ANTAS-NG-PAGKATUTO-SA-MATEMATIKA (Pananaliksik)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

ANTAS NG PAGKATUTO SA MATEMATIKA PATUNGO SA PANGKABUHAYAN

NG MAG-AARAL NG MGA SOUTHWESTERN COLLEGE

OF MARITIME, BUSINESS AND TECHNOLOGY

Kwalitatibo-Kwantitatibong Pananaliksik
Iniharap kay
Jeffrey Gardoce
Southwestern College Of Maritime, Business And Technology
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Panimula

Ang antas ng pagkatuto sa Matematika tungo sa pangkabuhayan ng mga mag aaral ng SCMBT ay
tumutukoy sa kapasidad ng mga estudyanteng nag-aaral ng kursong matematika para sa pangkabuhayan.
Ang pagkatuto nito ay may posibilidad na gamitin para sa sariling kapakanan, ito ring pag aaral ng
Matematika ng mga estudyante ay may kahirapan bagkus may ibang estudyante na iba ang pananaw sa
akdang ito. Dahilan sa pag katutok na gamitin ito sa kabuhayan, ang mathematika sa kagamitan rito ay
isang simpleng pamamaraan upang mapalago at mapapanatili ang sariling mga negosyo sa kaayusan ng
pagtatansya, sa kadahilanang isa rin ito sa parte ng pagalaw sa trabaho ng bawat mamamayan. At ito ang
kapasidad ng mga bawat studyante sa pagkatuto ng Mathematika.

Tatalakayin sa pananaliksik na ito ang ilan sa mga hakbang upang mabisang matutunan ang
asignaturang matematika lalo na sa linya ng pangkabuhayan. Ngunit ang pinakatunguhin ng pananaliksik
na ito ay ang pag-alam sa pagkatuto ng mga estudyante sa matematika na kaugnay sa pangkabuhayan.

Layunin ng pananaliksik na ito na makita ang kaalamang natututunan ng mga mag aaral ng scmbt
sa matematika at ang kakayahan magamit ang mga kaalamang sa larangan ng pangkabuhayan. Dito rin ay
aalamin ang mga problema na kinakaharap nila sa pag-aaral ng matematika upang ang mga ito ay maging
gabay para matugunan ang problemang maaaring makahadlang sa lubusang pagkatuto ng mga
estudyante na may direktang epekto sa kaalamang maari nilang magamit sa pangkabuhayan.

Ang matematika ay may malaking gampanin sa buhay ng tao. Ginagamit ito sa pagbibilang lalo na
sa usaping negosyo. Ang mga ABM at STEM student ay may espesyalisasyong pumapatungkol sa
pangkabuhayang pangmatematika ito ay sa kadahilanan na ang kanilang strand ay naglalayong hubugin
sila upang maging negosyante at magkaroon ng malawak nq pag-unawa sa matematika, sa hinaharap, ito
ay may espesyal na gampanin sa kanilang mga kursong tatahakin. Kung kaya mahalagang malaman kung
natututo ba sila o hanggang saan ang nalalaman nila ukol dito upang mataya ang kanilang mga problema
at makita ang kapasidad nilang gamitin ito sa tunay namundo.
Balangkas Teoretikal

Ang matematika ay isang larangan ng karunungan na sumasaklaw sa lahat ng mga bagay, may buhay
man ito o wala. Ayon kay Roger Bacon, isang siyentistang Ingles, “Ang matematika ay pintuan at susi ng
agham.” Ito ay karunungang walang hangganan. Isang permanenteng wika na maaaring maunawaan ng
lahat. Isang mahalagang kasangkapan na ginagamit natin sa araw-araw. At ito marahil ang
kapangyarihang ipinagkaloob ng Dakilang Lumikha upang maunawaan natin ang sangkalawakan at lahat
ng bagay na naririto. Ang matematika ay hindi maaaring ihiwalay sa pangaraw-araw nating gawain at pag-
iisip, mula sa pinakapayak hanggang sa pinakamasalimuot.

Balangkas Konseptwal

Input Proseso Awtput


Layunin ng mga
Ang mga Inaasahan ng mga
mananaliksik na tayahin ang antas
palatanungan ay ibabahagi sa mananaliksik na mataya ang
ng pagkatuto sa matematika
mga mag-aaral ng nasabing antas ng pagkatuto ng mga
patungo sa pangkabuhayan ng
paaralan upang makakalap ng mag-aaral gayundin ang mga
mga mag-aaral ng Southwestern
mga impormasyon patungkol suliranin na nahumahadlang sa
College of Maritime, Business and
sa paksa para sa katuparan ng kanilang pagkatuto upang
Technology at upang
pag-aaral. matulungan ang ibang mga
maisakatuparan ito gagamit ang
mag-aaral na may parehong
mga mananaliksik ng palatanungan
suliranin.
na tumutukoy sa nasabing paksa.

