Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Si 

José Paciano Laurel y García (9 Marso 1891 – 6 Nobyembre 1959) ay ang


ikatlong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (14 Oktubre 1943 – 17 Agosto 1945) sa ilalim ng
mga Hapon mula 1943 hanggang 1945.
Isinilang si Laurel sa Tanauan, Batangas noong 9 Marso 1891 anak nina Sotera Laurel at Jacob
Garcia. Nagtapos siya ng abogasya sa U.P. noong 1915.
Pagkatapos ay, Hinirang na Kalihim Panloob ni Gob. Hen. Wood noong 1923 at naging
Associate Justice noong 1935. Nanungkulan siya bilang Pangulo ng Kataas-taasang
Hukuman nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at itinalaga siyang Kalihim ng
Katarungan ni Quezon bago lumisan. Pinili si Laurel ng mga Hapon upang magsilbing pangulo
ng Ikalawang Republika ng Pilipinas. Pinangalagaan niya ang kapakanan ng bansa sa gitna ng
mga kalupitan ng mga Hapon. Ibinilanggo siya bilang "collaborator" pagkaraan ng digmaan
ngunit pinalaya ni Pangulong Roxas noong 1948. Noong 6 Nobyembre 1959, namatay si Laurel
sa grabeng atake sa puso at istroke.

Talambuhay[baguhin | baguhin ang source]


Maagang buhay[baguhin | baguhin ang source]
Si José Paciano Laurel y García ay ipinanganak noong 9 Marso 1891 sa bayan
ng Tanauan, Batangas. Ang kanyang ama ay sina Sotero Laurel, Sr. na isang opisyal ng
pamahalaang rebolusyonaryo ni Emilio Aguinaldo at lumagda sa Saligang Batas ng
Malolos noong 1898. Ang kanyang ina ay si Jacoba García. Habang isang tinedyer, si Jose
Laurel ay kinasuhan ng pagtatangkang pagpatay ng katunggaling manliligaw ng kanyang
kasintahan gamit ang isang kutsilyo. Habang nag-aaral, nangatwiran siya para sa kanyang sarili
at napawalang sala. Nagtapos siya ng batas sa Unibersidad ng Pilipinas Kolehiyo ng Batas
noong 1915 kung saan siya nag-aral sa ilalim ni Dekano George A. Malcolm na kanyang
hinalinhan sa Korte Suprema ng Pilipinas. Nakamit niya ang Master of Laws degree mula sa
Unibersidad ng Santo Tomas noong 1919 at pagkatapos ay pumasok sa Yale Law School kung
saan siya nagtapos ng Doktorado ng Batas.
Noong 1911 ay pinakasalan niya si Pacencia Hidalgo at nagkaroon sila ng 9 na anak.

Serbisyong publiko[baguhin | baguhin ang source]


Habang isang estudyante, si Laurel ay pumasok na isang mensahero ng Bureau of Forestry
bilang isang clerk sa Komite ng Kodigo na inatasang magkodigo ng mga batas ng Pilipinas. Sa
kanyang pagbalik mula sa Yale, siya ay hinirang na Pangalang Kalihim ng Kagawarang Panloob
at pagkatapos ay itinaas bilang Kalihim ng Kagawaran ng Panloob noong 1922. Sa posisyong,
palagi nakikipag-alitan sa Gobernador Heneral ng Estados Unidos na si Leonard Wood sa
Pilipinas. Noong 1923, si Laurel ay nagbitiw kasama ng ilang mga kasapi ng gabinete ng
pamahalaan ni Wood.

Senado[baguhin | baguhin ang source]


Si Jose P. Laurel ay nahalal na kasapi ng Senado ng Pilipinas noong 1925. Siya ay nagsilbi ng
isang termino bago matalo sa muling pagtakbo sa halalan noong 1931 kay Claro M. Recto. Siya
ay bumalik sa pagsasanay na pampribado ng batas ngunit noong 1934 ay muling nahalalal sa
opisinang pampubliko bilang delegado ng Kombensiyang Konstitusyonal ng 1935. Kanyang
inisponsoran ang mga probisyon ng Panukalang Batas ng mga Karapatan. Pagkatapos ng
pagpapatibay ng Saligan Batas ng Pilipinas ng 1935 at pagkakatatag ng Komonwelt ng Pilipinas,
si Laurel ay nahirang na kasamang mahistrado ng Korte Suprema ng Pilipinas noong 29 Pebrero
1936.

