Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

FILDAL 1110

Dalumat ng/sa Filipino

MAIKLING PAGSUSULIT 2.2

Modyul 2. Aralin 2. Barangay: Bangka at Lipunan

(Masinsin at Mapanuring Pagbasa sa mga Pangunahing


Sanggunian sa Pagdadalumat/Pagteteorya sa Kontekstong
P/Filiino)

1. Talakayin ang kasalukuyang sistemang politikal ng mga barangay sa


Pilipinas.
Magsaliksik hinggil sa mga pangunahing gawain ng Sangguniang
Baranggay at Sangguniang Kabataan. Magtala ng dalawang
pangunahing tungkulin ng mga sumusunod na opisyal ng
pamahalaang barangay. (40 pts)
A. PUNONG-BARANGAY
 Magpatupad ng lahat ng batas at ordinansa sa
barangay
 Tumawag at mamuno sa mga sesyon ng
sangguniang barangay
B. BARANGAY KAGAWAD
 Magsagawa ng mga pamamaraan para siguruhin
ang paghahatid ng mga pangunahin serbisyo (basic
services)
 Tumulong sa Punong Barangay sa pagsasagawa ng
kaniyang mga tungkulin
C. SK CHAIRPERSON
 Manguna sa pagbubuo ng Comprehensive
Barangay Youth Development Plan at paghahanda
ng Annual Barangay Youth Investment Program
 Tungkulin na makipag ugnayan sa Sangguniang
Barangay at iba pang Youth Organizations para sa
pagsasagawa ng youth-related programs
D. SK KAGAWAD
 Tumutulong sa pagpaplano at pagpapatupad ng
mga programa at proyekto para sa ikauunlad ng
kabataan
 Manguna sa pagpapatupad ng kalinisan at
kaayusan ng barangay

2. Batay sa iyong pananaliksik hinggil sa kanilang pangunahing


gawain, umaayon ba ang mga ito sa ginagawa ng inyong
Sangguniang Baranggay at Sangguniang Kabataan? Pangatwiranan
ang sagot. Itala ang kasagutan sa loob lamang ng lima-sampung
pangungusap. (50pts)

Batay sa aking mga obserbasyon dito sa aming barangay,


ang mga nabanggit kong tungkulin ng mga taong bumubuo sa
Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ay umaayon at
naisasagawa naman ng mga taong nakatalaga sa mga nabanggit na
posisyon. Gaya na lamang ng pagpapatupad ng aming Punong
Barangay ng mga batas at ordinansa para mapanatili ang kalinisan,
kapayapaan at kaayusan ng aming Barangay. Gayundin ang
pangunguna ng aming Punong Barangay sa pagsasagawa ng mga
sesyon upang mapag-usapan ang mga problemang kailangan
bigyang aksyon tungo sa ikauunlad ng aming barangay.
Ang mga gawaing ito na pinangungunahan ng aming Punong
Barangay ay siya ring sinusuportahan ng mga Barangay Kagawad,
na siyang katuwang ng Punong Barangay upang masigurong
naihahatid sa bawat mamamayan ang mga pangunahing
pangangailangan ng mga ito. Pagdating naman sa aming SK
Chairperson na kailanman ay hindi pumalya sa pangunguna at
pagpapatupad ng mga programa tungo sa ikauunlad ng bawat
kabataan sa aming barangay ay akin ring naobserbahan. Katuwang
rin ng aming SK Chairperson ang mga SK Kagawad na siya ring
mga nangunguna sa pagpapatupad ng kaayusan dito sa aming
barangay.
Ilan sa mga patunay na ganap na nagagampanan ng
Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ang kanilang mga
tungkulin dito sa aming barangay ay ang pagkakaroon namin ng
malinis, payapa at ligtas na lipunan. Gayundin ang pagbibigay sa
mga mag aaral na gaya ko ng mga pangunahing pangangailangan
sa paaralan at pagkakaroon ng sariling opisina ng mga kabataan
kung saan naroon ang wifi at ilang mga kompyuter na maaring
makatulong at gamitin ng mga kabataang walang kakayahang bumili
ng kagamitan para makipagsabayan sa online class na umiiral
ngayon sa ating bansa.

You might also like