Kompil Takdang Aralin 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Name: Shane Marwin P.

Dela Cruz Date: August 28, 2022


Grade & Section: BEED 1-D

Ang ating wika

Ikatlo ang pilipinas sa mga bansang may pinaka maraming bilang ng tao na nagsasalita ng
Ingles. Sa katunayan, 92.85% (ayon sa aking research) ng populasyon ay nakakaintindi at
marunong magsalita ng wikang ingles. Mas marami rin ang mga pinoy na mas pinipiling gamitin
ang wikang ingles sa kanilang pang araw-araw na gawain kumpara sa Filipino. Nagbigay daan
din ang malawakang pag gamit sa lengguwahe sa “Taglish” o tagalog english, o pag hahalo ng
dalawang wika sa isang pangungusap. Parami ng parami ang mga tao na mas pinipiling
pag-aralan ang wikang Ingles kumpara sa Filipino. Isa sa mga kadahilanan nito ay ang pag-iisip
na nakataas o mas superyor ang wikang Ingles sapagkat ito ang pangunahing wika sa buong
mundo. Marami ang naniniwala na upang makasabay sa globalisasyon, kinakailangan maging
mahusay muna ang isang tao sa pagsasalita ng wikang Ingles.

Ang wika ay hindi namamatay o nawawala hanggga’t sa may tao pang bumibigkas nito. Ngunit
sa paglago ng mga salitang balbal , patuloy di ang pagkonti ng mga pormal na salita na alam ng
mga pinoy. Ang mga matatalinhagang salita ay unti unti nang nalilimot o di kaya’y ikinakahiya ng
gamitin ng mga kabataan sa katuwiranang hindi ito kaaya-aya pakinggan. Naging baduy ang
mga purong tagalog na salita at higit ng kumokonti ang mga taong tumatangkilik ng mga likhang
gawa sa Filipino mapamusika man o kasulatan. Maraming mga pilipinong salita ay nagsisimula
ng mawala at tuluyan nang napapalitan ng wikang ingles tulad ng sorbetes (icecream) o
kwaderno (notebook), o di kaya’y simpleng salita tulad ng salamat (thank you).

Nakakalungkot isipin na ang wikang dapat ay magsilbing daan para sa pagkakaintindihan at


pagkakaisa ng sambayanan ay unti-unti ng naglalaho at napapalitan. Nakakalungkot na ito ay
hindi man lang nagagamit at napapalago. Nakakalungkot pang-isipin na karamihan ng ating
mga kababayan ay nagsisimula ng malimutan o di kaya’y hindi talaga alam ang mga salitang
sariling atin. Ngunit, mas nakakalungkot isipin na may mga pilipino pa rin na hindi naiintindihan
at walang balak intindihin o pag aralan ang pambansang wika na siyang dapat ay nag uugnay
sa bawat isa. Isa lang ang aking masasabi, Ang Flipino ay isang napaka gandang wika at
kailangan natin itong buhayin, alagaan at muling pagyamanin.

You might also like