Pigura 1: Ang Paradimo ng Pag-aaral


Ang mga mananaliksik ay gumamit ng input-process-output model sa paggawa ng paradym ng
batayang konseptwal ng pag-aaral. Ang input frame ay naglalaman ng paraan upang makakalap ng datos
para sa pag-aaral. Ang process frame ay tumutukoy sa mga hakbang na gagawin sa pangangalap ng
datos. Samantalang ang output frame ay sumasaklaw sa mga posibleng solusyon upang
mapagtagumpayan ang pagkatuto sa matematika patungo sa pangkabuhayan.

Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay nais tayahin ang antas ng pagkatuto sa matematika tungo sa pangkahuyan
ng mga mag-aaral ng Southwestern College of Maritime, Business and Technology. Sasagutin sa pag-
aaral na ito ang mga susing na katanungan na:
1. Gaano kataas ang natututunan ng mga estudyangte ng scmbt sa asignaturang matematika sa
kagamitan nito sa pangkabuhayan.
2. Ano ang mga suliranin na kinakaharap ng mga estudyante sa kanilang pagkatuto sa matematika tungo
sa malinaw na gamit sa pangkabuhayan.
3. Batay sa ginawang pag-aaral, anong mungkahing gawain ang maaaring mabuo upang matugunan ang
suliranin sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa matematika tungo sa malinaw na gamit sa pangkabuhayan?

Haypotesis

Ipinapalagay ng mga mananaliksik na mataas ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral kung ang
kanilang mga suliranin sa pagkatuto ay mabibigyang solusyon at kung mas magagabayan sila sa pag-
aaral.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang matematika ay may malaking papel sa buhay ng tao lalong lalo na sa katagumpayan sa
larangan ng pangkabuhayan. Kaya ang pag-aaral na ito ay magiging kapakipakinabang sa mga
sumusunod:

Sa mga guro
Upang malaman nila kung saan ba nahihirapan ang mga estudyante. Kaugnay nito ay kung paano
ba nila matutulungan ang kanilang mga estudyante upang lubusang matutunan ang matematikang
pangkabuhayan.

Sa mga estudyanteng nagnanais maging negosyante


Upang mapahalagahan nila ang matematika at mapagtagumpayan nila ang mga suliranin na
kinakaharap nila sa pag-aaral. Gayundin sa mga posibleng hakbang na kanilang isasagawa upang mas
matutunan nila ang matematika ukol sa pangkabuhayan. Ito rin ay makakatulong sa kanila upang maging
matagumpay ang itatayo nilang kabuhayan. Dito rin nila matututunan kung sila ba ay kumikita o hindi.

Sa mga susunod pang mananaliksik.


Ang pag-aaral na ito ay ma-aari nilang balikan at ito ay magbibigay sa kanila ng ideya na
may kaugnay sa kanilang pag-aaral. Maaari din itong maging gabay nila kung nais pa nilang mas
maintindihan ng malalim at mabigyan ng mas malawak at angkop na solusyon ang paksang ito.

Saklaw at Delimitasyon

Sakop ng pananaliksik na ito ang mga mag-aaral ng Southwestern College of Maritime, Business
and Technology na nag-aaral ng matematika tungo sa pangkabuhayan. Sa pag-aaral na ito, mas
binibigyang-diin ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa matematika tungo sa pangkabuhayan. Sakop din dito
ang mga hadlang sa pagkatuto ng mga mag-aaral gayundin ang mga paraan upang mauna waan nila ang
leksyon. Gamit ang mga makakalap na datos, maipapakita rito kung natututo ba ang mga mag-aaral sa
matematikang pangkabuhayan. Ang pananaliksik na ito ay umiikot lamang sa kapasidad ng pagkatuto ng
mga estudyante sa asignaturang matematika patungo sa kagamitan nito sa pagkabuhayan. Hindi nito
sakop ang kabuuang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa matematika at iba pa nitong sangay.

