Sample Kontrata

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

KASUNDUAN SA PAGPAPAUPA

SA MGA KINAUUKULAN NITO,

Ang kasunduang ito ay ginawa at nilagdaan ng dalawang panig ngayong “ARAW NA ITO”, dito
sa Blk 6 Lot 2 Mahogany Village Phase 1 Pulo Cabuyao Laguna, nina G./ Gng. “MAY ARI”, may sapat
na gulang, Pilipino, at naninirahan sa Blk 13 Lot 14 Mahogany Village Phase 1 Pulo, Cabuyao, Laguna
na siyang tatawaging NAGPAPAUPA, at kina G./ Gng./ Bb. “MAY ARI”, Pilipino, 44 taong gulang, at
naninirahan sa Blk 13 Lot 13 Villa Adelina Pulo, Cabuyao, Laguna na siyang tatawagin UUPA o
UMUUPA.

PAGPAPATUNAY

Na ang NAGPAPAUPA ay siyang tunay at ganap na nagmamay-ari ng isang PAUPAHANG


BAHAY, na matatagpuan sa Blk 6 Lot 2 Mahogany Village Phase 1 Pulo, Cabuyao, Laguna

Na ang NAGPAPAUPA at ang UUPA o UMUUPA ay nagkasundo na uupahan at papaupahan


ang nasabing bahay sa ilalim ng patakaran at alituntunin na gaya ng mga sumusunod:

1. Na ang nasabing bahay ay gagamitin lamang bilang tirahan sa loob ng (6) na buwan na magsisimula
sa “ARAW NG PAGUPA” at magtatapos sa loob ng “6 NA BUWAN” at maaring paupahang muli
sa bagong kasunduan.
2. Na ang nasabing UUPA sa bahay ay hindi hihigit sa isa (1) tao lamang.
3. Na ang UUPA ay magbibigay ng 1 buwang deposito (1300 pesos) at 1 buwan na paunang kabayaran
(1300 pesos) sa upa
4. Na ang UUPA ay magbabayad ng halagang 1300 pesos bilang kabayaran o upa sa loob ng isang (1)
buwan at dapat bayaran tuwing ika- una ng bawat buwan.
5. Na ang nasabing 1 buwang deposito ay hindi ibabalik ng NAG-PAPAUPA bagkus ay dapat tapusin
ng UMUUPA at ang nasabing deposito ay magagamit lamang sa huling buwang UPAHAN.
6. Na ang buwanang singil sa KURYENTE at TUBIG ay sa sariling gastos o gugol ng UMUUPA.
7. Na kung sakaling ang UMUUPA ay hindi makakabayad ng kaukulang UPA sa loob ng 2 buwang
magkasunod, ang kasunduang ito ay mababaliwala at ang UMUUPA ay pumapayag na lisanin ang
naturang paupahan sa maayos at matahimik na paraan.
8. Na ang nasabing BAHAY PAUPAHAN ay hindi gagamitin sa anumang uri ng negosyo na labag sa
batas tulad ng sugal at iba pa.
9. Na ang UMUUPA ay hindi pauupahan sa iba ang nasabing bahay ng walang nakasulat na pahintulot o
pag-sang ayon ng NAGPAPAUPA o MAY-ARI ng nasabing BAHAY PAUPAHAN.
10. Na ang UMUUPA ay susunod at tatalima sa mga kautusan at patakaran ng pangkalinisan ng BAHAY
PAUPAHAN at dapat na panatilihing malinis at maayos ang lugar na inuupahan.
11. Na ang anumang pagkasira ng nasabing PAUPAHAN dahil sa kagagawan ng UMUUPA ay
ipapaayos o ipapagawa ng UMUUPA mula sa sariling gastos o gugol.
12. Na kung sakaling aalis o lilipat ang UMUUPA, kailangang may paunang abiso sa loob ng tatlumpung
( 30 ) araw bago isagawa ang kaukulang pag-alis o pag-lilipat.
13. Na ang UMUUPA ay hindi maaring tumanggap ng bisita sa kwarto o sa anumang lugar sa itaas ng
paupahan.
14. Na ang pagdidikit ng “poster o sticker” at pagbubutas ng pader na makasisira sa istruktura ay hindi
pinapayagan.
15. Na ang pagluluto sa loob ng kwarto at paninigarilyo sa pinauupahang lugar ay mahigpit na
ipinagbabawal.
16. Na ang UMUUPA ay maaring paalisin ng NAGPAPAUPA anumang oras pag sya ay lumabag sa mga
kasunduang nabanggit.

At sa katunayan ng lahat ng ito, ang mag-kabilang panig ay nagkasundo at lumagda ngayong ika-
_____ ng _____________, 20 ___, dito sa Blk 6 Lot 2 Mahogany Village Phase 1 Pulo, Cabuyao, Laguna

NILAGDAAN:

____________________________________________ ___________________________
MAY-ARI NG PAUPAHAN UUPA SA PAUPAHAN

You might also like