Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

10 TIPS

PARA SA KALUSUGAN
NG ATING MGA MATA
1
kUMAIN NG MALUSOG
AT BALANSENG
DIYETA
Dapat isama sa iyong diyeta ang
maraming prutas at gulay lalo
na ang dilaw at berdeng
madahong mga gulay o mga
pagkain na sagana sa omega-3
fatty acids. Maaari itong
makatulong upang mabawasan
ang mga panganib dulot ng dry
eyes, macular degeneration,
glaucoma at iba pa.
2
panaTILIHIN ANG
WASTONG TIMBANG
Pinapataas ng sobrang
timbang (overweight) o labis na
timbang (obesity) ang panganib
na magkaroon ng diabetes.
Ang pagkakaroon ng diabetes
ay naglalagay sa iyo sa mas
mataas na panganib ng
pagkakakaroon ng diabetic
retinopathy o glaucoma.
3
regular na
mag-ehersisyo
Ang ehersisyo ay maaaring
makatulong upang maiwasan o
kontrolin ang diabetes, mataas
na presyon ng dugo at mataas
na kolesterol.
Ang mgakaramdamang ito ay
maaaring humantong sa ilang
mga suliranin sa mata o
paningin.
Kaya kung ikaw ay mag-
eehersisyo nang regular,
maaari mong pababain ang
panganib na magkakaroon ka
ng ganitong mga problema sa
mata at paningin.
4
magsuot ng salamING
PANG-ARAW
Protektahan ang iyong mga
mata sa pamamagitan ng
paggamit ng salaming pang-
araw na humaharang sa 99
hanggang 100% ng kapwa
UV-A at UV-B na radyasyon
upang maiwasan ang
panganib ng pagkakaroon
ng katarata at age-related
macular degeneration.
5
maGSUOT NG
PROTECTIVE GOGGLES
Upang maiwasan ang mga
pinsala sa mata, kailangan
mo ng proteksyon sa mata
kapag naglalaro ng ilang
mga isport, nagtatrabaho
bilang manggagawa sa
pabrika at konstruksyon, at
gumagawa ng pagkukumpuni
o mga proyekto sa iyong
tahanan.
6
IWASAN ANG
PANINIGARILYO
Ang paninigarilyo ay
nakakapagpataas ng
tyansa na magkaroon ng
cataract o mga malalang
karamdaman na maaaring
magdulot ng tuluyang
pagkabulag .
7
alamIN ANG IYONG
FAMILY MEDICAL
HISTORY
Ang ilang mga karamdaman sa
mata ay namamana kaya
mahalagang malaman kung may
sinuman sa iyong mga kaanak
ang nagkaroon na nito. Ito ay
makatutulong sa iyo upang
matukoy kung ikaw ay nalalagay
sa mas mataas na panganib ng
pagkakaroon ng karamdaman sa
mata.
8
ALAMIN ANG IYONG
IBANG RISK FACTORS
Habang ikaw ay tumatanda, ikaw
ay nalalagay sa mas mataas na
panganib ng pagkakaroon ng mga
karamdaman at kondisyon sa
matang may kinalaman sa edad.
Mahalagang malaman mo ang
iyong mga kadahilanan sa peligro
sapagkat maaari mong pababain
ang panganib sa pamamagitan ng
pagbabago ng ilang mga pag-
uugali.
9
umINOM NG
MARAMING TUBIG
Kung hindi sapat ang
iyong pag-inom ng tubig,
maaaring hindi ka
makagawa ng sapat na
luha upang manatiling
basa at malusog ang
iyong mga mata.
10
PAGPAHINGAHIN
ANG IYONG MATA
Kung gumugugol ka ng maraming
oras sa paggamit ng computer,
maaaring makalimutang kumurap
ng iyong mga mata at pwedeng
mapagod ang mga ito. Upang
mabawasan ang eyestrain,
subukan ang 20-20-20 na
alituntunin: Tuwing 20 minuto,
tumingin sa malayo, mga 20
talampakan sa harap mo sa loob
ng 20 segundo.
pagsipi
pagsipi
Infographic: 8 Tips for healthy eyes this year. (2022, March 16).
All About Vision. https://www.allaboutvision.com/resources
/checklist-infographic.htm

Department of Health. (n.d.). [FAQs] Sight Saving Month.


http://bit.ly/SightSavingFAQs

mga larawan
mga larawan kuha
kuha sa
sa
www.freepik.com

You might also like