Professional Documents
Culture Documents
As3 Ss1 Lesson Plan
As3 Ss1 Lesson Plan
I. Layunin:
Sa pamamagitan ng masinsinang talakayan gamit ang mga larawan at human chart, ang
mga mag-aaral sa Unang Baitang ay inaasahang maisagawa ang mga sumusunod sa loob
ng 30 minuto na may 85% kawastuhan.
1. Nasasabi na ang mga pangangailangan ng tao ay ang pagkain, bahay, damit, at
tubig.
2. Natutukoy ang kahalagahan ng mga pangangailangan ng tao.
3. Iguhit ang iba’t-ibang pangangailangan ng tao.
4. Napapahalagahan ang mga pangangailangan ng tao.
II. Paksa:
Mga Pangangailangan Ko
Sanggunian:
Kto12 Batayan at Sanayang Aklat 1, pp 9-19
Kagamitan:
Incentive chart (may mga bituin), larawan ng iba’t ibang pangangailangan, larawan
ng mga representasyong bata, papel, crayola (kahit anong pangkulay), lapis at mga gamit
pangguhit
III.Pamamaraan:
A.Panimulang Gawain:
1. Paghahanda
(Pagbati, pagpapangkat-pangkat, presentasyon
ng incentive chart)
“Bago tayo magsimula tutukuyin muna natin (Maaaring magkakaiba ang mga sagot ng
kung ano itong nakapaskil sa pisara. Ano nga mga mag-aaral)
ba ito?”
2. Balik-aral
“Batay sa inyong napag-aralan noong
nakaraang aralin, nakilala niyo na ang iyong
mga sarili, kilala na ba ang mga sarili at alam
na ba ang kaibahan sa inyong mga pisikal na Opo
anyo?
3. Pagganyak
“Magaling! Ngayon, pupunta na tayo sa ibang
aralin, bakit kaya mayroon kayong mga bagay
na binase ko sa ang ating pagpapangkat?” (Maaaring magkakaiba ang mga sagot ng
“Ano nga ba ang tawag sa mga damit, pagkain mga mag-aaral)
at mga bagay na mayroon kayo?”
“Mahalaga ba ito sa ating buhay?”
B. Panlinang na Gawain:
4. Paglalahad
“Tukuyin natin ang sagot diyan sa mga tanong
natin sa kwento ni Jay.”
5. Gawain
a. BAHAY o TIRAHAN
b. PAGKAIN at TUBIG
c. KASUOTAN
(Palakpakan)
5. Pagtatalakay
“Tama, mayroon kayong tirahan, kasuotan at Dahil kailangan natin ang mga ito.
pagkain ngunit, bakit at ano ang tawag sa mga
bagay na ito?” (Maaaring magkakaiba ang sagot ng mga
mag-aaral)
“Magaling! Dahil kailangan natin ang mga
ito, at ang tawag sa mga bagay na ito ay mga
PANGUNAHING PANGANGAILANGAN
na dapat mayroon ang isang tao, bata man na
katulad niyo o matatanda na katulad namin.”
Bakit naman natin kailangan ng kasuotan?” (Maaaring magkakaiba ang sagot ng mga
mag-aaral)
“Tama! Ang kasuotan natin ay pumoprotekta
sa ating katawan, may iba’t ibang gamit ang
ating kasuotan batay sa ating ginagawa at
batay sa panahon, ginagamit natin ang
pantulog kapag natutulog, ang pambahay
kapag nasa bahay, uniporme kapag pupuntang
paaralan o kapag nag-oonline class at
panglakad na naaayon sa ating mga lakad
gaya ng pagsisimba at paglalaro. Ginagamit
din natin ang mga makakapal kapag malamig,
at maninipis kapag mainit. Dahil si Jay ay
pinagpawisan, anong klaseng damit ang
pinasuot natin, manipis o makapal? Manipis
“Bakit naman natin kailangan ang pagkain at (Maaaring magkakaiba ang sagot ng mga
tubig?” mag-aaral)
6. Paglalahat
“Bakit naman natin kailangan ang pagkain at Dahil ang pagkain at tubig ay nagbibigay sa
tubig?” atin ng lakas at sustansiya araw-araw, upang
panatilihing malusog at malakas ang ating
mga katawan
7. Paglalapat
“Ito si Tricia, base sa larawan ano sa tingin (Maaaring magkakaiba ang sagot ng mga
niyo ang kanyang pangangailangan?” mag-aaral)
C. Pangwakas na Gawain
IV. Pagtataya
Tukuyin kung anong pangangailangan ang tinutukoy sa pahayag at itugma ang Hanay A sa
Hanay B.
HANAY A
1.Ito ay ang nagsisilbing proteksyon laban sa lamig at init, A.
na ating masisilungan, matutuluyan at matutulugan.
V. Takdang-aralin
Gumuhit ng isang tahanan sa isang malinis na long bondpaper, pagkatapos ay maghanap ng mga
guhit sa dyaryo o magasin ng mga larawan na sa tingin niyo ay maaaring iba pang pangangailangan
ng isang tao at maglagay ng kaunting deskripsyon sa ibabang bahagi ng papel.