Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Mga tauhan

Romeo- kasintahan ni Juliet

Juliet- kasintahan ni Romeo

Nars- Ang nars ni Juliet na nagging tagapagbantay

Rosalline- dating kasintahan ni Romeo

Paris- karibal ni Romeo sa pag-iibigan ni Juliet

Butikaryo- Nagbenta ng Lason kay Romeo

Baltazar- Tagapaglingkod ni Romeo

Padre Lawrence- Naging katuwang sa dalawang magkasintahan sa


pagmamahalan nila

Mercutio- kaibigan ni Romeo

UNANG TAGPO:

Narrator: Sa pag-iisa ni romeo ay kinakausap niya ang kaniyangsarili.

Romeo: Ganito ang pag-ibig kong walang pag-ibig na nadarama.

Pakitaan ako ng isang babaing labis na marikit,

Di ba’t ganda nito’y isa lamang pantawag ng isip

Sa lalo pang may malaking kagandahan?

Sa paglimot, di mo ako ma’aring turuan.


Narrator: (Sa pag-iisa ni Juliet. Kinakausap ang sarili.)

JULIET:    Pag-aasawa’y isang karangalang hindi ko pinapangarap.

Bata pa sa gulang kong labing-apat, banggit ni ina,

Mga dalaga dito ay nagiging ina na.

Sino si Paris? Isang lalaki raw na guwapong-guwapo?

Maiibig ko ba ang ginoo?

IKALAWANG TAGPO:

NARRATOR: Nagsimula na ang kasiyahan sa bulwagan. Naroon din si


Juliet na nakikipagsayawan. Darating si Romeo at makikita niya si Juliet
sa hanay ng mga babaeng sumasayaw.

ROMEO:  oh kay ganda ng binibini at ako’y nabighani. Ako ay may


nararamdaman ngunit hindi koi to maipaliwanag. Ang puso ko’y
mayroon na bang minamahal?

NARRATOR: Magtatagpo ang paningin nina Romeo at Juliet.

JULIET: Kanina mo pa ako tinitignan, may dumi ba ang aking muka?

ROMEO: Ikaw ay nararapat lamang titigan dahil ang aking puso’y puno
ng kasiyahan.

JULIET: ha? ano?

NARS: Senyorita, ikaw ay pinapatawag ng iyong ina.


IKATLONG TAGPO:

NARRATOR: Nilundag ni Romeo ang pader para Makita lamang si Juliet.

ROMEO:   Nilundag ko yaong pader sa pakpak ng pagmamahal;

Pagkat ang pag-ibig ay di mapipigil ni’yong batong  humahadlang.

Ginagawa ng pag-ibig ang bawat kaya niyang gawin,

Kaya’t ang mga pinsan moy hindi sagabal sa akin.

JULIET:    ‘Pag nakita nila ay papatayin ka.

ROMEO:   Tamisan mo lang ang titig, Ay ligtas na ako sa kanilang


pagkagalit.

JULIET:    Mawala na buong mundo, huwag ka na lamang makita rito. At


sino ang nagturo ng lugar na ito sayo?

ROMEO: Ang pag-ibig natin ang nagturo sa akin pa punta sa iyong puso.

JULIET: nais ko lamang ipaalam sa iyo na hindi ako madaling mahuli

ROMEO: alam ko pero sinusumpa ko sa buong mundo na malimit


lamang akong magmahal ng totoo ngunit ito ay buo

JULIET: paalam na aking mahal!

IKAAPAT NA TAGPO:

NARRATOR: Sa isnag simbahan si Romeo ay pumunta upang makahingi


ng opinyon sa kanyang pagmamahal kay Julirt ngunit hindi alam ni
Romeo na papunta rin pala si Juliet.
ROMEO:   Amen, Amen, ngunit ano man ang lungkot na darating

Ang kagalakan kong matatamo’y hindi dadaigin

Sa sandaling siya’y aking masilayan.

At ang kamatayang salot sa pag-ibig, bayaang dumating

Kasiyahan ko nang siya’y maging akin.

PADRE:   Ang marahas na ligaya’y may marahas na hanggahan.

Parang apoy at pulburang namamatay sa tagumpay,

Naghahalikan ay nauubos.  Ang pulot na matamis na lubha

Dahilan sa sarap ay nakasusuya,

At ang tamis ay nakasisira sa panlasa.

Kaya’t magtimpi ka sa pag-ibig; ganito ang mahabang pagsinta;

Ang mabilis ay kasabay ng mabagal, dumating sa pinupunta.

JULIET:    Magandang gabi po sa mabunying kumpesor ko.

PADRE:    Para sa aming dalawa, si Romeo ang pasasalamat sa iyo.

JULIET:    Gayon din ako sa kaniya; O, ang pasasalamat niya ay magiging


kalabisan.

ROMEO:   A, Juliet, kung ang kaligayahan mo kagaya ng aki’y iipunin at


ang kakayahang iyong angkin.

