Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

ANTAS NG PAGKATUTO SA MATEMATIKA PATUNGO SA PANGKABUHAYAN NG MAG-AARAL

NG MGA SOUTHWESTERN COLLEGE OF MARITIME, BUSINESS AND TECHNOLOGY

Kwalitatibo-Kwantitatibong Pananaliksik

Iniharap kay

Jeffrey Gardoce

Southwestern College Of Maritime, Business And Technology


KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Panimula

Ang matematika ang isa sa pinakamahalagang konsepto ng kabuhayan sapagkat dito

nasusukat ang kaalaman ng isang tao patungkol sa usaping pera o numero na may direktang eepekto

sa pagpapalago ng kabuhayan. Tatalakayin sa pananaliksik na ito ang ilan sa mga hakbang upang

mabisang matutunan ang asignaturang matematika lalo na sa linya ng pangkabuhayan. Ngunit ang

pinakatunguhin ng pananaliksik na ito ay ang pag-alam sa pagkatuto ng mga estudyante sa

matematika na kaugnay sa pangkabuhayan.

Layunin ng pananaliksik na ito na makita ang kaalamang natututunan ng mga mag aaral ng

scmbt sa matematika at ang kakayahan magamit ang mga kaalamang sa larangan ng pangkabuhayan.

Dito rin ay aalamin ang mga problema na kinakaharap nila sa pag-aaral ng matematika upang ang

mga ito ay maging gabay para matugunan ang problemang maaaring makahadlang sa lubusang

pagkatuto ng mga estudyante na may direktang epekto sa kaalamang maari nilang magamit sa

pangkabuhayan.

Ang matematika ay may malaking gampanin sa buhay ng tao. Ginagamit ito sa pagbibilang

lalo na sa usaping negosyo. Ang mga abm student ay may espesyalisasyong pumapatungkol sa

pangkabuhayang pangmatematika ito ay sa kadahilanan na ang kanilang strand ay naglalayong

hubugin sila upang maging negosyante sa hinaharap at ito ay may espesyal na gampanin sa kanilang

mga kursong tatahakin. Kung kaya mahalagang malaman kung natututo ba sila o hanggang saan ang
nalalaman nila ukol dito upang mataya ang kanilang mga problema at makta ang kapasidad nilang

iapply ito sa tunay namundo

Balangkas Teoretikal

Balangkas Konseptwal

Input Proseso Awtput


Layunin ng mga
Ang mga Inaasahan ng mga
mananaliksik na tayahin ang antas
palatanungan ay ibabahagi sa mananaliksik na mataya ang
ng pagkatuto sa matematika
mga mag-aaral ng nasabing antas ng pagkatuto ng mga
patungo sa pangkabuhayan ng
paaralan upang makakalap ng mag-aaral gayundin ang mga
mga mag-aaral ng Southwestern
mga impormasyon patungkol suliranin na nahumahadlang sa
College of Maritime, Business and
sa paksa para sa katuparan ng kanilang pagkatuto upang
Technology at upang
pag-aaral. matulungan ang ibang mga
maisakatuparan ito gagamit ang
mag-aaral na may parehong
mga mananaliksik ng palatanungan
suliranin.
na tumutukoy sa nasabing paksa.

Pigura 1: Ang Paradimo ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng input-process-output model sa paggawa ng

paradym ng batayang konseptwal ng pag-aaral. Ang input frame ay naglalaman ng paraan upang

makakalap ng datos para sa pag-aaral. Ang process frame ay tumutukoy sa mga hakbang na

gagawin sa pangangalap ng datos. Samantalang ang output frame ay sumasaklaw sa mga

posibleng solusyon upang mapagtagumpayan ang pagkatuto sa matematika patungo sa

pangkabuhayan.

Paglalahad ng Suliranin

Sasagutin sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na tiyak na katanungan:


1. Gaano kataas ang natututunan ng mga estudyangte ng scmbt sa asignaturang matematika sa

kagamitan nito sa pangkabuhayan.

2. Ano ang mga suliranin na kinakaharap ng mga estudyante sa kanilang pagkatuto sa matematikang

pangkabuhayan.

3. Batay sa ginawang pag-aaral, anong mungkahing gawain ang maaaring mabuo upang matugunan ang

suliranin sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa matematikang pangkabuhayan?