Kahulugan ng mga Talakay

Para sa pagpapalawak ng pag aaral, ito ang mga salita na maaaring magpaunlad sa pananaliksik
na ito:
Antas ng pagkatuto: Pag-aaral at pag alam sa mga pananaw ng studyante sa mga mag aaral na
patuloy pinapalago ang pananaw at patuloy na pinapalawak ang isipan sa mga bagay, katulad ng
matematika.

Matematika: Mga numerong magagamit at makikita kahit saan mang lugar, ito’y maaaring
gamitin sa pangkabuhayan, paggawa ng mga bahay, pagkalap ng mga datos at iba pa.
Pangkabuhayan: Mga hakbangin ng mamamayan upang maiahon ang sarali sa kabuhayan,
ganon din ang pagseserbisyo sa mga gawain para sa pamilya, sariling pagkaunlad at ekonomiya.

Estudyante ng South Western College of Maritime, Business and Technology: Paghubog sa


bawat mag aaral sa pagkakaroon ng sariling pangkabuhayan ganon din sa paggamit at pagkatuto ng
matematika.

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Kaugnay na Literatura

Kaugnay na Pag-aaral
KABANATA III

DISENYO, INSTRUMENTO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptib-analitik. Ilalarawan at


susuriin ng pag-aaral na ito ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral ng SCMBT sa matematika tungo sa
pangkabuhayan.

Respondente ng Pananaliksik

Ang mga magiging respondente ng pag-aaral ay ang mga mag-aaral na nasa ika-labing isa na
baitang na kumukuha ng kursong STEM at ABM, taong panuruang 2021-2022 sa Southwestern College of
Maritime, Business and Technology, lungsod ng Calapan, Oriental Mindoro. Sa kasalukuyan ay may
pinagsamang 11 na mag-aaral ng STEM at 3 na mag-aaral ng ABM ang kinuha upang maging
respondente sa palatanungan. Ang mga napili bilang maging respondente ng mananaliksik ay upang
malaman kung gaano nga ba kataas ang natututunan ng mga estudyante na ito sapagkat ang kanilang
kurso ay pumapatungkol sa matematika na may malaking kaugnayan sa pangkabuhayan. Ang nilalaman
ng tanong, ang antas ng natutunan nila kung saan mailalahad din nila ang mga problema na kinaharap
gayundin ang mga naging hakbang upang ito ay mapagtagumpayan.

Instrumento ng Pananaliksik

Ginamit ng mga mananaliksik ang sarbey-kwestyoneyr bilang pangunahing instrumento upang


maipakita ang mga datos at impormasyon na kinakailangan sa pag-aaral ng mga mananaliksik.
Paraan ng Pangangalap ng Datos

Unang hakbang na isinagawa ng mga mananaliksik ay ang pangangalap ng mga datos partikular
ang eksaktong bilang ng mga mag-aaral na pumapasok sa SCMBT mula sa registrar ng senior highschool
na gagamitin sa pagkuha ng sampol na magiging respondente ng pananaliksik.

Ikalawa, isinagawa ng mga mananaliksik ang pangangalap ng datos sa paghahanap ng datos mula sa
internet.

Ikatlo, pagpapasagot ng sarbey kwestyuneyr sa mga mag-aaral na napiling respondente ng


pananaliksik.

Panghuli, itinally ng mga mananaliksik ang mga datos na nakalap mula sa mga respondente,
pinag-aralan at binigyang interpretasyon ang bawat kasagutan.

#(kailangan muna maka buo at makapag question sa mga respondent, kasi kailangan ang bilang ng mga
respondent at percentage nila)
~bali 2 kaming abm which is 67% kasi di naman sigurado si konwalski na sasagot edi magiging 2 from
abam na lng para sure ball na tas sa inyo ilan kaya makakausap natin ng matino?

Kagamitang Pang-estadistika

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng Descriptive Statistical Analysis upang ipakita ang mga datos na
nakalap sa mga respondente, kung saan kakailanganing gumamit ng mga talaan para suriin at ipakita ang
mga datos. Napili ng mga mananaliksik ang Descriptive Statistical Analysis sa kadahilanang madaling
maiintindihan ang mga datos na nakalahad sa pamamagitan ng bar graph gayon din ay mapapadali ang
paglalagay ng resulta ng datos. Magiging epektibo ang pagamit ng Descriptive Statistical Analysis sa pag-
aaral na ito, dahil ang mga resulta na makakalap sa mga respondente ay tama at mali lamang, ito ay
mabilis na maiintindihan ng mga mananaliksik at ng mga magbabasa dahil sa pagiging epektibo ng
estadistikang ito.

You might also like