. Batay sa kahulugan ng teorya, ito ay binibigyang diin ang
pagtatalakay sa kapiligirang panlipunan na nagpapalalim at nagpapatingkad sa
paksa. Ito ay ekstinsyon ng historical na pananaw. Nagbibigay diin din sa usapin
tungkol sa kahalagahan at pananagutang panlipunan (social relevance and
commitment).
Kaugnay nito, mapapansin natin sa daloy ng kwento kung papaano
tinatanggap ng lipunan ang isang kababayan na nangibang bansa. Mapapansin na
may nangyayaring pagkilala kung ito ba ay banyaga dahil sa kaanyoan. Ang lipunan
ay may kaugnayan sa ginagampanan ng pangunahing tauhan.

B. Sariling Reaksyon

Sa kwentong Banyaga, mababatid moa ng pagkamangha ng mga taong


makakakita sa pisikal na anyo ng pangunahing tauhan. Ito’y makatotohanan
sapagkat may iilan o karamihan sa ating mga kababayan ang nagbabago ang
kanilang pisikal na anyo dahil na rin sa mga taong nakapaligod sa kanila doon sa
ibang bansa.
Mapapansin din sa kwento kung papaano tratuhin ng mga Pilipino ang
kanilang mga mahal sa buhay sa tuwing nakakauwi ito sa Pilipinas. Pinapagamit ang
mga kubyertos na minsanan lamang mabuksan o magamit dahil ito nakalaan para
lamang sa mga espesyal na tao. Pangalawa, makikita rin ang kaugaliang Pilipino na
kahit walang masyadong pera ay pinipilit na maghanda ng bongga para sa mga
mahahalagang panauhin.
Doon naman sa bahaging tila may pakiramdam ng pagkailang sa sasakyan
noong sinundo si Fely nina Eduardo ay mararamdaman mon a may ilan sa mga
kababayan nating naiiwan ang kanilang puso ngunit kailangan paring suungin ang
pagsubok na ito upang maipagpatuloy ang pangingibang bansa para sa pamilya.
Marami na akong mga kwentong narinig na kahit iniibig pa niya ang isa ay
hinihiwalayan na lamang niya ito dahil ayaw niya magtiis ito sa lungkot ng kanyang
paglayo.
Ang maikling kwentong Banyaga ay salamin ng pagiging makatotohanan sa
ating lipunan kaya’t hindi maikakaila na maraming parangal ang natanggap nito.

C. Aral/ Pag-uugnay sa tunay na sitwasyon ng buhay


Republic of the Philippines
North Eastern Mindanao State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL

Marami sa atin ang pinipili ang sakit upang maramdaman ang saya, tinitiis
ang lungkot ng pagkawalay at mga masasaya sanang ala-ala na mabubuo kapalit ng
magandang kinabukasan ng pamilya at ng mga mahal sa buhay. May mga
pagkakataong nasasakripisyo ang kasalukuyan upang mailihis sa nakasanayang
hirap.
Ang kwentong Banyaga ni Liwayway Arceo Bautista ay isa sa mga akdang
nagpapakita ng epekto sa mga kababayan nating nangingibang bansa. Sa sobrang
tagal ng kanilang pagkawalay sa kanilang mga mahal sa buhay at dito sa Pilipinas
ay tila hindi na sila nakikilala sa kanilang pag-uwi. Maaaring ito’y isang negatibong
epekto ngunit kasaganaan naman ang hatid nito sa mga mahal sa buhay.
Madalas napag-iisip ko ang mangibang bansa na lamang dahil may mga
pagkakataong sinusubok ako ng hirap na pasan ng ating bansa. Apektado tayo sa
mga pagtaas ng presyo na maaring magtulak sa isang indibidwal na mas maghanap
ng mas masaganang trabaho na sasapat sa pangangailangan ng ating pamilya.
Dito sa Pilipinas maging sa ibang bansa, lahat ng mga Pilipino ay
naghahangad lamang ng magandang kinabukasan kapalit ng paglisan sa isang
lugar tungo sa lugar kung saan sila makakahanap ng pag asenso sa sarili at sa
pamilya. Kahit na may mga alaala na maiiwan kanila itong tinitiis kesa magtiis na
magdildil ng asin sa araw-araw.

VIII. Sanggunian

‌Gambito, K. (n.d.). Research Liwayway Arceo checked. Www.academia.edu.


Retrieved November 10, 2022, from

https://www.academia.edu/27261974/Research_Liwayway_Arceo_checked

Rosalie Orito. (2015, October 7). Obra.liwayway arceo.

https://www.slideshare.net/rosalieorito/obraliwayway-arceo

You might also like