Haypotesis

Ipinapalagay ng mga mananaliksik na mataas ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral kung ang

kanilang mga suliranin sa pagkatuto ay mabibigyang solusyon at kung mas magagabayan sila sa pag-

aaral.

Saklaw at Delimitasyon

Sakop ng pananaliksik na ito ang mga mag-aaral ng Southwestern College of Maritime, Business

and Technology na nag-aaral ng matematika tungo sa pangkabuhayan. Sa pag-aaral na ito, mas

binibigyang-diin ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa matematika tungo sa pangkabuhayan. Sakop din dito

ang mga hadlang sa pagkatuto ng mga mag-aaral gayundin ang mga paraan upang maunwaan nila ang

leksyon. Gamit ang mga makakalap na datos, maipapakita rito kung natututo ba ang mga mag-aaral sa

matematikang pangkabuhayan. Ang pananaliksik na ito ay umiikot lamang sa kapasidad ng pagkatuto ng

mga estudyante sa asignaturang matematika patungo sa kagamitan nito sa pagkabuhayan. Hindi nito

sakop ang kabuuang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa matematika at iba pa nitong sangay.

Kahalagahan ng Pananaliksik
Ang matematika ay may malaking papel sa buhay ng tao lalong lalo na sa katagumpayan sa

larangan ng pangkabuhayan. Kaya ang pag-aaral na ito ay magiging kapakipakinabang sa mga

sumusunod:

Sa mga negosyante

Upang magkaroon sila ng dagdag kaalaman na magagamit nila sa ikatatagumpay ng kanilang

kabuhayan.

Sa mga guro

Upang malaman nila kung saan ba nahihirapan ang mga estudyante. Kaugnay nito ay kung paano

ba nila matutulungan ang kanilang mga estudyante upang lubusang matutunan ang matematikang

pangkabuhayan.

Sa mga estudyanteng nagnanais maging negosyante

Upang mapahalagahan nila ang matematika at mapagtagumpayan nila ang mga suliranin na

kinakaharap nila sa pag-aaral. Gayundin sa mga posibleng hakabang na kanilang isasagawa upang mas

matutunan nila ang matematika ukol sa pangkabuhayan. Ito rin ay makakatulong sa kanila upang maging

matagumpay ang itatayo nilang kabuhayan. Dito rin nila matututunan kung sila ba ay kumikita o hindi.

Sa mga susunod pang mananaliksik.

Ang pag-aaral na ito ay maaari nilang balikan at ito ay magbibigay sa kanila ng ideya na

may kaugnay sa kanilang pag-aaral. Maaari din itong maging gabay nila kung nais pa nilang mas

maintindihan ng malalim at mabigyan ng mas malawak at angkop na solusyon ang paksang ito.
KABANATA III

DISENYO, INSTRUMENTO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptib-analitik na. Ilalarawan at

susuriin ng pag-aaral na ito ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral ng SCMBT sa matematika tungo sa

pangkabuhayan.

Respondente ng Pananaliksik

Ang mga magiging respondente ng pag-aaral ay ang mga mag-aaral na nasa ika-labing isa na

baitang na kumukuha ng kursong STEM at ABM, taong panuruang 2021-2022 sa Southwestern College of

Maritime, Business and Technology, lungsod ng Calapan, Oriental Mindoro. Sa kasalukuyan ay may

pinagsamang 11 na mag-aaral ng STEM at 3 na mag-aaral ng ABM ang kinuha upang maging respondent

sa talatanungan. Ang mga napili bilang maging respondente ng mananaliksik ay upang malaman kung

gaano nga ba katas ang natututunan ng mga estudyante na ito sapagkat ang kanilang kurso ay

pumapatungkol sa matematika na may malaking kaugnayan sa pangkabuhayan. Ang nilalaman ng tanong

ay ang antas ng natutunan nila kung saan mailalahad din nila ang mga problema na kinaharap gayundin

ang mga naging hakbang upang ito ay mapagtagumpayan.

Instrumento ng Pananaliksik

Ginamit ng mga mananaliksik ang sarbey-kwestyoneyr bilang pangunahing instrumento upang

maipakita ang mga datos at impormasyon na kinakailangan sa pag-aaral ng mga mananaliksik.

Paraan ng Pangangalap ng Datos

You might also like