Bilang Pangulo[baguhin | baguhin ang source]


Nang sakupin ng Hapon ang Pilipinas, si Pangulong Manuel L. Quezon ay tumakas sa Bataan at
pagkatapos ay sa Estados Unidos upang itatag ang isang pamahalaan sa pagkakatapon. Si
Laurel ay may malapit na kaugnayan sa mga opisyal na Hapones. Ang kanyang anak ay pinag-
aral sa Imperial Military Academy in Tokyo at si Laurel ay tumanggap ng isang honoraryong
doktorado mula sa Unibersidad ng Tokyo. Si Laurel ang isa sa mga opisyal ng Commonwealth
ng Pilipinas na inutusan ng Hukbong Imperyal na Hapones na bumuo ng isang probisyonal na
pamahalaan nang sakupin ng Hapon ang Pilipinas. Si Laurel ay nakipagtulungan sa mga
Hapones at dahil sa kanyang pagiging kilalang bumabatikos sa pamamahala ng Estados Unidos
sa Pilipinas, si Laurel ay nagsilbi sa ilang mga matataas na posisyon sa pamahalaang Hapones
sa Pilipinas noong 1942-1943. Noong 1943, siya ay binaril ng mga gerilyang Pilipino habang
naglalaro ng golf sa Wack Wack Golf at Country Club ngunit siya ay gumaling. Nang taong iyon,
siya ay pinili ng Pambansang ilalim ng impluwensiya ng Hapon na magsilbi bilang Pangulo ng
Pilipinas.
Dahil sa kaugnayan ng pamahalaan ni Laurel sa Hapon, ang malaking bahagi ng populasyong
Pilipino ay aktibong sumalungat sa kanyang pagkapangulo na sumuporta naman sa ipinatapong
pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon sa Estados Unidos.
Noong 21 Setyembre 1944, idineklara ni Laurel ang Martial Law na nagdedeklara ng pag-iral ng
digmaan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos at Nagkakaisang Kaharian. Ito ay nagkaroon
ng epekto noong Setyembre 23,1944 ng alas diyes ng umaga.

Pagbuwag ng Rehime ni Laurel[baguhin | baguhin ang source]


Noong 26 Hulyo 1945 ang Potsdam Declaration ay nagbigay ng isang ultimatum
sa Hapon upang sumuko o maharap sa isang buong pagkalipol. Tumangging tanggapin ng
Hapon ang alok. Noong Agosto 6,1945, ang isang bombang atomiko ay ibinagsak ng Estados
Unidos sa Hiroshima kung saan napahamak ang mga mamamayan nito. Pagkatapos ng 2 araw,
ang Unyong Sobyet ay nagdeklara ng digmaan laban sa Hapon. Nang sumunod na araw, ang
ikalawang bombang atomiko ay ibinagsak sa Nagasaki. Ang Hapon ay walang kondisyong
sumuko sa Kapangyarihang Alyado noong Agosto 15,1946. Mula Abril 1945, si Pangulong
Laurel kasama ng kanyang pamilya at kasapi ng Gabineteng si Camilo Osías, Speaker Benigno
Aquino, Sr., Gen. Tomas Capinpin, at embahador Jorge B. Vargas ay lumikas sa Hapon. Noong
Agosto 17,1944 mula sa kanyang tirahan sa Nara, Hapon ay inilabas ni Laurel ang isang
Ehekutibong Proklamasyong na nagdedeklara ng pagkabuwag ng kanyang rehime.

Pagkatapos ng Pagkapangulo[baguhin | baguhin ang source]


Nang sumuko ang mga pwersang Hapones noong Agosto 15,1945, inutos ni Gen. Douglas
MacArthur na dakipin si Laurel para sa pakikipagtulungan nito sa mga Hapones. Noong 1946, si
Laurel ay sinampahan ng 132 bilang ng kasong pagtataksil. Gayunpaman, siya ay hindi
kailanman nilitis dahil sa amnestiyang ipinagkaloob ni Pangulong Manuel Roxas noong 1948. Si
Laurel ay tumakbo sa 1949 halalan ng pagkaPangulo laban kay Elpidio Quirino ngunit natalo.
Si Laurel ay namatay noong 6 Nobyembre 1959, sa Lourdes Hospital sa Maynila mula sa atake
sa puso at stroke. Siya ay inilibing sa Tanuan.

You might also like