Ang maglalarawan doon, patamisin ng iyong hininga

PADRE:    Madali nating tatapusin na, Pagkat di kayo nararapat bayaang


nag-iisa
IKALIMANG TAGPO:

(magkayakap si Romeo at Juliet)

ROMEO: oh aking Juliet, tayo ay hindi muna magkikita at ako’y aalis


muna. Pero pangako ko sayo’y ako’y babalik.

JULIET: Oh Romeo!

IKAANIM NA TAGPO:

NARRATOR: Ang nurs ay tinawag si Juliet para pumunta sa kanyang


magulang at pag-usapan ang gaganaping kasal nila ni Paris. Ngunit ayaw
ni Juliet kaya nasampal ito ng kanyang ama at tumakbo si Juliet.

IKAPITONG TAGPO:

NARRATOR: pumunta si Juliet sa simbahan para maikumpisal niya ang


mga pangyayari

PADRE: batid ko ang iyong paghihinagpis. Sapagkat kailangan koi tong


gawin na ipakasal ka kay paris sa darating na huwebes.

JULIET: padre, gusto ko pong malaman kung dapat po ba niyo akong


tulungan na itigil ang kasalang ito

PADRE: pumayag ka sa gusto nila, ngunit bukas n gabi ay mahiga ka at


inumin mo itong garapang ito. Ikaw ay aantukin at makakatulog ng
walang tibok sa pulso. Mamamlagi kang ganyan sa loob ng apatnapu’t
dalawang oras.

JULIET: masusunod po padre, maraming salamat po


IKAWALONG TAGPO:

NARS: Binibini! Ano ba, binibini!

Juliet! Ano’t nakabihis, magara ang damit, at nahiga uli?

Kailangang gisingin ka. Binibini! Ano ba, binibini!

Juliet! Naku, naku, naku.

Tulong, tulong ang binibini ko’y patay!

IKASIYAM NA TAGPO:

NARRATOR: Romeo at Baltazar.Dumating si Baltazar mula sa Verona


dala ang masamang balita para kay Romeo.

ROMEO:   Balitang buhat sa Verona! Baltazar, anong iyong masasabi?

Wala ka bang dalang sulat na buhat sa Padre?

Kumusta ang aking ginang? Mabuti ba ang aking ama?

Ang muli kong itatanong, kumusta ba ang aking Juliet?

Walang magiging masama kung mabuti ang kalagayan niya

BALTAZAR:  Kung gayo’y mabuti, siya’y walang magiging masama.

 Ang kaniyang bangkay sa libinga’y namamayapa,

At ang kaniyang kaluluwa’y kasama ng mga anghel.

Nakita ko siyang inilibing sa tumba ni Capel.

ROMEO:   Gayon ba? Kung gayon ay humarang na ang mga bituin!


Aalis ako ngayon din! Wala bang sulat ang Padreng sa iyo’y padala?

BALTAZAR:  Wala po, mabuti kong panginoon.

BUTIKARYO:   Sinong tumatawag nang kaylakas?

ROMEO:   Nakikita kong ikaw ay mahirap.

Heto ang apatnapung ducado.

Bigyan ako agad ng isang lagok na lasong kakalat

Upang mamatay ang iinom na sa buhay ay nagsawa na.

BUTIKARYO:  Mayroon nga akong lason; ngunit parusa ng batas ng


Mantua’y kamatayan sa magbili na pangahas.

ROMEO:  Ang mundo’t ang batas ay hindi mo kaibigan;

Walang batas sa mundong sa iyo ay magpapayaman;

Huwag mamalagi sa hirap, labagin ang batas, kunin mo iyan.

BUTIKARYO:  Ilahok mo ito sa kahit na anong tunaw at saka inumin.

At kung ang lakas mo’y katimbang

Ng sa dalawampung katao, ay bigla kang mamamatay.

IKASAMPUNG TAGPO:

ROMEO:  O mahal ko! O asawa ko!

Ang kamatayang humigop ng pukyutan ng iyong hininga

Sa takot na ganito nga, ako’y titigil sa iyong piling,


Dito, dito na ako tatahan

Kasama ng mga uod na iyong utusan.

O dito ko gaganapin ang pamamahingang walang hanggan

Mga mata; katapusang yakap, mga kamay; hayo na’t tatakan

Mga labi ng makatarungang halik, sa pintuan ng hininga

Ang kasunduan namin ni kamatayang walang hanggan!

Halika na, aking tagaakay na mapait at hindi mainam

(Iinumin ang lason.)

O tapat na butikaryo! Mabisa ang lason.

Matapos ang isang halik, mamamatay ako.

NARRATOR: Pagkalipas ng itinakdang oras ay muling nagising mula sa


hiram na kamatayang sinapit ni Juliet.

JULIET:    Ano ito? Lason, nakita ko, ang sanhi ng kaniyang pagkamatay.

O, inubos niya at walang nalabi kahit kapatak man lamang upang


tumulong sa akin?

Hahagkan ko iyong labi baka sakaling may lason pang natira kahit konti

Upang ang gamot na halik ay lumagot sa buhay kong sawi.

Oh, mabuting balaraw!

Ang puso ko ang bayaan mo; tumimo ka riya’t bayaang ako’y mamatay

(Sasaksakin ni Juliet ang kaniyang sarili.)

You might also like