Akademikong Filipino at Katutubong Wika: Kasangkapan Sa Pagtuklas at Paglikha

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pupa, Darlene Kate S.

12-Emerald

“AKADEMIKONG FILIPINO AT KATUTUBONG WIKA:


KASANGKAPAN SA PAGTUKLAS AT PAGLIKHA”
Inaanyayahan ko kayong makinig at bigyang atensyon ang aking talumpati. Ito ay
patungkol sa ating mga wikang katutubo na ginagamit bilang isang mamamayang
Pilipino. Ang talumpating ito ay may titulo na Filipino at Katutubong wika: kasangkapan
sa pagtuklas at paglikha. Pero bago ako mag umpisa na ipahayag ang aking mga ideya
ipapakila ko muna ang aking sarili, ako nga pala si Darlene Kate S. Pupa na nagmula sa
seksyon Emerald baitang labindalawa.

Tayong mga Pilipino ay may iba't ibang paniniwala patungkol sa relihiyon, wika, at
kultura ngunit hindi ito naging hadlang upang tayo'y tumuklas at lumikha ng bagong
kalaaman. Pero may isang tanong ako sainyo, Bakit nga ba mahalaga ang wikang
katutubo? Mahalaga ito sa paraang nagmula ito sa ating mga ninuno. Katulad ng
Cebuano na nagmula sa gitnang kabisayaan at ginagamit sa ilang bahagi ng Mindanao.
ang halimbawa nito'y "Otan" na ibig sabihin ay gulay o kaya nama'y "Hudyakang adlaw
sainyong tanan!" nangangahulugang masayang umaga sainyong lahat. Ganon paman,
hindi hadlang ang samu't saring wika para tayo'y hindi magkaintidihan.

Sa kabilang dako naman, may katutubong wika na nagsisilbing bintana upang masilayan
natin kung paano magkaisa ang mga mamamayang Pilipino, ito ay wikang Filipino.
Filipino ang pangunahing wika ginagamit sa Rehiyon IV o CALABARZON, ito rin ang
pangunahing wika na ginagamit sa pagtuturo, pananaliksik, at pamamahayagan katulad
ng radyo. Ngunit, bilang isang Pilipino tayo ay mahilig pagsasamahin at pag iibahin ang
wikang Filipino at wikang Ingles kagaya ng "Sana All" na nanganganghulugan sana lahat
o kaya namay "Petmalu lodi" na binaliktad ang mga salita. Nagpapatunay ito na ang
Pilipino ay malikhain sa pagtuklas at paglikha ng mga makabagong salita.

Subalit, ang mga katutubong wika ay hindi lamang ginagamit sa pakikipag-usap, kundi
tulay rin ito sa pagkikipag-ugnayan ng bawat isa at kalauna'y umuusbong ang paraan ng
pamumuhay ng mga mamamayan sa bawat sulok ng bansa. Iba't iba man ang wikang
pinagmulan, hindi ito hadlang para isabuhay at bigyang kahalagahan na ipakita ang
pagmamahal sa wikang kinagisnan.

You might also like